Modyul 1, Aralin 1 ANG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG PANTEKNOLOHIYA (Isang Pagtalakay)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

I.

Impormasyon ng Kurso
Pamagat ng Kurso : Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo
Code ng Kurso : FPTURO
Credit : 3 units
Guro : Mary Rose A. Bañas, EdD
Consultation Schedule : (ayon sa nakatalang oras ng klase)

II. PANIMULA
Bilang mga guro sa asignaturang Filipino, mahalaga na may malawak tayong kaalaman
sa paghahanda ng mga kagamitang panturo na magbubukas sa interes ng ating mga estudyante.
Dagdag pa, lakip sa kursong ito ang pagkilala ng mga teknolohiyang media na siyang
kinahuhumalingan ng mga kasalukuyang estudyante, ang malawak na kasanayan sa paghahanda
at ebalwasyon ng mga ito ay tunay na makakaangat sa mas epektibong pagsasagawa ng proseso
ng pagtuturo at pagkatuto. Gayunpaman, higit ding pagtutuunan ang kahalagahan sa kursong ito
ang ating kasanayan sa paghahanda at ebalwasyon ng mga angkop na pamamaraan sa pagtataya
ng mga ito.
Sa kabuoan, layunin ng kursong Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo na
matukoy ninyo ang katuturan, kahalagahan at mga uri ng mga kagamitang pampagtuturo.
Malaking pitak sa pag-aaral natin ng kursong ito ang pagtukoy ng mga angkop na kagamitang
lunsaran sa pagtuturo ng wika at pagbasa; ang paghahanda ng naaayong pagsasanay at pagsusulit
sa pagtataya, at ang pagpapalawak ng kaalaman sa paggamit ng mga teknolohiyang media.

Tatapusin mo ang kursong ito sa loob ng isang semester. Ito sy binubuo ng mga
sumusunod na modyuul:
Modyul 1 - Introduksyon sa Kagamitang Panturo
Modyul 2 - Mga lunsarang gawain sa paglalahad ng aralin
Modyul 3 – Mga Pagsasanay at Pagsusulit sa wika at pagbasa
Modyul 4 – Ang teknolohiyang media
Modyul 5 – Ang Online Learning

MGA BATAYANG KASANAYAN


Sa pagtatapos ng kurso, ikaw ay inaasahan na:
a. Nakatutukoy ang katuturan, kahalagahan at mga uri ng mga kagamitang
pampagtuturo.
b. Nakapaghahambing ng mga lunsaran sa paglalahad ng mga arain sa Filipino.
c. Nakagagawa ng mga pagsasanay at pagsusulit sa wika at pagbasa sa Filipino.
d. Nakakalikha ng mga mediang materyal sa pagtuturo.

PAGMAMARKA, KAHINGIAN at PAGSUSULIT/PAGTATAYA

Sa kursong ito, ikaw ay mamarkahan sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

ASSESSMENT TOOL WEIGHT (%) TO WEIGHT (%) TO


FINAL GRADE PASSING
(General Education /Professional MIDTERM ENDTERM
EVALUATION GRADE
Educ/Major subjects GRADE (MTG) GRADE (ETG)

Formative Assessment
Quizzes, Tests 40% 40% 83%(Prof Ed &
Project/Output/Laboratory 20% 20% Major
Class Participation 10% 10% 50% MTG + Subjects)
50% ETG
Summative Assessment 80%(General
Examination 30% 30% Educ Subjects)
Total
100% 100%

PAANO GAGAMITIN ANG MODYUL

Ang modyul na ito ay gagamitin bilang sanggunian ng talakayan sa klase. Ang mga
espasyong inilaan para sagutan at punan ng mga angkop na kahingian ay dapat magawa upang
maisakatuparan ang mga pangangailangang makapasa sa kurso.

Modyul 1
INTRODUKSYON SA KAGAMITANG PANTURO

Aralin 1
ANG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG PANTEKNOLOHIYA (Isang Pagtalakay)

Ang aralin na ito ay lalong magbubukas ng ating isipan sa kasalukuyang kalakaran sa


pagpili ng mga kagamitang panturo at ang epektibing paggamit ng wika. Talos ng lahat sa atin na
malaking hamon ang pagtuturo ng wikang Filipino sa mga kabataan, lalo na sa mga non-Tagalog
speakers. Ang angkop na midyum sa pagtuturo ay may tiyak na impluwensya sa pagkatuto nila
ng wika.
Kaya, sa pag-usad natin sa ating aralin, matutunghayan natin ang papel na ginagampanan
ng wika sa pagsusulong ng edukasyon gamit ang teknolohiya, ang papel ng guro sa pagkatuto ng
kanyang mga estudyante at ang mga pagbabago sa paggamit ng mga kagamitang panturo gamit
ang teknolohiya. Halina at buksan natin ang ating isipan sa mga dagdag na kaalaman.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahan na:


a. Nakapagpapaliwanag ng konsepto ng wika, edukasyon at teknolohiya;
b. Nakapagpapaliwanag ng papel na ginagampanan ng guro sa proseso ng pagkatuto
at pagtuturo; at
c. Nakapag-iisa-isa ng mga kagamitang pampagtuturo gamit sa kasalukuyan.

Ang wika, edukasyon at teknolohiya ay magkaugnay sa pagtataguyod ng isang


makabuluhang karanasang pampagkatuto. Ang sapat na kasanayan sa pagpili ng angkop na mga
kagamitan na ating gagamitin sa ating mga klase ay mahalaga para sa epektibong pagtuturo at
pagkatuto.
Sa ibaba, may mga nakahandang mga gawain upang higit na napalawak ang ating
kaalaman sa ugnayan ng wika, edukasyon at teknolohiya.

Gawain 1
Ayon sa iyong pagkakaunawa, magsulat ng tatlong maikling pahayag sa bawat aytem ng
graphic organizer na nasa ibaba.

WIKA

EDUKASYON
TEKNOLOHIYA

Gawain 2
Ayon kay Conrado de Quiroz (2016), “ang pagiging isang world-class na guro ay hindi
nangangahulugang mangibang bayan at magturo roon. Sa halip, ang pagiging world-class na
guro ay nakaayon sa kanyang pagnanasa at pangakong maging isang mabuting guro sa kanyang
klase at ang pagiging totoo sa kanyang propesyon. Ang pagiging world-class ay nagsisimula sa
loob ng silid-aralan ng guro.” Sa pagkakataong ito, gumawa ng isang maikling pahayag tungkol
sa mga paborito mong kagamitang panturo sa klase simula noong ikaw ay nasa elementarya
hanggang sa kasalukuyan. Isulat ito sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap.
ANG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG PANTEKNOLOHIYA:
ISANG TEKNOLINGGUWAL NA PAGTALAKAY
Christian George C. Francisco
Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino at Panitikan
Pamantasang De La Salle-Dasmarinas

"Isandaan at walumpu (180) sa humugit-kumulang na anim na libong buhay na wika sa


daigdig ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang ganitong sitwasyon ay maituturing na isang
penomenong pangwika na nagaganap sa isang lipunan. Sa katunayan, bawat wika sa mundo ay
maikakategorya batay sa uri nito. May mga wikang intelektuwalisado at malawakang ginagamit
sa iba’t ibang antas ng komunikasyong pasalita at pasulat, halimbawa nito ay ang English,
French, Spanish at German. Samantala, may mga wika rin na masasabing intelektuwalisado
subalit limitado ang gamit sa mga bansang mauunlad gaya ng wikang Korean at Niponggo (tonal
languages kung ituring ang mga ito). Higit sa lahat, may tinatawag na papaunlad na mga wika sa
mundo na karaniwang matatagpuan sa Asya gaya Filipino, Malay at iba pa. Tinawag itong
papaunlad dahil patuloy itong dinedebelop sa pamamagitan ng mga lingguwistikong pag-aaral
hinggil sa mga kalagayang pangwika sa ating bansa.
Pinatutunayan lamang nito na bawat wika ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan
sa tinatawag nating pangkat-wika o speech community. Kung kaya, sa larangan ng lingguwistiks,
walang tinatawag na superyor at/o inferyor na wika. Nangangahulugan lamang na ang isang wika
ay nararapat na mabisang tugunan ang pangangailangan ng mga gumagamit nito. Halimbawa,
ang paggamit ng Filipino ay nakatutugon sa mga personal na pangangailangan ng mga Pilipino.
Ang mga pangangailangang ito ay tumutukoy sa kanyang emosyon, paniniwala at mga adhikaing
nais niyang personal na maipaabot sa kanyang kapwa. Sa kabilang banda, ginagamit naman natin
ang English (American English ang tinutukoy ko rito at hindi ang ibang varayti ng English sa
mundo) para sa ating instrumental na pangangailangan. Sa pamamagitan nito, malayang
nagagawa ng mga Pilipino na makipagtalastasan tungo sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Nagsisilbi itong instrumento sa pang-empleyong perspektiba gayundin naman sa aspektong
pangsosyalisasyon.
Bunsod ng ganitong sitwasyon ang pagpapakita ng halaga sa pagkakaroon ng sarili o
pampersonal na wika, pambansang wika at mga wikang global. Marami man ang wika sa buong
daigdig gayundin sa Pilipinas, hindi maaaring pagkumparahin ang bawat isa. Dahil ang WIKA
MO, ang tumutulong sa iyo upang lubos mong maiparamdam ang nais mo sa pinakamabisang
paraan. Bukod pa, hatid din nito ang kristalisado at awtentikong mensahe na hindi kayang
maibigay ng kahit na anong banyagang wika. Ang WIKANG FILIPINO naman ang nagsisilbing
wika ng nagkakaisang bansa. Ito rin ang wikang nagiging daluyan ng mga mahahalagang
impormasyong politikal at sosyal na kayang-kayang maipaabot anumang antas ng kabuhayan
ang iyong kinabibilangan. Ang pagsulong at pagtangkilik sa wikang ito ang tutulong sa bawat
Pilipino na maunawaan ang mga pinakamahihirap na konsepto ng mundo. Higit sa lahat, ang
WIKA NG MUNDO ang siyang nagiging tagapag-ugnay sa mas malawak na impormasyon.
Nagagawa nitong maging kongkreto ang global village kung saan bawat tao ay malayang
nauunawaan ang wika, kultura gayundin ang mga paniniwala ng iba’t ibang nasyon.
Gayumpaman, bahagi ng global na kalakaran ang dimensyong teknolohikal na ang bawat
kultura sa mundo ay nagpapakita ng kani-kanilang pekulyaridad sa aspekto ng popular na
paniniwala kung saan bahagi ang pag-aaral ng wika. Sa bahaging ito, malawakang nakikisangkot
ang akademiya upang matugunan ang mga kailanganing pedagohikal. Kung kaya, minsan na ring
naipahayag ni Tony Blair na, “Ang ginawang pagbabago ng teknolohiya sa takbo ng buhay ng
tao ay hindi matatawaran lalo na sa larangan ng edukasyon. Sadyang mawawalang-saysay ang
husay at galing ng susunod na henerasyong propesyonal gaya ng mga titser kung patuloy itong
sasandig sa mga tradisyonal na kaparaanan.” Sa katunayan, halos lahat ng bansa sa buong
daigdig ay nagpapasiklaban sa tinatawag na “battlefields of learning” nang sa gayon ay huwag
silang mahuli kaugnay sa mga bagong kaalamang hatid ng Information and Communications
Technology. Isang halimbawa nito ay ang world wide web (www) na tinatayang pinakamalaking
imbakan ng impormasyon sa buong mundo. Sa pamamagitan nito, nagagawa ng tao na
makaakses sa anumang uri ng datos o kaalaman na naisin niya.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinanghahawakan ng mga techie (eksperto sa
teknolohiya) na ang modernong panahon ay mahigpit na nakasalalay sa mga inobasyong ihahatid
pa ng teknolohiya. Paliwanag nila, ito ay isang komprehensibong paghahanda kaugnay sa iba’t
ibang oportunidad ng pagkatuto na ang makikinabang ay ang sangkatauhan partikular na ang
akademiya. Hindi na naman bago sa atin ang mga termino gaya ng information age, e-class,
multimedia, e-mail, on-line/distance learning education, cybernetics, web page, hypermedia at
marami pang iba. Bagama’t may mga iilan pa rin marahil na napapabalikwas at hayagang
tinatalikuran ang magandang dulot teknolohiya. Sa ganitong pagkakataon, binigyang pansin nina
Caroll at Witherspoon (2002) na sa loob ng klasrum ng bawat eskwela, lahat tayo ay pawang
mga estudyante, nagkataon lamang na ang iba ay baguhan at ang iba ay eksperto na. Sa
kasalukuyang panahon, kitang-kita ito sa bawat klasrum sa Pilipinas. Kadalasan, ang mga titser
ang siyang nalalagay sa alanganing posisyon kapag usaping teknolohiya na ang nakalatag.
Naniniwala naman si Reksten (2000) na kung magkakaroon ng pagtutulungan sa paggamit ng
teknolohiya, mas magiging madali ang pagkatuto dito. Sa madaling sabi, ang pagsasanib-pwersa
ng titser at ng mga estudyante ay mainam tungo sa mas makabuluhang talakayang pangklasrum.
May kakayahan kasi ang teknolohiya na maiangat ang pag-iisip ng mga estudyante lalo na kung
ito ay maayos na naidisenyo sa kurikulum.
Samantala, sa pag-aaral na isinagawa nina Norton at Wiburg (2003), ang konsepto ng
teknolohiya ay maitutumbas sa salitang technique na ang ibig sabihin ay ang tamang paraan ng
pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga gawain. Ang
angkop at tamang pagpili ng teknolohiya na ating gagamitin sa ating mga klase ay nararapat ding
isaalang-alang nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat sa bawat aralin. Nagagawa kasi
nito na mas maging produktibo pa ang kalidad ng edukasyon ng isang lipunan. Bukod dito, mas
napapabilis din nito ang akses ng bawat estudyante at titser sa impormasyon saan mang dako ng
daigdig. Ayon nga kay Villacorta (2003), ang edukasyon ay ang pagpapaabot sa mga mag-aaral
ng mga kaalaman, kakayahan at kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong
maging produktibo at makabayang mamamayang makapag-aambag sa kaunlaran ng kanilang
lipunan. Ibig sabihin, ang edukasyon ay ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng karunungan bilang
produkto o end result ng kaakuhan ng isang indibidwal. Nangangahulugan lamang ito na
sinumang tao na sumailalim o sasailalim sa gawaing ito ay hindi matatakasan ang mga
pagbabago sa kanyang paniniwala at mga ideolohiya sa buhay na makakaapekto hindi lamang sa
kanyang sarili bagkus sa lipunang kanyang ginagalawan.

Sa katunayan, marami ng mga pananalig pampagtuturo ang nabago ng modernong


panahon na nagdulot ng malaking impak sa edukasyon. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

LINYAR TUNGO SA HYPERMEDIA NA PAGKATUTO. Pagpapakita ito ng kumbensyonal


na pamamaraan ng pagtuturo gamit ang mga libro at iba pang tradisyonal na parapernalya bilang
mga pangunahing instrumento ng pagtuturo. Samantala, ang hypermedia na paraan ng pagkatuto
ay tumutukoy naman sa gamit ng telebisyon, iba’t ibang larong panteknolohiya gayundin ang
gamit ng Internet sa loob ng klasrum.

SIMPLENG INSTRUKSYON TUNGO SA PAGTUKLAS NG KAALAMAN. Ipinapakita


naman dito ang magkatuwang na debelopment ng pagtuturo at pagkatuto. Sa kasalukuyang mga
pananalig ng pagtuturo, mas ninanais na ngayon ng mga estudyante na matuto sila mula sa sarili
nilang mga karanasan at mga pagtuklas. Dahil dito, mas nagiging mabisa at episyente ang
kanilang pagkatuto sapagkat awtentiko ang bawat karanasan nila.

PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA TITSER TUNGO PAGKATUTONG NAKASENTRO


SA ESTUDYANTE. Gamit ang mga makabagong teknolohiya, magaganap ang pagtuturong
nakasentro sa estudyante dahil sa kanila nagmumula ang aksyon o inisyatibo. Subalit, hindi
nangangahulugang kaunti na lamang ang papel ng titser sa loob ng klasrum, bagkus, mas
magiging malawak pa ito dahil siya ang magsisilbing gabay ng kabuuang talakayang ilalahad ng
mga estudyante.
MULA PAARALAN TUNGO SA PANGHABAMBUHAY NA PAGKATUTO. Dito ay
binubuwag ang paniniwalang sa paaralan lamang magsisimula at magtatapos ang pagkatuto,
bagkus, gamit ang mga makabagong teknolohiya, dulot ang panghabambuhay na pagkatamo ng
mga kaalaman sa mundo. Nagsisilbi rin itong hamon sa mga estudyante gayundin naman sa mga
titser upang patuloy na tumuklas ng mga bagong kaalaman sa kanilang paligid.

TORTYUR NA PARAAN NG PAGKATUTO TUNGO SA PANGKASIYAHANG


PAGKATUTO. Isa sa mga makabagong inobasyon na isinasagawa ng mga paaralan sa
kasalukuyang panahon ay kung paano matututo ang mga estudyante sa paraang napahahalagahan
nila ang bawat sandaling pananatili nila sa loob o labas man ng klasrum. Sabi nga, “teachers are
also entertainers.” Ang entertainment ay malaki ang naitutulong upang ma-motivate sa pag-aaral
ang mga estudyante.

ANG PANINIWALANG TITSER BILANG TAGAPAGHATID NG IMPORMASYON


TUNGO SA PAGIGING FACILITATOR. Sa panahon ng impormasyon, nararapat na malinaw
ang papel ng titser na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng impormasyon sa mga
estudyante. Nararapat niyang panghawakan na siya ay facilitator na gagabay at magsisilbing
konsultant ng kaalaman sa klasrum.

Tinatayang ang mga nabanggit na pagbabago ay ang mga modernisadong perspektibo ng


edukasyon sa modernong panahon. Bagama’t ang ilan sa mga ito ay lantaran na rin namang
nagagamit ng maraming titser sa kasalukuyan. Gayumpaman, hindi rito nagtatapos ang ating
gawain, bagkus, nararapat pa ring maglaan ng pagtataya o ebalwasyon kung mahusay bang
nagamit ang teknolohiya sa isang partikular na aralin.

Sa puntong ito, makikita ang kahalagahan ng integrasyon ng teknolohiya sa wika


partikular sa aspektong pansarili, panlokal at pangglobal. Higit pa, sa kalakarang global kung
saan lubos ang kontribusyong inihahatid ng Information and Communications Technology. Ito
ang mga bumubuo sa isang lipunang lubos na pinahahalagahan ang konseptong teknolingguwal.
Kung saan, pinalalakas ang ugnayan ng mga wikang ginagamit katuwang ang lantarang
pakikilahok sa global village. Sa huli, isang katotohanan na kung ang isang lipunan ay marunong
magpahalaga sa kung anumang wikang mayroon sila ay isang lipunang naniniwala sa pag-unlad
ng kanilang kabuhayan at kaakuhan.
Maraming salamat!"
Gawain 3
Matapos mabasa ang sanaysay na sinulat ni Propesor Francisco, maglahad ng sariling
pananaw sa impak ng teknolohiya sa pagtuturo ng wika. Isulat ito sa loob ng tatlo hanggang
limang pangungusap.
- - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - -P I L A S I N P A R A I P A S A - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Gawain 4
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

____________ 1. Sa kasalukuyan, ito ay kinikilalang pinakamalaking imbakan ng


impormasyon sa buong mundo.

____________ 2. Ang salitang pinaghanguan ng konsepto ng teknolohiya na nanganahulugang


tamang paraan ng pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng
tao sa kanyang mga gawain.

____________ 3. Ang inaasahang papel na ginagampanan ng guro sa loob ng silid-aralan.

____________ 4. Ang katawagan para sa paggamit ng telebisyon, iba’t ibang


larong panteknolohiya gayundin ang gamit ng Internet sa loob ng klasrum.

____________ 5. Ito ang integrasyon ng teknolohiya sa wika, na kung saan nagpapakita ng


ugnayan ng mga wikang ginagamit bilang katuwang sa paggamit ng teknolohiya
-

sa lantarang pakikilahok sa global village.


Gawain 5
Bilang isang magiging guro, ipaliwanag kung mahusay bang nagamit ang teknolohiya
bilang gamit sa pagtuturo.

Gawain 6

Natutuhan natin sa modyul na ito ang konsepto ng teknolohiya bilang mahalagang


kagamitang pampagtuturo sa pagsusulong ng edukasyon sa kasalukuyan. Gayunpaman, may
pangangailangan pa ring matuto tayong maghanda ng mga kagamitang biswal gamit ang
tradisyunal na mga pamamaraan, lalo na kung ang ating mga paaralang pagtuturuan ay walang
sapat na teknolohiya. Kaya, bilang isang mabuting guro, kailangang mapanatili nating maging
aktibong ecological stewards.
Gumawa ng isang kagamitang pampagtuturo (tradisyunal o gamit ang mga makabagong
teknolohiya). Kunan ng larawan at sumulat ng isang maikling pahayag na naglalahad ng layunin
sa paggamit nito, anong mga ginamit na materyal at bakit ito mainam na gamitin. Sundin ang
mekaniks sa pagsusulat ng sanaysay. (Tingnan ang Appendix A para sa rubrik.)

SANGGUNIAN

Francisco (2015) ANG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG PANTEKNOLOHIYA:


ISANG TEKNOLINGGUWAL NA PAGTALAKAY. Isang sanaysay na nakuha mula sa
https://www.scribd.com/doc/75363641/Ang-Wikang-Filipino-Sa-Edukasyong-
Panteknolohiya

You might also like