PT Esp6 Q1 Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 2 – Cagayan Valley
Division of Tuguegarao City
Carig Integrated School
Carig Sur, Tuguegarao City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
TALAAN NG ISPESIPIKASYON
SY 2022-2023

Remembering Test Item Placement

Understandin

Evaluating
Analyzing
Total

Applying

Creating
Learning Competency Weights No. of

g
Items

Pagsusuri nang mabuti sa mga


bagay na may kinalaman sa
sarili at pangyayari 8,10,13,1
30% 15 1,3,4 2,5,9,11 6,7 12
4,15

Pagsang-ayon sa pasya ng
nakararami kung nakabubuti
ito 30% 15 16,17,18 19,20,23 27,28,29 21,22,26 24,25 30

Paggamit ng impormasyon
32,37,34,3 31,33,38, 39, 44,46,
40% 20 43,45,47 49,50
5,36,40 41,42 48
TOTAL 100% 50 12 13 8 11 4 2
25 19 6

Prepared by: Reviewed by: Checked by:

JOVELYN V. BAQUIRAN JOSELITO S. SORIANO VICTOR F. TACCAD


Teacher I Master Teacher I Principal I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 2 – Cagayan Valley
Division of Tuguegarao City
Carig Integrated School
Carig Sur, Tuguegarao City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

PANGALAN:______________________________________________________ Marka: ___________

Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong papel.

1. Alam ni Marisa na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil
sa mas marami ng gastusin simula kolehiyo. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga
magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob.
A. pagkamatiyaga
B. pagmamahal sa katotohanan
C. pagkabukas ng isipan
D. pagkamahinahon

2. Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay.


Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang
nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan
mong umuwi ng maaga.
A. lakas ng loob
B. kaalaman
C. pagiging responsible
D. may paninindigan

3. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Lito na balang araw


magiging maayos din ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw-araw niyang ipinagdarasal
ito sa Panginoon.
A. pagmamahal sa katotohanan
B. may paninindigan
C. may pananampalataya
D. katatagan ng loob

4. Bawat buwan ay nagpapadala si Beth ng sahod na natatanggap niya upang ipambili


ng pagkain para sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Beth?
A. kaalaman
B. pagmamahal sa pamilya
C. bukas na isipan
D. lakas ng loob

5. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano


ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
D. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko
siya kung bakit siya lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang
kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan
ng kaniyang madalas na pagliban sa klase.

6. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa Science. Mayroong paligsahan sa inyong


paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa paligsahan.
C. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong
kaklase na lumiban.

7. Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang


nanay na pumunta sa palengke. Alin dito ang iyong gagawin?
A. manood muna ng telebisyon
B. magluluto muna bago manood
C. gagawa ng takdang- aralin
D. matutulog muna bago magluto

8. Nakita mong naninigarilyo ang kaklase mong anak ng inyong kapitbahay. Ano kaya
ang magagawa mo para matulungan siya?
A. isusumbong sa guro
B. pagalitan siya
C. sasabihin ang nakita sa kanyang magulang
D. isumbong sa pulis

9. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay


ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin.
C. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at
pauuwiin.
D. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay
namin.

10. Nagpasya ang mag-anak ni Gerlie na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng


kanilang tahanan sa darating na Sabado. Nakagawian ni Gerlie na maglaro ng volleyball
tuwing araw na ito. Kung ikaw si Gerlie, ano ang gagawin mo?
A. tutulong muna sa paglilinis bago maglaro
B. maglaro ng volleyball dahil naghihintay ang barkada
C. tutulong na nakasimangot
D. tutulong na nagdadabog
11. Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala
nakuha ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng
walis at dustpan si Myrna upang linisin ang basura upang hindi makaperwisyo ang
amoy nito sa ibang mag-aaral.
A. pagiging malinis C. mapanuring kaisipan
B. may paninindigan D. pagiging mahinahon
12. Lahat tayo ay anak Diyos. Sa mata ng Diyos, ang mahirap at __________ ay pantay-
pantay.
A. paroroonan B. matapat C. mayaman D. totoo

13. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at
mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sasama kang maligo sa ilog.
B. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
C. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.

14. Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang
nanay na pumunta sa palengke. Alin dito ang iyong gagawin.
A. manood muna ng telebisyon C. magluluto muna bago manood
B.gagawa ng takdang- aralin D. matutulog muna bago magluto

15. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng
isang bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?
A. pabayaan silang di-magkasundo
B. gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo
C. awayin mo silang dalawa
D. sigawan mo sila

16. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang


katangian na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa
kanila.
C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan
ang desisyon ng nakararami.
D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.

17. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa opinyon ng iba. Alin sa


sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon sa nakararami?
A. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”
C. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”
D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”

18. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?


A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
D. Lahat ng sagot ay tama.

19. Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang
gagawin mo?
A. pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito
B. awayin mo siya
C. isumbong sa kapitan ng barangay
D. pabayaan lang siya
20. Nagpasiya ang mag – anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga
kabahayan. Marami ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
A. hindi, dahil sa masamang epekto nito
B. bahala na ang mga apektado nito
C. Oo, sayang ang kikitain nito
D. balewalain ang pumupuna

21. Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?


A. magbigay agad ng pasya
B. iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa
paggawa ng pasya
C. magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
D. pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

22. Ano ang epekto ng di pagsang-ayon sa pasya ng nakararami?


A. nagiging sanhi ito ng mas malalim na pagsasamahan
B. nagdudulot ito ng hidwaan at di pagkakaunawan
C. ito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng masayang
pagkakaibigan.
D. nagbibigay ito ng pagkakaunawaan

23. Ang pamilya Banigan ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at samasama ring
nananalangin sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na
dapat tularan?
A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat
kasapi

24. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang, “Ang matalinong pagpasya ay tulad ng
pagmamaneho sa kalsada?”
A. Kapag nagmamaneho ka, kailangan mong tutukan ang daanan.
B. Magmaneho ka lng nang matulin para makarating ka agad sa iyong
pupuntahan.
C. Kailangan mong mag-ingat sa iyong pasya tulad ng pagmamaneho
na kailangan mong maging maingat upang hindi ka mabangga.
D. Lahat ng nabanggit.

25. Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa mo ng pasya?


A. Upang masabi nila ang kanilang ideya tungkol sa magiging epekto
ng iyong pasya.
B. Upang may kasama kang may kasalanan kung sakaling mali ang
iyong pasya.
C. Upang may masisi kang iba kapag nagkamali ka.
D. Upang ang kanilang pasya nalang ang iyong susundin.

26. Nagpasiya ang mag – anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga
kabahayan. Marami ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
A. hindi, dahil sa masamang epekto nito
B. Oo, sayang ang kikitain nito
C. bahala na ang mga apektado nito
D. balewalain ang pumupuna
27. May inilunsad na gawaing pansibiko na “Clean and Green” sa inyong lugar, Ano ang
iyong gagawin?
A. makilahok sa mga gawaing ito
B. sasali dahil may malaking pera dito
C. sasali dahil sa sariling interes
D. hindi dahil nakakapagod

28. Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang
gagawin mo?
A. pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito
B. isumbong sa kapitan ng baragay
C. awayin mo siya
D. pabayaan lang siya

29. Naglalakad ka papunta sa silid – aklatan nang makita mo ang isang batang
nagtatapon ng balat ng saging sa daanan, Ano ang iyong gagawin?
A. isumbong sa punong guro
B. pagsabihang pulutin dahil maging sanhi ito ng aksidente
C. pagalitan siya
D. murahin siya

30. Kumpletuhin ang kasabihan “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang _______.
A. Bibliya B. gawa C. paroroonan D. matapat

31. Pumunta ka sa isang aklatang-bayan. Hinihingi ang impormasyon ng iyong tirahan.


A. Ibibigay mo ang address ng iyong paaralan.
B. Ibibigay mo ang kumpletong address ayon sa hinihingi.
C. Ibibigay mo ang buong pangalan ng tatay at nanay mo.
D. Alamin muna bakit hinihingi.

32. May dumating sa bahay ninyo na bagong katulong o kasambahay. Gabi na at bukas
pa uuwi ang mga magulang ninyo.
A. Patuluyin mo siya at patulugin sa gabi.
B. Hayaan mo siyang maghintay sa labas ng bahay.
C. Ipagbibigay alam sa kaniya na ang mga magulang mo ay umalis
pa at uuwi ang mga ito kinabukasan.
D. Pabalikin siya kinabukasan.

33. May dumating, nagpapakilalang kolektor ng appliances. Wala sa bahay ang nanay at
tatay mo. Hinihingi niya ang cellphone number ng mga magulang mo. Ano ang gagawin
mo?
A. Hindi papasukin ang tao at tawagan ang iyong ina sa cellphone.
B. Papasukin ang tao sa bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong
ina.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
D. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

34. May isang van na huminto sa tapat ng bahay ninyo. Lumabas ang isang lalaki at
nagbalitang naaksidente ang kapatid mo at kasalukuyang nasa ospital. Nasa trabaho pa
ang mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan na sumama
ospital.
B. Ikaw na lang ang sasama sa ospital.
C. Ipaaalam sa mga magulang ang nangyari at hintayin ang
kanilang desisyon.
D. Magtatanong sa kapitbahay ano ang gagawin.
35. Lilipat ka ng papasukang paaralan. Kakailanganin ang mga impormasyon ng
pamilya mo sa iyong mga sasagutin. Alin sa sumusunod ang hindi kasama?
A. Buong pangalan ng tatay at pinagta-trabahuhan niya.
B. Pangalan ng nanay mo sa pagkadalaga.
C. Iyong mga kaibigan at nakaraang mga kaklase.
D. Edad at pangalan ng iyong mga kapatid.

36. Nakita mo sa facebook na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at


pabugso-bugsong ulan.
A. Maniwala at huwag ng pumasok.
B. Sasabihin sa ina na walang pasok dahil sinabi ito ng iyong
kaklase.
C. Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong nabasa.
D. Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.

37. Nag-chat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Wika.


Nagtatanong siya kung ano ang isusuot sa palatuntunan. Ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong siya sa guro dahil hindi siya nakinig.
B. Hayaan na makadalo sa palatuntunan ng paaralan na walang
dala.
C. Ipagbigay alam sa kaibigan ang mga palabas at kung ano ang
dapat.
D. Ibigay agad sa kaniya ang lahat ng impormasyong nalalaman
tungkol sa programa sa Buwan ng Wika.

38. May umugong na balita na may naganap na nakawan sa Barangay. Isang araw,
kumatok sa pinto ang isang lalaki at sinasabing kaibigan siya ng kaniyang mga
magulang. Pinapasok naman siya ng bata sa kanilang bahay kaya malayang
nakapagnakaw ang kawatan. Kung ikaw ang bata, ano ang iyong gagawin?
A. Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang
itanong kung totoong kaibigan siya.
B. Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
D. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

39. Una mong nabasa sa inyong group chat na mayroong Clean-Up Drive sa inyong
paaralan upang maiwasan ang pagbara ng estero at makaiwas sa sakit na dengue. Batid
mong hindi pa ito alam ng iyong mga kaklase at kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan mo na
sumama sa Clean-Up Drive.
B. Ikaw na lamang ang sasama sa Clean-Up Drive
C. Ipaaalam sa mga kaklase kung tapos na ang Clean-Up Drive
dahil marami pa namang pagkakataon.
D. Wala ang sagot sa mga nabanggit.

40. Nalaman mo sa isang pagsaliksik sa social media na ang palagiang paglalaro ng


mobile legend ay nakakasama. Alam mo na ang iyong kapatid na lalaki ay palaging
naglalaro nito. Ang gagawin mo ay…
A. Sabihin na iwasan ang palagiang paglaro ng mobile legend
dahil may masamang epekto ito.
B. Sasabihin sa magulang ang iyong natuklasan.
C. Hahayaan ang kapatid.
D. Pagagalitan ang kapatid.

41. Tinatanong ka ng principal ng pangalan ng mga magulang mo.


A. Isusulat mo sa papel ang mga pangalan nila.
B. Sasabihin mo ang buong pangalan ng mga magulang mo.
C. Itanong muna sa guro kung ano ang gagawin mo.
D. Alamin sa mga kaibigan kung ano ang ginawa nila.

42. Sa application form kailangan mong isulat ang petsa ng kapanganakan ng nanay
mo.
A. Tatanungin mo ang kuya mo kung sasagutin ito.
B. Sasagutin at isusulat mo ang petsa.
C. Mamaliin ang petsa.
D. Laktawan ang tanong sa application form.

43. May census enumerator ng Barangay na dumating sa bahay ninyo. Hinihingi niya
ang cellphone number ng tatay mo. Ano ang gagawin mo?
A. Ibigay mo dahil saulado mo ito.
B. Papasukin ang tao sa bahay at pahintayin sa iyong tatay.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
D. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

44. Tumawag ang Tatay mo galing sa ibang bansa. Hinihingi niya ang ATM number ng
nanay. Magpapadala siya ng pera. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay mo ang numero dahil saulado mo na ito at wastuhin
mo pagkatapos.
B. Paghintayin ang tatay sa pag-uwi ng nanay galing palengke.
C. Itanong sa kapatid ang tamang numero.
D. Wala ang sagot sa mga nabanggit.

45. Inaalam ng taong ka-chat mo ang pagkakakilanlan mo. Alin sa mga ito ang dapat
mong ilihim sa kaniya?
A. Buong pangalan mo
B. Tirahan at edad mo
C. PIN ng ATM mo
D. Pangalan ng mga miyembro ng pamilya mo

46. Si Mang Andoy ay matagal nang nagtatrabaho sa Munisipyo. Siya ay kinagigiliwan


ng lahat sapagkat taos-puso niyang ginagampanan ang kaniyang tungkulin. Dahil dito,
hinihingi ng Mayor ang pangalan ng kaniyang anak upang gawing scholar ng bayan.
Ano ang dapat gawin ni Mang Andoy?
A. Isulat ang palayaw ng anak sa kontratang papel.
B. Isulat ang totoong pangalan ng anak sa kontratang papel.
C. Huwag susulatan ang kontratang papel. Baka isa itong
panluluko.
D. Ipapasulat sa kasama ang hinihingi ni Mayor.

47. Nasa ika-anim na baitang si Nilo. Handa na siyang pumasok sa mataas na paaralan
sa susunod na pasukan. Maagang nanghihingi ng lista ng mga mag-aaral ang Mataas
na Paaralan ng Piddig. Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kaniyang sariling
pamilya. Nasagot niya lahat ang mga ito. Tama kaya ang ginawa ni Lino?
A. Oo dahil kailangan ng paaralan ang mga impormasyong ito.
B. Hindi dahil baka gamitin sa masama ang mga impormasyong
naibigay sa paaralan.
C. Hindi dahil mali ang pagbibigay ng anumang impormasyon
kahit kanino.
D. Walang tamang sagot.

48. Ang Munisipyo ay naglalaan ng pundo para sa kabataan. Sa bakasyon, may


dalawampung araw na pagtatrabaho ang ilalaan sa paglilinis ng kalsada, mga parke, at
iba pang pampublikong lugar. Tinatawag itong summer job. Gusto mong mag-apply.
Hinihingi sa aplikasyon ang petsa ng kapanganakan ng inyong mga magulang. Hindi mo
alam ang tamang petsa.
Ano ang gagawin mo?
A. Sagutan mo ng mga petsang hula mo lang.
B. Tanungin sa kaklase ang petsa ng kapanganakan ng
kanyang magulang at gayahin nalang.
C. Huwag nalang sagutan
D. Sabihin sa kawani ng munisipyo ang totoo na hindi moa lam
ang petsa ng kanilang kapanganakan.

49. Nagbakasyon ang buong pamilya sa Baguio. May nakilala kang isang mestiso.
Tinulungan ka niyang maghanap ng bangko na pagkukunan mo ng pera. Ano ang
susunod mong gagawin?
A. Ibigay mo ang PIN ng ATM mo para mapadali ang
pagwithdraw.
B. Kunin ang kanyang cellphone number at gawing textmate
C. Magpasalamat sa kanyang tulong at ibigay ang iyong address
D. Huwag na huwag kang magbibigay ng kahit anong
impormasyong pribado dahil hindi mo pa siya higit na kilala.

50. Nabalitaan mo sa iyong facebook account na may isang matandang babae na


palaboy-laboy. Nalaman mo na ang nasabing matanda ay ang ina ng tatay mo. Ano ang
nararapat mong gawin.
A. Puntahan mo at tulungan para makauwi.
B. Puntahan mo kaagad ang matanda at pagalitan siya.
C. Huwag nalang pansinin.
D. Tawagan mo ang iyong tatay at siya nalang ang sumundo.
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 (UNANG MARKAHAN)

SUSI SA PAGWAWASTO

1 C 26 C
2 C 27 B
3 C 28 A
4 B 29 B
5 D 30 B
6 A 31 D
7 B 32 D
8 C 33 A
9 C 34 C
10 A 35 C
11 A 36 C
12 C 37 C
13 D 38 A
14 C 39 A
15 B 40 A
16 D 41 B
17 A 42 B
18 A 43 A
19 B 44 A
20 B 45 C
21 C 46 B
22 C 47 A
23 A 48 D
24 A 49 D
25 A 50 A

You might also like