Modyul 1
Modyul 1
Modyul 1
PANIMULANG GAWAIN
PAGGANYAK NA GAWAIN
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng karunungang-bayan ang nasa bawat pahayag. Piliin ang
sagot sa bawat kahon.
mag-aral
Ano ang tinapay na hindi kinakain Tabi tabi po apo, alisin mo po ang
Walang mahirap na gawa kapag ang gitna? sakit ng pamilya ko.
dinaan sa tiyaga. Sagot: Donut na may butas sa gitna
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may diin sa pangungusap.
a. Hindi nadidisiplina
b. Katalinuhan
c. Matalino
d. Pinag-isipan
e. Problema
f. Walang magandang hinaharap
PAGTALALAY SA ARALIN
PANITIKAN
Ang panitikan ay itinuturing ng ating lahi dahil bahagi ito ng ating kalinangan at kasaysayan.
Sinasasbing ang kasaysayan at panitikan ay matalik na magkaugnay. Sa pag-aaral ng kasaysayan
ng isang lahi, laging bahagi nito ang damdamin, saloobin, paniniwala, kultura at tradisyon ng
bansang kalimitan ay masasalamin sa taglay nitong panitikan. At dahil sa pag-aaral ng panitikan
lubusang malalaman ang ating kalinangan kaya’t nararapat lamang na pagyamanin at ipagmalaki
ang mga ito sapagkat ang mga ito’y yaman ng ating bayan.
Ang tatalakayin natin ngayong araw ay ang mga karunungang-bayan. Buksan ang inyong mga
libro sa nasabing pahina.
KARUNUNGANG-BAYAN
(Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang Inga
Espanyol)
Noon pa man ay sinasabing mayaman na ang panitikang
Pilipino. Tayo ay may sarili nang panitikang nagtataglay ng
kasaysayan ng ating Iahi bago pa man dumating ang mga
Espanyol at iba pang mga dayuhan sa bansa. May mga
akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng mga
Katutubo sa iba't ibang panig ng bansa tulad ng
karunungang-bayan na tinatawag ding kaalamang-bayan.
Ang panitikang ito ay binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at
bulong. Karaniwang ang mga ito ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula.
1. Salawikain—lto ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng
kagandahang-asal ng ating mga ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa
pagkakaroon ng kabutihang-asal.
Halimbawa:
-Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
-Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.
-kung ikaw ay may ibinitin, Mayroon kang titingalain.
-Kapag may isinuksok, may madudukot.
-Ang taong karunungan, Kayamanang di mananakaw.
3.Kasabihan — Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong ipinalalagay na mga
sabihin ng mga bath at matatatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose 'Rhyrnes.
Ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso kilos ng isang tao. pagpuna sa
Halimbawa:
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad.
Tirirt ng ibon
Tiririt ng maya
Kaya lingon nang lingon
Hanap ay asawa.
`
4. Bugtong— Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas
nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman
sa bugtong. Halimbawa:
-Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat. (banig)
-Dalawang katawan, tagusan ang tadyang. (hagdan)
5.Palaisipan--lto ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang
bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin, Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga
sinaunang Pilipino ay sandy mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inåpo.
Halimbawa:
-Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan
ang natira?
-May isang bola sa mesa, Tinakpan ito ng sombrero, Paano nakuha ang bola nang di man lang
nagalaw ang sombrero?
A B
Paghahambing
PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Panuto: Basahin at tukuyin kung anong mahahalagang kaisipan ang nais ipahiwatig. Piliin ang
titik ng tamang sagot. Sagutan ito sa inyong CLE.
1. Pag may isinuksok, may madudukot.
a. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
b. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alakansiya para pag dumating ang
oras ng pangangailangan ay may magagasta.
c. Umuunlad ang mga bangko sa mga perang naiipon ng mga tao.
PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang angkop na pahambing sa pangungusap gamit ang mga gabay na salita sa loob
ng panaklong. Isulat ang sagot sa linya. Ito ay sasagutan sa inyong CLE.
1. (gusto: di magkatulad) kong magbasa kaysa manood ng telebisyon kapag wala
akong ginagawa.
2. (maganda: magkatulad) ang pananaw naming magkaibigan sa buhay dahil ito
ang turo ng aming magulang.
3.Ako ay (matanda: di magkatulad) kaysa sa aking mga kalaro kaya’t pinipilit
kong maging mabuting halimbawa sa kanila.
4. (mahirap: di magkatulad) ang buhay ng aking mga magulang kompara sa
magandang buhay na ibinigay nila sa akin ngayon.
5. Ang aking tatay at nanay ay (bait: magkatulad) kaya’t mahal na mahal ko
silang dalawa.
PAGLALAGOM/PAGPAPAHALAGA
1. Bakit mahalagang pag-aralan at pahalagahan ng mga kabataan ang mga karunungang-
bayan?
2. Paano nakatutulong ang mga karunungang-bayan sa buhay lalo na sa mga kabataan?
3. Bakit mahalagang matutuhan ang paghahambing?
PAGLALAHAT
1. Ibigay ang mga halimbawa ng karunungang-bayan at ipaliwanag ito.
2. Ibigay ang dalawang uri ng paghahambing at ipaliwanag.
Inihanda ni: Nilagdaan ni:
SUSI SA PAGWAWASTO
PAGGANYAK NA GAWAIN
1. SALAWIKAIN
2. SAWIKAIN
3. BUGTONG
4. SAWIKAIN
5. BUGTONG
6. KASABIHAN
7. KASABIHAN
8. PALAISIPAN
9. BULONG
PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1.A
2.B
3.B
4.A
5.C
PAGTATAYA
1. Mas gusto
2. Magkasing
3. Mas matanda
4. Mas mahirap
5. Magkasim bait
PINAGYAMANG PLUMA 8
Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan