ICT - Aralin 17-18 TG - EPP5IE-0g-17-18

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ICT PAGSUNOD SA USAPAN AT PAGPOPOST NG

Aralin 17-18
SARILING MENSAHE SA ONLINE DISCUSSION
FORUM AT CHAT

I. NILALAMAN
Ang online discussion at chat ay naiiba sa discussion forum na pwedeng
makita kailanman at saanman. Bagaman may kapareho itong katangian tulad ng
maari itong balikan kahit anong oras at kahit saan basta may access sa internet at
computer. Sa isang online discussion forum at chat, kailangang ang mga myembro
ay naka-online upang makasali sa usapan sa isang forum o chat.

II. LAYUNIN
1. Nakasusunod sa usapan sa online discussion forum at chat;
2. Nakapagpopost ng sariling mensahe sa online discussion forum at chat;
3. Naisasaalang-alang ang responsibilidad at mga paalaala sa pagsunod sa
usapan sa online discussion forum at chat.

III. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagsunod sa Usapan sa Online Discussion Forum at Chat


Pagpopost ng Sariling Mensahe sa Online discussion Forum at Chat

Sanggunian: K to 12 – EPP5IE-0g-17
K to 12 – EPP5IE-0g-18

Kagamitan: cell phone, computer, internet access, LCD projector, larawan

IV. PANIMULANG PAGTATASA

 Pasagutan ang Kaya Mo Na Ba sa LM p ___.

V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa Alamin Natin s LM


p ____.

Panggabay na Tanong:
 Ano ang nasa larawan?
 Nakasali la na ba sa ganitong usapan? Anong mga website ang may
ganitong kalakaran?

2. Itala ang mga sagot sa pisara. Tanggapin lahat ang mga sagot ng bata.
3. Iugnay ito sa paksang tatalakayin. Ang Pagsunod sa Usapan at Pagpopost
ng Sariling Mensahe sa Online Discussion Forum at Chat.
4. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahang output mula sa kanila sa
pagtatapos ng araling ito.

Ang nasa larawan ay ang halimbawa ng online discussion forum at


chat. Maraming mga website na ganito ang kalakaran. Kadalasan nagiging
daluyan na rin ng ganitong kalakaran ang Facebook, Yahoo Groups o
Yahoo Messenger.

Ang pagpost ng sariling mensahe sa isang discussion forum at chat ay


isa sa mga batayang kaalaman na marahil alam ng lahat ng mga kabataan
sa kasalukuyang panahon.

B. PAGLALAHAD

1. Ipagawa ang Gawain A. Mensahe Ko….Sundan Mo.


a. Bumuo ng anim na pangkat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
b. Ipaliwanag ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Gawain A sa LM.
c. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pamprosesong mga tanong.
2. Ipaliwanag sa mga bata ang mga Dapat Tandaan/Ilang Paala-ala sa tamang
pagsunod sa online discussion forum at chat na matatagpuan sa LM
3. Pangkatin ang mga mag-aaral na bubuuin ng 6 mag-aaral upang mabigyan ang
lahat ng pagkakataong gumamit ng hands on sa computer.
4. Gawin ang Gawain B sa LM. Gabayan ang mga bata sa pagpopost ng sariling
mensahe sa online discussion forum at chat.
5. Ipagawa ang Gawin Natin sa LM. Gumamit ng rubric sa pagbibigay ng marka sa
mga mag-aaral. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang Project Rubric.
Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mahalagang aspeto nito upang magabayan
sila sa paggawa. Maaari ding baguhin o gumawa ng ibang rubric kung sa tingin
ninyo ay kinakailangan.

C. PAGLALAHAT

 Ano ang mga dapat mong gawin upang makasunod sa usapan sa online
discussion forum at chat?
 Ibigay ang mga hakbang upang makapagpost ng sariling mensahe sa online
discussion at chat.

D. PAGSASANIB

Itanong sa mga mag-aaral: Anong wastong pag-uugali ang dapat isaalang-


alang sa pakikipagkomunikasyon gamit ang internet?
VI. PAGTATAYA:

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Pasagutan ang Subukin mo sa LM


b. Pasagutan ang Kaya Mo Na Ba sa LM.

VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN


 Ipagawa ang Pagyamanin Natin na matatagpuan sa LM.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

https://school.quipper.com

You might also like