Kabanata 9 Makrong Kasanayan Sa Pagbasa
Kabanata 9 Makrong Kasanayan Sa Pagbasa
Kabanata 9 Makrong Kasanayan Sa Pagbasa
LAYUNIN:
1. Nalilinang ang kakayahan sa makrong kasanayan sa pamamgitan
ng kritikal na pag-iisip.
2. Nagagamit ang kaalaman sa mabisang pagbasa.
3. Naipapakita ang mga kasanayan sa pagbasa gamit ang mga
gabay.
PAGBASA
ito ay interpretasyon ng nakalimbag ba simbolo ng kaisipan
pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag nanakalimbag
upang mabigkasng pasalita.
Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat
nasimbolo.
Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pag-tataya ng mga
simbolong nakalimbag.
A. Paksang Pangungusap
sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya
ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto
kadalasa’y makikita sa unang talata (implayd) at huling talata
(konklusyon) ng tekstong ekspositori
B. Suportang Ideya
mga mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan
sa paksang pangungusap
tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang
pangungusap
ito ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang
layunin ng teksto
2. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto
Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor
sa kanyang mambabasa.
Page 1
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
1. unang panauhan – ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, namin at amin
2. ikalawang panauhan – ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at inyo
3. ikatlong panauhan – siya, niya, kanya, sila, nila at kanila
Pagsusuri ng pananaw
• Iba-iba ang mga pananaw ng bawat indibidwal base sa kanilang kaalaman,
pag-uugali, karanasan atbp.
• Hindi lahat ng ideya o pananaw na isinasaad ng bawat tayo ay dapat nating
tanggapin
• Kailangan kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung ito ba ay valid o hindi
Page 2
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
Mga Batayan
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
Pagkilala at pagkuha ng mga kaisipan mula sa mga nakalimbag na sagisag
o simbulo.
Pag-unawa sa wika ng author
Paraan ng pagkilala, pagpapahalaga at pagtataya sa mga simbulong
nakalimba (Austero et al. 199)
Bahagi ng pakikipagtalastasan kaugnay sa pakikinig, pagsasalita at
pagsulat (Bernales et al. 2001)
Ayon kay Goodman ito ay isang Psycholinguistic guessing game na
bumubuo ng mga kaisipang panibago mula sa binasa. May diin sa
paghuhula, paghahaka, paghihinuha at paggawa ng predeksyon sa binasa
(sa Badayos 2000)
Isang prosesong pangkaisipan ayon kay William Gray (sa Bernales et al.
2000
PROSESO NG PAGBASA
Page 3
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
DIMENSYON NG PAGBASA
PROSESO NG PAGBASA
TEORYA NG PAGBASA
1. Teoryang Bottom-up
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang
teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto,bago pa man
ang pagpapakahulugan sa buong teksto. Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa
teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya
nga tinawag itong bottom-up.
2. Teoryang Top-down
Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na
naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito,
ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na
siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa
kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at
kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan
ng teksto.
Page 4
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
3. Teoryang Interaktib
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng
awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang
kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung
gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional.Masasaing ang teoryang ito ay
isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang
produkto.
4. Teoryang Iskema
Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa
pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskema. Samakatwid , bago pa man
basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa
nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya
lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto
ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input
lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng
pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.
Page 5
MODULE KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
MGA SANGGUNIAN
Page 6