1 ST

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Filipino 10

Unang Markahan

I. Mga Layunin:
A. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga gamit ng pandiwa.
B. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon ukol sa paksa.
C. Natutukoy gamit ang mga pandiwa sa pangungusap..

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Gamit ng Pandiwa

B. Kagamitang Panturo: kopya ng akda, mga larawan, Envelope


C. Sanggunian: Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral ph. 24-25.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Paghahanda

Magandang hapon klas! Magandang hapon din po,Ma’am!


Kamusta naman kayo sa hapong ito? Mabuti naman po!
Masaya akong marinig iyan.

Ngayong araw ay may bagong paksa tayong


tatalakayin.
Ayusin ninyo ang inyong mga upuan at pulutin ang
mga kalat bago tayo magsimula. ( Gagawin ng mga mag-aaral )

Klas, may inihanda akong incentive chart dito upang


malaman ninyo ang inyong magiging puntos para sa
pangkatang gawain na ating gagawin.

Ano ang dapat gawin para makakuha kayo ng


puntos? - sumagot ng tama
- lumahok sa pangkatang gawain
Maliwanag? - makinig sa ibibigay na panuto

Opo, Ma’am!

A.1. Balik-Aral

Pansinin ninyo klas ang mga nakapaskil


na larawan. Sino ang makapagsasabi sa akin kung
ano ang nasa larawan?
Ano ang ipinapakita ng mga ito?

Unang Larawan
= Ang babae ay natutulog.

Pangalawang Larawan
= Isang aleng tumatayo habang siya ay
naglalaba.

Ikatlong Larawan = Isang babae at lalake na sumasayaw.


Ikaapat na Larawan = Lumalangoy

Ikalimang Larawan
= Dalawang batang kumakanta

= Nagsasaad ito ng kilos o galaw

Magaling! Ang mga larawang ito ay may = Pandiwa!


kinalaman sa ating paksang tatalakayin.
Ano ang isinasaad ng mga larawang ito?

Anong bahagi ba ng pananalita ang mga = Ma’am hindi po yata.


salitang nagsasaad ng kilos?
Tama! = Hindi po puwede dahil magkadugo sila.

A.2. Pagganyak =Ma’am sabi po ng titser naming sa Biology,


Atin nang simulan ang aralin sa araw na mahirap po kapag nag-asawa ang magkadugo
ito. Sa inyong pananaw, maaari kayang maging dahil maaaring magkaroon ng abnormalities
mag-asawa ang magkapatid? ‘yong mga magiging anak nila.

Bakit mo naman nasabi?


= 1..2..3… 1..2..3…
Ano pa?

Tama. Dahil ayon sa mga eksperto,


napatunayan na magkakaroon ng depekto ang
bata, mapapisikal man o mental kapag nagsama
ang magkaparehong genes.
Kung ganoon, hindi talaga dapat maging
mag- asawa ang dalawang magkadugo. Ngunit sa
isang mito na ating babasahin, matutunghayan
natin ang kuwento ng magkapatid na sina Bugan at
Wigan na naging mag-asawa. Ang kuwentong ito ay
nauuri sa mito na mula sa Ifugao.

B. Paglalahad

Bago tayo magsimula sa ating aralin,


hahatiin muna ang klase sa tatlong (3) pangkat.
Magsimula magbilang sa kanan.

= Wala po.
Bawat pangkat ay makatatanggap ng sobre
na naglalaman ng isang kwento na may kasamang
mga gawain at panuto ng iyong dapat gawin.

Sa hapong ito ay magbabasa tayo ng isang = Gagawin ng mag-aaral.


mito mula sa Ifugao na ipinamagatang “Nagkaroon
ng Anak sina Wigan at Bugan”, babasahin ninyo ito
nang tahimik at intindihin mabuti ang kwento, dahil
= Opo
may mga inihanda akong gawain para sa inyo.

Bibilang lamang ako ng isa hanggang


sampu para pumunta sa inyong pangkat at kayo ay
inaasahang bumuo ng isang bilog. Ang pangkat na
maingay ay babawasan ko ng puntos na makikita sa
inihanda kong incentive chart.

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung


minuto upang gawin ito.

May mga katanungan pa ba?

1. Pagsasanay sa Pag-unawa
Pagkatapos sagutin ang gawain.
Isulat ang sagot sa manila paper ng inyong
naging sagot. Idikit sa pisara.
= Opo
C. Paghahambing at Paghahalaw
Mula sa binasa nating mito may ginamit
bang mga pandiwa?
Ang mga nasalungguhitan sa mga
sumusunod na pangungusap ay mga pandiwa,
nagsasaad ng kilos o galaw. Ang mga pandiwang ito
ay may kanya-kanyang gamit—aksiyon, karanasan = Syempre tagaranas po Ma’am.
at pangyayari.

1. Pumunta si Bugan sa kinaroroonan ng mga diyos


na sina Ngilin, Bumakker, Bolang, at ang diyos ng
mga hayop.
2. Tumawa ang igat.
3. Nalugod ang mga diyos nang makita si Bugan. = Ang igat po.
Ang unang pandiwa ay pumunta na nilapian ng –
um. Tandaan, kung ang isang pandiwa ay nilapian
ng –um, ma-, mag-, mang-, at mag- an, ito ay
tinatawag na Aksiyon. Hindi lang iyan, may aksiyon
ang isang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng
kilos. At ang aktor ay maaaring tao o bagay.
Naintindihan?
Tingnan naman natin ang pangalawang
pangungusap.

Ang pandiwa rito ay tumawa. Ang pandiwang


tumawa ay nagpapahayag ng damdamin o saloobin. =Dahil nakita nila si Bugan.
Ito ang tinatawag na Karanasan. Kung ang Aksiyon
ay matatawag na aksiyon kung may tagaganap o
aktor, ang karanasan naman ay ano?
Tama!
Maaaring magpahayag ang karanasan o damdamin
ang isang pandiwa. Sa ganitong sitwasyon, may
tagaranas ng damdamin o emosyon. = Opo. Wala na po.

Sa ating pangalawang halimbawa, ‘Tumawa ang


igat’, sino ang nakakaramdam ng damdamin?
Tama katulad din sa Aksiyon ang tagaranas sa
Karanasan ay maaaring tao, bagay o maging mga
hayop.

Kung mayroong aksiyon at karanasan, mayroon din


tayong tinatawag na Pangyayari na kung saan, ang
pandiwa ay resulta o kinalabasan ng pangyayari.
Ang pandiwa sa ating pangatlong pangungusap ay
nalugod, at ito ay isang damdamin ngunit resulta o
kinalabasan ito ng pangyayari. Bakit nalugod ang
mga diyos?
Tama. Ang pandiwang nalugod ay resulta ng
pangyayaring dahil nakita nila si Bugan.

Ang aksiyon, karanasan, at pangyayari ay tinatawag


nating Mga Gamit ng Pandiwa.

Maliwanag ba? May katanungan?

D. Paglalahat

Kailangan ko ng dalawang boluntaryong


mag- aaral upang ibigay ang pagkakaiba ng aksiyon, =Ma’am! May AKSIYON ang padiwa kapag may
karanasan at pangyayari bilang gamit ng pandiwa. actor o tagaganap ng aksiyon o kilos. Maaring
tao o bagay ang actor.
=Nagpapahayag ng KARANASAN ang pandiwa
kapag may damdamin at may tagaranas ng
damdamin o saloobin.
=Ang huli, ay ang PANGYAYARI na ang pandiwa
ay resulta ng isang pangyayari.

= Walang anuman po.


Maraming Salamat sa mga sumagot.

E. Paggamit

Sa puntong ito, susuriin natin kung lubos


ninyong naintindihan ang ating paksa sa araw na
ito. May gawain tayong gagawin at manatili lamang
sa inyong kapangkat.

PAHUSAYAN-PABILISAN
(Gagawin ng mga mag-aaral)
Panuto: Bawat grupo ay paunahang itataas ang
kamay ng lider at isasabi ang tamang sagot
matapos basahin ng guro ang mga pangungusap at
pagbanggit ng mga pandiwa.
1. (Aksiyon)
1. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga
diyos. 2. (Pangyayari)
2. Namatay si Kahel dahil sa nainom niyang lason.
3. Labis na nasiyahan ang mga bata sa bahay- 3.(Karanasan)
ampunan.
4. Patuloy na naglakbay ang mga mensahero 4.(Aksiyon)
patungong Gresya.
5. (Pangyayari)
5. Nalunod ang mga tao dahil sa matinding baha.
6. (Aksiyon)
6. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
7. (Karanasan)
7. Tumawa si Bumabakker sa paliwanag ni Bugan.
8. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban 8. (Pangyayari)
ang kaniyang pagmamahal kay Cupid. 9. (Karanasan)
9. Natuwa si Nene sa regalong natanggap.
10. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang 10. (Karanasan)
masamangpangyayari.

IV. Pagbibigay-halaga

Magaling,ngayon. Magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit ng ating mga natutunan, na ating


natalakay, kumuha ng ½ crosswise na papel at isulat lamang dito ang mga sagot.
Panuto: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel. Isulat sa patlang kung ang pandiwang may
salungguhit ay ginamit bilang aksiyon, karanasan o pangyayari.

________________1. Naglakbay si Ethan patungong Israel.


________________2. Nabalisa si Aling Lea matapos malamang naaksidente ang kanyang asawa.
________________3. Sumisigla ang paligid sa tuwing ikaw ay nakangiti.
________________4. Naglayas si BJ dahil sa pagmamaltrato ng kanyang ina.,
________________5. Ginamit ni Seyong ang lahat ng kanyang lakas upang maisalba ang kanyang
kasintahan sa tiyak na panganib.
________________6. Labis na nagdusa ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan.
________________7. Nagpakalasing si Zeke dahil sa problemang dinadala.
________________8. Umasa ang lalaki sa pangako ni Selya.
________________9. Hindi nakuntento si Michael sa ginawa niyang pang-aabuso kay Aime.
________________10. Lalong sumidhi ang galit ni Tristan kay Gabriel.
________________11. Nahulog siya sa kahoy dahil sa lindol.
________________12. Nagpatiwakal ang dalaga sa labis na pagdaramdam.
________________13. Umalis siya sa bahay ampunan.
________________14. Nasira ang bahay ng dahil sa matinding unos.
________________15. Nalumbay si Bing sa balitang pumanaw na ang kanyang alagang baboy.

V. Takdang Aralin :Alamin kung ano ang kahulugan ng Sanaysay at ano-ano ang mga elemento nito.

Iniwasto ni:

Emma G. Marba
Filipino Subject Coordinator
Inihanda ni:

Anna Marie C. Mendoza


Guro sa Baitang 10 Filipino
Panuto: Isulat sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon, karanasan o
pangyayari.

______________ 1. Naglakbay si Ali patungong Israel.


______________ 2. Nagpakalasing si Zayn dahil sa problemang dinadala.
______________ 3. Sumisigla ang paligid sa tuwing ikaw ay nakangiti.
______________ 4. Ginamit ni Seyong ang lahat ng kanyang lakas upang maisalba ang kanyang
kasintahan sa tiyak na panganib.
______________ 5. Labis na nagdusa ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan.
______________ 6. Nalumbay si Bing sa balitang pumanaw na ang kanyang alagang manok.
______________ 7. Umasa ang lalaki sa pangako ni Selya.
______________ 8. Hindi nakuntento si Michael sa ginawa niyang pang-aabuso kay Anna.
______________ 9. Umalis siya sa bahay ampunan.
______________ 10. Nasira ang bahay ng dahil sa matinding unos.

You might also like