Summative Grade 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI WESTERN VISAYAS
Division of Negros Occidental
Calatrava National High School- Malanog Annex
Municipality of Calatrava

FILIPINO 8
Lagumang Pagsusulit sa Unang Markahan
T.P. 2020-2021

I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang makasakit ng damdamin.
a. eupemismo c. metapora b. hyperbole d. personipikasyon

2. Ang eupemismo ay gumagamit ng _________ para di-tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong
mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
a. mabilis na salita b. mahirap na salita c. malalim na salita d. matalinghagang salita

3. Sa halip na sabihing “namatay”, gamitin ang ________________.


a. nagpantay ang paa b. sumakabilang buhay c. sumakabilang bahay d. a at b

4. Siya ay isang maamong kordero. Ito ay nangangahulugang ___________


a. Siya ay amo. b. Siya ay maawain. c. Siya ay mabait na tao. d. Siya ay tagapagbantay.

5. Ang dalagang anak ni Aling Sara ay di-makabasag pinggan, ang pahayag na ito ay nangangahulugang _____________.
a. Ang dalaga ay maalaga. b. Ang dalaga ay mahinhin.
c. Ang dalaga ay naghuhugas ng pinggan. c. Ang dalaga ay tagapag-alaga ng kanyang kapatid.

II. Panuto: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang patlang upang mabuo ang diwa ng bugtong.
Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

6.____________________, kabayo kong niyog ang pinagdadaanan. Sagot: Pangkayod ng niyog


A. Di-lubhang Malaki B. Di- totoong malaki C. Di-gaanong kalakihan D. Di-gasinong kalakihan

7. __________________, kaysa tanim kong upo. Sagot: Pipino


A. Di-hamak na pino B. Di-hamak na maliit C. Di hamak na malaki D. Di-hamak na magaspang

8. __________________, nakaupo sa tasa. Sagot: Kasoy


A. Singganda ng ina B. Singganda ng lola C. Singganda ng dalaga D. Singganda ng prinsesa

9. Hiyas kong taglay, ______________________. Sagot: Buhok


A. mas maikli pa sa kilay B. mas mahaba pa sa kilay
C. mas maikli pa sa balahibo D. mas mahaba pa sa balahibo

10. ________________________, naaabot ng dalawang bolang itim. Sagot: Mata


A. Sinlaki ng bituin B. Sinlayo ng bituin
C. Sinliwanag ng bituin D. Singningning ng bituin

III.Panuto: Tukuyin sa Hanay B ang KASINGKAHULUGAN ng idyoma na matatagpuan sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. anak-dalita a. bistado na
2. nagbibilang ng poste b. mahirap
3. nanuningalang-pugad c. asawa
4. kapilas ng buhay d. nanliligaw
5. basa ang papel e. naghahanap ng ibon
f. walang trabaho

IV.Panuto: Ang nasa Hanay A ay mga eupemistikong pahayag. Suriin ang kahulugan at hanapin ang
KASALUNGAT nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. matigas ang ulo a. tapat sa asawa


2. walang ilaw ang mata b. busog
3. kumukulo ang tiyan c. tapat na asawa
4. matalim ang dila d. masunurin
5. sumakabilang bahay e. malumay magsalita
f. madaldal

V.Panuto: Isulat ang letrang S kung ang pahayag ay salawikain, SB kung ang pahayag ay kasabihan, B kung ang
pahayag ay bugtong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.


2. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
3. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
4. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
5. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin.

VI.Panuto: Sumulat ng limang (5) sariling bugtong na makabago o base sa kasalukuyang kalagayan. Lagyan ng
sagot ang bugtong na ginawa. (5 PTS. EACH)

1.

2.

3.

4.

5.

Inihanda ni:
Bb. Mary Jane Reyes Batohanon

You might also like