Kabanata 2 Batayang Kaalaman Sa Komunikasyon

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

KABANATA 2: BATAYANG KAALAMAN SA KOMUNIKASYON

LAYUNIN:
1. Nauunwaan ang kahulugan at kasaysayan ng komunikasyon.
2. Naibabahagi ang kaalamn ng komunikasyon sa pamamgitan ng
paggawa ng tsart.
3. Natutukoy ang uri, antas, modelo ng komunikasyon sa
pamamagitan ng sariling pagtuklas.

DEPINISYON NG KOMUNIKASYON
 Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na nangangahulugang “karaniwan”
o “panlahat”.

 Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa


sa pamamagitan ng karaniwang simbolo.

 Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng ng mga mensahe sa


pamamagitan ng cues na maaring verbal o di-verbal.

 Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang


nakikinig na kapwa nakikinabang nang walang lamangan.

 Ito ay pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa


mabisang paraan; isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan.

Page 1
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

Kahalagahang Panlipunan

 Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng taoay nakasalalay sa paraan ng


kanyang pakikipagunawaan. Pinatatag din ng pakikipag-unawaan ang kalagayan
at binibigyang-halaga ang pagkatao. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na
pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba, nakagagawa siya ng desisyon tungkol
sa anumang bagay: sa kabuhayan, relihiyon, edukasyon at pulitika.
Kahalagahang Pangkabuhayan

 Anumang propesyon upang maging matagumpay, ay nangangailangan ng


mabisang pakikipagtalastasan.
Kahalagahan Pampulitika

 Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng pulitika sapagkat ito ang gamit ng


tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa bayan at
maipaabot sa kinauukulan. Kailangan din ito upang maliwanag na masulat at
maipatupad ang mga batas.

Page 2
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

MGA PROSESO AT SANGKAP NG KOMUNIKASYON

 Tagahatid/enkoder
 Mensahe
 Mga Tsanel
 Tagatanggap/dekoder
 Ganting mensahe o feedback
 Mga hadlang/barriers
 Sitwasyon o Konteksto
 Sistema

1. Tagahatid/ Enkoder
-nagpapadala o ang pinagmumulan ng mensahe
-bumubuo sa mensahe
-nagpapasya sa layunin

2. Mensahe- ang ipinadadalang salita

3. Tsanel
-daluyan ng mensahe
-verbal o di verbal

4. Tagatanggap/dekoder
-tumatanggap sa mensahe
-nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan sa mensahe

5. Ganting Mensahe o feedback


-proseso sa pagbabalikan ng mensahe
-ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa
komunikasyon

6. Mga Hadlang o barriers


-tagahatid
-mensahe
-tsanel
-katayuan
-lugar
-edad
7. Sitwasyon o Konteksto
- pinakamahalang elemento
8. Sistema
- nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng
proseso ng komunikasyon.

Page 3
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

IBA’T IBANG MODELO NG KOMUNIKASYON

1. Modelo ni Aristotle
Linear
Tagapasalita Argumento Pananalita Tagapakinig

2. Modelo nina Shannon at Weaver

3. Modelo ni Schramm
-Paikot

4. Modelo ni Berlo
Batay sa pinagmulan, mensahe, tsanel, at tagatanggap

Page 4
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

5. Modelo ni Dance
Dinamiko

URI NG KOMUNIKASYON: VERBAL AT DI-VERBAL

1. BERBAL na Komunikasyon
 Ito ay isang pormal o intelektuwalisadong kapamaraanang sumasailalim sa
estraktura ng wika. Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o
kaalamang nais iparating sa anyong pasulat o pasalita.
 Ito ay ginagamitan ng salita o wika at mga letrang sumisimbolo sa kahulugan
ng mensahe.
Halimbawa:
Gising na! Baka mahuli ka sa klase.”

2. Komunikasyong DI-VERBAL
 Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit
upang ipahayag ang mensahe ng hindi ginagamitan ng salita o titik.
 Ayon kay E. Sapir: and di-berbal na komunikasyon ay detalyado at lihim na
kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
Halimbawa:
kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kilay, pagtitig at iba pa.

Page 5
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Mga Uri ng DI-BERBAL na Komunikasyon:


• Kinesics
• Proxemics
• Chronemics
• Haptics
• Paralanguage
• katahimikan
• Kapaligiran
• Iconics
• Colorics
• Objectics

1. Kenisics – pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.

a. Ekspresyon ng Mukha “nagpapakita ng emosyon”


Halimbawa: masaya kung siya ay nakangiti, malungkot
naman kung umiiyak

b. Galaw ng mata- nagpapakita ng katapatan ng isang tao,nagiiba ang


mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, diresksyon at kalidad ng
kilos ng mata.

c. Kumpas “galaw ng kamay”


Regulative– kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro
Descriptive – kumpas na maaring naglalarawan sa isang bagay

d. Tindig o Postura-Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay


na ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.

2. Proxemics
 Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa
pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap ng
kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-
uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.

Page 6
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Uri ng Proxemic Distance


1. Espasyong Intimate up to 1- ½ ft.
2. Espasyong Publik- 12 ft. o higit pa
3. Espasyong Sosyal- 4 -12 ft.
4. Espasyong Personal- 1- ½ - 4 ft.

3. Chronemics o Oras
Tatlong uri ng Kultura ng Oras
a) Teknikal o siyentipikong oras- Eksakto
b) Pormal na Oras- Nagpapakita ng kahulugan ng kultura.
Halimbawa, sa kultura ng ating oras, hinahati ito sa segundo,
minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon.
c) Impormal na Oras- ay medyo maluwag sapagkat hindi ito
eksakto.
d) Sikolohikal na Oras- tumutukoy sa kahalagahan ng
pagtatakda ng oras sanakaraan, sa kasalukuyan at sa
hinaharap.

4. Haptics (Pandama o Paghawak)


 Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan,
ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa
mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang-loob.
Halimbawa:
Pagyakap, Paghaplos, Pisil, Tapik

5. Paralanguage
 Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas
ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito
ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto.
 Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay
kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.
Halimbawa:
bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses,
kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at
paghinto.

6. Katahimikan / Hindi Pag-imik


 Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang
mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.
 May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para
masaktan ang kalooban ng iba.

Page 7
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

 Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang


damdamin ng isang tao sa ibang tao.

7. Kapaligiran
 Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan
ng tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain
sa buhay.
 Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,
kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng
kapaligiran.
 Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o dipormal
ang magaganap na pulong, kumperensya o seminar.

8. Iconics o Simbolo- Mga simbolo sa paligid na may malinaw na mensahe


Halimbawa: Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.

9. Colorics o Kulay- Nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.


Halimbawa: kulay asul at pula sa bandila ng Pilipinas.

10. Objectics o Bagay-Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa


pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mga elektronikong ekwipment.

Page 8
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON


DELL HYMES (1972) – nagbigay halaga sa tinatawag na etnograpiya ng komunikasyon
na nagsisilbing batayan para maikategorya at maunawaan ang iba’t-ibang sitwasyon at
konteksto ng pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng mga tao.

ETNOGRAPIYA – ang salitang ito ay mula sa larangan ng antropolohiya na


nangangahulugang personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
paglahok, pagmamasid at pakikipamuhay sa mga taong nasa ibang pamayanan.

S.P.E.A.K.I.N.G.
S – etting Saan nag-uusap? -Isaalang-alang ang pook, kung saan nag-
uusap, maaring malakas o mahina na boses na gagamitin.
P- articipant Sinu-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?
E- nds Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?
A- ct sequence Paano ang takbo ng usapan?
K- eys Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal
I- nstrumentalities Anong tsanel ang ginamit? Pasalita ba o pasulat?

N- orms Ano ang paksa ng usapan?


G-enre Ano ang diskursong ginagamit? Nagsalaysay ba, nakikipagtalo
ba o nangangatwiran?

Page 9
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

IBA’T IBANG ANTAS NG KOMUNIKASYON

1. Komunikasyong Intrapersonal- pansarili


 Pag-aalala, pagdama at mga prosesong naganap sa internal na katauhan.

2. Komunikasyong Interpersonal
 interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang nagsisispag-usap /maliit na
pangkat
 Kasama ang kanilang pandama, paningin , pandinig, pang-amoy, panlasa at
pandamdam

3. Komunikasyong Pampubliko- sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng tao


 Paraan ng paghahatid – telebisyon, radyo, pahayagan, at pelikula

Page 10
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

MGA SANGGUNIAN:

Berlo, David. (1960). The Process of Communication: An Introduction to Theory and


Practice. Holt, Rinehart and Winston
Bernales, R. et al. (2002). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela City:
MutyaPublishing House, Inc.
Garcia, L. et al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa akademikong Filipino. (ika-3 ed).
Cabanutuan City: Jimcy Publishing House.
Pagkalinawan, et al. (2004). Filipino I: Komunikasyon sa akademikong Filipino.
Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
Schramm, Wilbur (ed). 1956. The Process and Effects of Mass Communication.
University of Illinois Press.
Tanawan, et al. (2004). Sining ng Mabisang Komunikasyon. Bulacan: Trinitas
Publishing, Inc.
Tumangan, Alcomtiser P. et. al. 2000. Sining ng Pakikipagtalastasan. Valenzuela City:
Mutya Publishing House.

Page 11

You might also like