Punay

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Aralin 2.

Pagtukoy sa Paksa ng
Teksto
Gusto mo bang i-edit ang presentation na ito?

Gumawa ng kopya at i- Mag-download ng offline


edit sa Google Slides. na kopya at i-edit sa
1. Sa menu tab, i-click ang File at
Microsoft PowerPoint.
pagkatapos ay ang Make a 1. Sa menu tab, i-click ang File at
copy at Entire Presentation. pagkatapos ay ang Download as.
2. I-type ang pangalan ng file. 2. Piliin ang uri ng file. Piliin ang
Do you want to edit this presentation?
3. Piliin kung saan ito isi-save sa
iyong Google Drive.
Microsoft PowerPoint (.pptx).
3. Hintayin na ma-download ang file
4. I-click ang OK. sa iyong local disk.
5. May magbubukas na bagong 4. Sa sandaling makompleto ang
tab. Hintayin na kompletong pag-download, buksan ang file at
mag-load ang file sa bagong tab. i-edit gamit ang Microsoft
6. Kapag nag-load na ang file, i-edit PowerPoint o anumang offline na
ang presentation na ito gamit program para sa presentation.
ang Google Slides.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan ang


kasanayan sa pagkatuto na itinakda ng DepEd:

● Natutukoy ang kahulugan at katangian ng


mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa (F11PT - IIIa – 88).
Layunin sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


natatalakay ang pagtukoy sa paksa ng teksto, na may tuon
sa sumusunod:

● natutukoy ang paksa, pangunahing ideya, at


sumusuportang mga ideya ng isang tekstong
impormatibo.
Pagganyak

Ipanood ang lumang commercial ng isang fast food chain na


pinamagatang Kanlungan TVC 2003.
Pagganyak

1. Tungkol saan ang patalastas?


2. Tungkol saan ang awit?
3. Magkaugnay ba ang mensahe ng awit sa mensahe ng
patalastas? Paano nasabi?
4. Ano ang pangunahing mensahe ng patalastas?
Mahahalagang Tanong

● Bakit sa pagbabasa ay mahalagang matiyak ang paksang


tinatalakay nito?
● Paano matutukoy ang pangunahing ideya ng teksto?
● Paano napagtitibay ang paksa at pangunahing ideya ng
teksto?
Gawain

Gawain 1: Story Grammar

Basahin ang maikling kwento at punan ang story grammar


pagkatapos.
Dinig na dinig ni Allan ang mabilis na pagkabog ng kaniyang
dibdib nang iabot sa kaniya ni G. Jimmy ang maliit na papel.
Pinapupunta siya sa Guidance Office. Sanay na siyang
maglabas-masok sa apat na sulok na iyon ng opisina ni Bb.
Sally. Sa katunayan, makailang ulit na siyang umiyak sa harap
ng kanilang guidance counselor. Ngunit ewan ba kung bakit
parang kakaiba ang sandaling ito para sa kaniya. Parang tumigil
ang pag-ikot ng bawat sandali pagkakita niya sa kapirasong
papel na iyon. Nagulat siya sa biglang pagtapik ni G. Jimmy sa
kaniyang balikat. Pinapupunta nga siya sa Guidance Office.
Mabigat ang bawat hakbang ng kaniyang mga paang
binabaybay ang pasilyong patungo sa Guidance Office. Kung
maaari lamang niyang patigilin ang oras upang tumagal ang
bawat sandali ay kaniyang gagawin. Dinig na dinig pa niya ang
bawat katagang namutawi sa bibig ng kaniyang ina. Masakit.
Napakasakit ng dagok na iyon para sa kaniyang murang
damdamin. Ayaw tanggapin ng kaniyang murang puso’t isipan
ang katotohanan. Ibayong pakikipaglaban ang kaniyang
nararanasan.
Ayaw man niyang isipin ay pilit pa ring pumapasok sa kaniyang
balintataw ang nangyari kagabi lamang. Sa katunayan, hindi na
dapat siya pumasok nang araw na iyon ngunit sa gulang niyang
sampu ay pilit niyang ginagawang normal ang lahat. Ayaw
niyang isipin ang mga suliranin. Ayaw niyang isipin ang
napipintong pagkawasak ng kaniyang pamilya. Pakiramdam
niya ay wala siyang kakampi sinoman sa kaniyang mga
magulang sapagkat hindi nila isinasaalang-alang ang kaisa-
isang bunga ng kanilang pagsasamang tinakasan na yata ng
pag-ibig.
May biglang bumangong damdamin sa kaniyang puso. Biglang
may tila nagtulak sa kaniyang magmadali. Nais niyang
sumigaw. Nais niyang pakawalan ang kanina pa’y pigil-pigil
niyang pagpalahaw ng iyak. Nais niyang sumbatan ang
kaniyang inang nagnanais hiwalayan ang kaniyang ama sa
kawalan ng pag-ibig. Muli niyang naalaala ang nangyari kagabi.
Ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang, ang mahahayap na
salitang kanilang binibitawan. Ang lahat ng ito ay nasaksihan at
narinig ng kaniyang musmos na puso. Wala siyang nagawa
kundi ang tumangis sa isang sulok.
Parang bombang sumabog mismo sa kaniyang tainga ang
sinabi ng kaniyang ina…maghihiwalay na sila ng kaniyang ama
at pinapipili siya kung kanino sasama. Ayaw na niyang
mangyari iyon. Ayaw na niyang mamili sapagkat ang nais ng
kaniyang musmos na puso ay kasama silang dalawa…ang
dalawang pinakamahalaga at pinakamamahal niya. Ayaw na
ayaw niyang matawag na produkto ng wasak na pamilya…at
higit sa lahat… ayaw na ayaw niyang isipin na walang saysay
ang kaniyang pagiging anak upang makapigil sa paghihiwalay
ng kaniyang mga magulang.
Nagulat si Allan sa pagpasok niya sa Guidance Office. Wala
roon ang kaniyang ina na gaya ng sinabi nito kagabi na
kukunin siya upang pormal na ipagpaalam na ililipat na siya ng
paaralan. Bahagi iyon ng plano ng kaniyang ina. Sa halip,
tanging si Bb. Sally na nakatitig pa rin sa telepono ang tanging
naroon. Hindi kaila kay Bb. Sally ang pagtataka at pagtatanong
ng mga mata ni Allan.
Pagkaupong-pagkaupo ay hinawakan ni Bb. Sally ang kaniyang
maliliit at nanlalamig na kamay. Malungkot na itinitig ni Bb. Sally
ang kaniyang tinging tila nagdadalamhati at nakikiramay sa
inosenteng mukha ngunit nagtatanong na mga mata ni Allan.
Ang malungkot na titig ni Bb. Sally ay higit na nagpabilis ng
tibok ng puso ni Allan at paghabol sa kaniyang paghinga dahil
sa kaba. Tila gumuho ang napakaliit na mundong ginagalawan
ni Allan sa kaniyang narinig. Ulilang lubos na siya.
Naaksidente ang kaniyang mga magulang, malakas na
bumangga sa kongkreto at malaking poste ang kotse nila.
Napag-alamang nagtalo ang kaniyang mga magulang at nag-
agawan sa manibela. Hindi na niya nagawang magpalahaw ng
iyak. Lalong nadurog ang puso ni Bb. Sally sa tahimik, impit
ngunit tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha buhat sa
malulungkot na mata ni Allan.

Biktima
May Akda: Renelyn F. Basallo
Gawain

Gawain 1: Story Grammar


Gawain

Gawain 2: Buzz Session


Pangkatang Gawain
Unang pangkat: Pag-usapan at suriin ang karakter ng mga pangunahing tauhan
Ikalawang pangkat: Pag-usapan ang tagpuan, suriin kung paano nakatulong sa
atmosperang nangibabaw sa kuwento
Ikatlong pangkat: Pag-usapan ang suliranin, suriin ito kung paano tinahi ng may
akda upang mangibabaw ang paksa
Ikaapat na pangkat: Pag-usapan ang banghay ng kuwento, pagtuunan ang
naging wakas nito
Pagsusuri
Pagpapahalaga

Paano magiging higit na komprehensibo ang nilalaman ng


isang pagsusuri sa isang tekstong impormatibo?
Inaasahang Pag-unawa

● Mahihiwatigan ng mambabasa ang tatakbuhin o


nilalaman ng isang buong teksto dahil sa paksa nito.
● Madaling matukoy ang pangunahing ideya ng teksto kung
agad na matutukoy ang paksa.
● Sa pamamagitan ng mga sumusuportang ideya ay
napagtitibay nito ang paksa at pangunahing ideya ng
teksto.
Paglalagom

● Sa pamamagitan ng pagtukoy sa paksa ng isang teksto, magagabayan


ang bumabasa sa pagsubaybay sa lalamanin nito.
● Binibigyang-diin ang mga pangunahing ideya upang magkaroon ng
lalong kabatiran ang bumabasa sa paksa.
● Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansin sa iba pang sumusuportang
ideya lalong nauunawaan ng mambabasa ang konteksto ng binabasa, sa
pamamagitan ng mga ito nagiging mapanuri sila sa katotohanan at
saysay ng mga ito sa kanilang sariling pag-unawa at muling
pagbabahagi kung kinakailangan.
Kasunduan

Humanap ng isang tekstong impormatibo tungkol sa mga


napapanahong paksa. Suriin ito ayon sa sumusunod:
Sanggunian

Bernales, R. et. al. 2009. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang-aklat sa


Filipino II Antas Tersyarya. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.
Collantes, Dorris, at Mariju Galicha. 2001. Rhetoric for Business: Four Approaches. Lungsod
Quezon: Katha Publishing.
“Mark Angeles, Makata ng Taon 2016.” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha mula sa
http://kwf.gov.ph/mark-anthony-s-angeles-makata-ng-taon-2016/
Pacay, W. III. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik: K to 12
Compliant Worktext in Filipino for the Senior High School. Lungsod ng Pasay: JFS
Publishing Services, Inc.
Swire, Sarah E., at David Skwire. 2009. Writing with a Thesis: A Rhetoric and Reader. 9th ed.
Australia: Thomson/Wadsworth.

You might also like