Fil 120 Unang Markahan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Unang Markahan

ANG WIKA

Ano ang wika? Mahalaga ba ito sa buhay ng tao? Bakit na itinuturing na pangunahing
instrumento ang wika sa komunikasyon? Sa lahat ng ito, wika ang pangunahing kailangan
upang maibahagi natin sa ating kapwa ang nilalaman ng ating isip at damdamin. Kung wala
ang wika, imposible ring magkaroon ng katuparan ang mga gawaing likha ng tao sapagkat ito
lamang ang tanging midyum upang ang iba’t ibang karunungan at kaalaman ay maibahagi.
Dahil dito, sinasabing nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita (Fromklin at Rodman, 1983).

Kahulugan ng Wika
Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kaniyang sarili para makamit ang
kaniyang mithiin at adhikain niya sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay naipaparating ng tao
ang mga impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba.

Ayon kay Adamson Hoebel ( 1966 ) walang makapagsabi kung saan o paano ba talaga
nagsimula ang wika. Maaring ang tao noon ay nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-
iyak, paghiyaw, pagkilos o paggalaw / pagkumpas hanggat ang mga senyas na ito ay binigyan ng
mga simbolo at kahulugan.

Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Itoy
umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman itoy hindi istatik.

Ang mga dalubhasa sa wika ay may iba’t ibang pakahulugan sa wika.

Edward Sapir. Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga

kaisipan, damdamin, at mithiin.

Caroll (1964). Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.

Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng mraming danton at pagbabago sa bawat


henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy sa isang set ng mga
hulwaran ng gawi na pinag-aralan o natutunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat
kasapi ng pangkat o komunidad.

Todd (1987) Ang wika ay isang set o kabuuanng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon

Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi itoy sinusulat
din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang
wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

Gleason. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang

arbitraryo.

Tumangan, Sr. et al. (1997) Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas

na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang


pulutong ng mga tao.

Semorlan , et al. (1997). Ang wika ay isang larawang isinaletra at isinasabokal, isang ingat-

yaman ng mga tradisyong nakalagak dito.

Edgar Sturtevant . Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para

sa komunikasyon ng tao.

Sa mga kahulugang inilahad , mapapansin na halos magkakapare-pareho lamang ang


depinisyong ibinigay ng mga awtoridad sa wika.

Ang mga tunog at kahulugan ng mga salita ay magkakaugnay sa arbitraryong paraan.


Nangangahulugan ito na kung hindi mo panaririnig ang isang salita o ang mga tunog na bumubuo
sa salitang itoy hindi mauunawaan. Kung gayon, ang wika ay isang sistema kung saan iniuugnay
ang mga tunog sa kahulugan at kung alam mo ang wika, alam mo ang sistema.

Kalikasan ng Wika
Mula kay Austero, et al. (1999), malaki ang impluwensiya ng kalikasan ng wikang
ginagamit sa kanyang kapaligiran.
Pinagsama-samang tunog, Ang wika ay pagsasama-sama ng mga tunog na
nauunawaan ng mga tagagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita. Ang nabuong
salita mula sa mga tunog na ito ay may kahulugan.

May dalang kahulugan. Bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kanyang sarili lalo
na higit kung ginagamit sa pangungusap.

May espiling. Bawat salita sa iba’t ibang wika ay may sarili itong ispeling o baybay. Sa
wikang Filipino, masasabing madali lamang ang espiling ng mga salita dahil sa katangianng
wikang ito na kung ano ang bigkas ay siyang baybay.

May gramatikal istraktyur. Binubuo ito ang ponolohiya at morpolohiya, sintaks,


pragmatiks, sa partisipasyon sa kumbersasyon at sa antisipasyon ng mga impormasyon na
kailangan ng tagapagsalita at tagapakinig.

Sistemang Oral- Awral. Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral), pakikinig (awral).
Ang dalawang mahahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigay hugis sa mga
tunog na napapakinggan. Ang lumalabas na tunog na mula sa bibig ay naririnig ng tainga na
binibigyan ng kahulugan ng nakikinig.

Pagkawala o Ekstinksyon ng wika. Maaring mawala ang wika kapag di nagagamit o


wala nang gumagamit . Tulad din ito sa pagkawala ng salita ng isang wika.

Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus. Dahil sa iba’t ibang kultura ang


pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika ay iba iba sa lahat ng panig ng mundo. May etnograpikong
pagkakaiba sapagkat napakaraming grupo at /o etnikong grupo ang mga lahi o lipi.

Katangian ng Wika
Anumang wika ay nagtataglay ng sumusunod na mga katangian.

Dinamiko /buhay. Dahil dinamiko ang wika, ang vokabularyo nito ay patuloy na
dumarami, nadaragdgan at umuunlad. Aktibo itong ginagamit sa iba’t ibang larangan. Hindi
lamang ito pang—akademya kundi pangmasa rin.
May lebel o antas. May wikang batay sa gamit ay tinatawag na formal at di- formal,
pang-edukado, balbal, kolokyal, lalawiganin, pansyensya at pampaanitikan. Dumedepende ang
lebel o antas ng wika sa mga taong gumagamit nito maging sa uri ng lugar na pinaggagamitan

Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Sa
pagsasama-sama ng mga salita, nabubuo ang pang ungusap.Ginagamit ang wika bilang
instrumento ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at pagpapalawak ng kaalaman.

Ang wika ay natatangi. Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. May pagkakaiba-
iba man ang wika, wala namang maituturing na superior o imperyor. Napagsisilbihan ng lubos
ng partikular na wika ang lipunang gumagamit dito. Kaya walang makapagsasabi na nakahihigit
ang kanyang wika sa wika ng iba.

Magkabuhol ang wika at kultura. hindi maaaring papaghiwalayin ang wika at kultura.
Anuman ang umiiral sa kultura ng isang lipunan, ay masasalamin sa wikang ginagamit ng
nasabing lipunan. Ang pagkamatay o pagkawala ng isang wika ay nangangahulugan ding
pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang pagkakakilanlan sa isang kultura.

Gamit ang wika sa lahat ng uri ng disiplina / propesyon. Bawat disiplina / propesyon
ay may partikular na wikang gamit , kung kaya may mga partikular na rejister na lumalabas o
nabubuo. Maaaring may mga salitang pareho ang anyo na ginagamit sa iba’t ibang larangan
ngunit may iba’t ibang pakahulugan.

Kahalagahan ng Wika
Sa kasalukuyan, Ingles ang lenggwaheng globalisasyon. Ito ang linguwa franka ng
mundo. Ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya at komunikasyon. Wika ang
kasangkapan para sa materyal na pag-unlad , maging sa pagsulong ng kultura , edukasyon, sining
at humanidades.

Sa Pilipinas, Filipino ang pambansang linguwa franka . Ito ang wikang ginagamit ng mga
taong may iba’t ibang wika sa komunikasyon upang magkaintindihan.
Ang wika ay behikulo ng kaisipan. Ang wika ay tapaghatid ng kaisipan o ideya na
nagsisilbing tulay ng pagkakaunawaan ng bawat indibidwal o grupo. Ngunit maaari ring
makapagbigay ng maling kaisipan o impormasyon ang wika na magiging dahilan ng di
pagkakaunawaan.

Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao. Tagapaghatid ito ng mensaheng
pangkaibigan o pakikipagpalagayang loob. Naipapaalam sa pamamagitan ng wika ang iba’tibang
emosyon na nararamdaman ng bawat nilalang o grupo maging itoy pagkatuwa, pananabik,
hinanakit at iba pa.

Ang wika ay nagbibigay ito ng kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa


lipunan ng nagsasalita. Sa wikang ginagamit ng isang tao makikilala kung anong posisyon o
istatus ng buhay mayroon ang nagsasalita.

Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi, maging ng kanilang


karanasan. May mga salitang natatangi lamang sa isang grupo ng mga tao.

Ang wika ay pagkakilanlan ng bawat o pangkat o grupong gumagamit ng kanilang


mga salitang hindi laganap. Kahit hindi nagpakilala ng kanilang pangkat na pinanggalingan
ay makikilala sila dahil sa wikang ginagamit nila. Maging ang mga bakla o bayot ay may
kakaibang salitang ginagamit na hindi ginagamit ng ibang grupo ng tao.

Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit. Ang wika ng


panitikan ay masining. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ang yamang- isip ng bawat
pangkat. Ang panitikan ay lalong napagaganda nang dahil sa mga piling salita na gamit ng
mga malikhaing manunulat. Malayang naipapahayag sa panitikan sa pamamagitan ng wika ang
matatayog na pangarap, naiisip o nadarama ng sambayanan.

Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi. Wika ang dahilan
kung bakit napag-aralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat kahit nasa malayo man silang lugar.
Pasulat man ito o pasalita, wika ang naging daan para makilala natin ang kultura at tradisyon ng
iba’t ibang lahi.

Ang wika ay tagapagbigkis ng lipunan. Wikang panlahat ang tagapag-ugnay ng bawat


mamamayan para mabuo ang solidong pagkakaunawaan at kapatiran sa bawat bansa o mundo.
Bilang halimbawa, ang Filipino ang linggwa franka sa buong Pilipinas. Ito ang wikang nag-uugnay
sa mga mamamayan sa bansa. Ang Ingles ay isa sa mga linggwa franka ng daigdig na
nagbubuklod sa maraming bilang ng mga mamamayan ng daigdig.

Ibat Ibang Teorya ng Pinagmulan ng Wika


Ayon sa mga pag-aaral ng antropologist, ang wika ng mga kauna-unahang tao ay
maihahalintulad sa mga tunog na nalilikha ng mga hayop. Maaaring ang pinagbatayan ng
pahayag na ito ay ang kanilang paraan ng pamumuhay na sinasabing tulad lang din ng sa mga
hayop.

Subalit sa paglipas ng panahon at dahil sa angking talino, ang mga tao ay nakalinang ng
kultura at wika. At ang wikang ito ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagkomunikasyon
magpahanggang ngayon at marahil sa mga susunod pang mga panahon.

Ilang iskolar ang nagsagawa ng pag-aaral sa posibleng pinagmulan ng wika at ang ilan
sa mga naitala ay ang sumusunod:

1. Teoryang Ding-dong. Ayon sa teoryang ito, ang bawat bagayay may kaugnay na tunog.
Ginaya diumano ng mga tao ang mga tunog buhat sa mga bagay sa kanyang paligid
kabilang na rin ang mga bagay na siya mismo ang may likha.
2. Teoryang Bow- Wow. Ipinapalagay na ang wika ng tao ay nagbubuhat sa panggagaya sa
mga tunog na nalilikha ng kalikasan kabilang na rito ang mga tunog at ingay ng hayop.
3. Teoryang Yum-yum. Isinasaad dito na ang mga tao ay tumutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alimang bagay na nangangailanagn ng aksyon. Karaniwan itong ginagawa
sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila at guwang ng bibig.
4. Toeryang Yo-he-ho. Ang mga sinaunang tao ay pinaniniwalaang nagsimulang magsalita
sanhi ng matinding puwersa. Iba’t ibang tunog ang ating nalikha kaugnay ng pwersang
ito.
5. Teoryang Sing-song. Ipinapalagay na ang wika ay nagmula sa di matatawasang pag-awit
ng kauna-unahang tao ay ipinapalagay na kakambal ito ng teoryang pooh-pooh.
6. Tara- ra –boom-de-ay. Ang wika ng tao ay nag-ugat sa tunog na kanilang nilikha,
pagriritwal, pakikipagdigma at iba pa.
7. Teoryang Ta-ta. Ang kumpas ng tao na naganap sa partikular na okasyon ay ginaya ng
dila na naging sanhi ng pagkatuto ng tao upang lumikha ng tunog.

Ang mga teorya o haka-hakang binanggit ay maituturing na may kalabuan kaya mahirap
itong paniwalaan. Ganoon pa man, nakapagbibigay ito ng mga impormasyon upang magpatuloy
ang ating interes na pag-aralan ng wika sa kabila ng kasalimuotan nito.

Marahil, sa mga teoryang tinalakay, hindi maisasantabi ang paniniwala na ang


pinagmulan ng wika ay ang Diyos Ama mismo. Ang buhay at kalikasan ng tao ay sa Kanya
nanggagaling kasama na ang lahat ng kanyang tinatangkilik at isa na ang wika rito.

Bibliya rin ang maaaring pagbatayan sa kung paano lumaganap at nagkaiba –iba ang wika
sa daigdig. Sa Genesis 11: 1-9 (King James Version) ay nakasaad ang ganito:
“At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita.
2. At nangyari na, sa kanilang paglalakbay sa Silangan, ay nakasumpong sila ng isang
kapatagan sa lupain ng Sinar at silay nananahan doon.
3. At nagsangusapang, Halikayo! Tayoy gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti.
At inari nilang bato ang laryo at ang beton ay inuring argamasa.
4. At nagsipagsabi, Halikayo!, Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na
ang taluktok ni yaon ay aabot hanggang langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; saka
tayo mangalat sa ibabaw ng lupa.
5. At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan atang moog na itinayo ng mga anak
ng tao.
6. At sinabi ng Panginoon, Narito, silay iisang bayan at silang lahat ay iisang wika; at ito
ang kanilang pasimulang gawin, at ngayon ngay walang makasasawata sa anumang
kanilang balaking gawin.
7. Halikayo! Tayoy bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, anupat silay
huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
8. Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa, at kanilang
iniwan ang pagtatayo ng bayan.
9. Kaya ang pangalang itinawag ay Babel. Sapagkat doon ginulo ng Panginoon ang wika
ng buong lupa; at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.

Ang lungsod at toreng itinayo ng mga tao ay nakilala bilang Lungsod at Tore ng Babel
na ang kahulugan sa Ingles ay “ City and Tower of Confusion” sapagkat doon nagsimula ang
pagkalito, pagkakagulo-gulo at pagkawatak-watak ng mga tao nang pag-iba-ibahin ng Diyos ang
kanilang wika.
Tungkulin ng Wika
Itinuturing nating isa sa mga pinakamahalagang biyaya ng Diyos ang wikang ating
ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay at pakikipag-ugnayan. Isa-isahin sa bahaging ito
ang mga tungkulin ng wika.

Sa mga pag-aaral na ginawa tungkol sa wika ay naitala ni M.A.K. Halliday sa kanyang


aklat na Explorations in the Function of Language ang pitong tungkulin ng wika.

1. Pang- instrumental. Ito ang wikang sumasagot sa ating pangangailangan. Tulad na


lamang ng isang simpleng pakikipag-ugnayan. Maaaring may mga katanungan tayo
o ang ating kausap na kailangang bigyan ng kasagutan. Ang mga advertisement sa
radyo, telebisyon , mga magasin ay sakop pa rin ng tungkuling ito.
2. Panregulatori. Isa sa mga tungkulin ng wika ay ang pagkontrol sa isip at kilos ng tao.
Ang pagbibigay direksyon ay isang halimbawa nito, gayundin ang pagsunod sa panuto
sa pasulat naming paraan.
3. Pang-interaksyunal. Ito ang wikang nagpapatalas at nagpapanatili ng relasyong
sosyal. Bilang halimbawa nito ay ang pakikipag-usap sa isang mahal sa buhay o kayay
kaibigan. Kabilang pa rin ang pagdidiskusyon o simpleng pakikipag-interaksyon.
4. Pampersonal. Ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon. Makikita ang tungkuling
ito sa mga panel discussion, sa mga personal na dyornal at iba pa.
5. Pang-imahinasyon. Tumutukoy ito sa pagpapahayag ng imahinasyon at pagiging
malikhain o creative. Naipapakita ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay at
paglalarawan. Kasama rin rito ang drama, iskrip at mga tula.
6. Pang-heuristiko. Sinasaklaw ng tungkuling ito ang paghahanap ng mga inpormasyon
at mga bagay- bagay . halimbawa nito ang pakikipanayam, pagtatanong, sarvey at
mga pananaliksik.
7. Pang-impormatibo. Ito ang simpleng pagbibigay ng impormasyon. Makikita ito sa
mga pag-uulat, pagtuturo, pagbuo ng mga pamanahong papel at iba pa.

Mula sa mga tungkulin ng wikang inilahad ay malinaw na ipinakita ang mahahalagang


papel ng wika sa buhay ng tao kapwa sa pasulat o pasalitang paraan.
Kaantasan at Kategorya ng Wika
Antas ng wika ang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang tao. Sa pamamagitan nito
ay madaling naibabagay ng tao ang kaniyang sarili sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon.
Formal at impormal ang tawag sa dalawang kategorya ng wika at sa mga kategoryang binanggit
ay maihahanay naman ang kaantasan ng wika.

I. Pormal. Ang mga salitang ginagamit sa kategoryang ito ay pawang kinikilala at


ginagamit ng higit na nakararaming tao partikular nan g mga nkapag-aral. Mauuri ito sa
dalawang antas.
a. Pambansa. Kabilang dito ang mga salitang ginagamit sa pamahalaan at akademya.
b. Pampanitikan /Panretorika. Kadalasang masining at malalim ang kahulugan ng
mga salitang nakapailalim dito. Karaniwan ng gamitin ito sa amga akdang
pampanitikan tulad ng maikling kwento, tula, nobela at iba pang genre ng teksto.
II. Impormal. Ito ay ang mga salitang ginagamit natin sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap. Mga salitang karaniwan ginagamit sa pang-araw araw na pakikipagtalastasan o
pagdidiskurso sa mga kaibigan at kakilala.
a. Lalawiganin. Ang mga salitang nakapaloob dito ay bahagi ng mga salitang dayalektal.
Ang pagkakaiba-iba sa tono, maging ang pagkakaroon ng ibang kahulugan ng isang
particular na salita ay kabilang dito.

b. Kolokyal. Tumutukoy ito sa paggamit ng mga salitang karaniwan o madalas gamitin


sa mga informal na pakikipagtalastasan. Halimbawa nito ay “meron” sa halip na
mayroon, “pano” sa halip na paano. Wikang sadyang ginawa o binuo dahil sa
pangangailangan ng panahon at pagkakataon ayon sa tiyakang paggagamitan nito.
c. Balbal. Itinuturing na pinakamababa ito sa lahat ng antas ng wikang kinapapalooban
ito ng barbarismo at kadalasang sinasalita ng mga mangmang at ng mga di
nakapag-aral.Sinasabi ring bahagi ito sa pagiging malikhain ng tao.
d. Dayalekto / Bernakular / Rehiyunal. Mga salita o wikang ginagamit at nauunawaan
sa isang rehiyon o kinalakhang lugar katulad ng wikang Tagalog sa Tagalog Rehiyon,
wikang Cebuano sa Cebu at iba pa.
e. Lingua Franca. Ito ang mga salitang kilala o higit na ginagamit sa pook o sentro ng
sibilisasyon at sa kalakhang –Maynila ngunit ayon kay de Manila ( 1990) , ito ay
parang moda ng damit na madaling mauso madali ring mawala.
f. Bulgar. Ito naman ang wika o mga sinasalitang walang isinasaalang-alang na
moralidad sapagkat ito ay karaniwang nagpapahayag ng kagaspangang may halong
pagmumura. Ayon nga kay Mendillo, (Mabilin, et al., 2009), ang wikang bulgar ay
lumilitaw dala ng simbuyong nagngingitngit at nag-uumalpas na damdaming nais
isiwalat ang pagkagalit o pagkapoot.
g. Palit- pantig. Ito ang mga salitang kinabibilangan ng pagpapalit pantig lamang, wala
itong diwa sapagkat hindi ito lumilikha ng sariling diwa o kahulugan kaya hindi ito
ginagamit bilang akademiko at pampropesyonal na larangan. Binago o pinalitan
lamang nito ang mga pantig sa bawat salita. Lumitaw ang ganitong mga salita sa
kagustuhang mapansin o maging kakaiba sila sa lipunan.

Ayon kina David Zarc at R. Sm Miguel sa kanilang Tagalog- Slang Dictionary ay may
iba’t ibang paraan sa pagbuo ng mga salitang balbal o slang.

1. Panghihiram sa mga banyaga at katutubong bokabularyo.

jingle urinate (Ingles)


vacuum try to place somebody (Ingles)
pumapel make advances (Spanish)
gurang old/ aged (Visayan )
sibat scram / split (Visayan)
awanti none (Ilocano)
dua two (Ilocano)
utol brother / sister ( Pampanga)
yabang proud / boasful ( Pampanga)

2. Paggamit ng salitang Tagalog na may bagong kahulugan

aswang mother in law


bawang fat person
luto game fixing
ube one hundred pesos

3. Paggamit ng numero
5397 sum of 143 and 5254
100 dead body
12/25 christmas gift
4 aces wake

4.Paggamit ng akronim

A.I.D.S acquired insanity due to studies


B.Y beautiful and young
K.G.B gay at night/ kung gabi bakla
G.G poor / galunggong

1. Paglalaro sa salita

alvarado wristwatch Alva and Rado


bonifacio brave/ daring Philippine Hero
oto san servant be ordered
female house help be my tsimay

6. Pagbabaligtad ng pantig

adnagam maganda beautiful


atab bata girlfriend
wakangam magnanakaw thief
atik kita money

7. Pagbabaligtad ng buong pantig

astig tigas tough


bigtu tubig water
bokal kalbo bold
wakali kawali leftside

8. Kombinasyon

Akinset katapusan paydays


Kumander dila talkative
Labnat need for loving
Anong say mo what do you think

9. Pagpapaikli
amboy american boy
yosi cigarittes
lonta pants
angge american girl

You might also like