1st Quarter AP 1a Heograpiya NG Daigdig
1st Quarter AP 1a Heograpiya NG Daigdig
1st Quarter AP 1a Heograpiya NG Daigdig
Kasaysayan ng Daigdig
G. Gil Bryan Balot
Layunin
•Natatalakay ang limang tema ng
heograpiya;
•Nakikilahok sa pangkatang gawain na
ibibigay ng guro; at
•Nabibigyang- halaga ang bawat tema ng
heograpiya ng daigdig.
Heograpiyang Pisikal
Bakit mahalagang malaman at
maunawaan natin ang
kasaysayan ng daigdig?
Gawain 1: GEOpardy
Suriin ang kasunod na GEOpardy board.
Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang
sagot ay salita na makikita sa GEOpardy
board. Isulat sa sagutang papel ang
nabuong tanong at ang sagot nito.
-Kasaysayan ng Daigdig / pahina 10
Gawain 2: Graffiti Wall
Gamit ang Graffiti Wall, sagutan ang
tanong na makikita sa modyul. Isulat
ito sa sagutang papel. ( pahina 11)
Paksa: Katuturan at Limang Tema ng
Heograpiya
Malaki ang bahaging ginagampanan ng
heograpiya mula pa noong sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng
katangiang pisikal ng lugar kung saan
nanirahan ang mga sinaunang tao ang
humubog sa kanilang pamumuhay.
Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din
ang heograpiya ng mapanghamong sitwasyon
sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin
ang naging epekto nito sa pagkakaroon ng
maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong
tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng
mauunlad na pamayanang tinawag na
kabihasnan.
Nagmula ang salitang heograpiya sa
wikang Greek na geo o daigdig at
graphia o paglalarawan.
Samakatuwid, ang Heograpiya ay
tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.
Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay
na temang heograpikal sa pangunguna ng National
Council for Geographic Education at ng Association of
American Geographers. Layunin ng mga temang ito na
gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng
heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan.
Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling
mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang
ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram.
Limang Tema ng Heograpiya
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa
2. Bakit magkakaugnay
heograpiya angayon
ng isang bansa limang tema ng
sa limang
heograpiya
tema nito? sa pag-aaral ng katangiang pisikal
3. Paano
ng bansa? nakatulong ang mga temang ito
sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng
isang bansa?
Bilang isang mag-aaral, paano
mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa pamayanang
iyong kinabibilangan?
Ipaliwanag:
Paano nakakaapekto ang
katangiang pisikal ng daigdig sa
kapaligiran ng isang bansa?
rubrics
1. Ano ang nagpapakita ng paggalaw bilang isa sa
limang tema ng Heograpiya?
A. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang
Asya.
B. Hitik sa likas na yaman ang bansa.
C. Pangingisda ang isa sa hanap-buhay ng mga tao sa
Pilipinas.
D. Maraming Pilipino ang naghahanap buhay sa ibang
bansa .
2. Taun-taon iba’t ibang lahi ang pumupunta sa
Pilipinas. Ano ang nagiging sanhi ng malimit na
pagbisita ng mga dayuhan sa ating bansa ayon sa
teksto?
A. Angkop ang klima ng Pilipinas sa iba’t ibang lahi.
B. Hitik sa likas na yaman at magandang tanawin ang
Pilipinas.
C. Hinihikayat ng pamahalaan na mamuhunan sa
bansa.
D. Inaakit ang mga dayuhang pumunta sa Pilipinas
3. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa
Australia at New Zealand. Anu – ano ang maaring
maidulot nito sa Pilipinas?
A. Uunti ang populasyon ng Pilipinas
B. Dadami ang populasyon ng Australia at New
Zealand
C. Yayaman ang Pilipinas dahil sa trabahong
ibinibigay ng ibang bansa
D. Mawawalan ng magagaling na Propesyonal ang
Pilipinas
4. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa
pagpunta ng tao sa bansang may magagandang
pasyalan. Ano ang maitutulong nito sa ekonomiya ng
bansa?
a. Madaling makikilala ang magagandang tanawin ng
Pilipinas
b. Maraming mga dayuhan ang pupunta sa bansang
Pilipinas
c. Mabibigyang hanapbuhay ang maraming mga Pilipino
d. Madaling yayaman ang Pilipinas
5. May tropikal na Klima ang Pilipinas. Ano ang
maaring implikasyon nito sa pamumuhay ng mga
Pilipino?
a. Magaganda ang lahi ng mga Pilipino
b. Pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Pilipino
c. Maraming mga likas na yaman ang nabubuhay dito
d. Maraming mga dayuhan ang nais pumunta dito
1.D
2.B
3.D
4.C
5.B
TAKDANG GAWAIN :
Kumuha ng mga news clips tungkol sa
pagbabago ng daigdig (global warming) at
sumulat ng isang tula kung paano maiuugnay
ang kaalamang pangheograpiya.