mODULE 6 - Pagbasa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliskik 1
Ikatlong Markahan
Modyul 6 – Ika-anim na Linggo
1
Aralin : Iba’t Ibang Tekstong
Babasahin Kalakip ang mga
Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa
(Previewing, Contextualizing at Questioning o
Pagtatanong, reflecting, outlining & Summarizing,
Evaluating, Comparison & Contrasting;)

MGA INAASAHAN
Pagkatapos talakayin ang modyul, inaasahan na ang mag-aaral ay:
A. natutukoy at nakilala ang kahulugan ng previewing, contextualizing at
questioning;
B. nauunawaan ang nilalaman ng teksto at ginamit na estratehiya ng
mapanuring pagbasa; at
C. nakilala ang kahulugan ng reflecting, outlining & summarizing,
evaluating, comparison & contrasting;
D. nasusuri at napatutunayan ang ginamit na estratehiya sa pagsusuri ng
tekstong binasa

ARALIN 1
Iba’t Ibang Tekstong Babasahin Kalakip ang mga Estratehiya ng
Mapanuring Pagbasa (Previewing, Contextualizing at Questioning o Pagtatanong)
Paano mo sinisimulan ang pagbasa ng teksto? Bago mo ba simulan ang
pagbasa nagtatanong ka ba muna sa iyong sarili? Bakit?
Bawat tao ay may dahilan kung bakit siya nagbabasa. Isang dahilan ay
para palusugin ang isipan at paunlarin ang kaalaman, dahil ito naman ang
tunay na layunin kung bakit nagbabasa.
Tulad ng naunang tinalakay gumagamit tayo ng mga estratehiya upang
ang mensaheng nais ipabatid ng sumulat ay maunawaan ang pahiwatig,
simbolismo, pananaw at mga ginamit na salita upang mas makita ang ideya na
inihahatid ng teksto. Katulad ng estratehiyang previewing, contextualizing at
questioning
Previewing. Ito ang pagbasa na hindi
muna ganap o buo ang sinusuri sa binabasang
teksto bagkus kinukuha muna ang mga detalye
upang makuha ang pangkahalatang
pagkaunawa sa kabuuan ng teksto. Ito ay
maaaring gawin sa mga rebyu ng aklat upang
makilatis ang nilalaman.
May iba’t ibang pamamaraan sa pagsasagawa ng previewing gaya ng
mga sumusunod:
1. Pagtingin sa pamagat na nakasulat na blue print.
2. Pagbasa sa una at huling talata.
3. Pagtingin sa heading at sub-heading na naka-italic
4. Kapag may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart
ito ay binibigyang-suri
5. Pagtingin at pagbasa ng talaan ng nilalaman
Contextualizing. Ito ang pagsasaayos
ng teksto sa paraang historikal,
biograpikal at nakabatay sa
kontekstong kultural.
Halimbawa:
Kung magbabasa ka ng teksto
kailangan nagagamit mo ang dati ng
kaalaman mula sa karanasan sa
pagbasa, dahil malaki ang
impluwensiya ng karanasan sa paglipas
ng panahon tulad ng pagkilala sa
talasalitaan, sa mga biswal at
pagkakahanay ng mga salita o
pagkilala sa gramatika. Sapagkat sa
mapanuring pagbasa, kailangan mong
makilala ang pagkakaiba sa
kasalukuyan paniniwala at paniniwalang nakasaad sa teksto.
Gabay na tanong:
Kailan isinulat ang teksto? Ano ang pangyayaring naganap sa
kasalukuyang panahon upang ang manunulat ay magkaroon ng ganitong
damdamin o kaisipan sa teksto? Sino ang sumulat? Saan ito nagmula? Ang
paraan ba ng manunulat ay katulad ng paraan ng ibang manunulat? Maglista
ng mga impresyon at hinuha mo sa punto de vista ng teksto? Sa paanong
paraan naging makabuluhan ang iyong pagbasa
ng teksto?
Questioning. Ito ay naglalaman ng mga
katanungan upang mas mapalalim ang
pagkakaunawa sa nilalaman ng teksto.
Ang bawat tanong ay nakapokus lamang
sa pangunahing ideya, hindi sa mga inilalarawan
o detalye sa teksto. Kailangan ay sariling
pagpapahayag ng ideya at hindi pagkopya sa
bawat talata ng teksto.

Halimbawa:
Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pangyayari?
Paano nila naapektuhan o naiimpluwensyahan ang isa’t isa?
Ano sa tingin mo ang susunod na mangyayari?
ARALI
N2
Iba’ Ibang Tekstong Babasahin Kalakip ang mga Estratehiya sa
Mapanuring Pagbasa (Reflecting, Outlining and Summarizing,
Evaluating an Argument, Comparing and Contrasting)
Malaki ang kinalaman ng kaalaman ng isang mambabasa sa kanyang
tekstong binabasa upang matukoy ang pamilyaridad sa kanyang kasanayan. Kaya
kailangang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa sa iba’t ibang tekstong
babasahin kalakip ang mga estratehiya sa mapanuring pagbasa, mahalaga rin na
maisagawa ang pagkilala sa iba pang pamamaraan sa pagbasa upang sa gayon
mas madebelop ang kakayahan sa pagbasa. Ito ay ang sumusunod:
Reflecting on challenges to your belief and values (Repleksyon batay sa
hamon ng iyong paniniwala at pag-uugali). Ito ay pagbasa na kung saan
nakabatay sa sariling pagpapakahulugan mula sa nakalimbag sa teksto. Kung
saan maaaring nakaimpluwensiya sa iyong pag-uugali, prinsipyo at
pinaninindigang paniniwala sa buhay.
Halimbawa;
Ano ang iyong naging reaksyon o pananaw sa naging desisyon ng korte sa
pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN? at bakit?
Outlining & Summarizing (Pagbabalangkas at Pagbubuod). Pagkilala sa
panguhanging ideya at pagpapahayag ng sariling detalye tungkol sa paksa. Ang
outlining o pagbabalangkas ay nagsisilbing larawan ng pangunahing ideya at
mahahalagang detalye hinggil sa paksa. Ito ay binubuo ng pagkakasunod-sunod
na mga ideya at kaisipan. Samantalang ang summarizing o pagbubuod ay isang
buod na pinaikling argrumento upang makabuo ng balangkas mula sa teksto. Ito
ay nagsisilbing gabay sa proseso ng pagsulat upang maorganisa ang mga ideya.
Evaluating an Argument. Sinusuri nito ang pagiging lohikal ng teksto,
kredibilidad at ang epektong pang-emosyonal.
Bawat manunulat ay nagnanais na paniwalaan ang kanilang sinusulat ng
mga mambabasa sa pamamagitan ng pagtukoy ng agrumentong inilalahad. May
dalawang bahagi ang pagkilala ng argrumento: Ito ay ang punto o claim at
suportang detalye.
Ang punto o claim ay nagpapahayag ng konklusyon- ideya, opinyon at husga
o pananaw ng manunulat na nais din paniwalaan ng isang mambabasa. Ang
suportang detalye naman ay mga rason (pagbabahagi ng paniniwala, palagay at
pagpapahalaga) at ebidensya (katotohanan, halimbawa at estadistika). Kung saan
ito ang basehan ng manunulat upang panindigan ang katotohanang nais niyang
ipakita.
Halimbawa:
Kilalanin ang punto at suportang detalye mula sa nabasang teksto. Ang
ginamit bang ebidensya ay nakahihikayat? Bakit? Ang argrumento ba ay lohikal
ang pagkakagawa? Ang ebidensya ba may kaugnayan sa punto o claim?
Comparing and Contrasting (Paghahambing at Pagkokontrast). Sa
pamamagitan ng paggamit ng paghahambing at pagkokontrast nagagawa ng
manunulat na mapaunawa ang paksa sa mambabasa.
Epektibo ang ganitong pamamaraan upang makita ng mambabasa ang
pagkakaugnay ng mga bagay sa pamamagitan ng pagkakatulad at pagkakaiba. Sa
ganitong paraan magagabayan ang mga mambabasa na maunawaan ang
pamamaraan na ginamit ng manunulat sa isyu.
Halimbawa:
Paano mo masasabi na ang argrumento ay may pagkakatulad at may
pagkakaiba mula sa inilatag na ebidensya ng manunulat? Kung ang argumento ay
pagkakatulad, siguro ang ebidensya ay naiiba, sa anong pamamaraan?
Performance Task
Gawain 1: Panuto: Sa tulong ng web, ibigay ang mga katangian ng tatlong
estratehiya.

Gawain 2. Panuto. Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang talahanayan, batay
sa binasang teksto.

Ang Pagtatapos ni: Rhea V. Iranzo March na! Araw ng Pagharap Pagtatapos
nina Juan at Juana. Masayangmasaya ang dalawa. “Sa wakas ito na ang
pinakahihintay natin!” “Thank you Lord! Malapit na po.” sabay wika ng magkaibigan.
Kinabukasan, dali-daling tinawag ni Juana si Juan “Juan, sabi sa balita
magkakaroon ng lockdown sa buong NCR at karatig lugar! Walang pwedeng lumabas!
Paano na ang ating pagtatapos? “Huwag kang mawalan ng pag-asa, magkakaroon din
tayo ng graduation. Makakapagtapos tayo at makakapasok tayo sa kolehiyo! Sa
ngayon, sumunod muna tayo sa protocol ng pamahalaan para sa ating kaligtasan
kaysa may kalayaan nga pero buhay naman natin ang nakasalalay!” sabi ni Juan.
Naghiwalay ang dalawa nang may pangamba.
Lumipas ang buwan, patuloy ang EQC at GCQ dahil sa pagtaas ng
pagkakaroon ng covid na halos umabot ng 73, 390 ayon sa DOH na inilabas sa balita
(July 23, 2020). Kinabukasan, may nakita ang magkaibigan na facebook page ng
paaralan na magkakaroon ng virtual na graduation. Tuwang-tuwa ang dalawa pero
may agam-agam pa rin. Dumating ang Sabado, kinakabahan at excited ang
magkaibigan sa kanilang panonood. “Sa wakas kahit ganito lang matatawid na ang
ating pagtatapos”. Habang nanonood ang magkaibigan lumuluha sila sa kagalakan at
sabay na nanalangin na may pag-asa pa rin! Salamat po, Ama!

Estratehiyang Ginamit Patunay


Halimbawa: Reflecting Huwag mawawalan ng pag-asa kahit anong
problemang dumating sa ating buhay.

You might also like