Epp He 10-31
Epp He 10-31
Epp He 10-31
EPP V
V - Mars 7:00-7:50
V - Venus 7:50-8:40
I. Layunin
Nagagampanan ang tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata
II. Paksang Aralin
Paksa: Tungkulin sa Sarili sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2013-EPP5HE-0a-1
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan
Kagamitan: Larawan ng nagdadalaga at nagbibinata, mga kagamitan sa
paglilinis ng sarili, sanitary napkin, Venn diagram at Pyramid
III. Panimulang Pagtataya
Kung ang kaisipang isinasaad sa bawat bilang ay tama, isulat ang paliwanag sa sagot sa ilalim ng
tama. Kung ang kaisipang isinasaad ng bawat bilang ay mali, isulat ang paliwanag mo sa ilalim
ng mali.
IV. Pamaraan:
A. Pagganyak
Tumawag ng isang babae at lalaking mag-aaral na mukhang nagdadalaga na at nagbibinata na
at patayuin sa harapan ng klase. Itanong ang mga sumusunod:
1. Paano mo ilalarawan ang iyong kamag-aral?
2. May pagbabago ba sa kanilang pisikal na anyo?
3. Bakit kailangan mong mapanatili ang kalinisan ng iyong sarili ngayong kayo ay
nagdadalaga na at nagbibinata na?
B. Paglalahad
Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang edad. Bigyan ng Activity Card ang bawat
pangkat nasasagutin ang mga tanong na ito:
Ano-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa iyong sarili?
Paano mo napapanatili ang kalinisan ng iyong katawan?
Ipabasa ang Alamin natin sa LM.
C. Pagpapalalim Ng Kaalaman
1. Talakayin ang Linangin Natin sa LM.
2. Pangkatin ang klase.
3. Pasagutan ang mga sumusunod na tanong gamit ang Venn Diagram at Pyramid
I. Sa pamamagitan ng Venn Diagram paghambingin mo ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga pisikal na pagbabago sa isang nagdadalaga at nagbibinata.
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
4. Pag-uulat ng pangkat.
5. Pagpapakita ng tamang tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
D. Pagsasanib
Itanong:
Bakit mahalagang matutunan ang tamang paraang pangkalinisan at pangkalusugan sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
E. Paglalahat
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa panahon ng iyong pagdadalaga o
pagbibinata?
V. Pangwakas Na Pagtataya
Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.
VI. Pagpapayaman Ng Gawain
Ipagawa ang Pagyamanin Natin sa LM.
Mag-interview ng magulang, kapatid, nurse, o kapitbahay at itanong kung paano nila inalagaan
ang kanilang sarili noong panahon ng pagdadalaga o pagbibinata.
Biyernes Ika-3 ng Nobyembre, 2023
EPP V
V - Mars 7:00-7:50
V - Venus 7:50-8:40
I. Layunin
A. Naipaliliwanag ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata
B. Natutukoy ang mga pagbabagong pisikal sa sarili tulad ng pagkakaroon ng tagiyawat, pagtubo
ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at labis na pagpapawis
1. Balik-aral
Pangkatin ang klase sa dalawa
Pangkat 1
Magbigay ng mga pamamaraan sa wastong pangangalaga sa kalinisan ng katawan
sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
Pangkat 2
B. Paglalahad
Ipabasang muli ang ang liham ng anak sa kanyang ina at ang sagot ng ina sa kanyang
anak.
Itanong:
Sino sa inyo ang may napansin o naramdamang pagbabago sa sarili/katawan?
Ano-ano ang mga yaon? Ano ang iyong pakiramdam?
Ipabasa ang Alamin Natin.
C. Pagpapalalim ng Kaalaman
1. Pag-aralan at Talakayin ang Linangin Natin sa LM.
2. Pangkatin ang klase.
3. Pasagutan ang mga tanong sa metacard.
Pangkat 1- Ano-anong pagbabagong pisikal ang nakikita sa nagdadalaga? Ipaliwanag ang
sanhi nito?
Pangkat 2- Ano-anong pagbabagong pisikal ang nakikita sa nagbibinata? Ipaliwanag ang
sanhi nito?
4. Pag-uulat ng grupo.
D. Pagsasanib
Ano ang sanhi ng mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata?
E. Paglalahat
Ano-ano ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa isang
nagdadalaga/nagbibinata?
V. Pangwakas na Pagtataya
Pasagutan ang Gawin Natin sa LM.