Physical Education 4 Quarter 2: Learning Activity Sheet

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PHYSICAL EDUCATION 4

Quarter 2

LEARNING ACTIVITY SHEET


Asignatura at Baitang: MAPEH-Physical Education 4
Activity Sheet Bilang: 6
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas RepubliKa 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na maghanda ng Gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga


Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng MAPEH-PE 4 Activity Sheet

Manunulat: MARY JANE D. JACLA

Tagaguhit: _________________________

Tagalapat: _________________________

Tagasuri: LEAH T. ABRIL

Editor: Nancy M. Abarracoso PhD.-EPS-MAPEH

Carmela R. Tamayo EdD., CESO V – Schools Division Superintendent

Moises D. Labian Jr. PhD., CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent

Antonio F. Caveiro PhD. - Chief Education Supervisor, CID

Nancy M. Abaracosso - EPS – MAPEH


ASIGNATURA: PHYSICAL EDUCATION 4

Pangalan ng mag-aaral:___________________Baitang:___Seksyon:__
Paaralan : _____________________________ Petsa:_______

LARONG PATINTERO
Pamagat

I. Panimula:
Natutunan mo sa nakaraang aralin ang isang kasanayan na sangkap
ng physical fitness. Ang speed o bilis ay ang kakayahan ng mabilis na
paggalaw ng katawan o ilang bahagi ng katawan. Maraming laro ang
nangangailangan ng bilis kung kaya’t mainam na sanayin ito ng
bawat isa lalo na sa mga bata. Halimbawa dito ay ang larong
patintero, iyong matututunan ang mga kahalagahan ng laro sa
pagpapaunlad ng mga sangkap ng physical fitness na bilis at liksi.
Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at sagutin ang
mga ito. Kung kailangan ng tulong, sumangguni sa nakakatandang
kapatid o magulang.

II. Kasanayang Pagkatuto at koda:

EXECUTES THE DIFFERENT SKILLS INVOLVE IN GAMES.


(PE4GS-IIC-h-4)
III. Pamamaraan:

A. Simulan:

Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng pamamaraan na nakatutulong upang


mapaunlad ang iyong bilis at liksi at ekis (x) kung hindi.

___1. Paligsahan sa pabibigay ng mga bagay (bring me)


___2. Pagkain sa hapag kainan
___3. Pag-ehersisyo araw-araw
___4. Paglalaro ng circle chase
___5. Paglalaro ng obstacle relay
___6. Matulog maghapon
___8. Manuod ng TV.
___9. Tumakbo ng 50 m
___10. Sumayaw

B. Alam mo Ba:

Pagyayamanin naman natin ang ating bilis at liksi sa pamamagitan


ng paglalaro ng isang invasion game na tinatawag na patintero. Sa
paglalaro nito, iyong mapapaunlad ang iyong bilis at liksi dahil
kakailanganin dito ang mabilis na kilos upang hindi maabutan ng taya at
hindi magiging taya.
Ang Invasion game ay uri ng mga laro na ang layunin ay lusubin o
pasukin ng kalabang koponan ang iyong teritoryo. Ang Patintero ay
isang halimbawa ng invasion game.
PATINTERO
Sa bahaging ito, pag-aralang mabuti ang mga pamamaraan sa
paglalaro ng patintero. Anyayahan moa ng iyong mga kasamahan
sa bahay na maglaro kayo ng patintero. Bumuo ng pangkat na
may apat o limang kasapi.
Pamamaraan:
1. Bumuo ng dalawang pangkat na magkapareho ang bilang.

2. Gumuhit ng mga linyang pahaba at pahalang na pantay ang mga


sukat.

3. Pumili ng lider o patotot sa bawat grupo. Alamin kung sino muna


ang tayang grupo. Ang patotot lamang ang maaaring tumaya sa
likod ng kahit sinong kalaban.

4. Ang tayang pangkat ay tatayo sa mga linya. Susubukang


lampasan ng kabilang grupo ang bawat bantay ng linya nang hindi
natatapik ang anumang bahagi ng katawan. Kung matapik ang
bahagi ng katawan, magpapalit ng tayang pangkat.

5. Kailangang makapasok at malampasan ng pangkat ang unang


linya. Hanggang sa huling linya, at pabalik upang magkapuntos.

6. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos sa loob ng takdang


oras ang panalo.

I. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

A. Ano ang masasabi mo sa larong bago lang ninyong ginawa?


_________________________________________________

B. Anu-anong kaugnay na kasanayan ang ginamit ninyo?


_________________________________________________

C. Sa mga isinagawang gawain, nagpakita ba kayo ng paggalang at


patas na pakikipaglaro sa iyong mga kaibigan?
__________________________________________________
D. Bakit kailangang gawin ito? ____________________________
II. Suriin mo ang iyong sarili at iguhit ang sa wastong hanay.

Kailangan
Gawain Napakahusay Mahusay pang
linangin
Liksi sa pag-iwas sa
pagtataya sa larong
patintero

Bilis ng pagtakbo sa larong


patintero

Magalang na pakikipaglaro

Pag-unawa sa konsepto ng
invasion games

C. Bumahagi:
a
Punan ang bawat patlang sa tamang sagot.

1. Ang paglalaro ng _______________ ay nakakapagpaunlad sa mga


sangkap ng physical fitness na bilis at liksi.

2-3. Ang ________ at ________ ay dalawang sangkap ng physical


fitness na malilinang sa pamamagitan ng paglalaro ng invasion games.

4. Ang ________________ ay isang magandang kaugalian ng mga


manlalaro upang matanggap ang pagkatalo nang may kasiyahan.

5. Ang larong _______________ay isa sa mga halimbawa ng invasion


games.
6. Para laruin ang patintero kailangang bumuo ng __________pangkat.

7. Ang larong patintero say isang urin ng ___________games.

8. Ang ika __ na alituntunin sa paglalaro ng patintero ay ang; Gumuhit


ng mga linyang pahalang at pahaba na pantay ang mga sukat.

9-10. Ang layunin ng larong patintero ay ____________at


_____________ang kanilang kalaban,

Gawin Mo:
Gumawa ng Fitness Diary para sa araw na ito. Isulat sa iyong diary ang
mga natutunan tungkol sa pagpapaunlad ng bilis at liksi. (10 pts)

FITNESS DIARY

Petsa:____________
Dear Diary,

Nagawa ko sa araw na ito ang


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_____________________________________________________

Tumutulong ito sa akin upang ako ay


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_____________________________________________________

Sumasaiyo,
__________

IV. Mga Sanggunian:


Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 Pahina 90-95.
Teacher’s Guide
Curriculum Guide

VII. Susi sa Pagwawasto

III. Pamamaraan III. Pamamaraan III. Pamamaraan

C.Bumahagi B.Alam Mo Ba A.Simulan


1. Patintero I. 1./
2. bilis, liksi 1. ito ay mayang laro 2. x
3. dalawa 2. pagsasanay sa bilis at liksi ng 3. /
4. sportsmanship ating katawan 4. /
5. basketball 3. oo 5. /
6. kahit alan basta magka pareho 5. para ma maging maliksi at 6. x
ang bilang bawat pangkat mabilis an gating katawan. 7. x
7. invasion II. 8. x
8. dalawa 9. /
9. lusubin 1-5 Dependi sa sagot 10. x
10. pasukin

You might also like