Kontinente NG Daigdig

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Kontinente ng Daigdig

Modyul sa Araling Panlipunan 8


Unang Markahan

Ginawa ni:
MAY ABEGAIL L. MANGATI

Department of Education • Cordillera Administrative Region


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Apayao
Capagaypayan, Luna, Apayao

Published by:
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). It can be reproduced for
educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work
including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are
permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed.
No work may be derived from this material for commercial purposes and profit.

ii
PREFACE

This module is a project of the Curriculum Implementation Division particularly


the Learning Resource Management and Development Unit, Department of
Education, Schools Division of Apayao - CAR which is in response to the
implementation of the K to 12 Curriculum.

This Learning Material is a property of the Department of Education - CID,


Schools Division of Apayao - CAR. It aims to improve learners’ performance
specifically in Araling Panlipunan.

Date of Development : May 2020


Resource Location : San Francisco National Agricultural and Trade
High School, Luna District, SDO-Apayao, CAR
Learning Area : Araling Panlipunan
Grade Level :8
Learning Resource Type : Module
Language : Tagalog
Quarter/Week : Q1/W1
Learning Competency/Code : Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
AP8HSK-Id-4

iii
ACKNOWLEDGEMENT

The developer wishes to express her gratitude to those who help in the
development of this learning material. The fulfillment of this learning material would
not be possible without these people who gave their support, helping hand and
cooperation:
To her family who have extended much support, understanding and patience
during the development of this material;
To her school head, Mrs. Jeaneth Mae T. Llantada for his undying
encouragement and motivation;
To her colleagues and friends who have there for moral support; and to the
following persons who played a great part in the success of this module:

DIVISION LRMDS STAFF:

BERNADETTE P. JUAN CHRISTIAN MARK A. JULIAN


Librarian II Project Development Officer II

JULIET A. RAGOJOS
EPS-LRMDS

CONSULTANTS:

JOY D. SALENG
Chief, Curriculum Implementation Division

SAMUEL T. EGSAEN Jr., Ed.D.


OIC, Office of the Assistant Schools Division Superintendent

SALLY B. ULLALIM, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Page
Copyright Notice ------------------------------ ii
Preface ------------------------------ iii
Acknowledgement ------------------------------ iv
Talaan ng Nilalaman ------------------------------ v
Title Page ------------------------------ 1
Alamin ------------------------------ 2
Subukin ------------------------------ 3-4
Balikan ------------------------------ 5
Tuklasin ------------------------------ 6
Suriin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 7-9
Pagyamanin
Gawain 1 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10
Pagtataya 1 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 11
Gawain 2 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 11
Pagtataya 2 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 12
Gawain 3 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 12
Pagtataya 3 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 12
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 13
Isagawa - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 13
Tayahin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 14-15
Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 16
Mga Kasagutan - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 17
Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 18

v
Kontinente ng Daigdig

Modyul sa Araling Panlipunan 8


Unang Markahan

Ginawa ni:
MAY ABEGAIL L. MANGATI
ALAMIN

Alam mo bang kung kailan at paano nabuo ang mga kontinente? Bawat bagay
ay may simula. Ang pisikal na kaanyuan ay hinubog ng maraming kadahilanan sa
iba’t-ibang panahon.
Upang masagot ang mga katanungang ito, saglit tayong maglalakbay sa
nakaraan at aalamin ang teorya tungkol sa kontinente ng daigdig upang lalo natin
itong mapahalagahan.

Para sa tagapagpadaloy:

Bilang tagapagpadaloy sa modyul na ito, hinihingi namin na maging matiyaga


at habaan ang pag-unawa sa mga estudyante para sa pagsasakatuparan ng modyul
na ito. Bigyan ng malinaw na panuto ang mga estudyante tungkol sa pagsagot ng
mga gawain at hikayating dapat tapusin ang modyul. Huwag kalimutang sabihin sa
mga estudyanteng gumamit ng ibang papel sa pagsagot sa mga gawaing naihanda
sa modyul na ito.

Para sa mga estudyante:

Panatilihing malinis at maayos ang materyales na ito. Basahing mabuti ang


bawat pahina at sundin ang panuto sa bawat gawain. Sagutin ang bawat katanungan
na mag-isa at totoo. Ilagay ang inyong sagot sa isang malinis na papel. Huwag
kalimutang ikompara ang inyong sagot sa TAMANG SAGOT pagkatapos masagutan
ang nasabing gawain. Kapag may mga katanungan, huwag mag-atubiling magtanong
sa guro, magulang o sa kung sinuman ang tagapagpadaloy ng modyul na ito.

Pagkatapos ng aralin, inaaasahang malilinang ang mga sumusunod mong


kasanayan:

1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8HSK-Id-4)

Mga tiyak na layunin:

 Naisa-isa ang mga kontinente sa daigdig;


 Nailalarawan ang mga mga kontinente sa daigdig.

2
SUBUKIN

Suriin natin ang iyong nalalaman tungkol sa paksang papag-aralan sa


modyul na ito. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Ilagay ang sagot sa sagutang papel. Huwag kang mangamba sa
pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.

1. Ito ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa daigdig.


A. Asia
B. Africa
C. South America
D. Antarctica
2. Anong kontinente ang may pinakamalaking sakop at may pinakamalaking
populasyong nasasakupan?
A. Antartica
B. Africa
C. Asia
D. South America
3. Ito ay natatanging kontinente na nababalutan at binubuo ng halos yelo ang
nasasakupan.
A. Asia
B. Antarctica
C. North America
D. Africa
4. Anong kontinente ang pinakamaliit na may 8,503, 000 kilometrong
kuwadradong sakop lamang?
A. North America
B. Europe
C. Asia
D. Australia at Oceania
5. Ang Andes Mountain na may habang 7 240 km (4 500 milya) ay sumasakop sa
kabuuang baybayin ng anong kontinente?
A. Australia
B. South America
C. Europe
D. Africa
6. Ang bansang France, Germany at Spain ay mga halimbawa ng bansang
matatagpuan sa aling kontinente ng mundo?
A. Europe
B. Antarctica
C. Africa
D. North America
7. Ang America ay mainland na matatagpuan sa kontinente ng _____________.
A. Asia
B. South America
C. North America
D. Europe

3
8. Ang mga sumusunod na kilalang bansa ay matatagpuan sa kontinente ng Asia
MALIBAN sa isa:
A. Saudi Arabia
B. France
C. China
D. Philippines
9. Ang Eiffel Tower ay kilala bilang isang sikat na pasyalan na matatagpuan sa
Paris. Sa anong bansa matatagpuan ito?
A. Canada
B. Italy
C. France
D. UK
10. Ang mundo ay binubuo ng ilang kontinente?
A. 8
B. 7
C. 9
D. 6
11. Ano ang tawag sa super continent na pinaliligiran ng karagatan na tinatawag
na Panthalassa Ocean?
A. Pango
B. Panga
C. Pangaea
D. Pangoao
12. Noong 200 milyong taon, nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea
hanggang sa nahati sa dalawa ang: ____________ at ___________.
A. Southern hemisphere at Northern hemisphere
B. North America at Europe
C. Asya at Europe
D. Laurasia at Gondwana
13. Sino ang nagsulong ng Continental Drift Theory?
A. Alfred Wegner
B. Alfred Wegener
C. Alex Wegner
D. Alex Wegener
14. Saang kontinente matatagpuan ang pinakamahalagang ilog at pinakamalaking
disyerto disyerto sa buong daigdig?
A. Asya
B. Europe
C. Africa
D. North America
15. Ang mga sumusunod ay mga pitong kontinenteng sa ating daigdig, MALIBAN
sa:
A. Asya
B. North America
C. South China
D. Africa

4
Lesson

1b KONTINENTE NG DAIGDIG

Ngayon, iyong balikan ang napag-aralan tungkol sa estruktura ng daigdig na


makakatulong upang mas maunawaan ang konsepto ng daigdig.

BALIKAN

Isaala-alang ang gawaing inihanda ko para sa iyo. Ang gagawin ay hanapin/


piliin ang tamang sagot sa pagpipilian. Ilagay ang sagot sa papel.

1. Bakit mahalaga ang sinag ng araw para sa mga halaman?


A. Upang maganap ang photosynthesis
B. Upang mabuhay
C. A at B
D. Wala sa mga nabanggit
2. Ang daigdig ay binubuo ng apat na hating-globo (hemisphere). Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang?
A. Northern Hemisphere
B. Southern Hemisphere
C. Western Hemisphere
D. Northeastern Hemisphere
3. Ang lahat ng buhay sa Daigdig - halaman, hayop at tao – ay kumukuha ng
enerhiya mula sa ______________?
A. Tao
B. Diyos
C. Araw
D. Ulan
4. Ano ang tawag sa kaloob-loobang bahagi ng Daigdig na binubuo ng mga metal
tulad ng iron at nickel?
A. Core
B. Mantle
C. Crust
D. Edges of Plates
5. Tumutukoy sa matigas at mabatong bahagi ng daigdig.
A. Core
B. Mantle
C. Crust
D. Edges of Plates

5
TUKLASIN

Pagkatapos magbalik tanaw tungkol sa estruktura ng daigdig, iyong pag-aralan


naman ngayon ang isang gawain na siyang inihanda ko para sa iyo bilang panimula
sa mas marami pang konsepto tungkol sa paksa.

A. AYUSIN MO!
Panuto: Ayusin ang mga pagkakasunod ng mga titik upang mabuo ang
salita/konseptong inilalarawan. Isulat ang sagot sa papel.

1. YASA
______________ - pinakamalaking kontinente sa mundo
2. FRIACA
______________ - nagmumula ang malaking suplay ng ginto at diyamante.
3. NTHOR AREMICA
______________ - dito matatagpuan ang Applachian Mountains
4. STHOU AREMICA
______________ - dito matatagpuan ang Andes Mountains.
5. LIAAUSTRA
______________ - kontinenteng pinakamaliit sa daigdig.
6. ROPEEU
______________ - ikalawa sa pinakamaliit na kontinente.
7. ANCATITARC
______________ - tanging kontinenteng natatakpan ng yelo.

B. SAGUTIN MO!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Batay sa mga salita/konseptong nabuo, ano ang ngayon ang nabuong paksang
papag-aralan?
2. Ano ang iyong mga nalalaman tungkol sa paksa? Ano ang mga inaasahang
mapapag-aralan?
3. Bakit kaya mahalagang pag-aralan ito?

6
SURIIN

Napagtagumpayan mo bang nasagutan? Magaling kung natapos mo lahat!


Ngayon naman, para mas maintindihan mo ang tungkol sa paksa, atin itong
tatalakayin!

ANG MGA KONTINENTE

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng


daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay
napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift
Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na
Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang
kasalukuyang mga kontinente.

Paano nabuo ang mga kontinente sa daigdig? Pag-aralan ang talahayan 1.

240 milyong taon – Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea
na pinaliligiran ng karagatang tinatawag na Panthalassa Ocean

200 milyong taon –Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang


sa mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwanaland sa
Southern Hemisphere.

7
65 milyong taon – Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan.

Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5


sentimentro ang galaw ng North America at Europe bawat taon.
May mga kontinenteng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong
kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America at South
America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ay
ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia,
Polynesia.
Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga
kontinente ng daigdig.

Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at


diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog
sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na pinakamalaking
disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamraming bansa
kung ihahambing sa ibang mga kontinente.

Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng


natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2m (1.2
milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica
maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral
tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal
ang karagatang nakapalibot dito.
8
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing
ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North
at South America, at ang kabuuang sukat nito ay tinatayang
sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng
daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na
bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa
China.

Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi


lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit
na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang
lupa ng daigdig.

Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng


pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at
Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timog Sea.
Dahil sa mahigit 50 milyonh taong pagkakahiwalay ng Australia
bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng
hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan.
Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil,
platypus at iba pa.

Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit


mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf
of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan
sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at
Rocky Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na


unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang
sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7 240 km (4 500 milya) ay sumasakop sa kabuuang
baybayin ng South America.

9
Talahanayan 2. Ang ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente

LAWAK (km2) Tinatayang Bilang ng Bansa


KONTINENTE Populasyon (2009)

ASYA 44 614 000 4 088 647 780 44


AFRICA 30 218 000 990 189 529 53
EUROPE 10 505 000 728 227 141 47
NORTH AMERICA 24 230 000 534 051 188 23
SOUTH AMERICA 12 814 000 392 366 329 12
ANTARCTICA 14 245 000 -NA- 0
AUSTRALIA AT 8 503 000 34 685 745 14
OCEANIA

PAGYAMANIN

Batay sa talakayan, napag-aralan mo ang mga kontinente ng daigdig.


Ngayon, ating suriin ang iyong natutunan tungkol sa paksa.

GAWAIN 1

GAWAIN 1
Ano-ano ang mga kontinente na bumubuo sa ating daigdig? Pag-aralan ang
sumusunod: GAWAIN 1

Panuto: Isulat ang mga pitong kontinente sa ating


GAWAIN 1 daigdig batay sa lawak nito. Ilagay
ang sagot sa papel. (pinakamalawak – pinakamaliit)

1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________
6. ________________
7. ________________

10
Subukan mo! PAGTATAYA 1: PICTURE MO!

Panuto: Tukuyin kung anong kontinente ang ipinapakita ng larawan. Ilagay ang
sagot sa papel.

GAWAIN 2

GAWAIN 1
Paano nagkakaiba-iba ang mga kontinente? Ilarawan ang mga ito. Pag-aralan ang
sumusunod: GAWAIN 1
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang GAWAIN
tinutukoy sa
1 Hanay A. Isulat ang sagot sa papel.

HANAY A HANAY B

1. Ikalawa sa pinakamaliit na kontinente A. Asya


ng daigdig B. Europe
2. Tanging kontinenteng natatakpan ng C. Antarctica
yelo D. Africa
3. Dito matatagpuan ang pinakamalaking E. Australia at Oceania
disyerto
4. Pinakamalaking kontinente sa mundo
5. Pinakamaliit na kontinente sa daigdig.

11
Subukan mo! PAGTATAYA 2: TWO WORDS IN ONE!

Panuto: Isulat kung saang kontinente matatagpuan ang mga pook/hayop na tinutukoy
sa bawat bilang. Ilagay ang sagot sa papel.

1. Nile River Sahara Lhotse Tibet


Desert 4.

2.
Rocky 5. Kangaroo Micronesia
Hudson
Bay Mountains

3. Andes Argentina 6. Iberian Italy


Mountains Peninsula

GAWAIN 3

GAWAIN 1
Ano ang pinakamalaki at pinakamaliit na kontinente? Pag-aralan ang sumusunod:
GAWAIN
Panuto: Tukuyin kung anong kontinente 1
ang inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang
sagot sa papel.
GAWAIN 1
1. Pinakamalaking kontinente sa mundo.
2. Nagmumula ang malaking suplay ng ginto at diyamante
3. Dito matatagpuan ang Applachian Mountains
4. Dito matatagpuan ang Andes Mountains
5. Kontinenteng pinakamaliit sa daigdig.
6. Ikalawa sa pinakamaliit na kontinente.
7. Tanging kontinenteng natatakpan ng yelo.

Subukan mo! PAGTATAYA 3: Tama o Mali!

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung mali. Isulat ang sagot sa
papel.
1. Si Afred Wegener, isang Swedish ang nagsulong ng Continental Drift Theory.
2. Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na
pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa ocean.
3. Sa Africa matatagpuan ang Sahara Desert at Nile River.
4. Ang pinakamalaking kontinente sa daigidig ay Asya.
5. Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang
pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Cape Horn.

12
ISAISIP

Sa gawaing ito, iyong sasagutan ang mga katanungan upang masuri ang
natutunan tungkol sa mga paksang napag-aralan.

Basahing mabuti ang bawat tanong. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1. Batay sa iyong napag-aralan, ano-ano ang mga kontinente na bumubuo sa
ating daigdig?
2. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?

ISAGAWA

Ano ang iyong masasabi sa mga nakalipas na gawain? Madali ba? Ako’y
sigurado na madali ito. Sa susunod na gawain, gagamitin muna ang iyong napag-
aralan sa totoong buhay.

Bilang isang Asyano, ano ang maaaring mong gawin upang maging katuwang ng ating
gobyerno/pamahalaan sa pag-unlad at makilala ang Asya sa iba’t ibang bansa?
Ipaliwanag.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

PAMANTAYAN 3 2 1
Nilalaman Napakahusay ng May mahusay na Maligoy ang
pagkabuo ng talata. organisasyon at talata. Nakalilito
Malawak at marami ang pokus sa paksa at hindi tiyak ang
mga impormasyon at mga
elaborasyon impormasyon
Organisayon May kahusayan ang Hindi gaanong Malabo ang
pagkakabuo ng talata. malinaw ang organisasyon
Tiyak ang impormasyon organisasyon kung mayroon
at paliwanag man
KABUUANG 6
PUNTOS

13
TAYAHIN

Ngayon, mas malalim na ang iyong kaalaman tungkol sa ating paksa, ikaw ay
handa na sagutin ang mga sumusunod na pagtatasa (assessment).

1. Ito ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa daigdig.


A. Asia
B. Africa
C. South America
D. Antartica
2. Anong kontinente ang may pinakamalaking sakop at may pinakamalaking
populasyong nasasakupan?
A. Antartica
B. Europe
C. Asia
D. North America
3. Ito ay natatanging kontinente na nababalutan at binubuo ng halos yelo ang
nasasakupan.
A. Australia
B. Antarctica
C. Europe
D. Africa
4. Anong kontinente ang pinakamaliit na may 8,503,000 kilometrong
kuwadradong sakop lamang?
A. North America
B. Europe
C. Asia
D. Australia at Oceania
5. Ang Andes Mountain na may habang 7 240 km (4 500 milya) ay sumasakop sa
kabuuang baybayin ng anong kontinente?
A. Australia
B. South America
C. Europe
D. Africa
6. Ang bansang France, Germany at Spain ay mga halimbawa ng bansang
matatagpuan sa aling kontinente ng mundo?
A. Europe
B. Asia
C. South America
D. North America
7. Ang America at Mexico ay mga mainland na matatagpuan sa kontinente ng
_____________.
A. Asia C. North America
B. South America D. Africa

14
8. Ang mga sumusunod na kilalang bansa ay matatagpuan sa kontinente ng Asia
MALIBAN sa isa
A. Saudi Arabia
B. Greece
C. China
D. Philippines
9. Ang Eiffel Tower ay kilala bilang isang sikat na pasyalan na matatagpuan sa
Paris. Sa anong bansa matatagpuan ito?
A. Ireland
B. Italy
C. France
D. UK
10. Ang mundo ay binubuo ng ilang kontinente?
A. 8
B. 7
C. 9
D. 6
11. Ano ang tawag sa super continent na pinaliligiran ng karagatag tinatawag na
Panthalassa Ocean?
A. Pango C. Pangaea
B. Panga D. Pangoao
12. Noong 200 milyong taon, nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea
hanggang sa nahati sa dalawa ang: ____________ at ___________.
A. Southern hemisphere at Northern hemisphere
B. North America at Europe
C. Asya at Europe
D. Laurasia at Gondwana
13. Sino ang nagsulong ng Continental Drift Theory?
A. Alfred Wegner
B. Alfred Wegener
C. Alex Wegner
D. Alex Wegener
14. Saang kontinente matatagpuan ang pinakamahalagang ilog at pinakamalaking
disyerto disyerto sa buong daigdig?
A. Asya
B. Europe
C. Africa
D. North America
15. Ang mga sumusunod ay mga pitong kontinente sa ating daigdig, MALIBAN sa:
A. Asya
B. North America
C. South China
D. Africa

15
KARAGDAGANG GAWAIN

Ito ay karagdagang gawain para patibayin ang inyong kaalaman tungkol sa


paksa.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang papel.
1. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga
kontinente ng Daigdig?

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

PAMANTAYAN 3 2 1
Nilalaman Napakahusay ng May mahusay na Maligoy ang
pagkabuo ng talata. organisasyon at talata. Nakalilito
Malawak at marami ang pokus sa paksa at hindi tiyak ang
mga impormasyon at mga
elaborasyon impormasyon
Organisayon May kahusayan ang Hindi gaanong Malabo ang
pagkakabuo ng talata. malinaw ang organisasyon
Tiyak ang impormasyon organisasyon kung mayroon
at paliwanag man
KABUUANG 6
PUNTOS

16
MGA KASAGUTAN

17
SANGGUNIAN

 Aklat

Mateo,Grace Estela C. et al. Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Serye III.


Quezon City: Vibal Publishing House Inc., Bagong Edisyon, 2012.

Blando,Rosemarie C. et al. Araling Panlipunan Kasaysayang ng Daigdig. Pasig


City: Vibal Group Inc., Unang Edisyon, 2014.

 Websites
https://player.quizalize.com/quiz/cdbd52b8-2ae1-43f4-a104-0bde7a526963

18
For inquiries or feedback, please write or email:

Department of Education - Schools Division of Apayao


Capagaypayan, Luna, Apayao
Email Address: [email protected]

You might also like