Esp 7 Diagnostic Test
Esp 7 Diagnostic Test
Esp 7 Diagnostic Test
PANUTO: Basahin nang may pang-unawa ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang sumusunod ang paraan upang malampasan ang mga hamon ng pagbabago
na nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata maliban sa?
A. Pagtuklas ng talento
B. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
C. Pagtuklas sa sariling kakayahan
D. Pagtuklas sa sariling kalasan at kahinaan
2. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata
maliban sa:
A. Makabuluhang paggamit ng mga hilig
B. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
C. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito
D. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng
pagdadalaga/pagbibinata
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata?
A. Para magkaroon ng maraming kaibigan.
B. Para mapagtagumpayan ang mga pangarap.
C. Para malampasan ang mga hamon sa buhay.
D. Wala sa nabanggit.
4. Mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pagsasaayos ng mga ideya.
Kinakailangang makita ang paglalarawan ng ideya upang maunawaan ito.
A.Visual / Spatial
B.Verbal / Linguistic
C. Mathematical / Logical
D. Bodily / Kinesthetic
5. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o
gawain na kinahihiligan?
A. Nakapagpapasaya sa tao.
B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili.
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay.
D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap.
6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pangakademiko/bokasyunal?
A. Makatutulong ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang
makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
B. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong
makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
C.Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing
sa pag-aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.
D. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong
pang-akademiko o teknikal-bokasyonal.
7. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa
sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:
A.Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
B.Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito
ng buong sigla at husay
C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig
upang tulungan ang kapwa
D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay
kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito.
8. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
A.Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
B.Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
C. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong
gawin sa iyong libreng oras.
D. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng
kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
9. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos sa bawat
yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
B. Nagsisilbing pagganyak o motibasyon upang gawin ang inaasahan sa kanya ng lipunan
C. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong
sitwasyon
D. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa
kanilang edad
10. Bakit kailangan nating tuklasin ang ating mga talento at kakayahan?
A. Upang magbukas sa atin ang mga oportunidad
B. Upang maabot natin ang ating mga mithiin sa buhay
C. Upang mapaunlad at maging ganap ang ating pagkatao
D. Upang may mapatunayan tayo sa ating sarili at sa ating kapwa
11. Sa pagdadalaga/pagbibinata ay nagiging mas malalim ang pakikipag-ugnayan
ng isang kabataan. Naghahanap na din siya ng makakasama na makakasundo
niya sa maraming bagay. Ano ang inaasahang kilos at kakayahan nito?
A. Pagtanggap sa papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
B. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
C. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad.
12. Bakit mahalaga sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ang pagtamo at pagtanggap ng
23mapanagutangasal sa pakikipagkapwa?
A. Upang hindi magkaroon ng alitan at pag-aaway
B. Upang magkaroon ng maraming kaibigan at kakilala
C. Upang tunay na makita ang kagandahan ng pansariling buhay
D. Upang maunawaan at bigyang halaga ang katotohanang hindi nabubuhay ang tao para
sa kaniyangsarili
13. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos.
Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang
nagpapahinga
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na
ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
14. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
15. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. mag-isip
B. umunawa
C. magpasya
D. magtimbang ng esensiya ng mga bagay
16. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan
maliban sa:
A. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
B. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
C. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
D. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
17. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.
A. Isip
B. dignidad
C. Kilos-loob
D. Konsensya