E-CBEA - Filipino 8
E-CBEA - Filipino 8
E-CBEA - Filipino 8
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na bilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot
Sa aming barangay, si Laura ang palaging napipili bilang Reyna Elena at lakambini tuwing may
palarong pambarangay. Isa mga dahilan siguro nito ay ang pagkakaroon niya ng mala-
kremang balat. Ang kanya kasing ama ay isang Amerikano. Minsan ay narinig ko sa mga
matatandang ale na ang kagandahan daw ni Laura ay tila mga bituin sa langit.
1. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na, “Ang kagandahan ni Laura ay tila mga
bituin sa langit”?
A. Sobrang ganda ng mukha ni Laura
B. Di kaaya-aya ang mukha ni Laura.
C. Nakakainis ang mukha ni Laura.
D. Malambing ang mukha ni Laura.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa tuktok ng bulubunduking iyon." Itinuro ni Pagong
ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na
iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang
lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Si Matsing ang
nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. "Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina
pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni Matsing. Magkasabay ngang
humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho.
Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Nang lumingon siya ay nakita
niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si
pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang
panunuya ng mga ito.
----Ito ay isang kuwentong pabula hango sa The Tortoise and the Hare ni Aesop
Ang ‘Sarsuwela’ ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo.
Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin, at may paksang
mitolohikal at kabayanihan. Unti-unting nanghina ang Sarsuwela ng dumating ang ‘bodabil’
(vaudeville) o ‘stage show’. Lalong nawalan ng manonood ang teatrong musikal nang dumating ang
mga pelikula. Ang sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan o entablado. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang mga tao na dalubhasa
sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga ‘mandudula’ o
‘dramatista’ (playwright). Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay
hango sa totoong buhay. Lahat ng itinatanghal na dula ay naayon sa isang nakasulat na ‘iskript’
(script).
(1)Ang Sarsuwela ay isang dulang musikal na may sayaw at tugutugan. Hango ito sa
maharlikang palasyo na 'La Zarzuela'. (2) Layunin nitong makapagtanghal sa tanghalan at
mauunawaan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng panonood. (3) Karamihan rito ay hango
sa totoong buhay. (4) Samantalang ang balagtasan ay isang patnigang debateng patula. Ito
ay nagpapatalas ng kaisipan samga kalahok. (5) Ginagamit ito upang maipahayag ang
palagay sa isang aspeto.
Mayroong mag-inang nakatira sa isang kubo. Simple man ang kanilang pamumuhay ay nais pa
rin ni Aling Rosa na magkaroon nang maayos na pag-uugali ang kaniyang anak na si Pina.
Ngunit tila lahat ng negatibong pag-uugali ay tinataglay na ni Pina. Una, hindi ito maaasahan sa
mga gawaing bahay. Lubhang tamad ito. Kaya nang minsang magkasakit ang kaniyang nanay
na si Aling Rosa ay kinailangan niyang magluto. Ngunit imbes na hanapin ang sandok,
panay tanong ito sa kaniyang ina. Ang mga bagay na nasa kaniyang harapan na lamang ay
hindi pa niya makita dahil sa katamarang taglay nito. Dahil sa inis ng ina sa pag-uugaling ito ng
anak, isang araw ay nasigawan niya ito at napagalitan. Sinabi ng ina na sana ay magkaroon ito
ng maraming mata upang makita nito lahat ng hinahanap niya at hindi na siya tanong nang
tanong pa. Umalis sa kanilang bahay si Pina na masama ang loob dahil sa sinabi ng ina. Simula
nang umalis si Pina ay hindi na ito nakita pa ni Aling Rosa.
9. Ano ang tawag sa opisyal na talaan ng mga kantang patutugtugin ng isang estasyon sa
isang takdang araw o linggo?
A. list B. playlist C. song hits D. daily hits
10. “Magbabalik ang ating radio drama matapos ng ilang patalastas …” Sa radio
broadcasting, ang bahaging ito ay tinatawag na bumper. Ano ang gampanin nito?
A. ipabatid sa lahat ang mga natapos na balita
B. ipaalam sa mga nakikinig ang pagkakaroon ng pagbabalita sa radio
C. Ipabatid sa mga nakikinig sa radio na tapos na ang ere ng kanilang palabas
D. ipinapaalam sa mga nakikinig na magkakaroon ng pagitan o break ngunit may
kasunod pang balita
A. Nababahala (R)
B. Natataranta (U)
C. Nakatutuwa (M)
D. Nagtataka (P)
Ang SARS-CoV-2 ay unang natuklasan sa China at malamang nagmula sa mga hayop. Hindi pa rin
malinaw kung paano naapektuhan ng virus ang mga tao. Ang virus ay nagmu-mutate sa paglipas ng
panahon dahil binabagayan (adapted) nito ang mga tao. Ang ilan sa mga mutation na ito, gaya ng bagong
anyong Delta, ay maaaring kumalat nang mas madali kaysa sa orihinal na virus at nagsasanhi ng mas
malubhang sakit.
(https://covid19.govt.nz/languages-and-resources/translations/tagalog/prepare-and-stay-safe/information-
about-covid-19/the-covid-19-virus-and-symptoms/)
16. Ang direktor ay sumigaw ng Light, Camera, Action! Ano nais ipahiwatig o
ipakahulugan nito?
A. Ang direktor ay nagbibigay hudyat na magsisimula na ang taping
B. Ang direktor ay magsisimula na sa pagkuha ng eksena
C. Hindi nasisiyahan sa pag-arte ng artista ang direktor
D. Pinatitigil ng direktor ang pagkuha ng eksena
17. 2. Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mga artista na magpapaiyak at
magpapakilig sa pelikulang “The Hows of Us.” Ang artista ay nangangahulugang
_____________.
A. tawag sa taong pinakatampok sa pelikula
B. tawag sa katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang pelikula
C. tawag sa mga taong gumaganap ng bawat papel na hinihingi ng istorya
D. tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang gagalaw sa pelikula
21. Sana lahat kagaya ni Balagtas na kayang tiisin ang hirap nang dahil sa pag-ibig.
Anong wika ng kabataan ang angkop na ipalit sa salitang may salungguhit?
A. Maging lahat B. Sana all C. Ang lahat D. Lahat-lahat
Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay napapawi nang pansamantala ang kanyang dusa’t
paghihinagpis.
Si Laura na lamang ang natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli niyang maaalala na si
Laura na kanyang mahal ay nasa piling na ng kanyang kaaway na si Konde Adolfo.
Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa palaging maalala na ang kaniyang sinisinta ay
may kasama ng iba.
Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay napapawi nang pansamantala ang kanyang dusa’t
paghihinagpis.
Si Laura na lamang ang natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli niyang maaalala na si
Laura na kanyang mahal ay nasa piling na ng kanyang kaaway na si Konde Adolfo.
Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa palaging maalala na ang kaniyang sinisinta ay
may kasama ng iba.
24. Gamit ang mga salitang nanghihikayat, ano ang angkop na islogan batay sa
taludtod mula sa Florante at Laura na nasa itaas?
25. Ang akdang Florante at Laura ay nagpapakita ng panahon kung saan ang mga
Kristiyano at Moro ay mortal na magkaaway o magkatunggali. Sa iyong palagay tama
bang iniligtas ni Aladdin, isang Moro, si Florante na isa namang Kristiyano, ng muntik na
itong lapain ng mga leon habang nakatali sa puno ng Higera?
A. Sumasang-ayon ako sapagkat ang buhay ng tao ay mahalaga ano man ang
kanyang relihiyon o paniniwala.
B. Sumasang-ayon sapagkat sa hinaharap ay maari rin siyang matulungan ni Florante
dahil sa utang na loob nito kay Aladdin.
C. Sumasalungat ako sapagkat sila ay mortal na magkaaway kaya kinakailangan ni
Floranteng mamatay.
D. Sumasalungat ako sapagkat maaaring mapahamak ang kanyang buhay sa
pagtatangkang iligtas si Florante mula sa mga Leon.
ASSESSMENT (CBEA)
IN FILIPINO- GRADE 8
KEY TO CORRECTION
1. A
2. D
3. B
4. C
5. D
6. A
7. C
8. A
9. B
10. D
11. D
12. B
13. A
14. B
15. C
16. B
17. C
18. A
19. A
20. A
21. A.
22. B
23. D
24. C
25. A