Department of Education: Republic of The Philippines
Department of Education: Republic of The Philippines
Department of Education: Republic of The Philippines
Department of Education
Region V-Bicol
Schools Division Office of Albay
PANTAO ELEMENTARY SCHOOL
Pantao, Libon, Albay
ARALING PANLIPUNAN 5
I. Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng implikasyon ng lokasyon ng bansa sa paghubog ng kasaysayan nito
a. Ang Pilipinas ay nasa Timog-silangang Asya.
b. Tinaguriang ‘Pintuan ng Asya’ ang Pilipinas.
c. Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ay impluwensya ng mga Tsino dahil sa estratehikong lokasyon ng bansa
na malapit sa China.
d. Napapaligiran ng mga anyong tubig ang Pilipinas.
2. Ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas ayon sa mga guhit longhitud ay ________.
a. 116°S at 125°S longhitud c. 127°S at 118°S longhitud
b. 118°S at 12°S longhitud d. 115°S at 126°S longhitud
3. Ito ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga karatig bansa.
a. Bisinal b.Kritikal c.Insular d.Absoluto
4. Ito ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga anyong tubig na nakapaligid sa isang bansa.
a. Bisinal b. Kritikal c.Insular d.Absoluto
5. Ito ay pagtukoy sa lokasyon ng bansa gamit ang longhitud at latitud.
a. Bisinal b.Absuluto c.Insular d.Relatibo
6. Anong bansa ang makikita sa hilagang bahagi ng Pilipinas?
a. Taiwan b.Vietnam c.Indonesia d.Malaysia
7. Anong bansa ang matatagpuan sa timog na bahagi ng bansa?
a. Taiwan b.Vietnam c.Indonesia d.Malaysia
8. Ang mga bansang Taiwan at China ay matatagpuan sa anong bahagi ng bansa?
a. Hilaga b.Silangan c.Kanluran d.Timog
9. Pinakamalaking anyong tubig ang Karagatang Pasipiko, saang bahagi ito ng bansa matatagpuan?
a. Hilaga b. Silangan c.Kanluran d.Timog
10. Dahil sa estratihikong lokasyon ng Pilipinas kung kaya tinagurian itong “________ ng Asya.”
a. Daanan b.Bintana c.Pintuan d.Daluyan
B. Ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa pinagmulan ng Pilipinas. Tukuyin kung ito ay mito o relihiyon.
_____________1. Labanan ng langit at dagat
_____________2. Paglalaban ng tatlong higante gamit ang mga bato at lupa
_____________3. May higit na puwersa na naglalang sa daigdig
_____________4. Paghiling ng Punong Pinagmulan na magkaroon ng lupa at kagubatan na madapuan nag ibon.
_____________5. Ang Diyos ang may likha ng sandaigdigan.