Grade IV - LP Fiilipino q3
Grade IV - LP Fiilipino q3
Grade IV - LP Fiilipino q3
Quarter 3 – FILIPINO IV
I. Layunin
A. Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng isang gawain.
B. Nakasasagot sa mga tanong na bakit at paano batay sa napakinggang teksto.
II. Paksang Aralin
A. Paksa
Paksang Aralin: “Aralin 6: Lugar sa Paaralan, Halina’t Pasyalan” (Pang – uri).
B. Sanggunian
Curriclum Guide sa Filipino F4NP-IIIj-8.4 ; F4PN-III-b-h-3.2
Filipino IV TG pahina 106-107
Filipino IV TG pahina 50-56
C. Kagamitan
Tsart, larawan, kuwento “Laki sa Hirap”
D. Pagpapahalaga
Pagiging masikap/masipag.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbaybay
2. Paghahawan ng Balakid
Ipagawa ang Tuklasin Mo. A KM p. 100.
Itanong: Ano ang ibig sabihin ng salat? Hapag-kainan? Phunan? Dinumog?
Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.
3. Balik-aral
Magbigay ng mga napag – aralan natin noong ikalawang markahan.
4. Pagganyak
Itanong:
Bakit ka pumapasok sa paaralan?
Ano ang ginagawa ninyo tuwing bakasyon?
Sino ang nakaranas na magtinda tuwing Sabado o Linggo o tuwing bakasyon?
Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan.
Itanong:
Bakit ninyo ito ginagawa?
B. Panlinang na Gawain
Gawain I
Pangganyak na tanong:
Ano ang ginagawa ng mag-anak upang makaraos sa suliraning kanilang
nararanasan?
Gawain II
Ipakita ang pabalat ng aklat.
Pag-usapan ang larawan na makikita rito.
Pag-usapan ang iba pang impormasyon na makikita sa pabalat.
Isa-isahing buksan ang pahina ng aklat.
Itanong:
Bakit laki sa hirap ang pamagat ng kwento?
Basahin ng malakas ang kwento: “Laki sa Hirap”
Gawain III
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase: Ipagawa ang sumusunod na gawain.
Pangkat I- Gumawa ng name tag ng mga tauhan sa kwentong napakinggan.
Pangkat II-Ilista ang mga suliranin ng bida sa kwento.
Pangkat III-Isadula ang ginawa ng bida sa kwento.
Pangkat IV-Iguhit ang nangyari sa bida ng kwento.
RUBRICS
KAHANDAAN 25%
KAAYUSAN 25%
NILALAMAN 25%
KOOPERASYON 25%
TOTAL: 100%
C. Paglalahat
Itanong:
Matapos ang pagbasa ng kwento, balikan ang mga hula na ibinigay bago ang pakikinig
ng kwento.
Itanong:
Tama ba ang hula na ibinigay ninyo?
D. Pagpapahalaga
Bakit kailangan nating magsikap o maging masipag sa buhay? Sa pagiging mag –
aaral.
E. Paglalapat
Ano ang ginawa ng mag-anak upang makaraos sa suliraning kanilang nararanasan?
Ano ang naging damdamin mo matapos mapakinggan ang kwento?
IV. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga tanong na bakit at paano? Sundin ang panutong ibibigay ng
guro.
I. Sagutin ang mga Tanong
Bakit nagsikap ang tauhan sa kuwento?
Paano niya nalagpasan ang hirap ng buhay?
II. Sundin ang Panuto
Iguhit ang iyong sarili at ang unang tauhan sa kuwentong “Laki sa Hirap”
Isulat sa kanang bahagi ng papel ang mga bagay na pagkakapareho mo sa kanya.
Isulat naman sa kaliwang bahagi ng papel ang pagkakaiba niyo.
V. Takdang Aralin
Iguhit ang damdamdamin mo sa napakinggang kuwento.