Komunikasyan at Pananaliksik 11 Q1 Module 8 Final For Teacher
Komunikasyan at Pananaliksik 11 Q1 Module 8 Final For Teacher
Komunikasyan at Pananaliksik 11 Q1 Module 8 Final For Teacher
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 8:
KASAYSAYAN SA PAG-UNLAD NG
WIKANG PAMBANSA
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Kasaysayan sa Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
ii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
iv
ALAMIN
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
PANIMULA
1
MGA LAYUNIN
SUBUKIN
PANIMULANG
PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M naman kung
mali. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
2
8. Noong Agosto 13, 1959, pinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran
ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.7, na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin, ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay
siyang gagamitin.
9. Noong taong 1987, ipinahayag ni dating Pangulong Corazon C. Aquino na
taon-taon, ang panahong Agosto 13-19, araw ng pagsilang ng naging
Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay
Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino.
10. Nagtataglay ang Tagalog ng 1,500 na salita sa Malay.
12. “Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat
na mga Wikang Opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit
sa limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling may
hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.” Anong batas ito?
A. Artikulo XV, Seksiyon 2 C. Artikulo XV, Seksiyon 4
B. Artikulo XV, Seksiyon 3 D. Artikulo XV, Seksiyon 5
15. Ano ang dahilan kung bakit ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang
2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.
A. Tungo sa kaunlaran ng Wikang Filipino.
B. Tungo sa pagkakaunawaan ng mga Filipino.
C. Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng Wikang
Filipino.
D. Tungo sa mabilis na pananaliksik, pag-aaral at konsultasyon.
3
Magaling! Nasubukan mong gawin
ang Panimulang Pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad.
TUKLASIN
GAWAIN 1
4
(http://images.app.goo./CbsSPFC9mVzDeP2Z8) (http://images.app.goo./gHE8a3Jgu5c3a6yr5)
SURIIN
PAGSUSURI
4. Ano kaya ang mga pinagdaanan ng ating wika bago ito tuluyang tinanggap
at naisabatas?
5
PAGYAMANIN
PAGLALAHAD
Ayon kina Rolando A. Bernales, et al. (2016), ang ating bansa ay isa sa mga
bansang may pinakamaraming dayalekto. Sa mahigit na pitong libong pulo mayroon
tayo, higit sa apat na raang ibat-ibang dayalekto o wikain ang ginagamit. Bawat
rehiyon ay may sari-sariling wikain o mga wikain. Dahil dito, naging napakahirap ang
pakikipag-ugnayan natin sa isa’t-isa. Nagkaroon tuloy tayo ng suliranin sa
pagkabuklod-buklod at pagkakaisa.
Kung tutuusin, hindi sana tumagal nang mahigit tatlong daan at tatlumpu ang
ating pagkakaalipin kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay may isa ng
malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng nakararaming Pilipino (Bisa, et.al.,
1983).
Ang mga ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit pinagsumikapan ng
magigiting nating ninuno na magkaroon tayo ng isang wikang pambansa at kung
bakit ito nilinang at patuloy na nililinang hanggang sa kasalukuyan. Ang pag-unlad
ng ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas, kautusan, proklama, at
kautusan na ipinalabas ng iba’t ibang tanggapang pampamahalaan na may
malaking kaugnayan sa ating wikang pambansa.
1935
Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa:
“ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika”. (Seksiyon 3, Artikulo XIV)
6
makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa
isang wikang umiiral.
7
Dahil dito, hinirang ni Pangulong Quezon ang mga sumusunod na kagawad:
Lope K. Santos(Tagalog); Jose I Zulueta (Pangasinan); Zoilo Hilario
Kapampangan; at Isidro Abad (Visayang Cebu).
Nang si Lope K. Santos ay nagbitiw sa kanyang tungkulin, si Iñigo Ed
Regalado ang ipinalit ni Pangulong Quezon upang gumanap bilang kagawad
ng SWP.
1937 (Nobyembre 9)
Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt
Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang
resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos na
nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, kaya’t
itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan
ng wikang pambansa.
8
wikang Tagalog. Madali nilang nauuunawaan ang diwa, kahulugan at
nilalaman ng mga Tagalog na pangungusap sa pagsubaybay sa takbo at
agos ng pangungusap.
Hindi lamang ang mga Pilipino ang nagsasabing madaling matutuhan at
maunawaan ang Tagalog. Kahit ang mga nagsipandayuhan sa ating bansa
nang mga unang panahon at ngayon ay madaling nakauunawa’t
nakapagsasalita ng Tagalog.
1940
Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-
pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng
Wikang Pambansa, at itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan
nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan
at pribado sa buong Pilipinas. Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong
Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas,
ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang
ito.
1940 (Hunyo 7)
Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa
iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal
ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
9
1967 (Oktubre 24)
Naglagda ang pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96, na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng
pamahalaan ay papangalanan na sa Pilipino.
1971 (Marso 4)
Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum
Sirkular Blg. 443 na hinihiling sa lahat ng taggapan ng pamahalaan ng
magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng
kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971.
1972 (Disyembre)
Nag-atas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Surian ng Wikang
Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may
limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang
Batas (Artikulo XV, Seksiyon 3 [1]).
1987(Enero 30)
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117- Pinalitan ng Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas (LWP) ang dating Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
10
1987 (Pebrero 2)
Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksiyon
6-9, nasasaad ang mga sumusunod:
11
1987
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edu
kasyon Kultura at Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na nag-uutos sa
paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga
paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong
bilingguwal.
Tungkulin ng patakarang edukasyong bilingguwal na pahusayin ang
pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles) upang
matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyong
1987; palaganapin ang Filipino bilang wika ng literasi; paglinang at
pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang
pagkakaisa at pagkakakilanlan; patuloy na intelektuwalisasyon ng wikang
Filipino. Sa isang banda, pananatilihing wikang internasyonal para sa Pilipino
ang Ingles at bilang di-ekslusibong wika ng agham at teknolohiya.
1989 (Setyembre 9)
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng
opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at
transaksyon ng pamahalaan.
12
Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang alinsunod sa Artikulo
XIV, Seksiyon 9 ng 1987 Konstitusyon.
1996
Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg.
59 na nagtatadhana ng siyam (9) nay unit na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng
mga kurso sa Filipino 1 (Sining sa Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa
at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
2006
Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay-alam
ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsuspinde sa 2001 Revisyon ng
Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at
samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at
hanggat walang nababalangkas ng mga bagong tuntunin sa pagbabaybay,
magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong
1987.
2007 (Nobyembre 5)
13
Nilagdaan ni Romulo L. Neri, acting Chairman ng CHED ang CMO 54, serye
ng 2007. “Nirebisang Filipino 1, 2, 3 sa ilalim ng New General Education
Curriculum (GEC).”
2009
Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng kanilang
Sangay ng Lingguwistika ang Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Tuluyan nang
isinasantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alpabeto, bagamat ano
mang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 Gabay ay
mananatiling ipatutupad. (Komunikasyon sa Makabagong Panahon, p. 67-
78)
Mga Gawain
Filipino Pilipino
Tagalog
14
3. Isa-isahin ang mahahalagang tungkuling ginampanan ng Surian ng Wikang
Pambansa noong kapanahunan ni Pangulong Manuel L. Quezon kaugnay
ng pagkakaroon natin ng wikang pambansa.
ISAISIP
Palaging pakatatandaan na
mahalaga ang ginagampanang papel ng
Wikang Pambansa sa buhay ng bawat
Pilipino. Nawa’y palaging pakaiisipin ang
sanhi ng pagpapakahirap ng dugo’t pawis
ang inilaan ng ating mga ninuno,
magkaroon lamang tayo ng wikang
pambansa na magbubunga ng
pagbibigkis sa lahat ng mga Pilipino.
Sana’y sa aaralin na ito ay sumibol sa
inyong mga puso ang pagmamahal at
pagpapahalaga para sa ating wikang
pambansa upang lalo pa itong patatagin
at pagyayamanin.
.
ISAGAWA
15
PAGLALAPAT
16
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.
Gamit Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at Hindi nakita
sa estruktura ng pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang sa ginawang
mga pangungusap at estruktura ng estruktura ng mga pagkakamali sa sanaysay.
gamit ng mga salita. mga pangungusap at estruktura ng
pangungusap at gamit ng mga mga
gamit ng mga salita. pangungusap at
salita. gamit ng mga
salita.
https://www.google.com/search?q=rubrik+sa+sanaysay&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=fQ1urwmCcO9rzM%252CXTV4M75MtXYvPM%252C_&vet=1&usg=AI4_
kRdSIR3mMUw_3VCFVBPpm9QLVkbdg&sa=X&ved=2ahUKEwiujcS9je_qAhXuDaYKHQJgBuEQ9QEwAHoECAoQIQ&biw=1366&bih=657#imgrc=fQ1urwmCcO9r
zM)
KARAGDAGANG
GAWAIN
PAGPAPAYAMAN
REFLEKSIYON
17
3. Ano-ano ang iyong napagtanto ngayon na alam mo na ang kasaysayan
ng wikang pambansa? Ipaliwanag.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________
TAYAHIN
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang
tamang titik ng sagot at isulat sa iyong kwaderno.
18
7. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.
A. Artikulo XIV, Seksiyon 6 C. Artikulo XIV, Seksiyon 8
B. Artikulo XIV, Seksiyon 7 D. Artikulo XIV, Seksiyon 9
15. Ang epekto ng kawalan ng isang wikang magbubuklod sa mga Pilipino noong
unang panahon.
A. matiwasay na relasyon sa kapwa
B. maayos na buhay
C. pagkakaroon ng suliranin sa pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa
D. wala sa nabanggit
19
SUSI SA PAGWAWASTO
20
MGA SANGGUNIAN
AKLAT
Bernales, Rolando A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya
Publishing House Inc., 2016
HANGUANG ELEKTRONIKO
Manuel L. Quezon https://images.app.goo.gl/Zu4jSwtwJrTpVy5E6
Ramon Magsaysay https://images.app.goo.gl/5uEe5xDHEVT9E4mh8
Ferdinand Marcos https://images.app.goo.gl/7KpYZVhUvUM8fkNM7
Corazon C. Aquino https://images.app.goo.gl/CbsSPFC9mVzDeP2Z8
Fidel B. Ramos https://images.app.goo.gl/gHE8a3Jgu5c3a6yr5
Rubrik ng Sanaysay
https://www.google.com/search?q=rubrik+sa+sanaysay&tbm=isch&source=iu&ictx=1
&fir=fQ1urwmCcO9rzM%252CXTV4M75MtXYvPM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRdSIR3mMUw_3VCFVBPpm9QLVkbdg&sa=X&ved=2ahUKEwiujcS9je_qAhXuDa
YKHQJgBuEQ9QEwAHoECAoQIQ&biw=1366&bih=657#imgrc=fQ1urwmCcO9rzM
21
RHEALIA N. PAMAT. Siya ay nagtapos ng kursong BSED na
nagpadalubhasa sa asignaturang Filipino mula sa Negros Oriental
State University sa taong 2011, Lungsod ng Dumaguete. Nag-aral
din siya ng Master of Arts sa Filipino sa nabanggit na unibersidad
kung saan natamo ang CAR. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa
Mataas na Paaralan ng Valencia, Bayan ng Valencia, Lalawigan ng
Negros Oriental.