EsP8 LAS Q4 MELC1 Wk1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pagkatuto

Ikaapat na Markahan – MELC 1

Kahalagahan ng Katapatan

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao 8

Manunulat: Mr. Robert I. Colona


Editor: Mrs. Catherine D. Diaz
Tagasuri: Mr. Alan Vincent B. Altamia
Mrs. Marie Paz A. Almalbis
Tagaguhit:
Tagalapat: Mrs. May V. Telesforo
Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo, Jr.
Dr. Segundina F. Dollete
Mrs. Shirley A. De Juan
Mr. Alan Vincent B. Altamia
Regional Management Team: Dr. Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte Jr.
Celestino Dalumpines IV
Mr. Donald T. Genine
Mrs. Miriam T. Lima
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay
nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa pakikipagtulungan
ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan
ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-
kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at
ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan
at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga
panuto ng bawat gawain.

Gawaing Pagkatuto
Pangalan ng Mag-aaral:___________________ Grado at Seksiyon:_________
Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Kahalagahan ng Katapatan

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakikilala ang:
(a.) kahalagahan ng katapatan,
(b.) mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at
(c.) bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan (EsP8PBIIIg-12.1)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Malimit na ating nakikita sa pampublikong opisina at madalas na naririnig ang


katagang “honesty is the best policy”. Ang katapatan ay siyang pinakamahusay na
palakad o patakaran sapagkat nagpapahalaga ito sa katotohanan at nagdudulot ng
kabutihan at katarungan. Gaya ng sinasabi sa Kawikaan 10:9 sa Banal na Aklat, “Ang
namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas
ay malalantad balang araw”.

Ang katapatan ay isang birtud sapagkat bumubuo ito sa ating karangalan at


katauhan bilang tao. Dapat itong ipinapakita hindi lamang sa salita kundi sa gawa. May
kasabihang “mas malakas ang kilos kaysa sa salita”. Patunay ito na mas binibigyan ng
halaga ang kilos kaysa sa salita. Kaya ang katapatan ay nangangailangan ng kolektibong
pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab.

Ikaw, gaano kahalaga sayo ang katapatan? Paano mo maipapakita at


maisasabuhay ang pagiging tapat sa salita at sa gawa? Anu-ano kaya ang magiging
bunga o epekto ng hindi pagpapamalas ang katapatan?

III. Mga Sanggunian


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 314-315

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.


Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

MELC p. 108

IV. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Suriin kung ang bawat sitwasyon ay
nagpapamalas ng katapatan. Gabay ang pormat at halimbawa sa ibaba, lagyan ng tsek
(✓) kung ito ay nagpapakita ng katapatan at ekis (✘) naman kung hindi. Kung ang
sitwasyon ay hindi nagpapakita ng katapatan, isulat ang mga paraan kung paano mo
maipapakita ang katapatan sa nabanggit na sitwasyon.

Sitwasyon Paraan na maipapakita ang katapatan

Halimbawa:

Hindi sinasadyang masagi ni Lloyd ang Kung ako ang nasa sitwasyon at kung
kanilang plorera habang naglilinis at ito ✘ totoo na hindi ko ito sinasadyang
ay nabasag. Dahil sa takot, ito ay masagi ay dapat sabihin ko ang totoo at
kanyang itinago at sinabi sa kanyang di na kailangang ituro ito sa aking
ina na ang nakababatang kapatid ang kapatid. Hindi ko itatago ang nabasag
nakabasag nito. na plorera at magsasabi ako ng totoo sa
aking ina.

1. Si Jose ay isang mag-aaral na nasa


ika-8 baitang. Sa tuwing mayroong
birtwal na pagkikita sa google meet
ang kanilang seksyon, mas pinipili
niyang maglaro ng online games
kaya palagi niyang dinadahilan sa
kanyang guro na wala silang
koneksyon sa internet.

2
2. Kilala si Annalyn na magaling sa
kanilang klase. Dahil maraming
proyekto ang ginawa ng kanilang
pangkat, nakaligtaan niya na
mayroong silang pagsusulit sa
asignaturang EsP kinabukasan.
Kaya naisip niyang gumawa ng
kodigo upang tumaas ang kanyang
iskor.

3. Maraming kaibigan si Rosemarie


dahil mahilig siyang makisama.
Ang kanyang matalik na kaibigang
si Cheska ay minsang nagpakalat
ng maling impormasyon sa
Facebook tungkol sa kanilang
guro. Alam niya na ito ay hindi totoo
pero mas pinili niyang manahimik
nalang.

4. Madalas na tagabantay ng
kanilang tindahan si Arnold sa
tuwing wala ang kanyang ina.
Sinisiguro niya na sinusuklian niya
ng tama ang bumibili. Hindi niya
naisip na kumuha dito kahit
minsang kinakailangan niya ito sa
kanyang proyekto sa paaralan.

5. Sa tuwing matatanggap ni Kian ang


kanyang printed modules mula sa
kanilang paaralan ay agad niya
itong binabasa at sinasagutan ayon
sa kanyang kakayahan. Minsan ay
naghahanap siya ng pagkakataon
na tumawag at magtanong sa
kanyang guro upang maliwanagan
kung ano ang hindi niya
maiintindihan.

Mga Batayang Tanong:


1. Sa mga sitwasyong nilagyan mo ng tsek (✓) o sa mga sitwasyong nagpapakita
ng katapatan, ano ang iyong nararamdaman kung ito ay iyong ginagawa? Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Batay sa iyong ginawa sa talahanayan sa itaas, makatutulong ba ang iyong


sagot sa paraan ng pagpapakita ng katapatan upang makilala ang kahalagahan
nito? Pangatwiranan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, anu-ano kaya ang magiging bunga o epekto kapag hindi natin
ipinamalas ang katapatan? Magbigay ng halimbawa.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Sa tingin mo, paano ka magiging instrumento sa pagpapakita ng kahalagahan ng


katapatan sa iyong pamilya, paaralan, at sa pamayanang iyong kinabibilangan o
sa vitual/online na pamayanan?

Pamilya
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Paaralan
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pamayanang kinabibilangan
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Virtual o online na Pamayanan


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

V. Repleksiyon
Ang pagkilala sa kahalagahan ng katapatan ay mahalaga upang tayo ay
magkaroon ng pananagutan sa katotohanan at kabutihan. Ito ay gumagalaw hindi
lamang sa pamamagitan ng ating salita kundi sa ating kilos o gawa. May mga
paraan upang maipamalas natin ang kahalagahan ng katapatan upang lalong
maging makabuluhan ang ating paninindigan para sa katotohanan at
pagsasabuhay nito sa isip, salita at gawa.

Ang katapatan ay may malaking epekto sa ating ugnayan sa pamilya, kaibigan


at komunidad. Sa mga nakaraang aralin, natutunan mo na isa sa mga sangkap ng
pagkakaibigan ay ang katapatan. Sa talahanayan sa ibaba, magtala ng tatlong (3)
pamamaraan ng pagpapakita o pagpapamalas ng katapatan sa iyong kaibigan.
Kaugnay ng naitala mong pamamaraan ng pagpapamalas ng katapatan, isulat din
ang kahalagahan nito at ang sa tingin mong magiging bunga o kahihinatnan kung
hindi mo maipamamalas ito.

Mga pamamaraan ng Bunga o kahihinatnan


pagpapamalas ng Kahalagahan ng kung hindi ko ito
katapatan sa aking pagpapamalas nito maipapamalas
kaibigan

Halimbawa: Mahalaga ang Sa tingin ko, kung hindi ko


pagtanggap ng tinatanggap ang aking
Tinatanggap ko ang aking aking nagawang nagawang pagkakamali,
nagawang pagkakamali pagkakamali dahil magkakaroon kami ng
bilang isang kaibigan. napapalago nito ang hindi pagkakaunawaan sa
tiwala at respeto isa’t-isa. Maaring
namin sa isa’t-isa. mababawasan o
mawawala ang kanyang
tiwala sa akin.
1.

2.

3.

Rubrik sa pagsulat ng pamamaraan at bunga ng pagpapamalas ng katapatan


Kraytirya 9-10 6-8 1-5

Kaangkupan ng Angkop na angkop Angkop ang Hindi angkop ang


pamamaraan sa ang pamamaraan pamamaraan pamamaraan
pagpapamalas ng kaugnay ng kaugnay ng kaugnay ng
katapatan at pagpapamalas ng pagpapamalas ng pagpapamalas ng
kahalagahan nito katapatan at katapatan at katapatan at
kahalagahan nito kahalagahan nito kahalagahan nito

Paraan ng pagsulat May kaisahan May kaisahan Walang kaisahan


ng bunga o epekto kaugnay sa kaugnay sa kaugnay sa
ng hindi pamamaraang pamamaraang pamamaraang
pagpapamalas ng nabanggit tungkol nabanggit tungkol nabanggit tungkol
katapatan sa katapatan at buo sa katapatan ngunit sa katapatan at
ang detalye ng hindi buo ang hindi buo ang
bunga o epekto detalye ng bunga o detalye ng bunga o
ng hindi epekto ng hindi epekto ng hindi
pagpapamalas nito pagpapamalas nito pagpapamalas nito

VI. Susi sa Pagwawasto

✓ 5
✓ 4
mag-aaral ✘ 3
ng ✘ 2
Sagot ✘ 1
Paraan na maipapakita ang katapatan Sitwasyon

Sagot :

Pagsasanay 1

You might also like