KomPan Reviewer

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,641 na mga pulo.


Ayon kay Dr. Ernesto Constantino, may mahigit 100 wika at 400 Wikaing
matatagpuan sa Pilipinas.
Wikang Filipino
- Ayon kay Constantino, kabilang ang mga wika ta wikain ng Pilipinas sa
pamilyang kinabibilangan ng Indones at Polinesyo.
- Tinaguriang wikang Austronesyo ni Wilhelm Schmidt noong 1898.
Walong Pangunahing Wika batay sa dami ng nagsasailita:
1. Ilocano
2. Pangasinense
3. Kapampangan
4. Taglog
5. Cebuano
6. Bicolano
7. Samar-Leyte (Waray)
8. Hiligaynon
Sitwasyong Panwika
- Ayon kay Jomar I. Empaynado, ito ay anumang panlipunang penomenal sa
paggamit at paghulma ng wika.
- Isinaalang-alang ang linggwistiko at kultural na pagkakaiba sa lipunang
Pilipino.
Iba’t Ibang Sitwasying Pangwika sa Bansa
Unang Sitwasyong Pangwika:
Kalituhan sa pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino, Filipino
Wikang Tagalog
- Batay sa pagpupunyagi ng dating Pangulong Manuel L. Quezon (Ama ng
Pambansang Wika), nagpahayag ng mga kaisipan tungkol sa maariiing
hakbang isagawa sa pagbuo ng isang pambansang wikang batay sa isa sa
mga umiiral na wika sa Pilipinas.
- Kautusang Tagapagganap Blg 134. (Disyembre 30, 1937): ipinahayag na
ang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pamabansa ng Pilipinas.
- Naunang nakilala kaysa Filipino
- Wikang Natural / Wikang Pambansa
Ginamit sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro,
Marinduque, ibang parte ng Nueva Ecija, Puerto Prinsesa at Metro Manila (Dr.
Pamela Constantino).
Dalawang konsiderasyon sa pagpili ng tagaog bilang batayan ng wikang
pambansa:
1. Sentimentalismo
- pambansang identidad o pagkakailanlan
2. Instrumental o funstiyunal
- gamit ng wika sa lipunan
Wikang Pilipino
- Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas
- Alinsunod sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong 1959 na nilagdaan
ni Kalihim Jose Romero
- Itinagubilin na kailanman at tinutukoy ag wikang pambansa, ang salitang
Pilipino ang itatawag.
- Isang pangkating rehiyonalista gaya ni Demetrio Quirino Jr. na ang Pilipino
ay “purong Tagalog” lamang.
Wikang Filipino
- Tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng
mga Pilipino at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas kasama ang Ingles.
- Alinsunod sa Artikulo XV, Seksyon 3 (1973), “Ang Pambansang
Asambleya ay dapat gumawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pormal na
adapsyon ng panlahat na wikang Pambansa na makikilalang Filipino.
Konsepto ng Wikang Filipino
Ayon kay Constantino sa aklat na sinipi nina Pomado, et al., Ang wikang Filipino
ay may sumusunod na konsepto:
1. Ang wikang pambansa ay dapat na isang natural na wika.
2. Ang wikang Filipino ay buhay na wika.
3. Demokratiko ang wikang Filipino
4. Ang wikang Filipino ay isang egalitarian na wika.
5. Ang wikang pambansa ay isang dinamikong wika.
6. Ang wikang pambansa ay wika para sa pagkakaisa.
7. Ang wikang pambansa ay dapat gumanap ng lahat ng mga tungkulin ng
isang wikang pambansa.
8. Ang wikang pambansa ay “de facto” at “de jure” na wika.
- De facto -ginagamit kahit noon pa man bilang lingua franca sa buong bansa
- De jure - maraming probisyon sa konstitusyon ang nagdedeklara na Filipino
ang wikang pambansa.
Mga Agham sa Wikang Filipino (Rabulan et al. 2002)
Unang Suliranin: Tagalog Imperialism
- Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, isang Ilokano at iskolar ng wika hanggang
ngayon masyadong nakondisyon pa rin ang isip natin sa pagkabuo ng
Wikang Filipino.
- Umiiral sa atin ang Tagalong Imperialismo, kung saan kahit nabago na ito
mula sa dating pag-iral ng Tagalog at wikang Pilipino, mas pinipili
nating gamitin gayundin ng mga dayuhan ang salitang “Tagalog” sa
ating pagtawag sa ating wika.
Pangalawang Suliranin: Wikang Filipino bilang Lingua Franca
- Nagkaroon tayo ng isang daang wika at humigit 400 dayalek dahil sa
pagiging kapuluan ng Pilipinas
- Ma ginagamit ang wika o native language.
- Ang wika ay nagsisilbing pangalawang wika at Lingua Franca sa bansa kung
saan nabubuo ang barayti dahil sa interference o paghalo ng mga unang wika
ng mga tagapagsakita
o Dalawang Hamon sa Wikang Pambansa ayon kay Dr. Virgilio Almario:
1. Nasyonalisasyon
2. Modernisasyon
Ikatlong sitwasyong pangwika: Pagbabagong dulot ng bi-diyalektalismo, mix
languange, dialect switching, bilinggwalismo at code switching
- Ang unang wika ay natutuhan mula sa kamusmusan, natutuhan mula sa
magulang, kapatid, kamag-anak na nasa paligid.
- Ang pangalawang wika ay natutuhan matapos matutuo ng wikang komon sa
kanyang speech community, kadalasan ay ang Filipino at Ingles
- Napakalohikal lamang na isiping ang isang tao ay pinakamahusay sa
komunikasyon sa paggamit ng unang wika niya.
- Ganap na ganap niya ang buong Sistema ng wikang ito, sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, at semantics nito bilang pangalawang wika, batay sa
pangangailan niya sa wikang ito sa pagpapahayag at batay sa kanyang
layunin sa paggamit nito.
Ikaapat na sitwasyong pangwika: Ang Filipino bilang Moderno,
Intelektwalisado, at Istandardisadong Wika
- Proseso uoang isang wikang di pa intelekwalisado ay maitaas at mailagay sa
anatas na intelekwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa mga
sopistikadong lawak ng karunungan. (Ang Intelekwalisasyon ng Wikang
Filipino, ayon sa aklat ni Cantillo et al. 2016)
- Ayon kay Cassanovana - sinipi sa aklat ni Rabulan et al. (2002), mahigit
na dalawampung taon na simula nang ipatupad ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 25, serye 1974 na sinusugan ng Kautusang
Pangkagawaran blg. 52, serye 1987
Mga komponent tungo sa istandardisasyon ayon kay Ferguson: (Rubin et al.
2002)
1. Grapisasyon
- Paglinang ng isang sistemang pasulat ng isang wika na nagiging batayan ng
pormal na literasi, ng pormal na edukasyon at modernisasyon
2. Modernisasyon
- Nakasalalay sa grapisasyon at tumutukoy sa pag-unlad ng pinalawak na
bokabularyo at mmga paraan ng komunikasyon tungkol sa kontemporaryong
sibilisasyon upang magamit ang wika sa lahat ng sitwasyon
3. Istandardisasyon
- Binubuo ng paglikha ng modelo para sa imitasyon at ng pagpapalaganap ng
modelong ito.
- Ang isang istandard na wika ay isang kalipunan ng mga dikursong pasalita
at pasulat na inilaan para sa mga tagapagsalita, samantalang ang kalipunan
ng mga diskursong pasulat ay nkabatay naman sa pagkakaroon ng panitikan
sa prosa at tuluyan (Ray, 1963, aklat nina Rubin et al. 2002)

Kakayahang Komunikatibong mga Pilipino


Apat na Kakayahang Komunikatibo (Micahel
Canale at Merril Swain)
1.Kakayahang linggwistiko/istruktural/gramatikal
2.Kakayahang Sosyo-linggwisitk
3.Kakayahang Pragmatik
4.Kakayahang Diskorsal
- Ayon kay Dell Hymes, isang linggwista at antropologo, “Hindi lamang
dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng
mga pangungusap kundi ang pagiging angkop ng mga ito depende sa
sitwasyon.”
- Ayon kay Pagkalinawan, “Ang isang komunikeytor sa Filipino ay yaong
nagtataglay ng kasanayang Makro.”
Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo (Canale at
Swain):
1. Gramatikal
2. Sosyo-linggwistik
3. Diskorsal
4. Stratidyik
Ang kahusayang komunikatibo ayon kay Brown (1987), ay tumutukoy sa
kakayahan at kaalaman ng sinumang gumamit ng wika na nakatutulong na
makapagpahayag at makapagbigay kahulugan sa mga mensahe upang
makapagdiskuro ng mahusay at angkop sa iba’t ibang sitwasyon.

Communicative Competence Model o Kahusayang Pangkomunikatibo


(Brown)
- Nagsasaad ng mga kinakailangang kasanayan at kaalaman upang mapahusay
ang kakayanan sa pakikipagtalastasan.
Kakayahang Linggwistiko/ Istruktural/Gramatikal
- Abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap (Taylan et al.)
- Kaalaman sa sistema o istruktura ng kanyang wika na nagbubunsod sa
paggamit ng tama (Reyes, 2016).
- Pag-alam sa koda ng wika gaya ng talasalitaan, pagbuo ng salita at
kahulugan, wastong pagbigkas at ortograpiya.
Ponolohiya
– ang makagham na pag-aaral sa mga tunog ay tinatawag na ponolohiya.
Kalakip din ditto ang pag-aaral sa wasting pagbigkas ng mga tunog na
tinatawag na ponema.
Ponema
– mga makabuluhang tunog/pinakamaliit na yunit ng tunog.
Patinig na ponema: /a, e, i, o, u/
Katinig na ponema: /p, b, t, d, k, g, m, n, h, s, l, r, y, w, ñ, q/
Glottal Stop o impit na tunog
Mga Ponemang Patinig
Diptonggo – mga salitang nagtatapos sa malapatinig na /w/ at /y/ kasama ang
patinig sa isang pantig.
Klaster – ito ay kambal katinig na binubuo ng dalawang katinig sa isang pantig
Pares-minimal – mga salita itong halos agkatunig subalit magkaiba ng
kahulugan.
Digrap – may tunog na /n/ binubuo ng dalawang katinig na “n” at “g” /en-ji/
Ponemang Suprasegmental – yunit ng tunog na karaniwang hindi
tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.
Tono – tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig na nakapagbabago ng kahulugan.
Hinto – panandaliang paghinto sa pagsasalita
Haba – haba ng bigkas sa pantig ng mga salita na may patinig o katinig.
Diin o Stress – lakas ng bigkas sa pantig na binibigyang diin o emphasis
Morpema – pinakamaliit na yunit ng tunig na nagttaaglay ng kahulugan (salita)
Kayarian ng mga Salita:
1. Payak – binubuo ng salitang ugat lamang.
2. Maylapi – binubuo ng salitang uagt at isa o higit pang panlapi.
3. Inuulit – may pantig o salitang inuulit
4. Tambalan – mga saliatang pinagsama para makabuo ng isang salita
Dalawang Bahagi ng Pangungusap:
1. Paksa
2. Pang-uri
Ayos ng Pangungusap:
1. Karaniwan (Panag-uri + Paksa)
2. Kabalikan (Paksa + Panag-uri)
Wastong Gamit ng mga Salita:
1. Pahirin / pahiran
2. Operahin / operahan
3. Hatiin / hatian
4. Walisin / walisan
5. Subukin / subukan
6. Pinto / pintuan
7. Iwan / iwanan
8. Hagdan / hagdanan
9. Sundin / sundan
10.Nang / ng
Idyomatikong Pahayag

Kakayahang Sosyolinggwistiko
– pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at liounan at kung paano ito ginagami
sa iba’t ibang sitwasyong panlipunan.

Mga Salik Panlipunang Dapat Isaalang-alang sa Paggamit ng Wika


ayon kay Hymes:
S-etting (lunan ng usapan) – tumutukoy ito sa lugar o sitwasyon o scene na
pangyarihan ng gawaing komunikatibo.
P-articipants (sangkot sa usapan) – bahagi nito ang sinumang maaring maging
bahagi ng gawaing pangkomunikatibo.
E-nd/Layunin – pinakamahalagang sangkap ng komunikasyon ang layunin.
A-ct sequence (daloy ng pag-uusap) – dapat isaisip ana isang dinamiko at
komplikado na proseso ang komunikasyon.
K-eys (kaantasan ng usapan) – mahalagang nalalaman ng ganap ang sitwasyon
ng komunikasyon.
I-nstrumentalities (midyum sa pakikipag-usap) – dapat na matukoy ng mahusay
ang ankop na daluyan na gagamitin sa mabisang pagdala ng mensahe.
N-orms (paksa) – mahirap tumalakay sa paksa na limitado ang kaalaman.
G-enre (uri o anyo ng teksto) – tumutukoy ang salik na ito sa kaanyuan o uri ng
teksto na ginamit ng kausap na siyang gabay sa kung paano at ano ring angkop na
genre ang dapat na gamitin sa ibibigay na tugon.

Kakayahang Pragmatik
– Ayon kay Lightbown at Spada (Taylan, 2016), ay tumutukoy sa paggamit ng
wika sa isang partikular na teksto upang magpahayg sa paraang diretsahan o may
paggalang.

3 Sangkap ng Konsepto ng Speech Act:


1. Sadya o intensyon
2. Anyong Linggwistiko
3. Epekto sa tagapakinig
Berbal at Di-berbal na Komunikasyon
1. Berbal na Komunikasyon
– uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita at pasulat.
2. D-Berbal na komunikasyon
– binubuo ito ng anim (6) na anyo at katuyanan, 70 porsyento ng karaniwang
kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na element.
6 na Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon
1. Kinesika (Kinesics) – tumutukoy ito sa galaw ng katawan.
2. Pandama o paghawak (Haptics) – nagsasaad ito ng positibong emosyon at
pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan.
3. Proksemika (Proxemics) – ito ay tumutukoy sa distansya at oras sa
pakikipag-usap
4. Paralanguage – ito ay tumutukoy sa tono ng tinig at bilis o kalidad ng
pagsasalita.
5. Kapaligiran – tumutukoy ang anyong ito sa pinagdarausan ng
pakikioag-usap at ng kaayusan nito.
6. Katahimikan o kawalang-kibo – lubhsng makahulugan na karaniwang
ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o hindi kaya ay
maparating ang tampo o sama ng loob
Baryasyon ng Wika/Barayti ng Wika
1. Idyolek – tumutukoy sa pansariling wika maging sa gamit nito na natatngi
sa isang tao.
2. Etnolek – nakabatay ang pagdedelop nito mula sa mga salita ng mga
itinuturinh na etnolinggwistikong grupo.
3. Ekolek – nagmula ang barayting ito sa mga salitang karaniwan at madalas
na ginagamit sa loob ng tahanan
4. Dayalek – wikang particular na ginagamit sa isang particular na pook,
rehiyon, kultura, at lipunan
5. Sosyolek – nakasalig ang barayting itp sa kaibahan ng estado o katayuan ng
mga taong gumagamit ng wika
6. Rehistro – ito ay tumutukoy sa espesyalidadong wika na ang mga salita ay
nagagmit sa isang particular na propoesyon, disiplina, at larangan.
Uri at Anyo ng Wika
1. Pormal na wika – ginagamit ito sa mga pormal na sitwasyon tulad ng
pagpupulong, pagtuturo sa klase, pagtalakau sa seminar o kumperensya at
iba pa.
2. Di-pormal na wika – ginagamit ito sa mga di-pormal na sitwasyon gaya ng
isang variety show sa telebsiyon, pag-chat sa internet, pag-titext, pagsulat ng
impormal na liham, mga pahayag na puno ng kolokyalisoo gaya ng mga
salitang magkahalong Pilipino at Ingles.
Proseso sa Paglikha ng mga Salitang Balbal: (Baronda, 2016)
1. Paggamit ng mga katutubong salita
Hal: buang (Bisaya)-baliw
bayot (Cebuano)-silahis
2. Pagtatakda/Pagbibigay ng bagong kahulugan
Hal: barbie (bakla)
lowbat (pagod o walang energy)
bato (ipinagbabawal na gamot)
dalaw (regla)
nganga(walang magawa)
3. Panghihiram na mga salitang mula sa wikang banyaga
Hal: bae (Koreano)-gwapong lalaki
Otoko (Niponggo)-lalaki
4. Pag-imbento o coinage
Hal: chaka-pangit
merlat-babae
galawang breezy-pasimpleng
diskarte ng mga kalalakihan
lodi-idol
5. Akronim
Hal:
OPM-Oh promise me
SML-So much love
BBL-Be back later
IDK-I don’t know
DIET-Do I eat today?
WIFE- Worries invited ForEver
WWW-World Wide Wait
Kakayahang Diskorsal
– kakayahang mabigyan ng wastong interpretasyon ang napakinggang pahayag
(Pangkalinawan, 2004) at maipahayag ang sarili gamit ang sariling wika(Cantillo,
et al. 2016).

Anyo ng Diskurso Ayon kay Batnag (2011)


1. Pasalita
2. Pasulat
Gamit ang mga ito sa pagpapahayag ng:
a. Pangunahing o suportang ideya
b. Tema o paksa
c. Estilo
d. Balangkas
Iba’t Ibang Uri ng Diskursong Pasalita:
1. Usapan o kombersasyon
2. Pangkatang diskusyon
3. Talumpati
4. Usapan sa telepono
5. Interbyu
6. Debate
7. Balagtasan
Mga Sangkap sa Mabisang Pagsulat (Rorabacher at Dunbar, 1982, sa Batnag,
2011)
1. Kawastuang Mekanikal
2. Nilalaman
3. Organisasyon
Mga Diskurong Personal
1. Talaarawan
2. Journal
3. Awtobiograpiya
4. Repleksiyon
Dalawang Kakayahang Pandiskurso (Cantillo, et. al 2016)
1. Tekstwal – tumatalakay ito sa payal ma pagsukat kung paano magbasa at
umunawa gaya ng kathang isip at ‘di kathang-isip, tanskripsyon ng
pinag-uusapan o teknikal na material.
2. Retorikal – tumatalakay ito sa paraan kung paano makapg-ambag sa usapan
ang isang tagapagsalita.
Apat na Uri ng Diskurso/ Uri ng Pahayag: (Casanova, 2001)
1. Paglalahad – nagpapaliwanag; ginagamit ito sa paglilinaw ng isang paraan,
proseso, o kaya’y sa pagsasakatuparan ng isang layunin o simulain.
2. Paglalarawan – pangunahing layunin nito’y ipakita ang tao, bagay, o
pangyayaring naiiba sa mga katulad o kauri nito sang-ayon sa mga taglay na
kalikasan, kaanyahan, kakayahan, kahalagahan, at katangian.
3. Pagsasalaysay – layunin nito ang magkwento ng isang pangyayari.
4. Pangangatuwiran – layunin nito ang magkumbinsi sa iba, upang mapagtibay
ang mga dating pinaniniwalaan at upang makabuo ng mga bagong kaisipan at
saloobin.
Paggamit ng Tayutay
1. Pagtutulad (Simile) – payak itong paghahambing ng dalawang bagay na
magkaiba at sa paghahambing at gumagamit ng: tulad ng, gaya ng,
kawangis, paranh, at iba pa.
2. Pagbibigay-katauhan (Personification) – ito ay ang gawi, katangian at
talino ng tao ay isinasalin sa karaniwang bagay.
3. Pagwawangis (Metaphor) – ito ay direktang paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay.
4. Paglilipat-wika (transferred epithet)
– ginagamit sa mga karaniwang bagay ang mga pang-uri o adjective na
sadyang pantao lamang.
5. Pagtawag(Apostrophe)
– sa pahayag na ito, ang karaniwang bagay
ay kinakausap na parang tao. Ang mga bagay na binibigyang katauhan ay
parang kaharap na kinakausap.
6. Pagmamalabis (Exaggeration/Hyperbole)
7. –pinalalabis, pinaliit o pinakukulang ang katayuan o kalagayan ng isang tao,
bagay o pangyayari.
8. Pag-uuyam (Sarcasm/Irony)
– ang pahayag na nagungutya ngunit ginamitan ng salitang kapuri-puri.
9. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
– sa pahayag na ito, nagpapalit ng ngalan o tawag ang bagay o taong tinutukoy.
10. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
– ito pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan at maaari naman na ang isang tao ay kumakatawan sa pangkat.
11.Pagsalungat (Epigram) – ito ay umagamit ng mga salitang
magkasalungat ang kahulugan na pinag-uugnay.

Mga Konseptong Pananaliksik


Ayon kina Medel at Manuel (1976, sa aklat nina Austero et. al, 2013), ito ay isang
proseso ng impormasyon na gumagamit ng siyentipikong paglutas ng isang
partikular na suliranin.
Katangian ng Pananaliksik (aklat nina Rabulan et. al, 2015)
1. Sumasaklaw sa pangangalap ng mga datos at impormasyon.
2. Nangangailangan ng tiyaga at hindi minamadali.
3. Naglalayong mabigyang kalutasan ang isang suliranin.
4. Nangangailangan ng lakas ng loob, kasanayan at katapangan.
5. Gumagamit ng mga lohikal na pagsusuri
at ginagamitan ng maingat na pamamaraan.
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik:
1. Pagkamaingat
2. Pagkamatapat
3. Pagkamatiyaga
4. Pagkamasistema sa gawain
5. Pagkamapanuri o kritikal
6. Pagkamaparaan
7. Maging Responsible
Mga Kahalagahan ng Pananaliksik: (Lartec et al. 2007)
1. Benepisyong Edukasyonal – sa panig ng mga guro, naktutulong ang
pananaliksik sa kanila dahilito’y nagsisilbing gabay nila ang mga natuklasan
sa pag-aaral at mapagtagumpayan niya ang kaniyang epektibong pagtuturo
sa mga mag-aaral. Sa panig naman mag-aaral, natututo sila sa mga isyu,
metodolohiya, at iba pang aspekto sa kanilang napiling larangan.
2. Benepisyong propesyonal – nakapaghahanda at nakapaggagalugad ang
isang mananaliksik sa kaniyang propesyon o karera sa hinaharap dahil
nasasanay siyanh magbasa at mag-analisa ng mga daos na nagbubunga ng
pagkakaroon ng mas malawak na kaalamang magagamit niya sa kaniyang
propesyon.
3. Benepisyong personal – may mga benepisyo ka ring makukuha na maari
mong gamitin sa iyong buhay. Sa proseso, napauunlad mo ang iyong
pagiging analitikal at kritikal na pag-iisip na nagreresulta ng pagiging
metatag mo sa buhay.
4. Benepisyong pambansa – ang pananaliksik ay may ginagampanang
tungkulin sa paghubog ng kinabukasan ng isang bansa at tagapagbigay ng
kaunlaran at mabuting pamumuhay para sa lahat.
5. Benepisyong pangkaisipan – bukod sa sariling pag-unlad, ang proseso ng
pagtitipon-tipon ng mga nabasang ideya o pananaw mula sa iba’t ibang
manunulat ay naghahasa ng kaisipan bilang indibidwal.
6. Benepisyong pangkatauhan – nahahasa rin ang iyong kagalingan sa
pakikipagkapwa-tao dahil sa iyong pakikipanayam. Nagiging mahusay ka sa
pakikipagbigay dahil sa kagalingan mong makipag-ugnay sa iba’t ibang tao
upang makakuha ng mahalagang datos.
Mga Dapat Isaalang-alang ng Mananaliksik:
a. interes ng mananaliksik
b. kahalagahan sa sarili at iba
c. hindi pa napag-aralan
d. batay sa lawak ng kaalaman
e. itinakda sa tamang panahon
f. malaya sa legal at moral na usapin
Interes – kapag may sariling interes sa gagawing pananaliksik, hindi inaalintana
ang mga kahirapang makakaharap sa pagsasagawa nito. Ang interes ay
nakapagdaragdag ng lakas upanh magkakaroon ng ibaying sigla ang mananaliksik,
dahil nagiging sabik sa mga maaring bunga ng pananaliksik.
Pagkamahalaga – ang pagpahalaga sa anumang bagay ay nakatutulong upang
maingat na maisasagawa ang kailangan gagawin. Nagtuturo ang kahalagahan
upang bigyang importansya ang isang bagay o mga bagay.
Hindi pa napag aralan – sa pagbuo ng kaisipan sa kung ano ang pag-aralan,
kailangan na ang magiging paksa ay bago at hindi pa napag-aralan, maliban
lamang kung hinihiling ng pagkakataon o kung may mga karagdagang kailngang
alamin sa dati ng napag-aralan.
Batay sa lawak ng kaalaman – kailangan na ang sang pananaliksik ay batay sa
lawak ng kaalaman. Madaling matutukoy at malalaman ang mga kakailanganing
impormasyon o ‘di kaya’y madaling makakuha ng mga datos kung ang paksang
pinag-aaralan ay saklaw ng kaalman.
Itinakda sa tamang panahon – bagay na dapat isaisip ng isang mananaliksik ang
panahong itinakda para isagawa ang isang pananaliksik.
Malaya sa usaping legal at moral – Kailangan hinid nito saklaw ang usaping
legal at moral. Masaklaw ang usaping legal dahil sa maaring ang nagiging bunga
ng unang hatol ay babaligtarin o ang positibo ay magiging negatibo.
Mga Pamamaraan ng Pananaliksik:
1. Pamamaraang Pangkasaysayan – tinatangkang sagutin o tugunin ang
nakaraan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaugnayan ng sanhi at bunga.
Tumtuklas ditto ang mga nakalipas na kaganapan, mga kalagayan, at
sitwasyon sa pamamagitan ng mga sanhi.
2. Pamamaraang Palarawan – ito’y may layuning maglahad ng isang tumpak
na larawan ng kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay.
3. Pamaraang Eksperimental – ito’y napakakontroladong paraan kung saan
ang malayang baryabol ay ginagamit sa ‘di malayang baryabol upang
mabatid kung ano ang bias o epekto ng makayng baryabol sa ‘di malayang
baryabol.
Etika sa Pananaliksik
Ang Katotohanan ay mahalagang sangkap ganoon din ang katapatan bilang etika
sa gawaing pananaliksik. Ito ang mahalagang tungkulin ng mga mananaliksik.
Sa pagkilala ng pinagkukunan ng mga impormasyon o datos, ay nagpapakita ng
katapatan at ang paglagay sa mga ideyang ito na walang labis walang kulang ang
tumutukoy sa pagiging totoo.
Ang paggamit o pangongopya sa mga ideya na hindi kinikilla ang sumulat o
nagmamay-ari ay labag sa etika at sa batas. May kaukulang kaparusahan ang
sinumang lalabag ditto, ayon sa batas plagyarismo.
Panuntunan sa Etika ng Pananaliksik ayon kina Evasco et al. 2011 (aklat nina
Rabulan et. Al 2015)
1. Pagbanggit at pagkilala
2. Pagpahintulot na may malayang pagpasya
3. Pagkakumpidensyal at pagkapribado
4. Pagtataguyod sa kagalingan, kapakanan
at karapatan ng mga kalahok
5. Pakikiugali sa mga pamantayang kultural, legal at moral.

Mga Hakbang at Kasanayan sa Pagsulat ng Sulating Pananaliksik


1. Pagtukoy sa Paglilimita ng Paksa – Ang paksa ang pangunahing isaisip ng
mananaliksik. Kagaya ang alinmang sulatin, kung walang paksa, walang
suliranjin. Kapag natukoy na ang paksa, kasund naman nito ang paglilimita.
Sa paglilimita, matutukoy kung ano lamang ang pag-aaralan at ang
hangganan o kung ano lamang ang tatalakayin.
2. Pagbuo ng Konseptong Papel (Plano) – matapos matukoy ang paksa at
pagliliaamita, mahaagang magkakaroon ng plano o pundasyon ang
gagawaing pananaliksik. Napaloob ditto ang lahat na mga prinsipyo, teorya,
at mga kaisipang may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Ito’y nagagawa
sa pamamagitan ng pagbubuo ng talataang nagpapahayag kung bakit
isinagawa ang pananaliksik.
A. Rasyonale o Sanligan ng Pag-aaral (Background of the Study)
B. Layunin (Objective)
- Pangunahing Layunin
- Mga Tiyak na Layunin
3. Pamamaraan – ang bahaging ito ay naglalahad ng pamamaraang gagamitin
ng mananaliksik. Matatagpuan ito sa ika-3 bahagi ng papel pananaliksik.
Bago pa man sisimulan ang pananliksik, mahalagang matuykoy na ang
gagamiting paraan.
A. Disenyo ng Pag-aaral
B. Paraan ng pag-aaral
C. Mga Hakbang na sinusunod sa Pag-aaral
D. Istadisitikang Talakay
4. Tentatibong Bibliyograpi – nagagawa ang bahaging ito sa pamamagitan ng
pagkalap ng mga impormasyong may kauganayan sa gagawing pananaliksik.
5. Tentatibong Balangkas – ang pagbuo nito sa gawaing pananaliksik ay
lubhang mahalaga. Ito ay nagsisilbing gabay sa kung ano ang
kakailanganganing mga datos.
6. Pangangalap ng mga Datos – napakahalgag bahagi kahit anumang uri ng
pananaliksik dahil malaking bahagi ng magiging resulta ng pag-aaral ay
nakakasalalay sa mga datos (salin muka kay David 2002).
a. Aklatan – kung saan may iba’t ibang uri ng aklat ay nakatutulong sa mga
impormasyon o mga datos na kakailanganin.
b. Internet – paggamit ng makabaging pangangalap ng mga datos sa
pamamagitan ng kompyuter ng nakakabit sa internet. Maraming
impormasyon ang makukuha ditio hindi lamang local kundi maging ang mga
pag-aaral, ideya, at mga kaalaman sa iba’t ibang dako ng mundo.
c. Lipunan – pag-iinterbyu sa mga resppondents. Obserbasyon sa paligid o
kapwa, mga kasanayan at iba pa, ay mga bagay na mapagkukunan nga
impormasyon.
7. Paggamit at Pagsasaayos ng mga Datos – sa pagkakataon na nag mga
datos o impormasyong nakalap ay kaugnay sa ginawang pananaliksik ay
kwantitatibo, kailangang dumaan ito sa proseso.
A. Tuwirang Sipi (Direct Quotation)
B. Buod (Synopsis)
C. Prese (Precis)
D. Hawig (Paraphrase)
E. Halaw (Abstract)
Mga Mungkahing Dapat Gawin Bago Sumulat ng Isang Halaw: (Alejandro,
1948)
1. Basahin nang puspusan ang buong akda upang makuha ang panggitnang diwa
(central idea).
2. Suriin at hanapin ang mga pangunahin at mga pantulong na kaisipan.
3. Ito ay dapat basahin upang makatulong sa madaling ikauunawa
sa kalamnan ng orihinal.
4. Ito ay ‘di dapat magkaroon ng bakas ng may gawa.
Ayon kina T. Galang et al. (2007), ang halaw o “abstrak” ay “isang
maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pananaliksik. Saklaw nito ang panimula,
layunin o kahalagahan ng naturang pag-aaral, pamaaraang ginamit at kinalabasan
ng pananaliksik at kongklusyon.”
Iskeleton ng Halaw ng Pananaliksik
1. Pamagat ng Pananaliksik
2. Pangalan ng Mananaliksik o Awtor
3. Kurso/Degri
4. Paaralang Pinagtapusan at Taon ng Pananaliksik
5. Paglalahad ng Problema o Maikling Paglalarawan ng Pag-aaral
6. Lagom ng mga Natuklasan
7. Kongklusyon
8. Mga Tagubilin o Rekomendasyon
Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas ng Sulating Pananaliksik (Cantllo M.
L. Et al. 2016)
Ang balangkas ay napakahalagang isaalang-alang par sa pagbuo ng isang maayos
at lohikal na pagkaksunod-sunod ng mga ideya iupang lubos na maging
kapani-paniwala ang mga bagay na pagsisinungalingan o patotohanan sa paksang
sinasaliksik.
A. Introduksyon o Panimula – ito ay nagpapahyag ng pagpapakilla sa paksa
na maaring ikutan ng pananaliksik. Nakalhad din ang tesis na pahayag kung
saan napapahayag ng asersyon, paniniwala, o paninindigan ng may-akda.
Maari ring mga tanong sa nais sagutin sa papel.
B. Katawan – nakalahad ditto ang kaligirang impormasyon higgil sa
tatalakying paksa at mga paglalahad sa mga naunang pag-aarak na may
kaugnayan dito. Narito rin ang n=mga ekstensibong pagbabnggit sa mga
sanggunian o pinaghangian ng mga impormasyong susuporta sa paksang
tinatalakay.
C. Konklusyon – ang wakas na bahagi ay naglalahad ng buod o lagom ng
kinalabasan ng pag-aaral o pananaliksik. Dito rin nakasaad ang
napag-alaman sa pananaliksik at ipinapaliwanang ang dahilan kung bakit
ang mananaliksik ay humantong sa ganitong konklusyon.
Mga Bahagi ng Isang Sulating Pananaliksik:
Kabanata 1- Panimula
a. Sanligan ng Pag-aaral
b. Balangkas ng Pag-aaral (naglalarawan ng pagkakaugnay ng malayang baryabol
sa di-malayang baryabol.)
c. Batayang Teoritikal at Konseptuwal ng Pag-aaral
d. Paglalahad ng Suliranin
e. Ipotesis ng Pag-aaral
f. Pagbibigay Katuturan sa mga Katawagan
g. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
Kabanata II-Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Kabanata III- Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral
a. Disenyo ng Pag-aaral
b. Mga Kalahok sa Pag-aaral
c. Kagamitan sa Pagtitipon ng mga Datos
d. Pamamaraang Pinamit sa Pag-aaral
e. Pang-istadistikang Pagtalakay sa mga Datos
Kabanata IV- Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos
- binubuo ng mga Manghad (tables) at maikling pagtalakay o interpretasyon sa
mga datos
Kabanata V- Paglalagom, Konklusyon, Implikasyon at mga Rekomendasyon
- Talasanggunian
- Apendises

You might also like