Banghay Aralin Sa Filipino 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

Teacher: Maria Rita Awayan Grade Filipino 6


Student Teacher Kithy A. Largo Quarter 4
Date: March 26, 2024 Time 8:00 am

Kasanayan sa Pagkatuto Napapangkat Ang Mga Salitang Magkakaugnay


Layunin: Sa loob ng 50 minutong aralin, ang mga bata
ay inaasahang makakuha ng 80% ng pagkatuto:
 Napapangkat ang mga salitang magkaugnay
 Natutukoy kung papaano napapangkat ang
mga salitang magkakaugnay
 Naipapamalas ng mga bata ang pagkakaisa at
kooperasyon sa pagpangkat ng mga salitang
magkaugnay
II. NILALAMAN
A. Sanggunian https://youtu.be/kbbnKVRsjVU?
si=8Rzi9Sbhr4Z09924

B. Paksa Napapangkat Ang Mga Salitang Magkakaugnay


(P6PT-IVb-j14)

Kapareho mo, Hanapin mo!, Catch the Ball,


C. Estratehiyang ginamit sa Pagtuturo Discovery Learning, Game based Learning,
Explicit Teaching, Group Collaboration

Science, Music, Arts


D. Pagsasanib sa ibang Asignatura
Larawan, marker, manila paper, bola
E. Kagamitan

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
 Bago tayo magsimula sa ating  Panginoon, maraming salamat
aralin, tumayo tayong lahat para sa po sa araw na ito, patawarin niyo
ating panalangin. po kami sa aming mga
kasalanan, ingatan niyo po kami
sa panimula at hanggang sa
pangwakas, sa
makapangyarihang Pangalan Ni
Hesus Amen.

2. Pagbati
 Magandang umaga mga bata!  Magandang umaga! Magandang
buhay po titser!

3. Pagtala sa lumiban sa klasi  Wala pong lumiban titser


 Mayroon bang lumiban sa klasi,
mga bata?

B. Balik-Aral
 Mga bata bago tuluyang tumungo sa  Opo titser tungkol po sa mga
ating bagong aralin, naalala niyo ba ang salitang magkaugnay.
pinag-aralan natin kahapon?
 Magaling! Ang mga salitang
magkaugnay ay magkapareho o
magkatulad.

 Pagmasdan ang mga larawan, ano ang


napansin niyo mga bata?  Titser ang napagmasdan ko po sa
mga larawan ay mga salitang
magkaugnay dahil po ang bangka ay
 Magaling mga bata! ginagamit pong sakayan ng mga tao
sa karagatan.

 Dito naman sa ikalawang larawan ano ang  Titser ang larawan pong yan ay
napapansin ninyo? nagpapakita ng salitang magkaugnay
dahil po ang ibon po ay ginagamit
ang pugad para limliman ang
kanilang mga itlog.

 Magaling mga bata! Ang mga pinakita kung


larawan ay nagpapakita ng mga salitang
magkaugnay na ang ibig sabihin ay
magkapareho o magkapartner.

C. Pamantayan sa Pag-aaral
 Mga bata bago tayo tuluyang tumungo  Titser dapat po tayong
sa ating bagong aralin para sa araw na  Making ng Mabuti
ito. Ano ang dapat nating gawin habang  Unawain ang aralin
tayo ay nag-aaral?  Makilahok sa mga Gawain
 Magaling mga bata!  At maging magalang

D. Pagganyak
 Ngayon mga bata ay magkakaroon tayo
ng isang laro, mayroon akong
inihandang laro para sa inyo ang tawag
sa larong ito ay “Kapareho Mo,
Hanapin Mo”
Ngayon ay magkakaroon tayo ng “Catch the Ball”
magpatugtug ako ng isang musika at ang bola ay ipa
pasa niya ito at kung ang musika ay huminto at kung
sino mang bata ang may hawak nito ay siyang sasagot.
Ito ay uugnayin lamang ang mga bagay na
magkakaugnay na makukuha ninyo sa loob ng kahon.
 Naintindihan ba mga bata?

 Opo titser

1.

2.

3.

4.
5.

E. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin
 Ano ang inyong ginawa mga bata?
 Ano ang inyong napansin sa mga
larawan?

Ang Pangkat ay tumutukoy sa gropu o lipon ng mga


bagay na may kaugnay sa isa’t-isa. Ang kaugnayan
naman ay tumutukoy sa relasyon o koneksyon ng mga
bagay.

Ang pagpapangkat ng mga salitang magkaugnay ,


karaniwang pinagsasama-sama ang mga salitang may
koneksiyon ayon sa uri, gamit, bahagi, lokasyon,
katangian o kahulugan ng mga ito. Maaari ring iayon
ang pagpapangkat sa mga salita sa pamamagitan ng
pagpapares sa mga salitang magkaugnay.

Ngayon mga bata para mas maunawaan niyo pa ng


mas Mabuti ang ating aralin magbibigay ako ng mga
halimbawa, hand ana ba kayo mga bata?

Halimbawa ng mga salitang magkakaugnay

Papel at Lapis Yeso at Pisara


Unan at Kumot Kape at Gatas

Halimbawa ng pagpapangkat ng mga salitang


magkakaugnay

Mga Kagamitan sa Mga Kagamitan sa


Pag-aaral Pagluluto
Lapis sandok
papel palayok
modyul kalan
Libro
Bag

Mga halamang Mga halamang hindi


namumulaklak namumulaklak
Rosas Palmera
Gummamela Chinese Bamboo
Sampaguita Fortune Planet

Gamit
1.

Ang kutsilyo ay ginagamit panghiwa.

2.

Ang sapatos naman ay ginagamit pang protekta sa paa.

Lokasyon

1.

Ang kabayo ay nasa kanyang kuwadra na nagpapakita


ng lokasyon ng kabayo.
2.

Ang lokasyon ng barko ay sa tubig o karagatan.

Bahagi

1.

Ang ilong ay bahagi ng mukha

2.

Ang sanga ay bahagi ng puno

F. Pagtatalakay ng bagong konsepto sa


paglalahad ng bagong kasanayan #1
Ngayon namn mga bata para sa inyong pangkatang
Gawain hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ang
bawat pangkat ay bibigyan ko ng Gawain.

Handa na ba kayo mga bata?


 Opo titser
Unang Pangkat: Ibigay Mo!
Panuto: Maaari nating pangkatin ang mga salita
upang mas madaling maunawaan ang ugnayan ng mga
ito.

Gawin ang sumusunod na Gawain. Ibigay ang


hinihinging kaugnay na salita ayon sa gamit, lokasyon,
at bahagi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Bolpen: ______ (gamit)


2. Eroplano: _____ (lokasyon)
3. Daliri: _____ (bahagi)
4. Silid: ______(bahagi)
5. Gunting: ______(gamit)

Pangalawang Pangkat: Iguhit Mo Ako!


Panuto: Gumuhit ng 3 pares ng mga bagay na
magkaugnay.

Ikatlong Pangkat: Isulat Mo Ako!


Panuto: Isulat kung mga salita ay magkaugnay ayon
sa gamit, lokasyon, o bahagi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

________1. Ugat-puno
________2. Silid-bahay
________3. Silya-upuan
________4. Barko-dagat
________5. Motor-karsada
G. Paglinang ng kabihasnan (tungo sa
formative assessment)
Itambal ang nawalang katambal na mga salita sa
talutot ng bulaklak

Papel shampoo gripo


Balde pambura larawan

1. Sabon
2. Tabo
3. Tubig
4. Lapis
5. tsart
H. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na
buhay
 Ngayon mga bataa magbigay kayo ng mga
salitang magkakaugnay na makikita sa loob ng
silid aralan.
I. Paglalahat ng Aralin
 Ano ang mga salitang magkakaugnay? Ano  Titser ang salitang magkakaugnay ay mga
ang ibig sabihin nito? salitang magkatulad o mmgkaugnay ang
kahulugan. Ang mga salitang ito ay
magkasama at magkaparehas.

 Tumpak! Ang salitanng magkakaugnay ay mga


salitang magkatulad o magkaugnay ang
kahulugan. Ang mga salitang ito ay
magkasama at magkaparehas.
J. Pagtataya ng Aralin

a) Bilugan ang salitang hindi kasama sa pangkat


ng mga salitang magkakaugnay.
1. Kalye biyahe kalsada eskinita
2. Bata mag-aaral tindahan estudyante
3. Ospital palengke paaralan mag-aaral
4. Hapunan pasahero traysikel pamasahe
5. Kita bunso trabaho hanapbuhay
6. Umaga tanghalian hapo araw
7. Laruan kamiseta uniporme pantalon
8. Tatay guro kuya ate
9. Kalamidad trahedya bagyo klase
10. Pagbibigay pagmamahal pagsasaya
pagkalinga
K. Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita
ng Pagpapangkat ng mga salitang
magkaugnay.

Nagpapkitang turo:
Largo, Kithy A.

Tagamasid:
Gng. Maria Rita Awayan

You might also like