Week 2 - Piling-Larangan
Week 2 - Piling-Larangan
Week 2 - Piling-Larangan
Week 2
Aralin: AKADEMIKONG PAGSULAT
I. Panimulang Nilalaman
I. Layunin:
A. Pamantayang Nilalaman
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng ibat-ibang anyo
ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat-ibang larangan.
B. Pamantayang Pagaganap
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t-ibang anyo ng sulatin.
II. Nilalaman:
AKADEMIKONG PAGSULAT
1st Quarter Filipino sa Piling Larangan(Akademik)
Week 2
Aralin: AKADEMIKONG PAGSULAT
Konsepto ng Aralin
.
TALAKAYIN NATIN:
:
8. Malinaw na Layunin. Ang layunin ng akadamikong pagsulat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng
layunin. Ang mga layuning ito ay tatalakayin sa kasunod na bahagi ng kabanatang ito.
9. Malinaw na Pananaw. Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng
mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources. Samantalang ang
manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng kanyang papel
ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ay
tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat
10. May Pokus. Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta
sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay,
hindi mahalagan at taliwas na impormasyon.
11. Lohikal na Organisasyon. Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na
istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan ng akademikong papel ay may
introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod
na talata.
12. Matibay na Suporta. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at
kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.
Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa,
deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.
13. Malinaw at kumpletong Eksplanasyon. Napakahalaga nito, dahil bilang
manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng
paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang
pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
14. Epektibong Pananaliksik. Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang
gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon.
Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Kaugnay nito,
mahalagang maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitan ng
dokumentasyon ng lahat ng hinangong imposmasyon o datos. Iminumungkahi naming
ang dokumentasyon sa estilong A.P.A. na tinalakay na sa inyong Filipino sa Baitang 11.
15. Iskolarling Estilo sa Pagsulat. Kakaiba ang estilo sa akademikong pagsulat,
kaysa ibang uri ng pagsulat, tulad halimbawa malikhaing pagsulat. Iskolarli ang estilo sa
pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan
ding maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya't napakahalaga na
maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas at bokabularyo sa
pagsulat nito. Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-
iingat, kung hindi man ng kakulangan ng kaalaman sa wika.
C. LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Sa Kabanata I ng aklat na ito, natalakay na na ang pagsulat sa pangkalahatan ay
maaaring may layuning impormatibo, mapanghikayat at/o malikhain. Maliban sa ikatlo,
halos gayon din ang maaaring maging layunin ng akademikong pagsulat.
Nabanggit na rin na ang akademikong pagsulat ay may malinaw na layunin.
Sadya, ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay
ng isang paksa, at ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng isang
akademikong papel. Ang mga karaniwang layunin ng akademikong pagsulat ay
manghikayat, magsuri at/o magbigay-impormasyon (http://www.ysm.sk) na sa mga
kasunod na talataan ay ipinaliliwanag.
1. Mapanghikayat na Layunin. Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng
manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon
hinggil sa isang paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin na ito, pumipili siya
ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran at
ebidensya, at tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa paksa.
Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Posisyong Papel.
2. Mapanuring Layunin. Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang layunin
dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat,
madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen ang mga bunga o epekto, sinusuri
ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin, pinag-uugnay-ugnay
ang iba't ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba. Kinapapalooban ito ng
bahaging sintesis kung saan pinagsasama-sama ang iba't ibang bahagi upang makabuo
sa sariling sagot sa tanong kaugnay ng paksa. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat
Panukalang Proyekto.
3. Impormatibong Layunin. Sa impormatibong akademikong pagsulat,
ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang
mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Naiiba ito sa
sinundang layunin dahil hindi tinutulak o pinupwersa ng manunulat ang kanyang sariling
pananaw sa mambabasa, manapa'y kanyang pinalalawak lamang ang kanilang pananaw
hinggil sa paksa. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Abstrak. Dapat tandaan na
ang isang manunulat ay maaaring may isa lamang, o kaya ay dalawa, o kahit pa tatlong
layunin sa pagsulat ng isang akademikong papel.
1. Mapanghikayat na Layunin.
2. Mapanuring Layunin.
3. Impormatibong Layunin.
TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Tala ng Gawain 2
1. 2.
3. 4. 5.
6. 7. 8.
9. 10.
1st Quarter Filipino sa Piling Larangan(Akademik)
Week 2
Aralin: AKADEMIKONG PAGSULAT
Tala ng Gawain 3
Panuto: Isulat ang tama kung wasto ang pahayag. At mali naman kung hindi.
Pagsasanay 1
Panuto: Sa iyong pag-aaral sa k to 12, paano mo napag-iiba ang mga gawain sa bahay
eskwelahan, at komunidad? Maglista ng mga ginagawa mo bawat isa.
Gawain sa
Gawin sa bahay Gawain sa Komunidad
eskwelahan
PAGSASANAY 2
1. Mapanghikayat na Layunin-
______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
2. Mapanuring Layunin-

3. Impormatibong Layunin-

\
Gawain 3: