Piling Larang Akademik SLM 3 and 4 SY 2021 2022

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

FIRST SEMESTER S.

Y 2021-2022— GRADE 12 , GAS

AKADEMIK

1
FSPL Ak ade mik

Ano ang maaari mong maasahan sa SLM


( Supplementary Learning Material ) na ito?

Sa modyul na ito makasasalamuha mo ang iba’t ibang paksa kaugnay ang pagtalakay dito, mga halimbawa at iba’t ibang g

IKATLONG YUGTO- 1.3 ISANG


BIONOTE
IKA-APAT NA YUGTO- 1.4 PAGBUO NG PANUKALANG PROYEKTO

PAUNANG
SALITA

SA MGA MAGULANG:

Malaki ang responsibilidad ng mga magulang sa kanyang mga anak lalo na sa panahon ng pandemyang
ito. Gagabayan po ng modyul na ito ang inyong anak sa pamamagitan ng patnubay. Anu- man po ang dapat tugunin
ng inyong anak sa materyal pag-aaral na ito magtutulungan po kayo / tayo sa pagkatuto ng inyong anak.

SA MGA MAG-AARAL:

Nabubuhay tayo para hindi bumitaw at bumigay kundi para lumaban at matuto.

Ginawa ang modyul na ito , para sa bata,para sa bayan…Hindi madali ang pagtatamo ng magandang
kinabukasan, ngunit ang pagharap sa pandemyang ito ay hindi magiging dahilan para sumuko.Nasa in- yong mga
kamay ang ikapagtatagumpay.

Bawat pahina ng SLM na ito ay dapat mong bigyang-pansin. Unawaing lahat ang mga nakasulat upang hindi
magkamali sa mga gagawin. Sagutin ang mga katanungan at humanda sa pagsusumite sa paraang pasulat at pahatid
sa pamamagitan ng social media FB, Messenger account ,Email 0 printed man upang mabigyan kayo ng marka
ayon sa inyong natutunan.

- Rosales, R.B. -

2
FSPL Ak ade mik

MGA BAHAGI NG BAWAT YUGTO

Ang bawat yugto ay nagtataglay ng mga sumusunod na


bahagi:

PANIMULANG PAGSASANAY
Sa bahaging ito, magkakaroon ng ISAHANG GAWAIN
isang panimulang gawain na Sa bahagi na ito, ilalapat ang
susubok kung ang mag-aaral ay
may dati ng kaalaman sa paksang natutuhan sa naging talaka- yan .
tatalakayin.

INDIBIDUWAL NA GAWAIN
INTRODUKSIYON
Nasa bahaging ito ang pag- tukoy Sa bahaging ito, magka- karoon
kung anong partikular na aralin ng pansariling pag- tataya ang
ang bibigyang-pansin. Sa bahagi
rin na ito malinaw na inisa-isa ang mag-aaral hinggil sa kanilang
mga kasanayan na nais makamit natutuhan sa ara- lin.
sa pagtatapos ng aralin.

PAGTALAKAY PANGHULING PAGSASA-


Sa bahagi na ito, malinaw na NAY
tinatalakay ang paksa ng aralin
Sa bahaging ito, magka- karoon
kung saan binibigyan ito ng
kahulugan gayundin ng isang pagtataya na kaugnay
nagpapakita ng mga sa ginawang panimulang
halimbawa.
pagsasanay.

KAALAMANG PANGGRAMATIKA
Sa bahaging ito, magka- karoon
ng pagtalakay sa gramatika kung
saan binig- yang-diin ang
wastong gamit ng salita,
balangkas ng wika, at bahagi ng
nilalaman.

3
BIONOTE S L M

I. PANIMULANG
PAGSASANAY
3
PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga kasunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.

_1. Sa pagsulat ng bionote, makabubuti kung maghahanda ng isang balangkas para maisulat
ito nang maayos.
_2. Lahat ng mga mahahalagang datos ukol sa personalidad na ginagawan ng
bionote ay dapat na isulat, kahit na ito ay walang direktang kaugnayan sa okasyon kung saan gagamitin ang
bionote.
_3. Ang haba ng isang bionote ay nakadepende kung saan gagamitin ito at kung ano ang
kahingian ng nangangailangan nito.
_4. Kahit anong uri ng larawan ay maaaring gamitin para sa iyong bionote.
_5. Nagbabago-bago ang antas ng pormallidad ng wika kapag nakasulat ng bionote.
_6. Isang magandang halimbawa ng mahabang bionote ang isang impormatibong
pangungusap na inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng mga ginagawa, at tinatapos sa mga detalye
kung paano makokontak ang paksa ng bionote.
_7. Karaniwang makikita ang maikling bionote sa mga social media o business card.
_8. Ang micro-bionote ay binubuo ng isa hanggang tatlong pagla lahad
ng mga impormasyon ukol sa taong ipinakilala.
_9. Ordinaryo ang isang mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang natatanging
panauhin.
_10. Ang paggamit ng unang panauhang perspektib o first person perspective ay ma-
katutulong upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote.

4
FSPL Ak ade mik

MODYUL 3
PAUNANG SALITA

Ang pagsulat ay isang komplikadong gawain na


nangangailangan nang matinding paggabay upang ang isang
manunulat na nagbabalak magsulat ay magtagumpay. Isa itong
aktibidad ng ating utak na tumutulong upang ang isang indibiduwal
ay matuturuang maging kritikal, analitikal, at lohikal

Sa konteksto ng pagsulat sa kasulukuyan, isang suliranin ito


na umiiral sa mga paaralan kung kaya’t alinsunod sa itinadhana ng K-
12 kurikulum espesipiko sa Senior High School, ang guro ay
Hangad ng guro na matiyagang gumawa ng isang modyul sa Filipino na makatutulong sa
makatugon ang modyul na ito mga guro na nagtuturo ng asigna- turang Filipino sa Piling Larang –

sa pangangailangan ng mga Baitang 11 at 12.

mag-aaral at guro, gayundin


Ang modyul na ito sa Filipino para sa mag-aaral na ku- kuha
makatulong na masugpo ang
ng Asignaturang Filipino sa Piling Larang ay magiging gabay nang sa
suliranin sa pagsulat at ganun ay magkaroon ng karagdagang kaala- man hinggil dito. Taglay
gramatika. ng modyul na ito ang pagtalakay sa bawat paksa ng aralin kaugnay
ang iba’t ibang gawain na ma- kalilinang sa mas malalim na pag-
unawa sa mga paksa. Gayundin, sa bawat paksa ay nilakipan ng guro
ang aralin hinggil sa gramatika na maaaring makatulong sa gagawing
pagsulat. Isa rin itong katulungan sa mga guro sa Filipino dahil
magagamit nila ang modyul na ito bilang pangalawang lunsa- ran sa
pagtuturo ng nasabing asignatura.

5
FSPL Ak ade mik

MODYUL 3.1
KASANAYANG PAMPAGKATUTO

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Nuunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa ibat’t ibang larangan. ( Akademik)

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik ayon sa format at teknik.

MELCS:

1. Nakikilala ang ibat’ ibang akademikong sulatin ayon sa katangian at anyo.

2. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,

kalikasan at katangian ng ibat’ ibang anyo ng sulating akademiko.

3. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.

4. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.

CODE:
1. CS_FA11/12PN-Oa-c-90

2. CS_FA11/12EP-Oa-c-93

3. CS_FA11/12PU-Oa-d-92

4. CS_FA11/12EP-Oa-f- 93

6
FSPL Ak ade mik

MODYUL 3.1
II. INTRODUKSIYON

Helo! Ako si Ma’am Rosales ang magiging kaagapay mo sa pag- aaral ng


modyul na ito. Ito ay inihanda at isinaayos para sa iyong ka- pakinabangan
sa pag-aaral ng asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik). Sa
bahaging ito, sunod nating tatalakayin ang tungkol sa Bionote sa layunin
na gaya ng mga sumusunod:

1. Natutukoy ang kahulugan ng Bionote.


2. Naiisa-isa ang katangian at hakbangin nito.
3. Naiisaalang-alang ang mga dapat tandan sa pagsulat ng Bionote.

Pabatid:

Bukod sa talakayin na matutunghayan sa modyul na


ito, sikaping maghanap pa sa internet o aklat na
mayroon sa inyong tahanan maging sa iba pang ba-
basahin ng ilan pang mga halimbawa ng bionote
upang madagdagan pa ang inyong kaalaman.

7
FSPL Ak ade mik

III. TALAKAYIN NATIN:

Naranasan mo na ba maging host ng isang pagtitipon o palatuntunan sa


inyong barangay o sa inyong paaralan? Kung naranasan mo na, paano mo
ipinapakilala ang mga mahahalagang tao na may gampanin sa pag- titipon? Sa
modyul na ito, tutulungan kita na magkaroon ng karagdagang kaalaman kung paano
mo sila ipapakilala sa susunod na pagkakataon sa pamamagitan ng pagtalakay sa
konsepto ng pagsulat ng bionote.

Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa MGA HAKBANG
isang indibiduwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambaba- sa. SA PAGSULAT
Binibigyang-diin ng bionote ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga NG BIONOTE
parangal o nakamit, mga paniniwala at mga katulad na impormasyon ukol sa
ipinapakilalang indibiduwal hindi lamang upang ipabatid ito sa mga mambabasa o
tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kaniyang kredi- bilidad. Dahil dito,
napakahalagang maisulat nang mabuti ang isang bionote. Dapat ding tandaan na Narito ang mga
maituturing na volatile ang sulating ito sapagkat, maaari itong magbago nang mabilis ipinanukalang hakbang
dahil sa mga naidaragdag na impor- masyon sa isang indibiduwal. ng dalawang eksperto pa- ra
sa pagsulat ng bionote
(Brogan, 2014; Hummel,
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE 2014)

Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng biono- te ang


1. Tiyakin ang layunin
iminungkahi sa artikulong Guidelines in Writing Biographical Notes (sa http://www.
Kaowarsorm. be). Ito ay kinabibilangan ng sumusunod: 2. Pagdedesisyonan ang
haba ng susulating biono-
te.
1. Balangkas sa pagsulat.
3. Gamitin ang ikatlong
2. Haba ng bionote.
panauhang perspektib.
3. Kaangkupan ng nilalaman.
4. Simulan sa pangalan.
4. Antas ng pormalidad ng sulatin.
5. Ilahad ang propesyong
5. Larawan. kinabibilangan.
6. Isa-isahin ang maha-
Halimbawa ng micro-bionote. halagang tagumpay.
7. Idagdag ang ilang di-
inaasahang detalye.
8. Isama ang contact in-
Jose P. Rizal: nobelista, makata. Sundalo ng kasarinlan, manggaga- mot,
formation.
dalubhasa sa agham, lingguwista, isang tunay na bayaning Pilipi- no
9. Basahin at isulat muli
ang bio-
note.

8
FSPL Ak ade mik

Isa pang halimbawa ng maikling bionote. Ang bionote na ito ay isinulat para sa paba- lat ng
aklat na may pamagat na Computer Programming in a Changing World.

Si Mark Lyndon Guiang ay isang batikang programmer na nakapagtrabaho para sa


Microsoft Corporation. Bilang isang praktisyoner, naging systems administrator siya at chief
database officer ng Microsoft Phils. Awtor siya ng mga aklat na “Data Struc- ture and
Agorithm” (2015) at “Automata and Complexity Theory (2013) mula sa Prentice Publications, Inc.

Suki rin siyang tagapagsalita sa mga nasyonal na kumbensyon at pagtitipon na may


kinalaman sa information technology at theoretical compu- ter science. Sa kasalu- kuyan,
consultant siya ng Oracle Philippines at kasalukuyan din niyang tinatapos ang kaniyang digring
doktorado sa Computer Science sa Unibersidad ng Pilipinas.

IV. PAGLINANG SA KASANAYANG PANGGRAMATIKA


ALAM MO BA…?

Kung kailan ginagamit ang din sa rin at daw sa raw. Ang rin at raw ay ginagamit kung ang si- nusundang
salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Mga halimbawa:

1. Si Darwin ay katulad mo ring masipag mag-aral.


2. Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
3. May bahay rin sa Malabon sina Mr. Lingkod.

Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y
Mga Halimbawa:

1. Masakit daw ang ulo ni Malou kaya hindi siya nakapasok sa klase.
2. Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
3. Nakapagsulat din ng aklat si Kim.

Alam mo rin ba…?

Ang tamang paggamit ng pahiran at pahirin. Ang pahirin ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng
isang bagay.
Halimbawa: Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.

Ang pahiran naman nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay.


Halimbawa: Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.

9
FSPL Ak ade mik

Panuto: Isulat sa isang malinis na papel ang nasaliksik na magkaibang


personalidad.

Pumili ang mag-aaral at magsaliksik ng 2 halimbawa ng


Bionote hinggil sa mga sumusunod na personalidad.

1. Ang unang bionote ni Lea Salonga.


2. Ang ikalawang bionote ni Pangulong Duterte
3. Ang ikatlong bionote ni Vice Ganda.
4. Ang ika-apat ay bionote ni Zephanie Dimaranan.
5. Ang ikalimang ay bionote ni Manny Pacquiao.

VI. INDIBIDUWAL NA GAWAIN

Panuto: Isulat ang sariling bionote sa isang short bondpaper. Ilagay sa kaliwang
bahagi ( itaas sa may sulok ng bondpaper ang iyong larawan.

( I.D. size 1x1 ) Maaaring sulat-kamay o kompyuterisado ang inyong awtput.

PAMANTAYAN PARA SA PAGSULAT NG BIONOTE


KRAYTERYA DESKRIPSIYON BAHAGDAN
Napakaraming detalye ang nailahad sa sulatin.
Nilalaman 25
Makabuluhan ang naging sulatin
Paggamit ng Wika at Mahusay ang pagkakagamit ng mga salita. Wa-
10
Mekaniks lang maling baybay, bantas, gramatika.
Organisasyon at Pagka- Maayos ang pagkakalahad ng ideya. Wasto ang
15
mit ng Layunin pagkakasunod-sunod ng bawat detalye.
KABUOAN 50

10
FSPL Ak ade mik

VII. PANGHULING PAGSASANAY

PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga kasunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.

_1. Ordinaryo ang isang mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang nata- tanging
panauhin.

_2. Isang magandang halimbawa ng mahabang bionote ang isang im- pormatibong
pangungusap na inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng mga gina- gawa, at tinatapos sa mga
detalye kung paano makokontak ang paksa ng bionote.

3. Ang haba ng isang bionote ay nakadepende kung saan gagamitin ito at


kung ano ang kahingian ng nangangailangan nito.

_4. Kahiit anong uri ng larawan ay maaaring gamitin para sa iyong bionote.

_5. Nagbabago-bago ang antas ng pormallidad ng wika kapag nakasulat ng bionote.

6. Lahat ng mga mahahalagang datos ukol sa personalidad na ginagawan ng bionote


ay dapat na isulat, kahit na ito ay walang direktang kaugnayan sa okasyon kung saan gagamitin
ang bionote.

_7. Karaniwang makikita ang maikling bionote sa mga social media o busi- ness
card.

_8. Ang paggamit ng unang panauhang perspektib o first person perspective ay


makatutulong upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote.

_9. Sa pagsulat ng bionote, makabubuti kung maghahanda ng isang bal- angkas para
maisulat ito nang maayos.

_10. Ang micro-bionote ay binubuo ng isa hanggang tatlong pagla lahad

ng mga impormasyon ukol sa taong ipinakilala.

11
SLM

PANUKALANG
PROYEKTO
4
I. PANIMULANG PAGSASANAY

PANUTO: Tukuyin ang tinutukoy ng bawat aytem.

1. Inilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang


proyekto.
2. Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala.
3. Sa pahinang ito matatagpuan ang titulo ng proyekto, pangalan ng
nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang
pinaglalaanan ng panukala.
4. Ipinapakita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panu-
kalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito.
5. Ipinapakita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng resorses.

12
FSPL Ak ade mik

MODYUL 4
II. INTRODUKSIYON

Helo! Ako si Ma’am Rosales ang magiging kaagapay mo sa pag-aaral ng mo- dyul na ito. Ito ay inihanda

Natutukoy ang kahulugan ng panukalang proyekto.


Nakikilala ang bawat bahagi nito.
Nakapagsusuri ng isang halimbawa ng panukalang proyekto.

Pabatid:

Bukod sa talakayin na matutunghayan sa modyul na ito, sikaping maghanap pa sa


internet o aklat na mayroon sa tahanan maging sa iba pang babasahin ng ilan pang
halimbawa ng panukalang proyekto upang madagdagan ang inyong kaalaman at sa
pagbuo ng sariling halimbawa ng panukalang proyekto magiging lubos ang inyong
pagkatuto.

13
FSPL Ak ade mik

III. TALAKAYIN NATIN:

It is not about ideas. It is about making ideas happen. Do it. -


Anonymous MGA TAGUBILIN
SA PAGSULAT NG
Likas sa atin ang mag-isip. Mag-isip ng mga bagay- bagay na PANUKALANG
maaaring gawin at maisakatuparan. Gayunpaman, may pagkakataon PROYEKTO
na dahil sa kawalan ng kahandaan ay hindi nagtatagumpay ang ating
mga plano. Sa pagkakataong ito, matutuhan mo sa modyul kung
paano bumuo ng plano sa paraang tiyak at mahusay.
Ayon sa American Red
Cross (2006), kapag susulat ng
Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang proyekto ay isang panukalang proyekto,
detalyadong deskripsiyon ng isang serye ng mga aktibidad na kailangang gawin ang mga su-
naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema. Idinag- dag pa musunod:
niya na sa isang panukalang proyekto, makikita ang detalyadong 1. Magplano nang maagap.
pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto (project 2. Gawin ang pagpaplano nang
justification), panahon sa pagsasagawa ng proyekto (activities and pangkatan.
implementation timeline), at kakailan- ganing resources (human,
3. Maging realistiko sa gagawing
material, and financial resources required)
panukala.
4. Matuto bilang isang organisasy-
Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang nakasu- lat; on.
minsan ito ay anyong oral na presentasyon, o kaya ay kombinasyon 5. Maging makatotohanan at tiyak.
ng mga ito. Maaari itong internal o yaong iniha- hain sa loob ng
6. Limitahan ang paggamit ng
kinabibilangang organisasyon, o eksternal na isang panukala para sa teknikal na jargon.
organisasyong di-kinabibilangan ng proponent. Ang isang
7. Piliin ang pormat ng panukalang
panukalang proyekto ay maaaring solic- ited o unsolicited. Ang
malinaw at madaling basahin.
isang panukalang proyekto isinagawa dahil may pabatid ang isang
organisasyon sa kanilang pan- gangailangan ng isang proposal ay 8. Alalahanin ang prayoridad ng
tinatawag na solicited pro- posal, samantalang kung wala naman at hihingian ng suportang pinansyal.
kusa o nagbaka- sakali lamang ang proponent ay maituturing itong 9. Gumamit ng mga salitang kilos sa
unsolicited. Tinatawag ding invited o imbitado ang solicited, at pagsulat ng panukalang proyekto.
prospecting ang unsolicited (Leksikar, Pettit & Flatley, 2000).

14
FSPL Ak ade mik

MODYUL 4
MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO
Sa aklat na Developing Skills of NGOs Project Proposal Writing (2002) ay inisa-isa ni Besim Nebiu ang mga hakbang sa pagbuo
ng panukalang proyekto. Ayon sa aklat, kailangan ang:
1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo.
2. Pagbalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.
3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto.
4. Pag-organisa ng mga focus group.
5. Pagtingin sa mga datos estadistika.
6. Pagkonsulta sa mga eksperto.
7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.
8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad.
PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG
MGA ELEMENTO NITO
Sa isang masaklaw na pagtingin, karaniwang naglalaman ang panukalang proyekto ng pahina ng titulo, pahina ng nilalaman,
abstrak, konteksto, katuwiran ng proyekto, layunin, target na benepisyaryo, implementasyon ng proyekto, badyet, pagmonitor at
ebalwasyon,pag-uulat, pangasiwaan at tauhan, at mga lakip (Nebiu, 2002)

NARITO ANG DESKRIPSIYON NG BAWAT BAHAGI.


I. Titulo ng Proyekto
Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang titulo ng
proyekto, pangalan ng nagpanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng
panukala.
II.Nilalaman
Idagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot ng 10 o higit pang pahina. Mahalaga ang pahinang ito
upang madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal.
III.Abstrak
Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang makikita sa abstrak ang pagtalakay sa suliranin, layunin,
organisasyon na responsible sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet.
IV.Konteksto
Ang bahaging ito ay naglalaman sa sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural ng panukalang proyekto. Naglalaman
ito ng mga kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto o ng mga datos na
nakolekta mula sa iba’t ibang sors.

15
FSPL Ak ade mik

V. Katwiran ng Proyekto
Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na sub-seksyon kaga- ya ng: 1.
Pagpapahayag ng suliranin, 2. Prayoridad ng Pangangailangan, 3. Interbensy- on, 4. Mag-
iimplementang Organisasyon.
VI. Layunin
Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto. Kaugnay ng
layong ito, iisa-isahin din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panu- kala.
VII. Target na Benepisyaryo
Ipapakita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panukalang proyekto at
kung paano sila makikinabang dito.
VIII. Implementasyon ng Proyekto
Ipapakita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng resorses.
Taglay ng bahaging ito ang sumusunod: iskedyul, alokasyon, badyet, pagmonitor at ebalwasyon,
pangasiwaan at tauhan at mga lakip.

Halimbawa ng Isang Panukalang Proyekto

PROPOSAL PARA SA PAGBUO NG GLOSARING


DIHITAL (INGLES-FILIPINO)

1. Pamagat ng Proyekto: Glosaring Dihital (Ingles-Filipino)

2. Proponent ng Proyekto: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman

3. Deskripsiyon ng Proyekto:
Ang Glosaring Dihital (Ingles-Filipino) ay isang glosaring bilingguwal sa Ingles at
Filipino na maaakses sa kompyuter, maaring nakapasok sa programang Microsoft o sa isang
hiwalay na program. Sa simula, ibabatay ang glosari sa mga gamitin at pinagkakatiwalaang
bilingguwal na diksiyonaryo sa kasalukuyan, ngunit bahagi rin ng proyekto ang
pagpapalawak nito sa tulong ng mga aktibong tagasalin mulang Ingles patungong Filipino.

4. Rasyonal ng Proyekto:
Mahalaga ang pagsasalin para mapaunlad at maipalaganap ang ating wikang pambansa.
Sa pamamagitan ng pagsasalin, naililipat sa wikang Filipino ang iba’t ibang produksiyong
intelektuwal ng daigdig na mas madali at mabisang mapakikin- abangan ng mambabasang
Filipino. Sa pamamagitan din nito, napalalawak ang gamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang
disiplina at napauunlad ang bokabularyo ng wikang pambansa. Sa gayon, ang pagsasalin ay
nagiging mahalagang kasangka- pan para matupad ang probisyong pangwika sa
Konstitusyon na “ang wikang Filipi- no ay dapat pagyamanin salig sa mga umiiral na wika
sa bansa.”

16
FSPL Ak ade mik

Kung gayon, kailangang pumanday ng hukbo ng mga tagasalin na haharap sa napakalaking gawaing pagsasalin. Kasabay nito, kailangan ding
bumuo ng mga kasangkapan sa pagsasalin (transalation aids) na mapakikinabangan ng mga tagasalin para lalong mapadali ang kanilang
gawain. Kaugnay nito, dapat na samantalahin ang anumang pakinabang na dulot ng mga bagong teknolohiya para mapabilis ang
trabaho ng mga tagasalin at maparami ang produksiyon ng mga likhang salin.
5. Layunin ng Proyekto
5.1. Pangkalahatang Layunin: Makabuo ng glosaring dihital na bilingguwal sa Ingles-Filipino.
5.2. Mga Tiyak na Layunin:

diksiyonaryo ngayon

6. Estratehiya
Bubuuin ang Glosaring Dihital sa pamamagitan ng mga sumusunod na estratehiya.
Una, ang pag-encode ng nilalaman ng mga bilingguwal na diksiyonaryo. Kabilang sa balak gamiting diksiyonaryong bilingguwal sa
Ingles at Filipino ang mga sumusunod:
-Tagalog Dictionary ni Leo James English
-Pilipino DictionaryninaVito C. Santos at Luningning E. Santos
-Filipino) ni Renato Perdon
-Filipino), Technical and Business ni Renato Perdon
Dahil ang bubuuin ay glosari at hindi naman diksiyonaryo, hindi lahat ng nilalaman ng mga diksiyonaryo, nabanggit ang ii- encode.
Kukunin lamang ang mga sumusunod: 1) salita, 2) bahagi ng pananalita, 3) katumbas ng mga salita, 4) larang na pinag- gagamitan ng salita kung
kinakailangan tukuyin ang konteksto. Kung mayroon, isasama rin ang mga pariralang gumagamit ng lahok na salita.
Ikalawa, ang pagsasanib ng nilalaman ng mga diksiyonaryo. Matapos, ang pag-encode ng mga diksiyonaryo, pagsasanibin
ang mga ito para makabuo ng isang komprehensibong glosari. Dito na masasala ang duplikasyon ng mga lahok.
Ikatlo, ang pag-edit sa pinagsanib na diksiyonaryo para mai-format bilang glosari. Kailangang suriin at i-edit ang kompre- hensibong
diksiyonaryo. Kabilang sa mga kailangang tutukan sa editing pagkakaltas ng mga duplikasyon, gayundin ang pagtiyak na ang bawat lahok ay
sumusunod sa itatakdang format ng bawat lahok ay sumusunod sa itatakdang format ng bawat lahok na salita sa glosari.
Ikaapat, ang paglilipat ng glosari sa anyong dihital. May dalawang paraang pina- plano para gawing dihital ang glosari. Una, ang
pagpapasok nito sa programang Microsoft. Ikalawa, ang pagbuo ng isang hiwalay na program.Pag-aaralan ng mga kalahok sa proyekto na
mula sa Departamento ng Agham Kompyuter ng Kolehiyo ng Inhenyeriya ng UP kung alin sa dalawang paraan ang mas mabilis na maisasagawa
at magiging mas kapaki-pakinabang.
May dalawang benepisyo ang mailipat ang glosari sa anyong dihital.Una, ang mas madaling paghahanap ng salita at katumbas na salita sa
pamamagitan ng paggamit ng search option sa kompyuter. Ikalawa, ang mas episyente at sistematikong pagdarag- dag ng mga bagong lahok sa
glosari na magmumula sa mga tagasalin na lalahok sa pagpapalawak ng glosari.
Ikalima, ang pagpapalawak ng glosari. Ang mabubuong Glosaring Dihital ay magsisilbing batayang glosari pa lamang.
Magkokomisyon ng mga aktibong tagasalin na gagamit ng nabuong Glosaring Dihital. Sila ang inaasahang magdagdag ng mga lahok sa glosari –
mga salita na maeenkuwentro nila sa kanilang mga isinalin ngunit wala pa sa Glosaring Dihital at ang ginamit nilang pantumbas. Maaaring
gawin ang prosesong ito sa loob ng anim na buwan, at pagkatapos, magkakaroon ng pana- panahong pag-update.

17
FSPL Ak ade mik

7. Implementasyon at Iskedyul

Gawain Inaasahang Output Iskedyul


Sinisimulan na at inaasahang
Pag-encode ng nilalaman ng mga matapos sa Enero 2008
-encode na mga diksiyonaryong bilingguwal
diksiyonaryong bilingguwal

Pagsasanib ng nilalaman ng mga


diksiyonaryo Enero 2008

Pag-edit sa komprehensibong glosar Pebrero-Abril 2008


format

Paglilipat ng glosari sa anyong dihital Mayo 2008


(ipamamahagi sa ikokomisyong tagasalin)

Pagpapalawak ng glosari Mayo 2008-Oktubre 2008


8. Mga Kasangkot sa Proyekto
Pangalan Posisyon/Kinaaaniban Tungkulin sa Proyekto
Dr. Ruben Crisologo Direktor, Sentro ng Wikang Filipino Tagapamahala ng buong proyekto
Dr. Nestor Tan Tagapamahala sa paglilipat ng glosari sa anyong dihital
Dekano, Kolehiyo ng Inhenyeriya

Sentro ng Wikang Filipino Pag-edit sa pinagsamang diksiyonaryo para mailipat sa


G. Nick Cruz
anyong glosari
Gng. Besty Ra mirez Sentro ng WikangFilipino Pag-edit sa pinagsamang diksiyonaryo para mailipat sa
anyong glosari

Pag-edit sa pinagsamang diksiyonaryo para mailipat sa


Bb. Reez Nadera Sentro ng Wikang Filipino
anyong glosari

Pag-edit sa pinagsamang diksiyonaryo para


Bb. Liz Chua Sentro ng Wikang Filipino
mailipat sa anyong glosari

Pagbuo ng programa para maipasok sa Windows ang


Glosaring Dihital. Pagtulong sa pakikipag- ugnayan sa
nararapat na ahensiya para humingi ng pahintulot sa
(Mula sa Computer Science Departamento ng Agham Kompyuter
pagpasok sa Windows ng Glosar- ing Dihital. Pagbuo
Department)
ng programa para sa pagpasok ng mga bagong lahok
(entry) sa Glosar- ing Dihital

9. Badyet

Gastusin Halaga bawat yunit Halaga


P30,000 P30,000
Tagapamahala ng Proyekto

Tagapamahala ng paglilipat sa anyong dihi- tal P20,000 P20,000


na glosari
Editor (4) P25,000 x 4 P100,000
Computer Programmer (2) P20,000 x 2 P40,000
Encoder (2) P25,000 x 2 P50,000
P5,000 x 10 P50,000
Tagasalin (na magdaragdag ng lahok)
Supplies P20,000 P20,000
Kabuuan P310,000

18
FSPL Ak ade mik

MODYUL 4
VI. INDIBIDUWAL NA GAWAIN

PANUTO: Kung bubuo ka ng isang panukalang proyekto, ano ang


magiging tema nito at bakit? Gumawa ng isang panukalang proyekto.
Isulat sa isang long bond paper. Sundin ang proseso ng pagsulat.

VII. PANGHULING PAGSASANAY

PANUTO: Tukuyin ang tinutukoy ng bawat aytem.

1. Ipinapakita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng resources


2. Inilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang
proyekto. Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala.
3. Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala
4. Ipinapakita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panu- kalang
proyekto at kung paano sila makikinabang dito.
5. Sa pahinang ito matatagpuan ang titulo ng proyekto, pa ngalan ng
nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang
pinaglalaanan ng panukala.

Inihanda ni:

REGINA B. ROSALES
Guro sa Piling Larang– Akademik Itinala ni:

For more details pls. contact:


CP # 09999795792
JONNEDEL A. BAQUIRAN, Ed D
FB account: Lorinel Tac Asst. SHS Principal for Academics
Email add: [email protected]

19

You might also like