BANGHAY ARALIN Filipino 8 Unang Markahan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 56

BANGHAY ARALIN

FILIPINO 8
ARALIN 1.1.1: KARUNUNGANG-BAYAN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa


sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
panturismo.
I. LAYUNIN:
 (F8PN-Ia-c-20). Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa karunungang-
bayang napakinggan.
 (F8PT-Ia-c-19). Nabibigyang-kahulugan ang talinghagang ginamit.
 (F8PB-Ia-c-22). Naiuugnay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang- bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.
S - Nakabibigay ng mga halimbawa ng Karunungang-Bayan.

II. PAKSANG ARALIN:


A. PAKSA: KARUNUNGANG–BAYAN
B. SANGGUNIAN: Pinagyamang-Pluma 8, Pahina7-18
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Aklat, cartolina strips, manila paper
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Di makakarating sa paroroonan.

Mga tanong:
 Naniniwala ka ba sa isinaad ng pahayag na naipaskil? Bakit?
 Anong mga mahahalagang ideya ang nais na iparating ng pahayag?

PANGKATANG GAWAIN: AYUSIN AT SAGUTIN MO AKO!


Ayusin ang mga salita na nasa loob ng kahon, basahin ang nabuong
pahayag. Pumili ng tagapag-ulat sa bawat pangkat.

1. Anak paluhain na di Anak na di


Ina patatangisin ang paluhain
Ina ang
2.
Nasa awa Diyos ang, Nasa Diyos
Tao nasa ang gawa ang awa,
Nasa tao

3. Uukol kung hindi Kung hindi uukol


Hindi bubukol Hindi bubukol

Ubos biyaya ubos Ubos—ubos biyaya


4. Nakatunganga bukas Bukas nakatunganga

Kalingkingan ang sakit ng Ang sakit ng kalingkingan


Buong katawan damdam ng Damdam ng buong
katawan
damdam ng buon
5.
Mula sa pahayag na nabuo, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang tawag natin sa mga nabuong pahayag na nasa Gawain 1?
2. Pumili ng isang pahayag mula sa Gawain 1 na maihahalintulad o
maikokonekta sa buhay mo sa kasalukuyan.
3. Ano-ano ang mga kahulugan ng mga nabuong pahayag sa bawat kahon?

B. PAGLALAHAD

MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL

Sinasabing may mayaman nang panitikan ang ating mga ninuno bago pa man
dumating ang mga Espanyol na sumasalamin sa nakagisnan, kalinangan, at kultura
ng lahing Pilipino. Napapabilang dito ang karunungang-bayan (salawikain,
sawikain/kawikaan, bugtong, palaisipan).

KARUNUNGANG –BAYAN---ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo


ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan at bulong.
Karaniwang nagmula sa mga tagalog at hinango sa mahahalagang tula.

a. Salawikain-nakaugaliang sabihin at sundin bilang tuntunin ng


kagandahang-asal ng ating mga ninuno na may layuning mangaral at
akayin ang kabataan patungo sa kabutihang-asal.

Hal. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan


Di makakarating sa paroroonan.

b. Sawikain o Idyoma- salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga.


Hindi tiyak ang kahulugang ibinigay nito dahil may natatago pa itong
kahulugan patungkol sa iba’t ibang bagay.

Hal. Bagong-tao- binata


Ang bagong-tao na anak ni Aling Maria ay nanliligaw sa
dalagang anak ni Mang Kardo.

c. Kasabihan- tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda na


katumbas na Mother Goose Rhymes sa Ingles. Ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa kilos ng isang tao.

Hal.
Putak,putak Tiririt ng ibon,
Batang duwag Tiririt ng maya,
Matapang ka’t Kaya lingon nang lingon
Nasa Pugad Hanap ay asawa

d. Bugtong- Ito’y pahulaan o patuturan ng isang pangungusap o tanong na


may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Hal.
Isang prinsesa nakaupo sa tasa. Sagot: Kasoy

Pluma 8(Dayag, Baisa-Julian, Del Rosario, Lontoc)pahina 17-18

D. TALAKAYAN
1. Pagtatalakay ng iba’t ibang Karunungang-Bayan at pagpapabigay ng mga halimbawa
sa
mga mag-aaral sa bawat uri.

C. PAGSASANAY
Panuto: Hulaan ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa mga
Karunungang-bayan na ipa-flash ng guro.

Tulak ng Amoy- Pag maikli


bibig, tsiko ang
Kabig ng kumot,

Isang butil ng palay, Walang sala ay ginapos,


Sakop buong bahay. Tinapakan pagkatapos.

D. PAGLALAHAT:
Paano mo maiuugnay ang mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na
buhay sa kasalukuyan?

E. PAGLALAPAT:
Panuto: Hulaan ang kahulugan ng karunungang-bayan sa ibaba at iugnay ang kaisipang
napapaloob dito sa pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Ang taong nagigipit,


Sa patalim kumakapit.

IV. PAGTATAYA:
Panuto A: Hulaan ang sagot sa mga karunungang-bayang babasahin ng
guro.
Titik lang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
A. Maging maingat sa paglakad upang maiwasan ang pagkatisod.
B. Maging maingat sa lahat na desisyon upang walang may mapagsisihan.
C. Hanapin ang daan ng kaligtasan upang maging masaya ang buhay.
D. Huwag mawalan ng pananampalatayang may tamang daan sa lahat ng bagay.

Panuto B:Ibigay ang kahulugan ng mga talinghagang nasalungguhitan na


ginamit sa pangungusap.
2. Ang magkaibigan ay parang kambal-tuko kapag nasa paaralan. Ano ang ibig sabihin
ng nasasalungguhitan?
A. mga hayop B. di mapaghihiwalay C. magkagalit D.magkaklase
3. Nagtataingang-kawali lamang ang mga politiko sa hinaing ng mamamayan.
A. nagmamalinis B. natutulog C. nagbibingi-bingihan D. nagsisinungaling
Panuto C: Iugnay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.
4. Putak, putak batang duwag, Matapang ka’t nasa pugad. Kung ihahambing natin sa
tunay na buhay ang kasabihan, alin sa ibaba ang pinakaangkop na sitwasyon?
A. Ang bata ay naabutan ng masamang panahon sa kaya kaya hinanap niya ang
kanyang mga magulang.

B. Si Jose ay madaldal lamang ngunit wala namang may napatunayan.


C. Naging matapang lamang si Juan dahil alam niyang anuman ang mangyayari ay
may tutulong sa kanya dahil malapit lang sila sa kanilang bahay.
D. Hinahanap ni Ana ang pag-alaga ng kanyang inang nagtrabaho sa ibang lugar.

V. TAKDANG-ARALIN:
Panoorin ang bahagi ng Wansapanataym “Candy’s Crush” sa
https://www.youtube/watch?v=_f4kAnctEps
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.1.2: Karunungang-Bayan

I. LAYUNIN:
 (F8PD-Ia-c-19). Nakikilala ang bugtong, salawikain, kasabihan na ginamit sa
napanood na pelikula o programang pantelibisyon.
 (F8PU-Ia-c-20). Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at
kaisipang nakapaloob sa akda batay sa :
- Pagiging totoo o hindi totoo
- May batayan o kathang isip lamang
A- Nakapagmamalas ng paggalang sa opinyon o ideya ng kapwa mag-aaral.

II. PAKSANG ARALIN:


A. PAKSA: KARUNUNGANG-BAYAN (Wansapanatym) Candy’s Crush
B. SANGGUNIAN: https://www.youtube/watch?v=_f4kAnctEps
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Laptop, speaker, desktop

III. PAMAMARAAN:
A. Balik-aral
1. Ano-ano ang mga iba’t ibang uri ng Karunungang-Bayan?
B. PAGGANYAK
Mga tanong:
 Naranasan mo na bang magka-crush?
 Ano ang iyong nararamdaman kapag nakikita mo ang iyong crush?
 Ano-anong mga bagay ang gagawin mo para mapansin ka ng crush
mo?
Pagpapakita ng larawan:

Mga tanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang nakikita na nakapaskil sa
pisara?
2. Alin sa mga larawan ang mas gusto ninyong tingnan?
3. Ano ang inyong mararamdaman kapag nilapitan kayo?

B. PAGLALAHAD
Panuto: Magtala ng mga karunungang-bayan na maririnig o mapupuna sa
pinanood na programa.
https://www.youtube/watch?v=f4kAnctEps

C. PAGTATALAKAY:
1. Pangkatang Gawain:
Unang Pangkat:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa napanood na programa?
2. Ano-ano ang kanilang mga katangian?

Ikalawang Pangkat:
1. Aling pangyayari sa programang napanood ang nagustuhan niyo? Totoo ba o hindi
ang mga pangyayaring ito? Patunayan

Ikatlong Pangkat:
1. Anong kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa programang napanood?

Ikaapat na Pangkat:
1. Sino sa mga tauhan ang gusto mong tularan at ayaw mong tularan at bakit?

Ikalimang Pangkat:
1. Magbigay ng mga Karunungang-Bayan na inyong narinig mula sa napanood.

2. Pagbabahagi ng bawat pangkat

D. PAGLALAHAT
Paano natin makikilala ang mga bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan?

E. PAGLALAPAT
Paano natin makikilala ang mga pangyayaring makatotohanan at hindi makatotohanan?

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Kilalanin kung BUGTONG, SALAWIKAIN, SAWIKAIN O KASABIHAN ang
karunungang- bayan ang nakatala sa ibaba na may kaugnayan sa napanood.
1. Ang tunay na halik ay nakapagpapasaya ng dibdib.
2. Mamula-mula, mamilog-bilog, tumutubo sa mukha pati na sa likod.
3. buo ang loob
4. Langit ay aking naabot nang nalaman kong tunay ang ‘yong pag-irog.

V. TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Basahin ang talumpating “Kabataan NOON at NGAYON” at ilarawan
ang kanilang kaibahan.
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.1.3 Dalawang Uri ng Paghahambing (Eupemistikong Payahag)

I. LAYUNIN:
 (F8WG-Ia-c-17). Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa
bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag)
K- Nakikilala ang mga pahayag Eupemistiko.
A- Nabibigyang-halaga ang Panitikan ng mga ninuno sa pamamagitan ng
paggamit nito sa kasalukuyan.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA: PAGHAHAMBING (Eupemistikong Pahayag)
B. SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 8, pahina 21
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Batayang Aklat, cartolina strips, mga
larawan

III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK:
1. Mga tanong:
o Sino sa inyo ang madalas na naikukumpara?
o Positibo ba o negatibo ang klase ng pagkukumpara?
o Ano ang iyong naramdaman nang ikaw ay maikumpara?

B. PAGLALAHAD

Ang PAGHAHAMBING ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay


nakakatulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing.
Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang hambingan
ng pang-uri. Ito ay ang paglalarawan ng tao, bagay, lugar, pook, o
pangyayari na nakatuon sa dalawa o higit pa.
Dalawang Uri ng Paghahambing:
1. Pahambing na Magkatulad- naglalahad sa magkatulad o patas na
katangian ng dalawang bagay na pinaghambing
Panlaping ginagamit:
Gaya ng, magka-, sing-, sim, sin, magsing-, magsim-, magsin-, ga-,
pareho, kapwa, tulad ng
2. Pahambing na Di-magkatulad
a. Palamang- Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghambingan. Ginagamit ang higit, lalo, mas, di-hamak.
Hal. Ang buhay noon ay mas simple kumpara sa komplikadong buhay
ngayon.
b. Pasahol- Kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.
Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-masyado.

Hal. Di-gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang mga kabataan


ngayon kung ihahambing sa mga kabataan noon.
C. TALAKAYAN
1. Pagtatalakay sa iba’t ibang uri ng paghahambing at pagbibigay ng halimbawa sa
bawat uri.
2. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Paggamit ng mga pang-uring nasa uring magkatulad sa isang dula-dulaan.
Ikalawang Pangkat
Paggamit ng mga pang-uring nasa uring di-magkatulad sa pagbuo ng isang
Tula na may dalawang saknong.
Ikatlong Pangkat
Gumuhit ng dalawang imahe at ilarawan ang pagkakaiba at pagkakatulad nito.
Ikaapat na Pangkat
Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga Eupemistikong pahayag. Ilahad ito
sa masining na paraan.
3. Pagtatalakay/Paglalahad ng bawat pangkat

D. PAGSASANAY
1. Basahin ang akda at gumawa ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan mula sa binasa at gamitan ito ng paghahambing.

Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang


pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing
ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga
kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa
kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong
masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa
batas ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na
maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsanay napagkakamalang
pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa
maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang
tunguhin. Marami rin ang magkasimbait at magkasinsipag sa mga kabataan noon at
ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila
makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin sa buhay.
Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung
Lider na mga Kabataan” na pinipili taon-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahusay
na kabataan noon at ngayon.

Kabataan: Isang Pagtatanong C.C Marquez, Jr.


Ako, Ikaw…kayo…sila…tayong mga kabataan,
https://www.scribd.com/doc/65010921/Ang -Kabataan-Noon-at-Ngayon

E. PAGLALAHAT:
Ano-ano ang dalawang uri ng paghahambing? Kailan natin maaaring gamitin ang
bawat uri nito?
IV. PAGTATAYA:
Panuto: Piliin ang angkop na hudyat na nagpapahayag ng paghahambing upang
mabuo
ang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

A.parang B. higit C. mas D. lalong E. mahigit F. di-gaano

1. Bumili ako ng alipin, ___ mataas pa sa akin.


2. Ang mabuting halimbawa ay ___ na mabisa kaysa pahayag na dakila.
3. Ang taong walang pilak, ___ ibong walang pakpak.
4. Ang di magmahal sa sariling wika ay ___ sa hayop at malansang isda.
5. Kung kailan mo pinatay ___ humaba ang buhay.

IV. TAKDANG-ARALIN:
Magdala ng mga maliliit na mga bond paper strips o mga strips ng
construction paper.
Magdala ng mga pandikit, pangkulay, mga gunting at mga magasin.
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.1.4 Karunungang-Bayan(Mini-brochure)

I. LAYUNIN:
 F8PS-Ia-c-20. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan.
K- Naiisa-isa ang mga impormasyong mapapaloob sa mini-brochure na gagawin.
A-Nakasusunod sa mga pamantayan sa pagbuo ng mini-brochure

II. PAKSANG ARALIN:


A. PAKSA: KARUNUNGANG BAYAN (Mini-Brochure)
B. SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 8, pahina 24.
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Batayang aklat, construction paper strips,
mga magazines, pangkulay, pandikit atbp.

III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Mga tanong:
o Nakakita o nakagawa na ba kayo ng isang brochure?
o Ano-ano ang mga makikita sa isang brochure?
o Ano kaya ang importansiya ng isang brochure?

2. Pagpapabuo sa mga pira-pirasong larawan ng isang brochure o


pagpapakita ng isang brochure.

http://www.slideshare.net/eves121/halina-po-sa-amin-travel-brochure-project-2012-2013

Mga tanong:
1. Ano-ano ang inyong mga nakikita sa brochure?
2. Anong impormasyon ang nais na ihatid ng brochure na ito?
3. Nakahihikayat ba ang brochure na ito?

B. PAGLALAHAD
1.Makiisa sa inyong lokal na pamunuan sa pagkampanya sa mga turistang
bibisita sa inyong lugar. Mag-organisa ng school drive na ang tukoy ay
kagandahan at pagiging interesante ng isang lugar. Isulat sa isang
pirasong
papel at ibigay sa guro at hintayin ang pangkatang bubuuin ng guro.

2.Ang grupo ay pipili ng kategorya na itatampok sa kanilang brochure.


Maaaring pagpipilian ang sumusunod: Natural site, Building site, Cultural
Site, o Slice of Life.

Kategorya Deskripsyon
Natural Site Lokal na tanwin na katangi-tangi at interesante sa inyong
komunidad.
Building site Lokal ng human-made structure tulad ng bahay, simbahan,
gusali, plasa o tulay na may katangi-tanging kasaysayan o
kuwento.
Cultural Site Lokal na tao, musika, sining, fashion at isports, mahalagang
pagdiriwang na naglalarawan sa uri ng pamumuhay ng isang
komunidad.
Slice of Life Pang-araw-araw na gawaing sosyal/isyu/kaugalian/pagkain at
iba pang tampok na tanawin na ikinatatangi (uniqueness) nito.
1. Mga 3. M3. Mga datos na dapat ilalagay sa travel brochure ay
maglalaman ng mga
mabisang larawan tungkol sa paksa at ilang mahahalagang
impormasyon gaya ng:
a. Ano-ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyan?
b. Mabuting araw na ito ay makita o mabisita
c. Halagang dapat ihanda upang ito ay makita o mabisita
d. Ano-ano ang dapat iwasan kung sakaling may nakaambang
panganib sa lugar?
e. Pangalan at numero ng mga taong maaaring kontakin.
f. Mga larawan
4. Ang mga mag-aaral ay may kaukulang tungkulin na gagampanan sa
pagbuo ng gawain.

Kasapi Tungkulin
Mananaliksik (2) Ang mananaliksik ang may katungkulang mangalap ng mga
impormasyon sa lugar na nais ipagmalaki. Napakahalaga ng
kanyang katungkulan sapagkat ang mga impormasyon
nakalap ay malaking bahagi sa bubuuing proyekto.
Manunulat (2) Ang manunulat ang magbubuod sa mga impormasyong
nalikom ng mananaliksik upang ang mga nilalaman sa
proyekto ay magkakaroon ng kaisahan at magiging
organisado. Siya rin ang bahala sa iba pang sulat
pangkomunikasyon na kakailangan ng pangkat.
Tagakuha ng Ang magaling sa paggamit ng kamera. Siya ang taga kuha
Larawan (2) ng la.rawan na ilalagay sa travel brochure na gagawin. Siya
din ang taga dokumentaryo ng pangkat
IT Siya ang gagawa sa brochure at magaling sa kompyuter at
Expert/Debuhist paggamit ng kagamitan ng publisher siya ang maglalagay
a (3) ng kaukulang diskrisyon, desenyo at larawan sa pamplet.
Tourist Siya ang tagapangasiwa sa pagbabahagi ng outputs.Paano
Ambassador (1) ibabahagi, ilang kopya, sino-sino ang mga dapat bahaginan
at paano ang gagawing presentasyon ng outputs.
C. TALAKAYAN
1. Pagpapaliwag ng mga Kraytirya sa pagbuo ng Mini-Brochure
KRAYTERYA:
Konsepto o nilalaman- 20
Pagkamalikhain- 15
Kalinisan- 15
50

D. PAGLALAHAT:
Sa Paggawa ng isang brochure dapat magtaglay ng tinatawag na creativity
upang mas makilala at mas tangkilikin ng sinumang makakabasa o
makakakita nito hinggil sa ipinagmalaki mong lugar, bagay at iba pa.

IV. PAGTATAYA:
Paglalahad sa mga tapos na output sa klase at iwawasto at bibiyan ng marka
base sa kraytirya.

V. TAKDANG- ARALIN:
 Magtanong sa mga matatanda sa lugar kung saan nagmula ang pangalan
ng lugar na inyong tinitirhan.
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.2.1: ALAMAT (Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto)

I. LAYUNIN:
 (F8PN-Id-f-21). Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan ng mga puntong binibigyan-diin sa
napakinggan.
 (F8PT-Id-f-20). Naibibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag sa
alamat.
S- Nakagagamit ng matatalinghagang pahayag sa sariling pangungusap.
A- Nakakapagpapasiya nang tumpak hinggil sa pagiging makatotohanan o di
makatotohanang ng mga pangyayaring napakinggan.

II. PAKSANG ARALIN:


A. PAKSA: ALAMAT (Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto)
B. SANGGUNIAN: Panitikang Pilipino:Filipino Modyul para sa Mag-aaral sa
pahina 2-4, Modyul sa Filipino 8 pahina 42-52
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Batayang Aklat, Laptop, LCD Projector

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. PAGGANYAK

a. Sino sa inyo ang gustong magkaroon ng ginto?


b. Ano-ano kaya ang inyong gagawin upang makakuha kayo ng ginto?

B. PAGLALAHAD
1. PAG-ALIS NG SAGABAL
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig.
a. Ipinagdiriwang ng mga taga-Suyok ang cañao dahil naniniwala silang
ang
ibong nagpakita kay Kunto ay sugo ng bathala.
Kahulugan: ___________________________________________
b. Labis ang paggalang at pagsamba ng mga Igorot sa mga anito kung
kaya’t hindi nila ito nakaliligtaang pag-alayan ng dasal taon-taon.
Kahulugan:____________________________________________
c. Nakipagpulong si Kunto sa mga matatandang pantas bago tuluyang
isinagawa ang kanilang pagdiriwang.
Kahulugan:____________________________________________
2. Pagbabasa ng Akda

Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto


Isang Alamat mula sa Lungsod ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga


Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya
angpinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya’t siya ang
ginawang puno ng matatandang pantas. 
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin
sila sa kapwa at  may takot sila sa kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos
sila ng cañao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon,
ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. 
Kung nagdaraos sila ng cañao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay
sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan
sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya
lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang
landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap
ngunit ang ibong ito ay kakaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa
gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla
siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago
lumipad. Matagal na natigilan si Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang,
sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
kaniyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siya’y bumalik sa
nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Sabi ng isang matanda,“Marahil
ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin nadapat tayong
magdaos ng cañao.”
“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat  ang cañao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay
kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang
mga babae naman  ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy.
Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang
galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. 
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan.
Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng
isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan
at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan.
Nanlaki angmga mata  sa kanilang nakita. Natakot sila. 
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: “Mga
anak,magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may
loobsa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.”
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking
tabi.Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloyninyo
ang inyong cañao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sapook na ito.
Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay
hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at
sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong
gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nilaang
kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook napinag-iwanan
sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ngmatanda, nakita nila
ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw—lantay na
ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-
unahanglumapit sa punongkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa
dahon ay
nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo  ang tuwa sa mga tao.Bawat isa
ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati nilang
matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.Ang
punongkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulonito’y
hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas na at hindi na natin
maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin
na natin ang mga sanga  at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng
mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang  puno at binungkal ang lupa upang
lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal  ang punongkahoy  ay
kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob
ang lupa at langit.
Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar
nakinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan
ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto, upang maging mariwasa
ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman ang
naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking
ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay
inyongnanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno
ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang
ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

C. TALAKAYAN
1. Isulat sa talahanay ang mga pangyayaring napapaloob sa alamat. Ilahad ang
sarili ninyong pahayag batay sa pagiging makatotohanan o hindi
makatotohanan
ng mga pangyayari naisulat.
Mga Pangyayari Makatotohanan/di Opinyon/Sariling
Makatotohanan pananaw
Unang Pangkat
Mula sa una hanggang ikalimang talata

Ikalawang Pangkat
Mula ikaanim hanggang ikasampung talata
Ikatlong Pangkat
Mula ika-11 hanggang ika-15 talata
Ikaapat na Pangkat
Mula ika-16 hanggang huling talata

2. Paglalahad ng bawat pangkat

D. PAGLALAHAT
Panuto: Basahin ang talata, ilahad ang iyong pananaw kung ito ba ay
makatotohanan o hindi. Ipaliwanag.

"PANAHON NA UPANG BIGYANG WAKAS ANG INYONG KASAMAAN!" sabay turo sa


tatlong prinsipe at ang kanilang mga mata ay nangalaglag! Kasindak-sindak ang
pangyayaring iyon sapagkat ang mga nahulog na mata ay agad nilamon ng lupa!
Sipi mula sa alamat ng Sampalok

E. PAGLALAPAT
Bilang isang kabataan, paano mo bibigyan ng halaga ang mga paalalang ibinibigay
sa iyo? Ipaliwanag

IV. PAGTATAYA:
Panuto A. Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga talinghagang
pahayag na nasasalungguhitan sa Hanay A. Titik lang ang isulat sa patlang.

Hanay A Hanay B
1. Gumuho ang mundo ng mga taga- Suyuk A. Napakataas
nang nilamon ng lupa ang punong ginto. B. natakot
2. Nabahag ang buntot ni konto nang maka- C. nagdiwang
Kita ng ibong kakaiba sa gubat. D. nawalan ng pag-asa
3. Di maabot ng tingin ang taas ng puno.

Panuto B: Ilahad ang iyong opinyon hinggil sa pagiging makatotohanan o hindi ng


pangyayari sa ibaba.
4-5. Pinayuhan ng ina si Daria na maging maingat sa kanyang sarili dahil siya ay
nagdadalaga na.

V. TAKDANG-ARALIN
1. Ano ang alamat? Ibigay ang iba’t ibang elemento nito.

BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.2.2: ALAMAT (Elemento ng Alamat)

I. LAYUNIN
 F8PB-Id-f-23 Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito.
K-Nakikilala ang iba’t ibang elemento ng Alamat.
A-Nakalalahok nang masigla sa talakayan.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Alamat (Elemento ng Alamat)
B. Sanggunian: Pluma 8, pahina 28-36
C. Kagamitan: Sipi ng alamat, task card

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
a. Ano-ano ang mga pangyayari sa alamat kahapon ang makatotohanan at di
makatotohanan?

2. Pagganyak
Debate: Alin ang nauna, itlog o manok?

B. Paglalahad
1. Panuto: Pagsunod-sunurin ninyo ang mga pangyayari. Isulat sa patlang ang titik
A-J, A para sa unang nangyari at J para sa huli.
____ Napakataas na ng puno’t hindi na maabot ang bunga at dahon kaya
pinagtulungan ng mga kalalakihan sa pagtataga ang puno at
pinagbubungkal ang lupa upang lumuwag ang ugat.
____ Nabuwal ang punongkahoy, niyanig at bumuka ang lupa sa
kinabagsakan ng puno at nilulon nito ang punongkahoy.
____Isang araw ng nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso ay
nakakita siya ng isang uwak na nakatayo sa landas ng kanyang
tinalunton.
____Nagsiyahan ang mga tao sa laki ng galak at si Kunto ang kauna-
unahang lumapit at pumitas ng isang dahon.
____ Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyok at ang
kanilang tahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at
inggitan.
____ Hindi tuminag sa pagkakatayo ang ibon, tinitigan niya nang mainan
si Kunto at saka tumango ng tatlong beses.
____ Sinunod nila ang bilin ng matanda, kumuha sila ng isang tasang
kanin, sinukluban ng isang malaking palayok ang matanda,
nagpatuloy sa pagdiriwang at pagkalipas ng tatlong araw ay muli
nilang binalikan ang kinalalagyan nito.
____ Pagkataas nila sa palayok ay nakita nila ang isang maliit na puno na
kumikislap sa liwanag-lantay ginto mula ugat hanggang sa kaliit-
liitang dahon.
____ Ipinagbigay alam ni Kunto sa mga pantas ang tungkol sa ibon at
napagdesisyunan nilang ipagdiriwang ang cañao. Nagtulong-tulong
ang lahat sa paghahanda sa pagdiriwang.
____ Anong laking himala ang nangyari! Ang baboy ay napalitan ng isang
pagkatanda-tandang lalaki na ang mukha ay kulay-lupa na sa
katandaan at halos hindi ito makaupo kaya’t ang mga tao ay
natigilan, nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita at sila’y natakot.

Mga Elemento ng Alamat


1. Tauhan - Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na
ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan - Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at
insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan - Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian - Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5. Kasukdulan - Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring
makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
6. Kakalasan - Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng
takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan - Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng
kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Mga Bahagi ng Alamat


1. Simula - Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang
mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan.
Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay
inilalarawan din sa simula.
2. Gitna - Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at
kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng
pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang
kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang
tauhan.
3. Wakas - Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.

C. TALAKAYAN
1. Pagtalakay sa iba’t ibang elemento ng Alamat at mga bahagi nito.
2. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Ibigay ang tauhan, tagpuan at saglit na kasiglahan sa nabasang alamat.
Ikalawang Pangkat
Ibigay ang tunggalian at kasukdulan ng alamat.
Ikatlong Pangkat
Ibigay ang kakalasan at katapusan ng alamat.
Ikaapat na Pangkat
Itala ang mga pangyayari sa simula, gitna at wakas ng alamat.
3. Pagbabahagi ng bawat pangkat.
D. PAGLALAHAT
Ano - ano ang mga elemento ng alamat at ang iba’t ibang bahagi nito?

E. PAGLALAPAT

ANG ALAMAT NG PINYA


Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling
Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya
lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit
laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't
pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay.
Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan
dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling
Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw,
sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito.
Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang
bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng
anak kaya’t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita
mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin
ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa.
Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng
pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung
anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking
pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng
maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking
Panuto:
Suriing mabuti ang alamat at ibigay ang mga iba’t ibang elementong
nakapaloob sa bawat bahagi nito.
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Itala ang mga pangyayaring naganap sa akda batay sa elemento ng
alamat na nakapaloob sa simulang bahagi.
Ikalawang Pangkat
Itala ang mga pangyayaring naganap sa akda batay sa elemento ng
alamat na nakapaloob sa gitnang bahagi.
Ikatlong Pangkat
Itala ang mga pangyayaring naganap sa akda batay sa elemento ng
alamat na nakapaloob sa bahaging wakas.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pangyayari mula sa alamat at
kilalanin kung anong uri ng elemento ito. Piliin ang kasagutan sa loob ng
kahon sa ibaba.

Tauhan Tagpuan Saglit na kasiglahan Tunggalian


Kasukdulan Kakalasan Katapusan
1. Nabuwal ang punongkahoy, nayanig at bumuka ang lupa sa
kinabagsakan ng puno at nilulon nito ang punongkahoy.
2. Isang araw ng nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso ay nakakita
siya ng isang uwak na nakatayo sa landas ng kanyang tinalunton.
3. Pagkataas nila sa palayok ay nakita nila ang isang maliit na puno na
kumikislap sa liwanag-lantay ginto mula ugat hanggang sa kaliit-liitang
dahon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyok.
4. Sinunod nila ang bilin ng matanda, kumuha sila ng isang tasang kanin,
sinukluban ng isang malaking palayok ang matanda, nagpatuloy sa
pagdiriwang at pagkalipas ng tatlong araw ay muli nilang binalikan ang
kinalalagyan nito.
5. Anong laking himala ang nangyari! Ang baboy ay napalitan ng
isangpagkatanda-tandang lalaki na ang mukha ay kulay-lupa na sa
katandaan at halos hindi ito makaupo kaya’t ang mga tao ay natigilan,
nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita at sila’y natakot.

V. TAKDANG-ARALIN:
A. Magsaliksik ng alamat ng inyong lugar.
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan?
2. Ano ang tagpuan ng alamat na ito?
3. Ano ang mahalagang kaisipan ng inyong alamat?
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.2.3 ALAMAT ( Pagkakatulad at Pagkakaiba )

I. LAYUNIN:
 (F8PD-Id-f-20). Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na
alamat sa binasang akda.
 (F8PS-Id-f-21). Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon
gamit ang pamantayang pansarili- pamantayang itinakda.
S- Naiisa-isa ang iba’t ibang pangyayari sa bawat alamat.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA: Alamat ( Pagkakatulad at Pagkakaiba )
B. SANGGUNIAN: Panitikang Pilipino:Filipino Modyul para sa mag-aaral sa
Pahina 2-4, Modyul sa Filipino 8 sa pahina 42-52
https://www.youtube.com/watch?v-na3wgCfwAAQ
C.KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Batayang Aklat, Laptop, LCD Projector,
Speaker
III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Ilahad ang iba’t ibang pangyayari sa alamat na “Kung Bakit nasa Ilalim
ng Lupa ang Ginto mula simula, gitna at wakas.

2. Pagganyak

Magpapakita ng larawan ng sampalok.


 Sino sa inyo ang nakakain ng sampalok?
 Ano ang lasa nito?
 Sa inyong palagay, bakit kaya ganito ang lasa ng sampalok?
 Ano-anong mga pagkain ang puwedeng lagyan ng sampalok bilang
pampalasa?
 Bakit kaya ganito ang itsura ng sampalok?
 Saan kaya nagmula ang pangalang sampalok?

B. PAGLALAHAD
Ipapanood sa mga mag-aaral ang isang video ng alamat na
pinamagatang “Ang Alamat ng Sampalok.”
http://www.gintongaral.com/mga-alamat-ng-sampalok/
https://www.youtube.com/watch/v=na3wgCfwAAQ
Alamat Ng Sampalok

May tatlong prinsipe noong araw na pawang masasama ang ugali. Sila ay
sina Prinsipe SAM, Prinsipe PAL at Prinsipe LOK. Dahil magkakaibigan, madalas silang
nagkikita at nagkakasama sa pamamasyal. Tuwing magkasama naman ang tatlo ay tiyak
na may mangyayaring hindi maganda. Ang mga may kulang sa isip at mangmang ay
kanilang pinaglalaruan, pinaparatangan at ipanakukulong. Lubha silang mapang-api,
mapangmata at malupit sa mga dukhang mamamayan. Kahit matatanda ay hindi nila
iginagalang. Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri nilang mga dugong-bughaw.
Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa.
Saglit silang huminto at pinanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang tingnan ang
mga hugis ng katawang naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay nagtatawanan na
para bagang nambabastos.
"Kamahalan, huwag po sana ninyo kaming panoorin at pagtawanan."
Galit na bumaba ng kabayo si Prinsipe Sam at walang salitang sinampal ang
dalagang nakikiusap. Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang matandang
babae ang namagitan. Palibhasa'y walang iginagalang ang mga prinsipe, basta't mahirap,
kaya pinagtulungan nilang saktan ang matanda.
Nagsiksikan naman sa isang tabi ang mga nahintakutang dalaga. Hindi alam
ang gagawing pagtulong sa matandang hindi nila nakikilala. Datapuwa't lahat ay
napamulagat ang matanda ay nagbago ng anyo. Isa pala itong engkantada!
"PANAHON NA UPANG BIGYANG WAKAS ANG INYONG KASAMAAN!" sabay
turo sa tatlong prinsipe at ang kanilang mga mata ay nangalaglag! Kasindak-sindak ang
pangyayaring iyon sapagkat ang mga nahulog na mata ay agad nilamon ng lupa!
Sa halip na magsisi at humingi ng tawad ay nagpupuyos pa sa galit na
nagbanta ang magkakaibigan.. Matapos kapain ang kani-kaniyang kabayo ay naghiwa-
hiwalay na sila ng alis. Palibhasa'y mga bulag kaya hindi na alam ang daang
pauwi.
Tumakbo nang tumakbo ang kanilang mga kabayo hanggang silang lahat ay
mangahulog sa bangin!
Kinabukasan, nagtaka ang lahat sa biglang pagtubo ng isang puno kung saan
lumubog ang mga mata ng tatlong prinsipe.
Lumipas ang mga araw, ang puno ay namunga. Nang kanilang tikma, ito'y
ubod ng asim! Palibhasa'y may nakaukit na parang matang nakapikit sa buto ng bungang
maasim, kaya naalala nila ang mga mata nina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at Prinsipe Lok
na sa lugar na iyon ay lumubog. Dahil dito, minarapat nilang tawaging SAMPALOK ang
puno at bunga nito. Sa kalaunan natutuhan ng mga tao na gamiting pampaasim sa
nilulutong ulam ang SAMPALOK.

C. TALAKAYAN
1.Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa napanood na video.
a. Sino-sino ang tatlong prinsipe? Ilarawan ang tatlong prinsipe.
b. Paano nila pinakisamahan ang mga kulang sa isip, mangmang at
matatanda?
c. Bakit nagalit at sinaktan ni Prinsipe Sam ang dalaga?
d. Sino ang tumulong sa dalaga? Makatwiran ba ang ginawa ng mga
prinsipe sa matanda? Pangatwiran ang iyong sagot.
e. Kung ikaw ay isa sa mga dalaga, ano ang iyong gagawin nang
pinagtulungang saktan ng mga prinsipe ang matanda?
f. Karapat-dapat lang ba sa mga prinsipe ang parusang ipinataw ng
engkantada? Pangatwiran.

2. Pangkatang Gawain
Hatiin sa dalawang pangkat ang mag-aaral at pasasagutin ng mga
sumusunod na tanong:
a. Suriin ang dalawang natalakay na alamat.
b. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba nito

C. PAGLALAHAT:
Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng alamat na napanood sa nabasa mo?

D. PAGLALAPAT:
Anong magandang mensahe ang hatid sa inyo ng alamat? Paano ninyo ito
magagamit sa inyong pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa?

IV. PAGTATAYA:
A. Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang mga pangyayari ng
binasang alamat na “Kung Bakit nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto” at ang
napanood mong “Alamat ng Durian”.

Pagkakatulad Pagkakatulad
Pakakaiba

B. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pangyayari ay nagpapakita ng
paggalang ng karapatan ng tao Mali naman kung hindi.
______1. Pagpila nang maayos sa kantina.
______2. Pagkuha ng mga gamit na hindi mo pag-aari.
______3. PAgbibigay ng sapat na sahod sa taong nagtatrabaho.
______4. Pagpapatrabaho sa mga anak kaysa papasukin sa paaralan.
______5. Pagpaparamdam ng pantay na pagmamahal sa kapwa.

IV. TAKDANG ARALIN:


A. Magsaliksik tungkol sa pang-abay na pamanahon at panlunan.
B. Sagutin ang sumusunod:
Ano ang pang-abay na pamanahon?
Ano ang pang-abay na panlunan?
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.2.4 PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANLUNAN

I. LAYUNIN:
 (F8PN-Id-f-21). Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay
na pamanahon at panlunan sa pagsulat ng sariling alamat.
K- Nakikilala ang pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan
A-Nakikibahagi ng sariling saloobin sa pamamagitan ng pangungusap na may
pang-abay na pamanahon at panlunan.

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan
B. SANGGUNIAN: Panitikang Pilipino: Filipino Modyul para sa Mag-aaral sa
pahina 24-25, Pinagyamang Pluma 8 sa pahina 40, Modyul sa Filipino 8 sa
pahina 53-56
www.slideshare.net/carolenenicolas/pang-abay-26426663
www.slideshare.net/edtechred/pang-abay
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Batayang Aklat, Laptop, LCD projector

III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Pangkatang Gawain:
Bawat pangkat ay bibigyan ng isang larawan. Mula rito, pabubuuin sila
ng dalawang pangungusap na nagsasaad ng lugar at oras o panahon ng
kilos na ipinakita sa larawan.
B. PAGLALAHAD

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap


ang kilos na taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
 Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, at hanggang.
 Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong
pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang
pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali, at iba pa.
 Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda
ang
"Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino."
Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang
katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit
na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan."

Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung
saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa,
ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa
pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. 
Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang
kanilang mga kamag-anak."[3] Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong
pang-abay na panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang
kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman
ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa nito Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam
ang itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon
para sa kaarawan.

C. TALAKAYAN
1. Pagtatalakay sa paksang pang-abay na pamanahon at panlunan gamit
ang “Powerpoint Presentation.”
2. Pagbibigay ng mga halimbawa ng pang-abay na pamanahon at panlunan.
Pamanahon[baguhin | baguhin ang batayan]

D. PAGLALAHAT:
Ang Pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kalian naganap o
magaganap ang kilos na taglay na pandiwa at kadalasang sumasagot sa
tanong na kalian. Ang pang-abay na panlunan naman ay tumutukoy sa pook
na pinangyarihan, pinangyayarihan ng kilos at sumasagot sa tanong na saan.
IV. PAGTATAYA:
Panuto: Punan ng angkop na pang - abay ang mga sumusunod na pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. araw-araw B. bubong C. ika-6 ng hapon D. silid-aklatan E.bukas F. entablado

1. Napaiyak ang mga manonood ng umawit nang “Heal The World” ang
batang babae sa ___________.
1. Masigla siyang pumapasok sa paaralan _____________.
2. Nagbabasa ang mga mag-aaral sa ________________.
3. Tuwing ____________ ay sabay-sabay na nagdarasal ang kanilang
pamilya.
4. Uuwi na si Pedro mula Canada __________.

V. TAKDANG ARALIN:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Paano sumulat ng isang alamat?
2. Ano-ano ang mga dapat isaalang - alang sa pagsusulat nito?
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.2.5 Alamat ( Pagsulat ng Sariling Alamat )

I. LAYUNIN:
 (F8PU-Id-f-21). Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na
maaaring ihambing sa sarili.
 (F8PN-Id-f-21). Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na
pamanahon at panlunan sa pagsulat ng sariling alamat.
A- Nakasusunod nang mabuti sa mga pamantayan sa pagbuo ng alamat.

II. PAKSANG ARALIN:


A. PAKSA: Alamat ( Pagsulat ng Sariling Alamat )
B. SANGGUNIAN: Modyul sa Filipino 8 sa pahina 52-56
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Batayang Aklat

III. PAMAMARAAN:
A.PANIMULANG GAWAIN
1. BALIK - ARAL
Ano ang pag-abay na pamanahon at panlunan. Magbigay ng halimbawa.
2. PAGGANYAK
Laro: Kuwento Ko, Dugtungan N’yo
a. Hahatiin sa apat na pangkat ang mga mag -aaral.
b. Magsisimula ng kuwento ang guro at dudugtungan ito ng bawat pangkat
hanggang sa matapos.
c. Ang may pinakamagandang kuwentong naidugtong ang s’yang
hihiranging panalo.

B.PAGLALAHAD

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos

Ang pagkakabuo ng alamat ay nakabatay sa mga 5 puntos


elemento nito.

Maganda at kapupulutan ng gintong aral ang 5 puntos


alamat na nabuo.

Nagamit nang wasto ang kaalaman sa uri ng 5 puntos


pang-abay na natalakay sa pagsulat.

Ang alamat na nabuo ay masasabing tungkol sa 5 puntos


mga bagay na maaaring ihambing sa sarili.

Kabuoang Puntos 20 puntos

C. PAGTATALAKAY
1. Ang mga sumusunod ay dapat na isasaalang-alang sa pagsusulat ng sariling
alamat
a. Mga Elemento ng Alamat
b. Mga Katangian ng Alamat
c. Pang-abay na Pamanahon
d. Pang-abay na Panlunan
D. PAGLALAHAT
Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang mabisang alamat?

E. PAGLALAPAT
Palilikhain ang mga mag-aaral ng sariling alamat batay sa mga bagay na
maaari nilang ihambing sa kanilang sarili. Isaalang-alang ang mga kraytiryang
kakailanganin sa pagbuo ng sariling alamat.

IV. PAGTATAYA:
Presentasyon at pagproseso sa nalikhang sariling alamat ng mga mag-aaral.
Ibahagi ninyo ang inyong naisulat na sariling alamat sa inyong mga kaklase.

V. TAKDANG ARALIN:
1. Ano ang epiko? Magdala ng isang halimbawa ng epiko.
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.3.1 EPIKO

I. LAYUNIN:

 F8PN-Ig-h-22 Nakikinig nang may pag-unawa upang:


-mailahad ang layunin ng napakinggan
-maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari.

 F8PT-Ig-h-21 Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/ pariralang ginamit sa


akdang epiko ayon sa:
-kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
-talinghaga
 F8PB-Ig-h-24 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:
-paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
-dating kaalaman kaugnay sa binasa.

A- Nakalalahok nang masigla sa talakayan.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Epiko (Bidasari)
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Pahina 47-50,
https://www.deviantart.com/traditional/newest/?q=alamat+ng+a&view_mode=2
C. Kagamitan: Aklat, larawan, sipi ng akda, atbp.

III. PAMAMARAAN:
A. Pagganyak:
a. Pangganyak na tanong:
1. Pagpapakita ng larawan ng mga “superheroes”
1.a Sino sa inyo ang gustong magkaroon ng kapangyarihan?
1.b Anong klase ng kapangyarihan ang nais ninyong taglayin?
1.c Bakit ninyo gustong magkaroon ng ganoong klase ng
kapangyarihan?

b. Aktibiti/Gawain:PUZZLE
Hanapin sa ilalim ng iyong mga upuan ang mga piraso ng papel, matapos ay
buuin sa pisara.
https://www.deviantart.com/traditional/newest/?q=alamat+ng+a&view_ mode=2

Mga tanong:
1. Ano ang inyong masasabi tungkol sa larawang nabuo?
2. Sa tingin ninyo, May kagandahan o kagaspangan ang
kanyang pag-uugali base sa pisikal na anyo nito?

B. Pag-alis ng Sagabal:
Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap
ang kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.
( kawal) 1. Ang sultana ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang
malaman kung may babaeng nakahihigit ng ganda sa kanya.
(Pinag-interesan) 2. Pinagnanasaang pasukin ng sultan ang palasyong nakatayo sa loob ng
kagubatan.
(Nagtagal) 3. Hindi naglaon, dahil sa kanyang kagustuhan na pasukin ang palasyo ay
nakita niya ang isang napakagandang nilalang.
(layunin) 4. Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pakay sa mahal
na hari.
(Kinamulatan) 5. Ang bata ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang mga kinagisnang
magulang.
Panuto: Piliin ang kasalungat ng mga salitang nakasulat nang pahilig ayon
sa pagkakagamit sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Lubhang hinangaan ng sultan ang kagandahan at kabutihang -loob ng dalaga.


a.binalewala b. pinahahalagahan c. pinag-ukulan ng pansin d. pinuri
2. Natalos ng dalaga na ang paninibugho ay walang mabuting maidudulot sa
isang samahan.
A. nabatid B. nakalimutan C. nalaman D. naintindihan
3. Ang kawangis ng dalaga ay isang nimpang marikit.
A.kaakit-akit B. kahanga-hanga C. maganda D. pangit
4. Ang masamang ugali ay itinuturing na salot sa isang masayang samahan.
A.hadlang B. malas C. sumpa D. suwerte
5. Maituturing na isang pambihirang katangian ang pagkakaroon ng pusong
mapagkumbaba.
A. di-pangkaraniwan B. kahanga-hanga C. kamangha-mangha
D. pangkaraniwan

C. Paglalahad/Pagtatalakay:
 Pagbasa sa buod ng epikong pinamagatang “BIDASARI”
 Mga gabay na tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda?
2. Ano ang dahilan ng pagkawalay ng bata sa kanyang mga
tunay na mga magulang?
3. Kailan nagbago ang magandang buhay ng pangunahing
tauhan?
4. Anong magandang katangian ang ipinamalas ng
pangunahing tauhan?
5. Bakit hindi nakabubuti ang pagiging maiinggitin?
Pangatwiran.

D. Pagsasanay: (Mga Paglilinang na gawain)


Panuto: Sabihin kung tama o mali ang sumusunod na mga pahayag ayon sa
binasang akda.
1. Nagkaroon ng digmaang sibil sa Kembayat kaya tumakas ang
sultan, sultana, at ang mga nasasakupan nito sa ibang lugar.
2. Inapi ng asawa ni Diyuhara si Bidasari dahil sa labis na pagseselos
niya rito.
3. Mistulang nimpang makalangit ang kagandahan ng mukha ni
Bidasari.
4. Ipinabihag ni Sultan Mogindra si Bidasari upang gawing kabiyak niya.
5. Dahil busilak ang puso ni Lila Sari tinulungan niya si Bidasari sa
kamay ng mapaniil na sultan.
6. Nang makuha ni Lila Sari ang gintong isda sa hardin, pinahintulutan
na niya si Bidasari na makabalik sa kinikilalang magulang nito.
7. Sa tuwing ikinukuwentas ni Lila Sari ang gintong isda , si Bidasari ay
nawawalan ng buhay sa araw at sa gabi naman kapag naibalik nang
muli sa tubig ang isda, siya muling mabubuhay.
8. Nagalit si Sultan Mogindra kay Lila Sari dahil sa kasamaang ginawa
niya kay Bidasari.
9. Dahil kay Sinapati, natuklasan ang katotohanang tunay na anak
pala nina Sultan Mogindra at Sultana Lila Sari si Bidasari.
10. Ipinagtapat ni Diyuhara sa sultan at sultana ng Kembayat na
natagpuan nila si Bidasari sa isang bangkang malapit sa ilog.

E. Paglalahat:
Bakit kaya ito pinamagatang “Bidasari” ang epiko?

F. Paglalapat:
Kung ikaw si Bidasari, mapapatawad mo rin ba ang taong labis na nagpahirap sa
iyong buhay? Pangatwiranan.

IV. PAGTATAYA:
Panuto A. Kilalanin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Parang pinagbiyak na bunga sina Bidasari at Sinapati. Ang
nasasalungguhitan ay nangangahulugang?
A. magkamukha B. mag-ina C. magkapatid D. magkadugo
2. Marami ang napuksa ng ibong Garuda sa kaharian ng Kembayat. Ano ang
kahulugan ng salitang namuksa?
A. natulungan B. napahamak C. napatay D. napasaya
Panuto B: Ibigay ang inyong hinuha batay sa pag-unawa ninyo
mula sa pangyayari sa akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
3. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit iniwan ng mag-asawang sultan
at sultana ng kembayat ang kanilang bagong silang na anak sa bangka.
A. Upang makatakas sa mga dayuhang nais sumakop sa kanilang lupain
B. Upang sila’y makaligtas sa pamumuksa ng higanteng ibong sumalakay
sa kanilang kaharian.
C. Upang iligtas ang kanilang anak sa nagaganap na digmaang sibil sa
kanilang kaharian.
4. Ito ang pangyayari kung bakit napunta sa mag-asawang Diyuhara ang
sanggol na babaeng pinangalanan nilang Bidasari.
A. Narinig nila ang iyak ng sanggol habang sila’y namamasyal sa tabing-
ilog.
B. Habang sila ay nangingisda ay nakita nila ang isang bangkang may
lamang sanggol na inaanod sa ilog.
C. Napulot ng kanilang katulong ang sanggol na nakalagay sa bangkang
nasa tabing-ilog.
5. Ito ang dahilan kung bakit inuutusan ni Lila Sari ang mga batyaw na
tumungo sa lahat ng dako.
A. Upang malaman kung may babaeng nakahihigit ang ganda kaysa sa kanya.
B. Upang malaman ang pangangailangan ng mga taong kanilang
nasasakupan
C. Upang ipamalita sa lahat ng dako ang nalalapit na pagdiriwang na
gagawin sa kanilang kaharian.

V. TAKDANG ARALIN:

1. Magsaliksik ng isang epiko at suriin ito base sa kanyang mga elemento.Ihambing


ang nasaliksik na epiko at ang epikong pinag-aralan, ang kanilang pagkakatulad at
pagkakaiba gamit ang Venn Diagram

BIDASARI P IBANG EPIKO


Pagkakaiba A Pagkakaiba
G

A
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.3.2 EPIKO (Sanhi at Bunga)

I. LAYUNIN:
 F8PD-Ig-h-21 Nauuri ang mga pangyayaring may sanhi at bunga mula sa napanood na
video clip ng isang balita.
 F8WG-Ig-h-22 Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari (dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)
K- Nakikilala ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
A- Nakikibahagi sa talakayan batay sa pagbibigay ng mga sanhi at bunga ng
mga pangyayaring naganap sa sarili.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Pagpapanood ng isang video clip ng balita: (Sanhi at Bunga)
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8,
http://www.youtube.com/watch?v=Zxrz1vah9jg
C. Kagamitan: Aklat,laptop, speaker

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1.Pangganyak
a. Itanong:
Nakapanood na ba kayo ng balita?
Anong klase ng balita ang iyong napanood?
Ano ang iyong reaksiyon sa napanood na balita?
May maganda bang naidulot sa iyo ang napanood na balita?
b. Aktibiti/Gawain:IKONEKTA
Hanapin ang iyong kapareha para mabuo ang isang pahayag/ pangungusap.
Mga Tanong:
b.1. Ano ang inyong napansin sa pangungusap na nabuo?
b.2. Ano kaya ang kahalagahan ng paghahanap ng tamang dahilan o
bunga ng isang pangyayari?
2. Balik-aral
a. Isa-isahin ang mga mahahalagang pangyayari sa epikong
“Bidasari”.

B. Paglalahad:

C. Talakayan
1. Tatalakayin ang iba’t ibang hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
1. Bawat isa sa kanila ay magdala ng papel at panulat para sa pagtatala ng
mga sanhi at bunga na maririnig o mapupuna sa pinanood na balita.
3. Pagpapanood ng isang video clip ng balita ng mga mag-aaral.
http//www.youtube.com/watch?v=Zxrz1vah9jg
Mga gabay na tanong:
Saan tungkol ang iyong napanood na balita?
Ano ang rason kung bakit nangyari ang ganoong sitwasyon?
Ano-ano kaya ang magiging mga hakbang para maiwasan ang
nangyari?

D. Pagsasanay: (Mga Paglilinang na gawain)


Pangkatang Gawain:
Pagbabahagi ng mga naitalang mga sitwasyon na may sanhi at bunga
mula sa napanood na balita.

E. Paglalahat:
Ano-ano ang mga hudyat na maaaring gamitin sa pagpapahayag ng sanhi
at bunga ng mga pangyayari?
F. Paglalapat:
Gamitin sa loob ng sariling pangungausap ang mga hudyat ng sanhi para sa mga
lalaki at ang bunga naman ang ibibigay ng mga babae.

IV. PAGTATAYA:
Panuto A. Bumuo ng tig-iisang pahayag na ginamitan ng hudyat ng
sanhi at bunga ng mga pangyayari batay sa sumusunod na
mga paksa.

1. Matinding Baha
2. Pagkapanalo ni PACMAN laban kay Mathysse (ABS-CBN ganap na alas 10:00 ng
umaga, petsa 15, 2018)
3. Pag-aayos ng mga daan

Panuto B. Suriin ang mga pangyayaring nagsasaad ng sanhi at


bunga sa video clip na mapapanood.

4-5. Video clip ng Wansapanataym “Candy’s Crush: Paolo’s Punishment”.


Sanhi: __________________________________
Bunga: _________________________________
TAKDANG ARALIN:
Hatiin ang short bond paper sa dalawang hati.
Sa unang hati, ilalagay ang sanhi at sa ikalawa ang bunga.
Maggupit ng limang larawan na nagsasaad ng sanhi at bunga at
ihahanay ito sa nararapat na kalalagyan.
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.3.3 EPIKO
(Mga Hudyat ng Sanhi at bunga)

I. LAYUNIN:
 (F8WG-Ig-h-22). Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari (dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)
K- Nakagugunita ng mga hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga ng
pangyayari.
A- Nabibigayng-halaga ang mga pangyayari sa kasalukuyan sa pagbuo ng pahayag.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8
C. Kagamitan: Aklat, mga larawan, cartolina strips
III. PAMAMARAAN:
A. Pagganyak:
Pagganyak na tanong:
 Nakaranas na ba kayong magtagumpay o mabigo sa buhay?
 Sa anong mga kadahilanan na kayo’y nagtatagumpay o nabigo?
 Ano kaya ang inyong magiging konklusyon sa nangyari sa iyong naging
desisyon?
Aktibiti:Punan Ako!
Panuto: Punan ang patlang para mabuo ang buong diwa ng ng pangungusap
nito.
1. Maganda ang knayang boses kaya_____________________.
2. Dahil sa katigasan ng kanyang ulo_____________________.
3. Magaling siya sa lahat ng bagay kung kaya_________________.
4. Mahilig siyang kumain ng chitchiria kaya_________________.
5. Kulang ang kanyang tulog kaya_____________________.
B. Paglalahad/Pagtatalakay:
Abstraksyon(Pamamaraan ng Pagtalakay)
 Pagtatalakay tungkol sa sanhi at bunga at ang mga hudyat nito.

Alam mo ba...

Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari


Ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay naipapakita sa maayos na
pag-uugnay ng mga salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga rin sa
pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang higit
itong malinaw sa lahat. Kagaya na lamang nga pagpapahayag ng sanhi at
bunga, may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may
kalinawan.

 Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan:


Sapagkat/pagkat… dahil/dahilan sa…
Palibhasa, at kasi… naging…
 Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta:
Kaya/kaya naman.. kung kaya…

C. Pagsasanay: (Mga Paglilinang na gawain)


Pangkatang Gawain:
 Gamitin ang naging takdang-aralin na tungkol sa mga larawan ng
sanhi at bunga.
 Gagawan ninyo ito ng pangungusap na gamit ang tamang mga
hudyat ng sanhi at bunga at bilugan ang mga ito.

D. Paglalahat:

Sa paglalahad ng sanhi at bunga nangangailangan ng tamang paggamit ng


mga hudyat. Ginagamitan ito upang mas mapadali ang pagkilala ng sanhi at
bunga.
1. Ano ang mga hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan?
2. Ano naman ang mga hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta?
3. Magbigay ng pangungusap na nagpapahayag ng sanhi at bunga.

E. Paglalapat:

Gawain:
Sumulat ng isang talata na tumatalakay sa iyong buhay mag-aaral.
Sampung pangungusap lamang. Salungguhitan ang ang salitang hudyat ng
sanhi at bunga.

IV. PAGTATAYA:
Formative na Pagsusulit:
Panuto: Tukuyin kung saan sa pangungusap ang sanhi at bunga at salungguhitan
ito. Bilugan naman ang hudyat na ginamit sa pangungusap.
1. Palagi siyang liban sa klase bunga nito nahihirapan siya sa panahon ng
pagsusulit.
2. Dahil sa kabutihan na taglay ng aming guro, gusto kong maging tulad niya.
3. Palibhasa’y matalino siya, siya na ang palaging tinatawag ng guro.
4. Napagalitan ako ng guro tuloy natatakot na akong lumapit sa kanya.
5. Nakikiisa ako sa lahat ng mga gawain sa klase at sa paaralan kaya naman
natuklasan ng mga guro ang aking talento.
6. Minahal ng husto ni Adlaw si Bulan kaya’t pinakasalan niya ito.
7. Nagkaroon tuloy ng buwan at bituin sa gabi nang magkahiwalay sina Adlaw
at Bulan.
8. Sapagkat ina ay hindi naatim ni bulan na pumayag sa naging pasya ng
asawa.
9. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya’t biniyayaan sila ng
maraming anak.
10. Dahil sa kasamaan ni Lila Sari namatay ang kanyang anak.
V. TAKDANG ARALIN:
Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga hudyat ng sanhi at bunga.

Batay sa Epikong Bidasari

BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.3.4 EPIKO (Pagsulat ng Talata)

I. LAYUNIN:
 (F8PU-Ig-h-22) Naisusulat ang talatang:
- binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
- nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
- nagpapakita ng simula, gitna, at wakas
K- Nakakikilala ng iba’t ibang uri at bahagi ng talata.
A- Nakagagamit ng mabibisa at makabuluhang ideya sa nabuong talata.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: EPIKO (Pagsulat ng Talata)
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Pahina 47-50
C. Kagamitan: Aklat, MANILA PAPER
III. PAMAMARAAN:
A. Pagganyak:
1. Pagganyak na tanong:
 Naranasan na ba ninyong magsulat ng talata?
 Ano-ano ang mga paksa ng inyong naisulat na talata?
 Anong damdamin ang namamayani habang ikaw ay nagsusulat ng
talata?

Aktibiti: Pagpapakita ng isang nakasulat na talata sa kartolina:

Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Pagagalitan


siya ng ina kapag mahuli sa pag-uwi.
Mga tanong:
1. Ano ideya ang nangingibabaw sa binasang talata?
2. Malinaw ba ang talatang binasa?
3. Anong magandang katangian na taglay ng pangunahing tauhan?
B. Paglalahad
Abstraksyon(Pamamaraan ng Pagtalakay)

Alam mo ba…

Ang komposisyon o katha ay binubuo ng mga talata. Ang talata naman ay


binubuo ng lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi, palagay o
paksang diwa.

Upang maging mabisa ang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang
pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod ng mga kaisipan.

Iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon. Ito ang mga
sumusunod.

Panimulang Talata-- ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad
ang paksang nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinapaliwanag,
isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang-katwiran.

Talatang Ganap-- ito naman ang nasa bahaging gitna ng isang komposisyon. Ito
C. TALAKAYAN
1. Pag-iisa-isa sa mga katangian at uri ng talataan.
2. Pagpapabasa ng isang komposisyon at pagtukoy sa mga bahagi nito

D. Pagsasanay: (Mga Paglilinang na gawain)


1. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Pagpapabuo ng Simulang Talata na may paksang Panitikang Pilipino.
Ikalawang Pangkat
Pagpapabuo ng bahaging Gitna na may paksang Panitikang Pilipino.
Ikatlong Pangkat
Pagpapagawa ng Talatang Pabuod na may paksang Panitikang Pilipino.

E. Paglalahat:
Sa pagsulat ng talata nangangailangan ito ng masusing pag-aaral upang
mabuo ito ng maayos at tama.

1. Ano ang talata?


2. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng talata?

F. Paglalapat:
1. Bilang mag-aaral, mahalaga bang mauunawan kung ano ang diwa na
nakapaloob sa isang talata? Pangangatwiran.
2. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang iba’t ibang uri ng talata sa
paggawa nito? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA:

Pagsulat ng isang malinaw at mahusay na talata at dapat nakasunod sa rubrics na ito.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos

Ang talata ay binubuo ng sariling magkakaugnay at maayos na


mga pangungusap. 5

Ito ay nagpapahayag sa sariling palagay o kaisipan tungkol sa


magandang epekto ng sinaunang panitikang Pilipino mula 5
noon hanggang ngayon.

Nagpapakita ng simula, gitna, at wakas sa kabuoan ng talata. 5

Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabuting talata 5

Kabuoang Puntos 20

5- Napakahusay 2- di-mahusay
4- Mahusay 1- sadyang di-mahusay
3- katamtaman

V. TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik ng iba’t ibang halimbawa ng talata ayon sa uri nito. Isulat sa short
bond paper.
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.4.1 PANGWAKAS NA GAWAIN
(Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik)

I. LAYUNIN:
 (F8PT-Ii-j-22). Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di maunawaan
kaugnay ng mga hakbang sa pananaliksik.
 (F8PN-Ii-j-23). Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa
napakinggang pag-uulat.
 (F8PB-Ii-j-25). Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng
pananaliksik ayon sa binasang datos.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Pahina 134-137
C. Kagamitan: Aklat, laptop, LCD Projector, atbp.

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak na tanong:
 Nasubukan na ba ninyong magsaliksik?
 Saan kayo kadalasan pumupunta kung nagsasaliksik kayo?
 Bakit kayo gumagawa ng pananaliksik?
 Paano kaya ang tamang pagsasagawa ng pananaliksik?

2. Pangkatang Gawain:
1. Iparinig sa mga mag-aaral ang isang balita.
2. Sa kanilang pangkat magbabahagian sila ng kanilang opinyon o
pananaw batay sa napakinggang pag-uulat. Pipili lamang sila ng isang
miyembro na ilahad ang kanilang isang nabuong generalisasyon mula sa
kanilang pinagsamang opinyon at pananaw nila.
3. Tatanungin ang mga mag-aaral:
a. Ano kaya ang ginagawa ng taga-ulat upang makakuha ng mga
kakailanganing datos?
B. Paglalahad
1. Pag-alis ng Sagabal
Pag-alis sagabal ng mga salitang di maunawaan kaugnay ng mga hakbang
sa pananaliksik sa pamamagitan ng word association.
Panuto: Bumuo ng mga word association sa mga salitang nasa loob ng
kahon.

sistematiko
bibliyograpi

burador
manuskrito

SISTEMATIKONG PANANALIKSIK

Isang mahalagang kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral ay


ang sistematikong paraan ng pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang
mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang bagay,
paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, at
pag-uulat ng mga ideya nang obhetibo, matapat at may kalinawan.

Narito ang mga hakbang sa paggawa ng isang sistematikong


pananaliksik.

Unang Hakbang •Pumili at maglimita ng paksa. Ang paksa ay dapat na alam mo,
nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at
magagawan ng kongklusyon.
C. Pagsasanay: (Mga Paglilinang na gawain)
Pangkatang Gawain: “Fact o Bluff”
Ipalaro sa mga mag-aaral ang “Fact o Bluff”. Paramihan ng tamang sagot
ang bawat pangkat.
Panuto:Tukuyin kung ang pahayag hinggil sa mga hakbang sa
pananaliksik ay Fact o Bluff.
1. Ang Pagpili ng paksa ay unang hakbang ng pagsasagawa ng sistematikong
pananaliksik.
2. Nararapat na malawak ang pipiliing paksa sa pananaliksik na isasagawa.
3. Ang paghahanda ng pansamalantalang bibliyograpi ay isang patuloy na proseso.
4. Ang bibliyograpi ay makatutulong upang mabigyan ng gabay at direksyon ang
pananaliksik sa simula pa lamang.
5. Huwag gawing madalian ang pagrerebisa.

C. Paglalahat:
1. Ano ang pananaliksik?
2. Ano-ano ang mga hakbang sa pagsasagawa ng sistematikong pananaliksik?
Isa-isahin at ipaliwanag ito.

D. Paglalapat:

Pagsulat sa Journal:
Sa iyong palagay, bakit mahalagang matutuhan ng mga hakbang sa
pananaliksik? Paano makatutulong sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip ang
pagkaunawa sa bagay na ito?

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong
1. Ito ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang
bagay, paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan,
at pag-uulat ng mga ideya nang obhetibo, matapat at may kalinawan.
A. manuskrito B. bibliograpi C. pananaliksik D. burador
2. Ito ay ang maingat na pagkilala sa pinagmulan ng hiniram na mga ideya, datos o
impormasyon.
A. Paksa B. Dokumentasyon C. Sanggunian D. Pananaliksik
3-5. Magbigay ng 3 hakbang na ginagawa sa pananaliksik at ipaliwanag kung paano
ang
pagsasagawa nito.

V. TAKDANG-ARALIN
1. Magtala ng limang kultura ng lahing Pilipino sa sangkapat na papel
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.4.2 PANGWAKAS NA GAWAIN
(Mga Kultura ng Sinaunang Pilipino)

I. LAYUNIN:
 (F8PD-Ii-j-22). Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na
napanood sa youtube o iba pang hatid pangmadla.
 (F8PS-Ii-j-23). Nakagagawa ng sariling hakbang ng pananaliksik nang naayon sa
lugar at panahon.
A-Nakababahagi ng sariling saloobin hinggil sa napanood na video clip.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik (Mga Kultura ng Sinaunang Pilipino)

B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8,


http://www.youtube.com/watch?v=pqtzZS8Y10s
http://www.youtube.com/watch?v=Mh1C0d27K1c
C. Kagamitan: Aklat, laptop, LCD Projector, speaker

III. PAMAMARAAN:
A. Pagganyak:
Pagganyak na tanong:
 Kailan ang piyesta ng ating patron?
 Paano ninyo ipinagdiriwang ang pista rito?
 Bakit kayo nag-aalay ng mga baboy o anumang biyaya sa ating patron
tuwing piyesta?
Pangkatang Gawain:
1. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang larawan ng iba’t ibang kultura
ng Pilipinas. Magbibigay lamang ang bawat pangkat ng limang
pangungusap hinggil sa larawan.

2. Itanong sa mga mag-aaral:


a. Anong tawag ninyo sa mga larawan na nakikita ninyo?
b. Saang bansa natin nakikitang isinasagawa ang mga ito?

B. Paglalahad/Pagtatalakay:
 Ipapanood ang isang video clip ng mga sinaunang Pilipino.
http://www.youtube.com/watch?v=pqtzZS8Y10s
http://www.youtube.com/watch?v=Mh1C0d27K1c
 Mga tanong:
1. Ano-ano ang mga kulturang Pilipino ang ipinakita sa video clip?
2. Alin sa mga ito ang inyo pang nasaksihan sa kasalukuyang
panahon?
3. Sa inyong palagay, bakit kaya may mga kulturang nanatili at bakit
may ilan namang nawawala?
4. Bilang isang kabataang Pilipino, paano ka makaambag sa
pagpapahalaga sa kulturang Pilipinong minana pa natin sa mga sinaunang
Pilipino?
C. Pagsasanay: (Mga Paglilinang na gawain)
Pangkatang Gawain:
Mula sa video clip, itala ang mga kulturang Pilipino ilan pang mga
mahahalagang datos na napapaloob dito.

D. Paglalahat:
Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga hakbang sa pagsasagawa ng
pananaliksik?

E. Paglalapat:
Pag-usapan sa inyong pangkat ang ilan sa mga posible ninyong mga sariling
hakbang ng pananaliksik na gagamitin ninyo sa pagsasagawa ng pananaliksik sa
mga kultura ng inyong lugar. Ibahagi ninyo sa klase.

IV. PAGTATAYA:
Panoorin sa youtube o telebisyon ang mga hakbang na dapat isagawa sa
pananaliksik. Isa-isahin ang mga hakbang na inilahad dito at saka ihambing sa
hakbang na natalakay o napag-aralan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

V. TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik tungkol sa mga pahayag sa pag-aayos ng datos.
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.4.3 PANGWAKAS NA GAWAIN
(Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos)

I. LAYUNIN:
 (F8WG-Ii-j-23). Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos
(una, isa pa, iba pa)
K- Natutukoy ang mga pahayag na ginagamit sa pagsasaayos ng datos.
A- Nakasusunod nang mahusay kung paano ang pagaayos ng datos.

II. PAKSANG ARALIN:


A.Paksa: Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos (una, isa pa, iba pa)
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8,
C. Kagamitan: Aklat, laptop,LCD Projector,larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Pagganyak:
1. Pagganyak na tanong:
a. Tatawag ng isang mag-aaral at ipapabahagi sa kanya ang mga hakbang sa
paghahanda niya bago pumunta sa paaralan.
b. Paag-iisa-isa ng mga hakbang sa pagsasaing.

B. Paglalahad

MGA PAHAYAG SA PAG-AAYOS NG DATOS (UNA, ISA PA, IBA PA)

Napakahalaga sa pagsulat ng pinal na manuskrito ang tamang pagkakaayos ng mga


nakalap na mga datos upang masiguro ang katampukan ng mga impormasyong nais
ipahatid sa mga mambabasa. Napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga pahayag sa
pag-aayos ng datos.

Narito ang ilan sa mga pahayag sa pag-ayos ng datos.

a. a. sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una


C. TALAKAYAN
Pangkatang Gawain:
1. Bawat pangkat ay bubunot ng mga larawan ng iba’t ibang pagkain.
2. Ilahad nila ang mga proseso kung paano ihahanda o lulutuin ang nasa
larawan.
Mga Tanong:
a. Ano-anong mga salita sa mga hakbang na inyong inilahad ang
nagpapakita ng pagkakasunod-sunod?
b. Ano kayang mangyayari kung masunod ang mga hakbang na inyong
inilahad?
c. Paano nakatutulong ang mga salitang nagsasaad ng pagkakasunod-
sunod sa paglalahad ninyo ng hakbang?

C. Pagsasanay:
Panuto: Ayusin ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga datos sa ibaba
upang maipakita ang paraan ng paghuhugas ng kamay.

ANG TAMANG PARAAN NG PAGHUHUGAS NG KAMAY


basahin ang kamay ng malinis at dumadaloy na tubig.
patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya o airdry.
sabunin nang mabuti ang kamay.
kuskusin ang mga palad at likod ng kamay.
banlawan nang mabuti ang kamay ng malinis at dumadaloy na tubig.
kuskusin ang mga kuko at mga hinlalaki.
isa-isahing kuskusin ang mga daliri lalo na ang mga pagitan nito.

D. Paglalahat:
Nakatutulong ang kaalaman hinggil sa pahayag sa pag-aayos ng datos upang
mailahad nang mabuti ang mga impormasyon.

IV. PAGTATAYA:
Pabubuohin ang mga mag-aaral ng isang talata tungkol sa kulturang Pilipino
na ginagamitan ng mga pahayag sa pag-aayos ng datos.

V. TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik ng mga kulturang nasaksihan ninyo sa inyong lugar.
BANGHAY ARALIN
FILIPINO 8
ARALIN 1.4.4 PANGWAKAS NA GAWAIN
(Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos)

I. LAYUNIN:
 (F8PU-Ii-j-23). Nagagamit sa pagsulat ng pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
 (F8EP-Ii-j-7). Nailalathala ang resulta ng isang sistematikong pananaliksik na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
A- Nakapagsisimula ng isang proyektong kapaki-pakinabang.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng sistematikong Pananaliksik
Mga pahayag sa Pag-aayos ng datos(una, isa pa, iba pa.)
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, 140-141
C. Kagamitan: Aklat, larawan
III. PAMAMARAAN:
A. Pagganyak:
Pagganyak na tanong:
 Maliban sa pagdiriwang ng pista, ano pang pagdiriwang ang inyong
nasaksihan sa inyong barangay?
 Kailan ito ginagawa?
 Sino-sino ang mga nakikilahok dito?

B. Paglalahad

Paalala para sa guro: Mula sa mga nakalap nilang impormasyon hinggil


sa kultura ng kanilang kinabibilangan lugar, ilahad nila ito sa pamamagitan
ng paggawa ng scrapbook. Ibibigay ng guro ang mga panuto at krayterya
para sa gagawing paglalathala ng mga datos na kanilang nakalap hinggil
sa kultura ng kanilang barangay na kinabibilangan.

Ang mga Krayterya:

PAMANTAYAN PUNTOS

1. Pagkakagamit ng pahayag sa Pag-aayos ng Datos 10

2. Nakagagawa ng sariling hakbang ng pananaliksik 10


nang naaayon sa lugar at panahon ng pananaliksik.

3. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik 10


ang awtematikong datos na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.

4. Nailalathala sa pamamagitan ng newsletter ang 10


resulta ng sistematikong pananaliksik kasama ang
iba pang natapos na gawain na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.

KABUOAN 40

C. TALAKAYAN
1. Pagtatalakay ng guro sa mga dapat gawin.
2. Pagpapaliwanag ng mga pamantayan sa pagganap

D. Pagsasanay: (Mga Paglilinang na gawain)


1. Magkaroon muna ng maikling pagbabalik-aral tungkol sa sumusununod na
paksa na kinakailangang isaalang-alang sa paglathala ng mga datos na
kanilang nakalap. Ilahad ang inyong natutunan sa Paksang:
a. Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng sistematikong Pananaliksik.
b. Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos.

E. Paglalahat:

Iba-iba ang paraan ng pagpapahalaga natin sa mga


kulturang minana natin. Nakadepende ito sa lugar na
ating kinabibilangan pero ganun pa man ang importante
ay pinanatili nating buhay ang mga ito
IV. PAGTATAYA:
Ibahagi ninyo ang inyong nabuong scrapbook sa inyong mga kaklase.
Magbahaginan ng mga impormasyon na nakalap.

V.TAKDANG ARALIN:
1. Ano ang tula? Basahin ang tulang pinamagatang “Bayani ng Bukid” ni Al Q. Perez

You might also like