Diskurso
Diskurso
Diskurso
Kahulugan
Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to and
from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon. Interaktibong gawain tungo sa mabisang
paglalahad ng mga impormasyon.
Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang diskurso ay
tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at
sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon.
Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa.
Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.
Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang magsulat at magsalita nang may
katagalan o kahabaan. Sa Webster’s New World Dictionary (1995), ito ay isang pormal na pagtalakay sa
isang paksa, pasulat man o pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Mahalaga na:
Konteksto ng Diskurso
A n g is n g ta o a y n a k i kip a g t a la st a sa n s a ib
iyon a y m a d ala s n a it u ri n g b il a n g m g a p ar t iku lar
s a a n u m a g o r a s, e s pa s yo a t k o n te k s to . A n g
n a k u m b ina s y o n n g m g a ta o n g b u m u b u o s a
m g a k o n te k s t o n g
i sa n g s it w a s y o n g pangkomunikasyon. Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay
maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
Halimbawa:
Ayon kay Sebastian, ang retorika ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy
kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita.
Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga salitang gagamitin
sa pagsulat o pagsasalita.
Ito ay galing sa salitang “rhetor” (Salitang Griyego) na nangangahulugang “guro” o mahusay na
orador/mananalumpati
Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat.
·Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong
agam- agam ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang
layunin.
·Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan
·Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa
kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro
tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating hinahangaan at maging
tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang
isang pahayag.
Retorika:
Bilang isang sining
Tulad ng awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan,
damdamin at mambabasa.
Saklaw ng retorika
1. Lipunan
2. pilosopiya
3. wika
4. iba pang larangan
5. sining
Gampanin ng Retorika
Nagbibigay daan sa komunikasyon
SAYUSAY
Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa
paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring
maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na
pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong
maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng
mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng
isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.
Ayon sa mga impormasyon na nakalap mula sa iba't-ibang aklat, isang mahalagang kaalaman ng
pagpapahayag ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking abilidad na tumutugaygay sa pagsusulat o
pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga pangunahing kasanayan sa larangan
ng komunikasyon. Maaaring rin itong maisambit bilang isang punla ng kahusayan ng isang nilalang sa
pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Kung kaya't ito ay isang epektibong paraan ng
pakikipagdayalogo. Mula
ang salitang "retorika" sa salitang Latin na rhetor, na nangangahulugang "guro" o "mahusay na
mananalumpati".[kailangan ng sanggunian] Susi ang pag-aaral ng retorika tungo sa mabisang
pagpapahayag
ng nauukol sa kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat at isa ring hibla ng produktibong pag-aaral
upang makabuo ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng pili at wastong pangungusap na may
maangkop na layunin.
Bilang isang sining, isa itong sining na kooperatiba, temporal, limitado at nagsusupling. Ilan sa mga
gampanin nito ang pagbibigay daan sa paglinang ng kasanayan sa komunikasyon, pag-aabala,
pagpapalawak ng pananaw, pagbibigay-ngalan, at pagbibigay-kapangyarihan.
Sa tradisyunal na pagkilala sa sining na ito, karaniwang iniuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas at,
samakatwid, ay kinakailangang masangkapan hindi lamang ng mga estilo sa pananalita kundi maging sa
paggamit ng jestyurs at galaw para maging epektibo at kaakit-akit sa mga taga-pakinig. Kaugnay nito,
sinasabi nina William D. Halsey at Emmanuel Friedman (1979) na ang retorika ay isang berbal na
agham at
“Tulad ng salapi at enerhiyang atomiko, ang mga salita ay magagamit sa mga layuning mabuti at masama.”
- (halaw mula sa salaysay ni William D. Halsey)
Histori ng Retorika
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang
diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist, Makapal na panitik (katawagan
sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa
pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring
binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.) sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist
maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa
retorika bilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan,
banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting
adhikain. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338 B.C.). Nagtatag
siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang
pagkakatugma ang mga salita sa
paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng
nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–
322
B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis
ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin
ng
mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa
siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na
magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan
ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang
kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip nasilohismo na mula sa katotohanang
unibersal; at ang halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin
sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay
batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat
Layunin
Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay makasulat nang mahusay.
Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at
makapamahala sa maangking kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng
mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri,pamanahong papel (term paper), mga panuto, at paghahanda
sa
Gampanin
Ang pag-aaral ng retorika ay nakatutulong sa isang indibidwal sa pamamagitan ng limang aspekto. Una,
bilang pangunahing diskurso, ang retorika ay nagbibigay daan tungo sa komunikasyon. Sa ganitong punto,
nagkakaroon ng oportunidad ang isang indibidwal upang maipahayag ang kanyang saloobin kaugnay sa
iba't ibang bagay na mahihinuha nito sa kanyang kapaligiran na maaaaring maisagawa sa paraang pasulat
man o pasalita. Ikalawa, ito rin ay isang salik upang magkaroon ng tinatawag nadistraction effect sa isang
tao na gumagamit nito. Ito ay bunsod ng gradwal na pagkabaling ng atensiyon ng isang indibidwal habang
ito ay sumusulat, nagbabasa, o kaya ay nagpapahayag ng sentimiyento na hinulma mula sa isang partikular
na materyal. Sa ganitong paraan, nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon ang sikolohikal na kamalayan
ng tao kung saan bahagya nitong nakakaligtaan ang tunay na suliranin na dinarahop nito. Ang retorika rin ay
mainam
upang ma-ehersisyo
magsisilbing elementongupang
isang mapalawak
tao ang kanyang kalayaan
nito ang sa pagpapahayag
mga pananaw sa mundo. (Freedom
Nahuhubogof ng
Expression) na
retorika ang
perspektibo ng isang indibidwal dahil ito ay sumasaklaw sa dalawang pangunahing akto ng komunikasyon,
susi tungo sa pagpapaibayo ng karunungan. Ika-apat, sa pamamagitan rin ng retorika, nagagawa rin ng tao
na bigyang-ngalan ang maraming bagay na nakikita sa paligid. Ito ay isang manipestasyon ng umuusbong
na pag-iisip ng tao upang makalikha ng mas makabagong mga ideya na magagamit hindi lamang sa
proseso ng komunikasyon kundi maging sa mga aspektong pangsosyopolitika. Halimbawa, ang
kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagiging colgate. At huli, ang retorika ay nagbibigay-
pundasyon tungo sa makapangyarihang asimilasyon partikular sa larangan ng politika. Dahil sa retorika,
napakaraming tao ang nagiging prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na politiko at
mananumpalati si Ninoy Aquino na isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang
pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at ideyolohiya na naipahayag sa
pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.
Elemento
Sa mga mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kursong edukasyon, ekonomiks, inhinyera,
malayang sining, batas, medisina, pangangalakal, kompyuter, at iba pa, hindi na natin matatakasan ang
pagsusulat sa panahon ng pag-aaral at mananatiling isang esensiyal na kasanayan sa mga ganap nang
propesyonal. Sa mga ganitong pagkakataon at kalagayan, kakailanganin ng isang mag-aaral ang mga teknik
o sistema at ang mga simulain sa mahusay na pagsusulat.
1. Ang kaisipang gustong ipahayag - Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag.
Mga mahahalagang kaisipang nais ipahayag.
2. Ang pagbuo o organisasyon - Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad. Ito ay kumakatawan
sa kakayusan ng pagkakabuo.
3. aAnnygoisotilkoanagyupsaagnpgaapkadhaayoakgo-
mItpooasyisynoangbaiybingakyadsiainlaslayiksaatlomnggabpaahrag-pdaarnaganmnagy
pkauggpnaapyaahnaysaagi.sHtilion.dAi ng lamang sa kawastuan ng balarila kungdi maging sa
panitikan.
k o u n ik a s o ; b a g k u s , ito r in a y m a a ar in g m a ga m it
te rm in o lo h iya ng ti n u tu k o y dit o a y an g s m a ll- gr ou p c om
sa m a s m a l a k i k a nt id a d n g ta o . K b il s a m g a
m un ic a tio n , u r i ng k o m u n ik as y on n a nan g anga il an g a n ng tatlo o higit
pang indibidwal upang makapagpalitan ng iba't ibang saloobin mula sa mga natatanging aspeto na
nakatakda nitong pagtuunan ng pansin. Bukod sa nabanggit, kabilang rin dito ang mas nakatataas na antas
ng pakikipagdayalogo gaya ng organisasyonal na komunikasyon (mula sa terminong ginamit na humuhulma
sa katayuan ng isang organisasyon o kapisanan upang lumikha ng isang kumberseysyon) at
komunikasyong pang-madla, kung saan ito ay tumutuon sa partisipasyon ng maraming tao, na maaaring
nasasaklaw ng isang institusyon o anumang pangkat ng mga indibidwal na sinabayan ng presensiya ng mga
sangay ng medya para sa mas mabilis na pagpapakalap ng mensahe.
estudyante.
Relihiyon
Mahalaga ang retorika sa aspetong panrelihiyon sapagkat ito ay isang salik na makakatulong ng malaki sa
pagpapalawak ng personal man o biblikal na pananaw ng isang indibidwal upang magkaroon ng kaisahan
ang mga magkakasalungat na paniniwala ng bawat mananampalataya na sinala mula sa iba't ibang grupong
may kinakatawan na sariling pananampalataya. Ang retorika ay mabisang paraan sa pagsusuplay ng
dahilan at pangangatwiran. Ang mga alagad ng simbahan tulad ng mga pari ay masasabing mga retor na
kinakailangang magtaglay ng malawak na pag-iisip at mabisang pananalita upang maipahayag ng may
paggalang at kabanalan sa mga sumasampalataya ang bawat sentimiyentong biblikal na umaayon sa winika
ng Panginoon na kinikilala nito.
Politika
Ang politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa kaibuturan ng isang estado. Kung kaya't sa
mIsagnagpkaomnpgorleittiokangnappliakgaksiyloosnsnagksoanltaeymsapyornaaryiotongaylipaunngapna,
Legalidad
Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang pagdinig. Kung kaya't pinagtutuunan sa
aspetong ito ang kahalagahan ng retorika sa mga usaping legal. Sa isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal
na serye ng pagpapalitan ng argumento upang magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang
akusasyon nito sa isang kampo o kaya naman ay bigyang beripikasyon ang kainosentehan ng isang
indibidwal laban sa isang kaso na nakasampa laban dito. Sa normatibong pananaw, makikita ang dalisay na
importansiya ng retorika dahil dito umiiral ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal na panambitan ng
isang abogado ang siyang kolektibong datos na ginagamit ng husgado upang ma-determina ang kredibilidad
ng isang kampo patungo sa estado kung saan ito ay maghahayag ng kanyang pasya bilang wakas
ng isang legal na proceeding. Kadalasan, batay sa mga obserbasyon, nangingibabaw sa isang pagdinig
ang kampo na nagtataglay ng mas mahusay na abogado, marahil dahil mas detalyado at komprehensibo
ang mga salaysay na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay sa pagsasalita.
Kultura
Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin,
ay malapit na malapit. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng
wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay
sa ipinanaday ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng
espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan. Alinmang wika ay ekspresyon,
imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na
katangian.Wika ang ekspresyong kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa
labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang
kultura:
ang kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.
Sosyolohiya
Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t isa ay pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang
sangay ng pag-aaral tungkol sa wika na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y
halos kasintanda na ng panahon. Ito ay buhat sa salitang socius at linggwistika. Ang socius ay salitang Latin
na nangangahulugan ng interaksiyon, pakikisalamuha, pakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao.
Ito ang bahaging tumutukoy sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at
narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang uri ng pagpapahayag na gagamitan
ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan,
Kahulugang tinataglay ng salita bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.
diskurso
Ang Pagpapahayag o Diskurso - Diskurso ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga
pangungusap ang dalawa o higit pang tao.
PASULAT NA DISKURSO
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002)
Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan
ng nagsasagawa nito.
2 paraan ng pagpapahayag o diskurso
Pasalita (verbal) – oral
Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra
PASALITA SIKOLOHIKAL
-gawaing sosyal
-dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap;
-may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; at
-gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic
LINGGWISTIKA
-maaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita
-maaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig
-napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag
-nauulit ang anumang sinabi
KOGNITIBO
-ang pagsasalita ay madaling natatamo
-natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap (ego building)
-ang pagsasalin ng “inner speech'(kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang madaling
proseso
PASULAT SIKOLOHIKAL
-gawaing mag-isa
-isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa;
-maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang
ang di-nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat na
ginagawa; at
-walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat
-kailangang panindigan kung ano ang naisulat
LINGGWISTIKA
-kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw ang dating sa mambabasa.
-mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin.
KOGNITIBO
-natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto;
-mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito; at
-karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y ego-
destructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2 (pangalawang wika)
2. Biswal na Dimensyon
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa
kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.
Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang
ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang
layunin ng manunulat.
PASALITANG DISKURSO
Ang pananaw sa pagsasalaysay ay umaayon sa papel na ginagampanan o sa posisyong ginagampanan o
k in al a la g ya n n g ta g a p a g s l a y say sa pagkukwento
U n a n g p an a uh a n g p a n a n a w
– ang tagapagsalaysay ang gumaganap na pangunahing tauhan. Siya ang nagsisiwalat sa mga pangyayari
ayon lamang sa sarili niyang karanasan
- kapansin-pansin ang panghalip panaong “Ako”
Ikalawang panauhang pananaw
– Ang pangyayari ay inihahayag ayon sa pagkakasaksi
Ikatlong panauhang pananaw
– Ang tagapagsalaysay ay humihiwalay, ganap na lumalayo sa kwento, kaya parang Diyos niyang
nakikita ang lahat, naririnig ang lahat at nalalaman ang lahat ng nangyayari pati nasasaisip at
nasasaloob ng mga tauhan
2. Awdyens/tagapakinig/mambabasa
– isaalang-alang ang demografik na katangian- edad, edukasyon, kasarian, okupasyon, kultural na
kaligiran o bakgrawn, lahi, relihiyon, nasyunalidad, mga hiyografik na pinanggalingan at
kinamimiyembrohan
3. Layunin
a. mabigyang-aliw ang mga tagapakinig
b. maipaunawa ang impormasyon
c. mahikayat na baguhin ang dating paniniwala
Organisayon ng Diskurso
1. Kaisahan– ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa iisang pangkalahatang ideya, may isang
paksang pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga suportang pangungusap. Tumutukoy ang
kaisahan sa isang tiyak na katangian o aspeto ng pagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito ay
“magkakalapit lahat”. Ang kaisahan sa pagpapahayag ay nangangahulugan na ang lahat ng mga ideya sa
talata ay makinis na tumatakbo mula sa isang pangungusap. Sa pamamagitan ng kaisahan sa
pagpapahayag, ang mga mambabasa o tagapakinig ay magkakaroon ng kadalian sa pag-unawa sa mga
ideyang iyong ipinahahayag.
2. Kaugnayan– dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa
buhat sa simula hanggang dulong pahayag. Mahalaga ang papel ng mga salita na ginagamit bilang mga
tagapag- ugnay sa talata. Ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga bahagi ng pahayag. Ito ay mga
palatandaan na
tuamgauptualgosnaglitsaaomngammaanmunaublatb.aTsuamauttutalognagpadkininiitgo puapraanmg
mabaigdyaalanga-ngkadhiwulaugnagnisaanngg mpagnagguunsgtuosnagpi partautninggo snag isa pang
pangungusap, talata patungo sa iba pang talata sa iba pang salita o mga parirala. At panghuli, ang pang-
ugnay ay tumutulong din upang mapag-ugnay ang mga pangungusap at mga talata upang mapakinis ang
takbo ng pahayag para hindi magkaroon ng biglaang pagtalon o pagputol ng mga ideya.
Talaarawan
Personal na pangyayari sa sarili
— isang talaan ng mga pangyayari, mga pakikipagtransaksyon, o mga observasyon na arawan o
paminsang- minsang ginagawa (Webster)
— Pang-araw-araw na tala, lalo na ng sariling karanasan; tala pa rin ito ng mga kaisipan (Ensayklopidya)
— Maaring tawaging matalik na kaibigan sapagkat dito natin nasasabi ang mga pinakapersonal na
karanasan at damdamin natin sa iba o sa ating sarili.
Diary- mula sa salitang Latin na “diarium” na nangangahulugan ng araw o day; talaan ng mga eksperiensya
obserbasyon at pag-uugali
Dyornal
personal na karanasan at planong pansarili
— isang arawang tala ng mga pansariling gawain, mga repleksyon ng mga nadarama (Webster)
— hindi lamang sa personal na karanasan ng manunulat kundi sumasaklaw rin sa mga sitwasyong
may kinalaman sa ibang tao
Ang talaarawan at jornal ay magkasingkahulugan na pwedeng pagpalitin ang gamit. Parehong de petsa
ang mga tala. Parehong talaan ng mga magiging alaala bukas (Arrogante, 2009)
Bayograpi o Talambuhay
-tungkol sa buhay ng taong namatay na at isinulat ito hindi ng tao mismong namatay noong nabubuhay pa
siya
kundi ng iba na may interes sa kasaysayan sa buhay niya
Depensibong Talambuhay
-pang-iskolar na trabaho
-importanteng tao lamang ang maaaring pag-ukulan ng masusing pananaliksik at matamang panahon
Awtorisadong Talambuhay
-tungkol sa buhay ng tao na kinomisyon ng kamag-anakan, kaibigan, o kakilala ang sinumang manunulat
na pawang posito lamang ang kailangang lamnin.
Karaniwang Talambuhay
-tapat sa katotohanan at tiyak ang mga katibayan para maitulad sa sarili ng mambabasa ang kanyang naging
mga karanasan at pagkatao
Awtobiyograpi
-tungkol sa kasaysayan ng tunay na buhay ng tao na siya mismo ang sumulat
Repleksyon
Tinatalakay sa sulating ito ang mga kasaysayan ng pagbabago sa
sarili sa pamamagitan ng teksto o ng mga karanasan.
Personal na pagpapahayag ng iyong saloobin
Malalim ang pagtatalakay
Katangian:
a. sarili ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon
b. naipakikita ng kaugnayan ng teksto sa iyong buhay
c. Gumagamit ng unang panauhan.
Uri ng Paglalarawan:
Pangkaraniwang
aman ng Paglalarawan – nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito
nagl damdamin at kuro-kuro
Konkretong Paglalarawan – ito ay naglalarawan ng literal at ginagamit dito ang nga pangkaraniwang
paglalarawan gaya ng ,maganda ,maayos,malinis atbp..
Masining na Paglalarawan – ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang
buhay na
buhay na larawan
Abstraktong Paglalarawan – naglalarawan na gumagamit ng nga di literal na paglalarawan inaaniban ito ng
mga idyomatikong paglalarawan.Sangkot ang sariling damdamin ng sumusulat
at gumagamit ng mga tayutay sa ganitong uri ng paglalarawan
EDITORYAL
-pinakamahalagang bahagi ng pahayagan o magasin-KALULUWA
-paglalahad ng mga kuru-kuro ng patnugot ng pahayagan na bunga ng isang pag-aaral tungkol sa isang
pangyayari sa bayan, pamahalaan, tanghalan, atbp.
-kasasalaminan ng kalakaran, programa at paninindigan ng isang pahayagan lalo na sa isang isyu o
pangyayari na may malaking kahalagahan sa bayan
-kababakasan ng kahusayan sa pagmamasid, sapat na kinalaman tungkol sa mga tao at mga bagay-bagay,
katalasan ng pagkakilala sa tunay na kahulugan ng mga pangyayari at ang mayamang damdamin ng
sumusulat
-kilala rin sa tawag na pangulong-tudling
-maaaring tungkol sa pulitika, relihiyon, sining, edukasyon, isport o kultura
BAHAGI NG EDITORYAL
PANIMULA-bumabanggit sa isyung tatalakayin. Karaniwang napapanahon o kalagayan sa lipunan
KATAWAN-nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro ng pahayagan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag
o paglalahad ng isyu sa paraang madaling unawain at malinaw para sa mga mambabasa.
Dito nagbibigay ng tala, ng pagpanig o pagsalungat sa isyu o pagbibigay-halimbawa ang
sumulat.
WAKAS-nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal. Maaari itong maglagom o magbigay diin sa kaisipang
tinatalakay.
pagbabago. Dito ipinahahayag ang panghihikayat at pagpapakilos sa mambabasa tungo sa
URI NG EDITORYAL
1. Nagpapabatid-nagpapaliwanag tungkol sa isyu. Nililinaw nito ang mga bagay na may kaugnayan sa
kasalukuyang isyu upang matulungan ang mga mambabasa na magkaroon ng buong kaalaman tungkol
sa tinatalakay na paksa.
2. Nangangatwiran-lohikal na pinangangatwiranan ang isang panig ng isyu upang patunayan ang
isang paninidigan
3. Nanghihikayat-tuwirang nananawagan sa mga mambabasa na suportahan ang isang programa, balak
o kilos. Nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat susugan ang isang gawain.
4. Nagpapakahulugan o Nagkokomentaryo-ipinaliliwanag ang kahulugan ng balita kaugnay ng iba
pang pangyayari
5. Namumuna-ibinibigay ang mga puna at mungkahi hinggil sa isang isyu
6. Nagpapahalaga-pinahahalagahan ang nagawa ng isang tao, pinupuri ang kalagayan ng institusyon
o gawain o pinararangalan ang isang dakilang adhikain
7. Nanlilibang-naglalayong libangin ang mambabasa habang nagmumungkahi ng isang makatwirang gawain
8. Nagbabalita-nagpapahayag ng isang natatanging balita na siyang laman ng usap-usapan sa
buong kapuluan. Nagbibigay ng opinyon ng editor tungkol sa isyu
9. Sumasalungat-tuwirang pagsalungat sa opinyon ng ibang editor na inilathala sa ibang pahayagan