PT - Esp 6 - Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
ROSARIO WEST DISTRICT
MAYURO ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Baitang 6
SY 2017-2018

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Layunin Code Kinalalagyan/lugar ng Bilang ng Aytem


aytem
NAipapakita ang kahalagahan ng
pagiging responsible sa kapwa :

1. Pangako o EsP6P-IIa-c- 1-35 35


pinagkasunduan 30
2. Pagpapanatili ng
Mabuting pakikipagkaibigan
3. Pagiging matapat
Nakapagpapakita ng paggalang EsP6P-IId-i-
sa ideya o suhestiyon ng kapwa 31 36-50 15
Kabuuan 50 50

Inihanda ni :

RIZA S. GUSTE
Guro sa ESP VI
(MES)
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
ROSARIO WEST DISTRICT
MAYURO ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
TP 2017-2018
Pangalan:____________________________________________ Pangkat:__________________
Petsa:_______________________________________________ Iskor: ____________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Isulat ang inyong sagot sa
unahan ng bawat bilang na tumutugma sa iyong napiling sagot.

______1. Ipinangako mong isasauli ang damit na hiniram mo sa iyong kamag-aral, ngunit ito ay
nasa labahan pa. Ano ang gagawin mo?

A. Pakikiusapan ko ang kamag-aral ko na sa isang Linggo ko pa isasauli ang damit.


B Lalabhan ko ngayon ang damit upang maisauli ko bukas.
C. Isasauli ko ang damit kahit marumi pa ito.
D. . Huwag munang isauli at ipahiram sa iba.

_____2. Sino ang hindi dapat tularan?


A. Nahuli si Ana sa oras ng usapan.
B. Hindi dumating si Jessa sa tinanggap na paanyaya.
C. Nagsasabi si Carla na hindi siya makakarating sa usapan.
D. Kahit medyo umuulan ay sinikap ni Alfonso na makipagtagpo sa kausap na
kaibigan sa eksaktong oras ng usapan.

_____3. Ano ang nangyayari sa taong walang “ Palabra de Honor “?


A. Lumalambot ang kanyang puso.
B. Dumarami ang kanyang kaibigan.
C. Tumutigas ang kanyang damdamin.
D. Nawawalan ng pagtitiwala ang ibang tao.

_____4. Nangako kang magbabayad ng utang sa kaklase mo ngunit wala pang pera ang iyong
magulang. Ano ang gagawin mo?

A. Mangungupit ako sa aking nanay .


B. Uutang muna ako sa iba para mabayaran siya.
C. Liliban muna ako sa klase hanggang makabayad.
D. Mangangalap at magtitinda ako ng dyaryo’t bote na di na napapakinabangan sa
bahay para magkaroon ng pambayad sa utang.

_____5. Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?


A. Ito ay makakaapekto at makakaabala sa ibang tao kapag hindi ka marunong
tumupad.
B. Ito ay makakabawas sa iyong marka.
C. Ito ay makakasira sa iyong marka.
D. Ito ay isang pag-uutos.

_____6. Kaarawan ng iyong nakababatang kapatid, naipangako mo na bibilhan mo siya ng isang


regalo. Ano ang dapat mong gawin ?

A. Hayaan na lamang ang kapatid.


B. Sasabihin ko na bumawi nalang sya sa susunod na kaarawan niya.
C. Tutuparin ko ang naipangako ko sa aking kapatid.
D. Di ko ito tutuparin at hahayaan na lang na magalit siya.

_____7. Ano ang pinagtitibay ng “Palabra de honor “ ?


A. Pagsunod sa utos.
B. Pagtupad sa pangako.
C. Pagbabago ng pasya.
D. Pagmamalaki sa magagawa.

_____8. Paano tinutupad ang isang pangako ?


A. May pagpapahalaga at pagtitiis.
B. Walang interes at pagpapakasakit
C. May pagkukulang at pag-aalinlangan.
D. May hinihintay na kapalit na kabayaran.

_____9. Nangako ka na maagang umuwi, ngunit nayaya ka sa isang birthday party . Ano ang
gagawin mo?
A. Sasama ako ngunit magpapaalam kaagad
B. Sasama ako at gagawa ng dahilan sa magulang.
C. Hihingi ng paumanhin sa kamag-aral at ipapaliwanag kung bakit hindi ako
makakasama.
D. Gagawa ako ng paraan upang makapunta sa birthday party nang hindi alam ng
magulang.

_____10. Sino ang makikinabang kapag ikaw ay marunong tumupad sa isang usapan?
A. Sarili mo lang
B. Ang iyong kapwa
C. Walang makikinabang
D. Ikaw at ang iyong kapwa.

_____11. Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng klase sa isang video
shop na malapit sa inyong paaralan upang gumawa ng inyong proyekto. Ngunit nagbilin
ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipapagawa sa iyo. Ano
ang gagawin mo?

A. Ipaalam sa magulang ang sitwasyon upang maunawaan ng ina ang kahalagahan


ng iyong pakikiisa sa pangkat.
B. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain.
C Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao.
D. Di ka nalang pupunta.

_____12. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo ang
iyong matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang gagawin
mo?

A. Sisigawan ang kaibigan at aawayin.


B. Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak.
C. Makikipaghiwalay na sa matalik na kaibigan.
D. Iimbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon
kung totoo ang isinumbong tungkol sa kanya ng kamag-anak mo.

_____13. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ka ng tamang kaibigan.


May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang
iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan?

A. Gagawin ko ang gusto ko, ako naman ang pipili ng kaibigan.


B. Pag-iisipan ko. G usto ko rin kasi ang magdesisyong mag-isa.
C. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.
D. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para
sa kanilang anak.
_____14. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math.
Ipinangako niyang isasauli pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay pero
hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksyon mo?

A. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan.


B. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.
C. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng
mga gamit.
D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang
oras na pinag-usapan.

_____15. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa kanilang
relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan?

A. Igalang ang kanyang paniniwala.


B. Magdahilan na maraming tatapusin at gagawin
C. Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan.
D. Pipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinabi ng kaibigan.

_____16. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng palabas sa Makati Circuit.


Nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng traysikel malapit sa inyong paaralan sa
ganap na ika 5:00 ng hapon . Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong
nauna na sila sa Makati Circuit. Ano ang magiging reaksyon mo?

A. Kakausapin sila nang mahinahon tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang
naramdaman tungkol doon.
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang
totoong pagkatao.
C. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
. D. Aawayin ko sila.

_____17. Ano ang nadarama mo kapag nakakarinig ka ng hindi maganda tungkol sa iyong
kaibigan na may diperensya sa mata.

A. Sadyain ang panunukso


B. Hindi mo nalang papansinin.
C. Pagsasabihan ang nanunukso.
D. Magiging masaya at magaan ang pakiramdam.

_____18. Ang iyong kaibigan ay lagi nalang naninigarilyo tuwing siya ay papasok sa paaralan. Ano
ang maipapayo mo sa kanya?

A. Bumili lagi ng sigarilyo


B. Sabihan na pang macho lang ang sigarilyo.
C. Sabihan na masama ang sigarilyo sa katawan ng tao.
D. Sabihan na magandang pagmasdan kapag siya ay naninigarilyo.

_____19. May pagsusulit. Nakita mo na may kopyahan ang kaklase mong si Ana. Ano ang iyong
gagawin?
A. Kausapin si Ana at sabihin na masama ang nandaraya sa pagsusulit.
B. Pabayaan si Ana sa pangongopya.
C. Wala lang akong pakialam.
D. Tingnan na lamang siya.
_____20. Naglilinis ka ng kwarto ng iyong kapatid. Nakita mo na may bagong pabango sa
kanyang cabinet. Ano ang maaari mong gawin?

A. Kunin ang pabango


B. Gamitin habang naglilinis.
C. Itago sa isang sulok ang pabango
D. Magpaalam sa kapatid bago kunin kung nais mo itong subukang gamitin.

_____21. Walang baon ang kaibigan mo at may ekstra ka namang pera. Ano ang maaari mong
gawin ?
A. Di siya papansinin
B Itago ang ibang pera para di niya kunin.
C. Bumili ng maraming pagkain at siya ay painggitin
D. Bumili ng ekstrang pagkain at bigyan ang kaibigan.

_____22. Nakita mo ang nakakatanda mong kapatid na kumukuha ng pera sa wallet ng iyong
ama. Nalaman niyang nakita mo siya. Kinausap ka niya na huwag sasabihin sa inyong
ama ang iyong nakita. Ano ang iyong nararapat na gawin.

A. Kakausapin ko siya na masama ang kanyang ginawa.


B. Sasabihin sa magulang ang ginawa ng kapatid.
C. Bahala na siya, siya naman ang mapaparusahan kung sakali.
D. Magkukunwari na walang nakita para hindi ka masaktan ng kapatid mo.

_____23. Nakita mong nandaya sa paligsahan ang kinatawan ng inyong paaralan. Ano ang
nararapat mong gawin ?

A Di nalang kikibo
B. Sasabihin ang nakita sa mga hurado
C. Hindi mo papansinin ang ginawa niya.
D. Hahayaan mo siyang mandaya para manalo at makilalang mahusay ang iyong
paaralan.

_____24. Dalawa mong matalik na kaibigan ang lumapit sa’yo upang humingi ng payo. Sinabi ng
isa na isinasama siya ng kaibigan sa pamamasyal ngunit gusto niyang magpaalam
muna sa kanyang nanay. Sinabi naman ng isa na maaari siyang sumama at saka na
lamang sabihin sa kanyang nanay. Ano ang ipapayo mo?

A. Huwag na lang sumama.


B. Sumama bago magsabi sa magulang
C. Magsabi muna sa magulang bago sumama.
D. Sasama kahit hindi ka magpaalam sa magulang.

______25. Habang ikaw ay nagwawalis ng silid-aralan, nakakita ka ng sampung piso sa sahig.


Ano ang dapat mong gawin?
A. Pabayaan mo na lang sa sahig.
B. Ibili mo ang pera ng iyong proyekto.
C. Itago ang pera kasi wala namang nakakita.
D. Ibigay sa guro upang ipaalam kung sino ang may-ari ng pera.

_____ 26. May pagsusulit sa Science ang klase. Magkasunod sa upuan si Roy at Lito.
Nagulat si Roy nang bigla siyang kalabitin ni Lito. Dahan-dahan siyang lumingon.
Sumenyas ito na gusto ni Litong mangopya sa kanya. Ano ang dapat gawin ni Roy?
A. Huwag pansinin si Lito at hilingin sa guro na ilipat siya ng ibang upuan.
B. Kakausapin si Lito. Sabihin na ang pandaraya ay di tama.
C. Isumbong si Lito sa guro.
D. Hayaan na lang ito.
_____27. Nadaanan Ni James ang isang computer shop habang siya ay papasok sa
paaralan. Napansin niyang naroon ang mga kaibigan at wiling-wili sa paglalaro.
Nais sana niyang pumasok ngunit napansin niyang malapit na ang mag-time. Ano
ang dapat gawin?
A. Pumasok sa klase.
B. Puntahan ang mga ito at sumali sa paglaro.
C Maglaro ng kalahating oras lamang upang hindi masyadong huli sa klase.
D. Ipagpatuloy ang paglalaro sa computer shop at huwag na pumasok sa
paaralan.

_____28. Marami sa iyong mga kaklase ang nagagalit sa inyong guro dahil sa pagiging istrikto
nito. Nakita mo ang ilan sa kanila na nagsusulat sa mga upuan ng mga salitang
patungkol at laban sa inyong guro. Ano ang nararapat mong gawin?

A. Magsusumbong sa guro.
B. Aawayin ang mga kamag-aral.
C. Makikilahok sa kanilang gawain.
D. Kakausapin ang mga kamag-aral na huwag sulatan ang mga upuan at sa
halip ay kausapin ang guro at ilapit ang kanilang problema.

_____29. Walang bolpen si Mila. May nakita siyang bolpen sa may desk niya. Ano ang kanyang
gagawin?
A. Kukunin at ipamimigay sa iba
B. Magsabi sa may –ari na hihiramin ang bolpen.
C. Huwag na lang magsulat,maglaro na lang
D. Kukunin niya at huwag na lang kikibo kung may maghanap.

_____30. Pinagsususpetsahan ng iyong mga kamag-aral si Eddie na kumuha ng nawawalang


pera ni Rona na kanyang katabi. Kung ikaw ang pangulo ng klase, ano ang gagawin
mo?
A. Sasabihin ko sa aking mga kamag-aral na huwag munang maghugas, at tiyakin
muna kung paano nawala ang pera ni Rona.
B. Kakausapin ko si Eddie na magtapat siya kung saan inilagay.
C. Isusumbong sa guro si Eddie.
D. Aawayin ito at tutuksuhin.
_____31. Inutusan ka ng guro mo na bumili ng yeso dahil naubusan na ito. Sa araw na iyon
wala kang baon at pwede kang kumuha sa sukli ng iyong guro. Ano ang gagawin
mo?
A. Sabihin sa guro na mahal ang yeso.
B. Utangin ang yeso sa tindera para ang pera ay sa iyo na.
C. Maghingi ng tawad sa tindera para ang barya ay kunin.
D. Sabihin sa guro ang tiyak na halaga ng yeso at isauli ang sukli..
_____32. May bago kang damit. Ito ay maganda. Mura lang ang halaga nito. Tinanong ka ng
kaibigan mo kung magkano ang bili mo. Ano ang sasabihin mo?
A. Sabihin mahal para hindi niya kayang bilhin.
B. Sabihin ang tiyak na halaga.
C. Sabihin na hindi alam ang halaga.
D. Hindi sasagutin.
_____33. May dumating na sulat par sa iyong kapatid. Parang gusto mong galawin. Alin ang
tamang gagawin mo?
A. Punitin ang sulat
B. Gagalawin dahil titingnan mo lang
C. Huwag galawin kung hindi para sa iyo
D. Pababayaan na lang ang sulat na maitapon.
_____34. Sinabi ng guro na ikaw ay gagawa ng isang dekorasyon sa entablado para sa susunod
na Linggo ng pagdiriwang sa inyong paaralan. Pumayag kang ito’y gawin sapagkat
alam mong kayang-kaya mo itong magawa at mahaba –haba naman ang oras ng
paghahanda.. Subalit nang araw na ito ay iyong sisimulang gagawin, ikaw ay nilagnat
at hindi makakaya na ito ay magawa sa araw na iyon . Ano ang dapat mong gawin?

A. Ipaalam sa guro ang sitwasyon,humingi ng paumanhin at magpapasabi na


humanap nalang ng ibang gagawa upang hindi maabala ang pagdiriwang.
B. Magpapahanap sa magulang ng gagawa ng dekorasyon.
C. Hindi ipapaalam sa guro na ikaw ay may sakit.
D. Hindi mo na lang gagawin.
_____35. Araw ng camping sa inyong paaralan. Nagkaroon ng paligsahan sa pamamalengke at
ikaw ang naatasang magsagawa nito. Nagkataong naubusan ka na ng perang baon .
Nakita mong malaki ang perang naibigay sa iyo at kayang- kaya mong dayain ang
presyo ng bawat bilihin upang magkaroon ng dagdag na baon. Ano ang gagawin mo?

A. Dadayain ang presyo ng pinamili at kukunin ang sobrang pera.


B. Sasabihin ang tamang presyo ng bilihin ,di bale nang walang baon, may pagkain
naman na nakalaan sa camp.
C. Kakausapin ang kasamang namili na wag sasabihin ang tamang presyo
D. Walang tamang sagot.

_____36. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka ng titser mo kung paano napaganda ang inyong
proyekto. Ano ang sasabihin mo?

A. Ibinigay ko po ang lahat ng aking nakayanan.


B. Malaki po ang naitutulong ng bawat kasapi.
C. Ang ilan pong kasapi ay walang kooperasyon.
D. Ako po ang bumili ng lahat ng ginamit sa paggawa nito.

_____37. Napagkasunduan ng iyong klase na magpapadala ng kard at kahon ng biskwit sa isang


kaklaseng matagal nang maysakit. Ikaw ang napakiusapang maghatid ng mga ito.
Tatanggapin mo ba ang pinapagawa sa iyo?

A. hindi nararapat
B. Depende kung may panahon
C. Oo, dahil makakahingi ako ng biskwit
D. Oo, dahil para ito sa kapakanan ng kaklaseng maysakit.

_____38. Tumanggi si Efren na maging tagapagsalita ng Grade Six pupils para sa binabalak na
fund raising project. Takot daw na humawak ng perang malaki si Efren. Ang dahilan ni
Efren ay ______

A. Nararapat C. di kapani-paniwala
B. Dapat purihin D. iresponsable

_____39. Ikaw ang napili bilang tagapagsalita sa palatuntunan para sa Linggo ng Wika.
Tatanggapin mo sa dahilang_____

A. gusto mong maging sikat.


B. ayaw mong ipahiya ang gurong nagrekomenda sa iyo.
C. wala nang makagagawa nito kundi ikaw.
D. pagkakataon ito upang masubok ang iyong kakayahan.
_____40. Matapos na magkaroon ng paghahanap ng impormasyon tungkol sa ibang bansa,
Ikaw lamang ang nagkaroon nito sa dahilang mayroon kang koleksyon ng aklat sa
bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasarilinin ang impormasyon at ipapasa sa guro.
B. Sasabihin sa guro ng mag-uulat siya sa klase.
C. Ibabahagi ito sa kaklase.
D. Hindi makikinig sa guro.

_____41. Magkaibigan kayo nina Pablo at Pedro. Isang araw, nag-away si Pablo at si Pedro. Sila
ay hindi nagkibuan. Tinawag mo ang dalawa at tinanong ang dahilan. Pareho silang may
katwiran. Ano ang iyong pasya?

A. Wala kang gagawin.


B. Iwanan ang pakikipagkaibigan sa dalawa.
C. Kampihan kung sino ang may katwirang ayon sa iyong gusto.
D. Pagbatiin ang dalawa, at pag-usapan ng mahinahon ang naging sanhi ng alitan.
_____42. Bago gumawa ng pasya o konklusyon, mainam na______
A. Ipagwalang bahala na lang.
B. Suriin nang mabuti ang sitwasyon.
C. Alalahain ang sasabihin ng iba.
D. Magtanong sa iba.

_____43. Ano ang nais iparating ng kasabihang “ Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin sa iyo “
A. Gantihan ang mga nananakit sa iyo.
B. Huwag kausapin ang mga kamag-aral na nang –aasar sa iyo.
C. Huwag pansinin ang mga salbaheng kamag-aral
D. Iwasang makasakit ng kapwa
_____44. Ikaw ay isang mabuting halimbawa ng magalang na mag-aaral na nagpapahalaga sa
ideya ng iba. Paano mo ito ipapakita?

A. Igalang ang opinion ng iba


B. Tanging ideya mo lamang ang pahalagahan.
C. Tanggapin ang opinion ng iba at pag- isipang mabuti kung ito ay nararapat gawin
o hindi
D. Tama ang titik A at C.
_____45. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng pagtanggap at paggalang sa suhestiyon
ng iba ?
A. Pagpilit na opinion niya lamang ang tama.
B. Pumanig sa suhestiyon ng kaibigan kahit ito’y mali.
C. Huwag igalang ang ang ideya ng iba.
D. Laging unawain at igalang ang palagay ng iba.
46.- 50 : Panuto : Basahin ang talata sa ibaba. Piliin ang titik ng salita sa loob kahon naaangkop
upang mapunan ang patlang
.
Ang lahat ng tao ay may sari-sariling
( 46 ) _____________________ .
Ito ang dahilan ng ating pagkakaiba- iba.
Ito rin ang dahilan kung bakit tayo ay may iba’t- ibang
(47) __________________________________
(48) _______________________________at
(49) ____________________________________________
sa iba’t – ibang paksa. Dahil dito, mahalagang maunawaan na sa isang
(50) _________________________, hindi lahat ng iyong kausap ay katulad ng iyong iniisip o
pinaniniwalaan.

A. Kaisipan C.Damdamin

B. paniniwala D. Kakayahan E. Sitwasyon


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
ROSARIO WEST DISTRICT
MAYURO ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Baitang 6
SY 2017-2018

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 11 . A 21 . D 31 . D 41 . D
2. D 12 . D 22 . B 32 . B 42 . B
3. D 13 . D 23 . B 33 . C 43 . D
4. D 14 . D 24 . C 34 . A 44 . C
5. A 15 . A 25 . D 35 . A 45 . D
6. C 16 . A 26 . B 36 . B 46 . A
7. B 17 . C 27 . A 37 . D 47 . B Maaaring
magpalit
8. A 18 . C 28 . D 38 . D 48 . C
ng pwesto
9. C 19 . A 29 . B 39 . D 49 . D o bilang
10 . D 20 . D 30 . A 40 . C 50 . E

You might also like