1.ernesto Andre-WPS Office
1.ernesto Andre-WPS Office
1.ernesto Andre-WPS Office
Manlesis
BSBA-1A FilDis
Ernesto Andres Constantino
Isa pang kilalang linggwista sa Pilipinas ay si Ernesto Andres Constantino. May mga 11 na artikulo
kanyang naisulat mula 1959 hanggang 1970. Isinulat niyanoong 1964 ang "Sentence patterns of the ten
major Philippine languages" nanaghahambing sa istruktura ng mga pangngusap sa Tagalog, Waray,
Bikol,Cebuano, Hiligaynon, Tausug, Ilokano, Ibanag, Pangasinense, Kapampangan.Sa 1965 lumabas ang
kanyang "The sentence patterns of twenty-six Philippinelanguages." Tinatalakay dito ang uri ng mga
pangungusap batay sa mga istruktura na bumubuo nito at ang mga kaukulang transpormasyon. Noong
1970ay sinulat niya ang "Tagalog and other major languages of the Philippines" nanaglalahad ng
deskripsyon at ebalwasyon sa mga naisagawang pag-aaral salinggwistika ng Pilipinas mula sa panahon
ng mga Kastila hanggang 1970.Lumabas ang pre-publication na isyu ng kanyang English -Filipino
Dictionarynoong 1996 at noong 1997 naman ay lumabas ang Diskyonaryong Filipino-Ingles.
Cecilio Lopez
•Ang kauna unahang nakatapos ng Doktorado sa larangan ng linggwistika sa Pilipinas kaya tinagurian
siyang "Ama ng Linggwistika sa Pilipinas" dahil siya ang pinakaunang linggwistang pilipino.
• Sinulat niya noong 1940 ang "Gramatika ng Wikang Tagalog".
•May humigit-kumulang na tatlumpung pag-aaral ang naisagawa ni
Lopez tungkol sa mga ponolohiya, morpolohiya, at sintaks ng mga
wika sa Pilipinas mula 1928 hanggang 1967.
•Tinalakay rin niya ang leksikon sa Tagalog at Malay, at ang
pangkalahatang katangian ng mga wika sa Pilipinas.
Michael Halliday
Siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera. Pinag-aralan niya ang wika at literaturang
Tsino . Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng gramatika na
gamitin at kilala sa daigdig.Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang
modelo ng wika,ang systemic functional linguistics.
LOPE K. SANTOS
Isang iskolar, manunula, manunulat, isang lider ng panggawa at lingkod ng bayan.Siya ay kilala bilang
Ama ng Wikang Pambansa at Balarila. Siya ay ipinanganak noong Setyembre 25,1879 sa Pasig Rizal.
Consuelo J. Paz
Si Consuelo Morales Joaquin Paz ay ipinanganak noong Marso 13, 1933 at
pumanaw noong Setyembre 15, 2022. Siya ay kinikilala sa kaniyang
palayaw na Connie. Isa syang Pilipinong lingguwista at etnolohista, at
isang retiradong propesor sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ipinapakita
na siya ang unang babaeng diachronic linguist mula sa Pilipinas at
kinikilala siya bilang haligi ng modernong lingguwistika sa Pilipinas at
mahalagang personalidad sa pagtatatag at pagpapalawak ng Filipino bilang pambansang wika ng bansa.
Si Dr. Paz ay itinuturing na "Grand Dame of Philippine Linguistics" dahil sa
kanyang mga pambihirang obra na may kinalaman sa kasaysayan at
paghahambing ng mga wika, sosyolinggwistika at etnolinggwistika. Siya
ay naging Dekana ng College of Social Sciences and Philosophy sa
University of the Philippines Diliman at naging bahagi ng pagpapalakas ng
ugnayan ng pag-aaral ng wika sa iba pang disiplina sa sosyal na agham.
Si Consuelo J. Paz ay sumulat ng deskripson at ebalwasyon sa mga
naunang pag-aaral sa humigit-kumulang 50 na maynor na wika sa
Pilipinas, kabilang na nito ang Agta, Aklanon, Binukid, Dibabaon, Itbayat, Kankanay, Kalinga, Kinaray-a,
Mansaka, Mamanwa, Manobo, Tagakaolo, Tagabili, Tausug,Yogad. Kasali rin ang Bagobo, Bontoc, Bilaan,
Chavacano, Kuyunin, Dumagat, Gaddang, Ibanag, Ifugao, Ilongot, Isinay, Itawis, Ivatan, Magindanao,
Maranao, Mangyan, Nabaloi, Sambal, Sangir, Subanon, Tiruray, Tagbanwa, at Yakan. Isa pang malaking
ambag ni Paz sa linggwistika sa Pilipinas ay ang kanyang historikal na pag-aaral na pinamamagatang "A
Reconstruction of Proto-Philippine Phonemes and Morphemes" (1981).