Aralin 6 PP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Aralin 6

Panulaang Pilipino

Mga Uri, Sangkap at Katangian

Mga Pamantayang Nilalaman

1. Natutukoy ang mga uri ng tula.
2. Naiisa-isa ang mahahalagang sangkap ng tula.
3. Nakikilala ang mga katangian ng isang mabisang tula.
Pamantayang Pagganap
Nabibigyang pagpapahalaga ang isang sinuring tula sa makabagong panahon at
nakagagawa ng collage mula sa kaisipan o mensahe.

Paunang Pagtataya
A. Bigyan ng katumbas na bilang ng pantig at tugma ang mga sumusunod na salita:

1. Kalayaan __________________________________
2. Makibaka __________________________________
3. Punong-puno __________________________________
4. Mahusay __________________________________
5. Imahinasyon __________________________________
6. Iniisip __________________________________
7. Mabuhay __________________________________
8. Pagkakilanlan __________________________________
9. Nilulunggati __________________________________
10. Pangingibabaw __________________________________

Daloy Kamalayan
Ang tula ay pagsasama-sama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at
kaisipan ng sumusulat o humahabi ng tula ay tinatawag na makata. Ang makata ito ay punung-
puno ng imahinasyon, may matayog na damdamin at kaisipan.
Ang tula ay nadaramang mga kaisipan. Hindi pinagsama-sama ang mga salita upang
mabasa at marinig lamang kinakailangan na ito ay nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip at
tuluy-tuloy sa damdamin. Kaya nga ang mahusay na tula ay dapat kinapapalooban ng mga
larawang diwa.
Kung ang layunin lamang ng makata ay mang-aliw, hindi masasabing ang kanyang binuo
ay tula. Ang tula ay dapat gumigising ng mga natutulog na damdamin at kamalayan.
Pinagagalaw ang mga guniguni ng mga mambabasa hanggang sa makabuo ng mahusay na
pagpapakahulugan sa tula.
Hindi lahat ng mambabasa ay nagkakaroon ng magkakatulad na pagpa-pakahulugan sa
tula. Maaaring magkakaiba ang kanilang interpretasyon batay sa kanilang nadarama at naiisip
habang binabasa ang tula.
Ang tula ay nasa anyong tradisyunal at malayang taludturan.
1. Tradisyunal kung sumusunod sa lumang pamamaraan ng pagsulat.
Taglay nito ang apat na sangkap:
a. Tugma
b. Sukat
c. Talinghaga, at
d. Kaisipan

2. Malayang taaludturan kung walang sukat at tugma ngunit kinapapalooban ng kaisipan at

talinghaga.
Mga Uri ng Tula
Ayon sa Kaanyuan
1. Tulang Pasalaysay o Buhay - Ito ay naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o
pangyayari. Magkakaugnay ang mga pangyayaring mababasa sa mga taludtod nito.
Nahahati ang mga tulang pasalaysay sa mga sumusunod:
a. Epiko - Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay niya sa
digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ritong hindi kapani-
paniwala sapagkat may taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong napapaloob.
Mauuri ang epiko bilang sinauna o pambayani, makabago o pampanitikan at pakutya.

b. Awit (song) at Korido - Ito ay mga tulang pamana sa atin ng mga Kastila. Ang mga paksa
nito ay hinango sa pangyayari na tungkol sa pagkamaginoo (chivalry) o
pakikipagsapalaran. Ang mga tauhan ay mga dugong bughaw gaya ng hari't reyna,
prinsipe't prinsesa.
c. Balad- Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit.
Naglalaman ito ng madamdaming pagsalaysay.

2. Tulang Pandamdamin o Liriko - Nagpapahayag ang mga tulang ito ng damdaming

pansarili ng kumatha o ng kaya ng ibang tao. Maaari rin itong likha ng mapangarapin
imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at madaling
maunawaan.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng tulang pandamdamin/ liriko:

a. Awit - Ito ay madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig,

kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
b. Soneto - Ito ay tulang may 14 na taludtod. Naglalaman ito ng damdamin at kaisipan
at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao at naghahatid ng aral sa mambabasa
sa kabuuan.
c. Oda - Nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang panaghoy o iba pang masiglang
damdamin. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang
saknong.
d. Elehiya - Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa, kamatayan o kaya
ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
e. Pastoral - Naglalarawan ito ng tunay na buhay sa bukid.
f. Dalit - Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.
3. Tulang Pandulaan - Naglalarawan ito ng madudulang pangyayari na halos katulad ng
nagaganap sa tunay na buhay at ang layunin nito ay upang itanghal.
4. Tulang Sagutan/Patnigan -Ito ay mga tulang pampagtatalo at panga-ngatwiran. Ang
mga halimbawa nito ay duplo, karagatan, balagtasan at batutian.

Ayon sa Kayarian
1. Matanda o Makalumang Tula - Binubuo ang tulang ito ng mga taludtod na may sukat at
tugma. Ito ang pamamaraang ginamit ng mga kilalang makatang Tagalog.

2. Malayang Taludturan o Free Verse - Nabibilang dito ang mga tulang walang sukat at
walang tugma. Isa itong paghihimagsik sa "makipot" na bakod ng matandang panulaan.

3. Tula sa Tuluyan - Ang tula ay tunay na tuluyan o prosa ngunit ang diwang nakapaloob
ay masagisag. Matikli at matayutay ang ginagamit na pananalita gaya rin ng isang tunay
na tula.
4. Di-tugmaang Tula - Nagtataglay ang tulang ito ng sukat subalit walang tugma. Hindi ito
gaanong gamitin sa ating panulaan.

Ayon sa Layon
1. Mapaglarawan - naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa
isang kalagayan, pook o pangyayari.
2. Mapagpanuto - namamatnubay, nagtuturo o nagpapayo ng isang aral sa pamamagitan ng
mga taludtod.
3. Mapang-aliw - nagbibigay-aliw o lumilibang sa mga mambabasa. Maaaring ito ay
nagpapatawa, nanunudyo o isang masagisag na palaisipan.
4. Mapang-uroy- nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng isang
bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi magandang bagay.

Ayon sa Pamamaraan
1. Masagisag - gumagamit ang makata ang mga simbolo o pahiwatig sa pagpapakahulugan
ng kanyang akda.
2. Imahistiko - ipinahähayag ng makata ang kanyang kaisipan at damdamin sa paggamit ng
mga imahen at larawang-diwa.
3. Makatotohanan - tinutukoy ng makata ang kalagayan ng tunay na buhay sa daigdig o
ng nakikita ng ating dalawang mata.
4. Makabaghan/Surealistiko - ang makata' y gumagamit ng mga pangitain at galaw ng
isang isipang nahihibang at wala sa wastong kamalayan.

Ayon sa Bisa
1. Madamdamin - ang makata tumutukoy sa mararangal na damdaming gamit ang tula.
Inilalarawan niya ang isang masining na kagandahan.
2. Mabulaybulay - matimpi o pigil ang damdaming inilalahad ng makata at umaalinsunod
sa pagbubulaybulay o repleksyon ng isang bukas na isipan.

Ayon sa Kaukulan
1. Mabigat - mataas ang uri. Mabigat ang tema at diwa. Ito ay isang mataas na uring
pampanitikan.
2. Pampagkakataon o Pang-okasyon - mga tulang pambigkasan na gina-gamit sa
koronasyon, luksang lamayan, mga kaarawan at mga pagdiriwang ng bayani at araw ng
pangilin.
3. Magaan - hindi gaanong mataas ang uri. Madaling isipin at karaniwan sa mga bugtungan
at tulang pambata.
Mga Sangkap ng Tula

1. Tugma – ay ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig ng taludtod. Sukat ay bilang

ng saknong, taludtod at pantig ng tula. Maaring ito ay walo, sampu, labindalawa at
labingapat.
2. Sukat – ay bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa tradisyunal na anyo ng tula, maaring
sukat ay 12:6-6, 17:7-7, 16:8-8. Ang cesura sa tula ay panandaliang paghinto kapag
binibigkas ang tula. Kung labindalawa ng sukat, ang cesura ay nasa ikaanim na pantig;
kung labing-apat, ang cesura ay nasa ikapitong pantig.
3. Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula - mga nabubuong kaalaman, mensahe, pananaw at
saloobin nito.
4. Talinghaga - kung napapagalaw ng husto ang guniguni ng bumabasa bunga ng pagtataka
at pagtatanong, masasabing ang tula ay nagtataglay nito.
5. Imahen o Larawang Diwa - mayroon nito ang tula kung may nabubuo sa guniguni
mambabasa na isang tao, pook, sitwasyon o pangyayari.
6. Aliw-iw - taglay ito ng tula kung maindayog ang pagbigkas lalo pa't ito' y nasa
tradisyonal na pagkakasulat. Bunga ito ng pagkakasintunungan ng huling pantig ng tula.
7. Tono - damdaming nakapaloob sa tula. Ang tula ay kinapapapalooban ng iba't ibang
damdamin tulad ng kalungkutan, kasiyahan, galit, pag-aalala at iba pa. Ang tula ay
maaari rin naming nangangaral, nanghihikayat, nang-aaliw, o nagtuturo.
8. Persona - siya ang nagsasalita sa tula.

Awit
Florante at Laura
Francisco Baltazar
Ilang piling bahagi tungkol sa masamang pamahalaan:
"Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
'kagalinga't bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng luha't pighati.

"Ang matandang asal ay ipinupuko!

sa laot ng dagat kutya't linggatong,
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing nang walang kabaong.

"Nguni, ay ang lilo't masasamang loob,

sa trono ng puri ay iniluluklok,
at sa balang sukab na may asal-hayop,
mabangong insenso ang isinusuob.
• "O taksil na pita sa yama't mataas,
o hangad sa puring hanging lumilipas
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat,
at niring nasapit na kahabag-habag."

Pangalan ______________________________________________________________________
Kurso ________________________________________________________________________
Guro _________________________________________________________________________
Petsa _________________________________________________________________________

Antas Kabatiran 6.1

1. Ipaliwanag a t magbigay ng halimbawa:

"Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
'kagalinga't bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng luha't pighati.

________________________________________________________________________

2. Sino ang tinutukoy na “taksill na pita sa yama’t mataas”? Patunayan.

Bigong Pag-asa
(salin ni Isagani R. Cruz)

Anong saya at ginhawa

Kung may nagmamahal
Dahil may makikiramay
Sa lahat ng pagdurusa

Ang masama kong kapalaran

Walang kapantay
Wala akong alinlangan
Sa dinaranas sa kasalukuyan

Kahit na ako ay magmahal

Sa isang musa
Wala namang hinuha
Na ako' y pahahalagahan

Isumpa ko kaya ang panahon

Nang ako'y ipinanganak
Higit na masarap
Na mamatay bilang sanggol

Nais ko mang ipaliwanag

Dila ko'y ayaw gumalaw
Nakikita kong malinaw
Pagtanggi lamang ang matatanggap

Ligaya ko sana' y walang kapantay

Sa kaalamang ikaw ay minamahal
Isusumpa ko at patutunayan
Para sa iyo lamang ako mamamatay.
Pangalan ______________________________________________________________________
Kurso ________________________________________________________________________
Guro _________________________________________________________________________
Petsa _________________________________________________________________________

Antas Kabatiran 6.2

1. Ipaliwanag kung sino ang nagsasalita sa tula.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit “Bigong Pag-asa” ang naging pamagat ng tulang ito?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano ang pinangangambahan ng personang nagsasalita sat ula?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Pagtalunan kung babae o lalaki ba ang nagsasalita sat ula.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Isang Tula Sa Bayan
Marcelo H. del Pilar
I
Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Pawang nalilimbag ang lalong dakila,
Narito rin naman ang masamang gawa
Na ikaaamis ng puso't gunita.
II
Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin,
Na pawang naghandog ng galak sa akin,
Ay inaruga mo, bayang ginigiliw.

Ipinaglihim mo nang ako' y bata pa,

Ang pagdaralitang iyong binabata,
Luha' y ikinubli't nang di mabalisa,
Ang inandukha mong musmos kong ligaya.

Ngayon lumaki nang loobin ng langit,

Maanyong bahagya yaring pag-lisip;
Magagandang nasa' y tinipon sa dibdib,
Pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap

Ang pagkadusta mo't naamis na palad;
Sa kaalipnan mo'y wala nang nahabag,
Gayong kay-raming pinagpalang anak!
Sa agos ng iyong dugong ipinawis,

Marami ang dukhang agad agad nagsikimis,

Samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ày hapung-hapo na't putos nang gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang,

Ng Diyos na lalong makapangyarihan
Na siya ngang dapat na magbigay-dangal,
Bagkus ay siya pang kinukutyang tunay.

III
Ngunit mabuti rin at napupurihan,
sa paghahari mo itong pamamayan,
sapagkat nakuhang naipaaninaw,
na dito ang puno' y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala,

ng nangagpupuno sa ami' y sukat na
Ang hulog ng langit na bagyo't kolera
lindol, beriberi madala pang balisa.
Pangalan ________________________________________________________________
Kurso __________________________________________________________________
Guro ___________________________________________________________________
Petsa ___________________________________________________________________

Antas Kabatiran 6.3

1. Buhay pa rin ba hanggang sa kasalukuyang panahon ang pinatutungkulan ng mensahe

ng tula ni Marcelo H. Del Pilar? Paano?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Sa tunay na kahulugan, talaga bang Malaya na ang ating bayan mula sa

pambubusabos ng dayuhan? Talakayin.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Anu-anong salot ang hanggang ngayo’y patuloy na sumisira sa ating bayan?

Isang Umaga, at arg Bisyon ng Marami Pag Umagang: Tulad Nito
Virgilio S. Almario
Usad-ahas ang saluysoy, sumisigsig
Sa salansan ng anyasan at talahib.

Unti-unti, niluluray niyong uod

Ang luntiang ubod-uhay ng raminad.

Sumisiyap, isang sisiw ang sinaklit

Ng may-bagwis-na-tulisan pasa-langit.

Isang antok na tutubi ang nasuot

Sa engkanto ng gagambang napadilat.

Sa pagsilay ng umaga, laganap nga

Sa daigdig ang biyaya ni Bathala.

Sa Aking mga Kababata

Jose Rizal

Kapagka ang baya' y sadyang umiibig

sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanglang kalayaan nasa ring masapit,
katulad ng ibong na sa himpapawid.

Pagkat ang salita' y isang kahatulan

sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
at ang isang tao' y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita'y

mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat ay pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,

sa Ingles, Kastila't sa salitang anghel,
sapagka't ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati' y huwad din sa iba,

na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala' y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
"Oy, Kung Sino Ka Man"
Lope K. Santos

Pagkaumaga na' y gulo ang diwa mo,

hindi mapakali't mainit ang ulo;
di anhin na lamang
ang iyong asawa' y masok sa trabaho
at ikaw sa bahay
walang pangilagan ng kahima't sino.
Nang bago kang kasal ng iyong asawa'y
salang sa sandali ay di mo makita;
ang ibig mo halos
dalhin na sa bahay pati opisina
at kanyang iubos
sa iyong kandungan ang buong ligaya.
Laging magkasalo kung kayo'y kumain,
halos magngunguan ng ulam at kanin;
kung isda ang ulam,
Ayaw kang ang tinik ay di mo pilin.
at di mahatian
ng pinging mangga o talop na saging.
/
Kung gabi't tanghaling kayo' y natutulog
sa kumot at unan ibig mo pa' y sukob
at kung umumaga
na ang asawa mo' y oras nang papasok
tinatanghali na'y
di mo pa rin siya ibig na manaog.
Kung sa dakong hapon at siya sa bahay
umuwi nang galing sa pinapasukan,
nasa malayo pa
ay salubong kana sa inyong hagdanan
at kaayaaya
ang mga bati mong pawang katamisan.
At kung naugali tayong Pilipino
sa kagat at halik kahit na may tao,
ang iyong asawang
kung baga sa bigas ay parating bago,
disin sa tuwina' y
buuang siniil at isinubo mo.
Ang Guryon
Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon

na yari sa patpat at "papel de Hapon
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo' y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya' y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas

at sa papawiri' y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi' y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma't hindi, balang araw ikaw

ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subalit tandan
na ang nagwawagi' y may pusong marangal.

At kung ang guryon mo' y sakaling madaig,

matangay ng iba o kaya' y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

dagiti't dumagit, saanman sumuot.
o paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago patuluyang sa lupa' y sumubsob!
Pangalan ________________________________________________________________
Kurso __________________________________________________________________
Guro ___________________________________________________________________
Petsa ___________________________________________________________________

Antas Kabatiran 6.4

1. Bumuo ng grupo. Lumikha ng isang awitin na ang tema ay gaya ng kundiman.

Lapatan ito ng himig. Haranahin ang klase. Maaring magdala ng mga instrumentong
pangmusika.

2. Maari parin bang mailalapat ang diwa ng tula ni Rizal sa mga kabataan sa henerasyon
sa kasalukuyan? Pagtalunan.

3. Ano ang larawang maari ninyong maiguhit sa tula ni Lope K. Santos? Bakit kaya
nagbabago ang pagtingin ng mag-asawa sa isa’t isa habang tumatagal ang kanilang
pagsasama? Paano nito naapektuhan ang kalagayan ng mga anak?

4. Mailalarawan o masasalamin n’yo ba ang naging relasyon ng ama at anak sa tulang

“Ang Guryon” sa naging karanasan Ninyo sa inyong tahanan? Isalaysay sa Klase.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala!

Pagpupuring lubus ang palaging hangad

sa bayan ng taong may dangal na ingat.
Umawit tumula, kumatha't sumulat.
Kalakhan din niya' y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

na may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod
buhay may abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito sa sakdal laki

na hinandugan ng buong pagkasi,
na sa lalong mahal nakapangyayari
at ginugutom ng buhay na iwi?

Ito' y ang Inang Bayang tinubuan

siya' y ina't tangi na kinalimutan,
nakawili-wiling liwanag ng araw,
nagbibigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito' y pag-ibig sa Bayan

ang lahat ng lalong sakbibi ng lumbay
walang alaala't inaasam-asam
kundi ang makita' y lupang tinubuan.

Pati ang magdusa't sampung kamatayan

wari ay masarap kung dahil sa Bayan,
at lalong mahirap, Oh, hinalang bagay
lalong pag-irog pa ang sa kanya' y alay.

Kung ang bayang ito' y mapapasa-panganib

at siya ay dapat na ipagtangkilik,
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya' y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo kayong nangabuhay

sa pag-asang lubos ng kaginhawaan
at walang tinamo kundi kapaitan,
hayo na't ibangon ang naabang bayan.
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak

ng kahoy ng buhay na nilanta' y sukat

ng bala-balaki't makapal na hirap
muling manariwa't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig

at hanggang may dugo'y ubusing itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito' y kapalaran at tunay na langit.

Sa Anak ng Bayan
Emilio Tacinto

Sa iyo, O, Anak ng Bayan

Anak ng dalita, na nagbabatang pumapasan ng
madlang kabigatan sa balat ng lupa,
sa iyo ko inihahandog itong munting kaya
ng kapus kong isip.

lyo ngang marapatin sapagkat iniaalay ng isang

pusong nabubuhay at nabubuhol sa iyo, sa
pamamagitan ng lalung tapat na pakikipagkapuwa.
Inakala ko na kahit babahagya ay iyong
pakinabangan; at ako may di bihasa sa
magandang pagtatalatag ng mga piling
pangungusap, ay aking pinangahasang isinulat.
Mapalad ako kung makabahid ng tulong sa lalong
Ikagiginhawa ng aking mga kababayan na
siya kong lagi at matinding nais.
Isang Dipang Langit
Amado V. Hernandez

Ako' y ipinüit ng linsil na puno

hangad palibhasa'y diwa ko'y piitin,
katawang marupok aniya' y pagsuko,
Damdami' y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay,
lubos na tiwalag na buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi'y walang makalapit;
Sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo' y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo,
Ang buong magdamag ay kulambo ng luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa' y nagdaan ang payak na yabag,

kawil ng kadena ang kumakalansing;
Sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi' y biglang magulantang

sa hudvat--may takas' - at asod ng punglo;
Kung minsa' y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang
muog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon-

bilangguan mandi' y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Ngunit yaring diwa' y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:
piita' y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya' y may bayang gaganti.
At bukas diyan din, aking matatanaw
sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay.
layang sasalubong ako sa paglaya!

Antas Kabatiran 6.5

Panuto: Nangyayari pa ba hanggang ngayon ang diwa ng mga tula nina Bonifacio, Jacinto, at
Hernandez? Magsagawa ng impormal na debate sa mga isyung binabanggit sa tula.
Pangalan ________________________________________________________________
Kurso __________________________________________________________________
Guro ___________________________________________________________________
Petsa ___________________________________________________________________

Gawaing Tranformative

Interaktibo

Pangkatang Gawain
Humanap ng sipi ng tulang kung tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado
V. Hernandez. Suriin ito ng mabuti pagkatapos, isagawa ang mga sumusunod na gawain.

Unang pangkat: Pagbibigay ng buhay sa pagbigkas ng kabuuang anyo ng tula.

Ikalawang pangkat : Pagsusuri at pagtalakay sa nilalaman ng tula gamit ang naangkop

na dulog na ginagamit sa pagsusuri ng panitikan.

Ikatlong pangkat: Pagsusuri at pagtalakay sa pagpapahalagang pangkatauhan.

Gawaing Media Literasi

Suriin ang tulang “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos ayon sa sumusunod na pamantayan
1. Anyo ng tula
2. Kasiningan nito ayon sa:
a. Tugma
b. Sukat
c. Tono at himig
d. Persona
e. Imahe at larawang-diwa
f. Mensahe o pangunahing kaisipang nais iparating sa mambabasa.

3. Pagkatapos, iugnay ang tulang ito sa buhay sa pamamagitan ng paghahambing nito sa

awiting Saranggola ni Pepe. Bumuo ng isang matibay na konsepto na magagamit Ninyo
bilang pamantayan sa pakikihamok sa buhay.
4. Iulat sa harap ng klase ang natapos na gawain.

Pagpupuntos sa Gawain
Pamantayan Puntos
Pagkakaugnay ng mga pamagat ng artikulo sa paksa 30
Kaisipan 30
Pagkakaugnay ng misyon-bisyon ng paaralan 20
Pangkalahatang anyo ng collage 20
Kabuuang puntos 100%

You might also like