MGA Lapit o Dulog at Estratehi

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

RIZA G.

RONCALES
MGA ISYU AT KALAKARAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

MGA LAPIT O DULOG AT ESTRATEHIYA O PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG

WIKA AT PANITIKAN

I. Introduksyon

Napakabilis ng pag-usbong ng iba’t ibang makabagong paraan sa pagtuturo.

Kaakibat nito ang mala-kabuteng pagsulpot ng iba’t ibang lapit o dulog at mga

estratehiya o pamamaraan tungo sa mabisang pagtuturo. Ngunit, paano nga ba

isinasagawa ang mabisang pagtuturo? Masakit mang aminin o tanggapin walang

sinuman ang makapagbibigay ng tiyak na sagot sa katanungang ito. Maaagapan

lamang ang kalituhang ito kung magkakaroon ng sapat na kaalaman at pag-unawa sa

mga lapit o dulog at estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan. Ang

dulog o lapit ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto

at pagtuturo. Ang pamamaraan naman o estratehiya ay tumutukoy sa pangkalahatang

sistematikong pagpaplano na binubuo ng mga hakbang batay sa isang dulog (Anthony

(1963) halaw kay Badayos, 98). Sa madaling salita, ang estratehiya ay nakaangkla sa

isang natatanging dulog. Ang pagnanais na masuri ang iba’t ibang lapit o dulog at

estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan ang nagtulak upang

isagawa ang papel na ito.

Ang papel na ito ay naniniwala na ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at

pag-unawa sa mga dulog o lapit at estratehiya o pamamaraan ay makatutulong upang


RIZA G. RONCALES
MGA ISYU AT KALAKARAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
maisangkot ang mga mag-aaral sa interaktibo at makabuluhang pagkatuto. Tinitiyak din

na matugunan ang pagsusuri sa mga dulog o lapit sa pagtuturo ng wika at panitikan

kabilang na ang paglalarawan at ang paggamit nito. Binigyang-diin din ang mga

estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan, ang paglalarawan at

paggamit nito. Batay sa mga natuklasan, nabuo ang isang imbentaryo ng mga lapit o

dulog at estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan.

LAPIT/DULOG PAGLALARAWAN PAANO ITO GAGAMITIN?


Wika
Ang lapit o dulog na ito ay Himukin ang mga mag-aaral
tumutukoy sa pabuod na na manuklas ng ibang paraan o
pamamaraan ng paggabay sa tumuklas ng panibagong tuntunin
mga mag-aaral sa pagtalakay at o paraan. Bigyan ng
pag-oorganisa ng mga ideya at pagkakataon ang mga mag-aaral
1. Patuklas na Lapit pagproseso nito. Ito ay na maging aktibong partisipante
makatutulong sa mga mag-aaral ng pagkatuto sa pamamagitan ng
upang gamitin ang mga ideyang paggawa ng mga gawain,
natutunan sa pagtuklas ng pagmamanipula ng mga
panibagon ideya. kagamitan at pag-interpret ng
mga kinalabasan.
Binibigyang-diin nito ang Nagagamit ito sa
kognitibong pagkatuto: pagkatuto pamamagitan ng pag-oorganisa
sa nilalaman at pagtamo ng ng mga ideya tungo sa
kaalaman. Kinasasangkutan ito makabuluhan at mas malalaking
2. Konseptwal na Lapit ng paglikom ng sapat na mga ideya, mula sa konsepto tungo
ideya o konsepto. sa paglalahat. Bigyan ang mga
mag-aaral ng sapat na
pagkakataon para magbasa,
making at magsulat.
Ang dulog na ito ay Isinasagawa ito sa
sumasangkot sa prosesong pamamagitan ng pagtukoy sa
kognitibo gaya ng pangunahing ideya o konsepto
pagkukompara, pag-uugnay- ng isang paksang aralin,
ugnay, pagtukoy sa sanhi at pagbibigay ng halimbawa,
bunga, paghula sa posibleng pagbabalik-tanaw sa nakaraang
3. Unified Approach resulta at maging sinstesis ng pagtatalakay at pagbibigay-diin
isang paksa. Nilalayon nito na sa mahahalagang konsepto ng
malinang ang mga mag-aaral na paksang tatalakayin.
suriin at busisiin ang
pangkalahatan o kabuuan ng
mga bagay-bagay.
RIZA G. RONCALES
MGA ISYU AT KALAKARAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Naniniwala and dulog na ito na Naisasagawa ito sa
ang pagkatuto ng wika ay may pamamagitan ng pagtatalakay sa
kinalaman sa paglinang ng ugali mga tuntunin, pagbibigay-
o gawi. Samakatwid, inaalam halimbawa, pagsasaulo at
4. Dulog Istruktural ang istruktura ng wika at batay panggagaya.
ditto ay sinasanay ang mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pag-
uulit at pagsasaulo.
Ang lapit na ito ay gumagamit Nagagamit sa pamamagitan
ng teyp rekorder, larawan, ng pagpaparinig ng mga tula,
5. Dulog Audio-Lingual pelikula, slides upang mapadali kanta at iba pang gawaing
ang pagkatuto ng wika. kasasangkutan ng pandinig.
Panitikan
Binibigyang-diin ng dulog na Isinasagawa ang dulog na ito
ito ang mga elementong sa pamamagitan ng pagsusuri sa
bumubuo sa katha. Tinatalakay mga elemento ng katha. Sa
1. Dulog Pormalistiko angpagkakaugnay ng mga pagsusuri maaaring gumamit ng
bahagi ng katha. iba’t ibang grapikong pantulong
sa pag-oorganisa ng mga
elemento.
Pinagtutuonan ng dulog na ito Nagagamit ang dulog na ito sa
ang pamantayang moral na pagsusuri sabisang taglay ng
nakapaloob sa akda. Pinag- panitikan, kaisipang moral,
aaralan sa lapit na ito ang halaga ng tao, karangalan at
2. Dulog Moralistiko panitikan na may pagtatangkang kadakilaan. Ang pagsasadula sa
hubugin ang tao at lipunan. moral na nakapaloob sa akda ay
maaring isagawa upang
maisabuhay ang mga ito.
Pinagtutuonan ng pansin ng Nagagamit ang dulog na ito sa
dulog na ito ang mga elemento pagsusuri sa damdamin, aral at
ng panitikan kabilang na ang gawi ng tao batay sa kapaligirang
3. Dulog Sosyolohikal ugnayang sosyo-kultural, political sosyo-kultural. Pabuuin ang mga
at pamumuhay, damdamin,asal mag-aaral ng balita, pagtatalo o
kilos at reaksyon ng tao. di kaya’y reaksyong papel.
Tinatalakay sa dulog na ito Naisasagawa ito sa
ang nakakubling layunin ng mga pamamagitan ng pagsusuri sa
4. Dulog Sikolohikal manlilikha at mga motibo ng mga emosyon, damdamin, kilos at
tauhan sa isang akda. gawing ng tauhan sa akda.
Nakatuon ang dulog na ito sa Naisasagawa sa
pagsusuri sa istilo at devices na pamamagitan ng pagpapasulat
ginamit ng mga awtor tulad ng ng mga komposisyon ayon sa
5. Dulog Istaylistiko wikang ginamit, pananaw, pansariling estilo ng mga mag-
paglalarawan sa tauhan at mga aaral at iba pang gawaing
tayutay. susukat sa pagkamalikhain.

Matutunghayan sa talahanayang nasa ibaba ang iba’t ibang estratehiya o

pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan gaya ng pabuod, pasaklaw,

papanayam, direkta, pagkatutong tulong-tulong, tanong-sagot, integrated o pinagsanib,


RIZA G. RONCALES
MGA ISYU AT KALAKARAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
paulat, pagtuturong nakapokus sa mag-aaral at pagkatutong interaktibo. Inilalahad din

sa bahaging ito ang paglalarawan at paggamit ng mga estratehiya o pamamaraang ito.

ESTRATEHIYA /
PAGLALARAWAN PAANO ITO GAGAMITIN?
PAMAMARAAN
Wika
Ang pagtuturo ay sinisimulan Isinasagawa sa pamamagitan
sa pinakamadaling paraan ng paghahanda, paglalahad ng
patungo sa pinakakomplikado. mga ideyang bibigyan ng
1. Pamamaraang
Makatutulong ang pamamaraang paglalahat, paghahambing at
Pabuod (Inductive) ito upang makatuklas paghahalaw at paglalahat o
katotohanan, simulain at pagbuo ng pormula, kahulugan o
paglalahat. tuntunin.
Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito ayon sa mga
nagsisimula sa isang tiyak na hakbang na panimula,
aralin at nagtatapos sa pagbibigay tuntunin o simulain,
2. Pamamaraang paglalahat. Samakatwid, pagpapaliwanag, pagbibigay ng
Pasaklaw (Deductive) nagsisimula ang pamamaraang mga halimbawa,pag-uugnay
ito sa hindi nalalaman ng mga paglalapat at pagtataya.
mag-aaral patungo sa mga
bagay na nalalaman.
Ang pamamaraang ito ay Nagagamit sa pamamagitan
isang paraan ng pagpapaliwanag ng panimula o pagkuha ng
3. Pamamaraang at paglilinaw sa isang paksa.. atensyon ng mga mag-aaral,
Papanayam Gumagamit ito ng eksposisyon resitasyon at pagsubok kung
na maaaring sa pamamagitan ng ganap na naunawaan ng mga
pagsasalaysay o paglalarawan. mag-aaral ang lektyur.
Ito ay isang uri ng Inilalahad sa pamamagitan ng
pamamaraan na karaniwang may diyalogo, itinuturo ang
4. Pamamaraang
tanungan at sagutan na pagbabalangkas at
Direkta kadalasan ay tungkol sa mga pinahahalagahan ang pagbigkas
kilos at gawi sa silid-aralan. ng mga salita.
Binibigyang-diin nito ang Nagagamit ito sa pagbibigay
5. Pagkatutong Tulong- sama-samang pagtutulungan ng ng pangkatang gawain ng mga
Tulong guro at mga mag-aaral upang mag-aaral tulad ng pagbuo ng
mapagtagumpayan ang gawain. portfolio at iba pang proyekto.
Panitikan
Ito ang pinakagamitin sa loob Naisasagawa ito sa
ng klasrum. Kinakailangang may pamamagitan ng panimulang
1. Pamamaraang sapat na kaalaman ang guro sa pagtatanong, paglinang,
Tanong-Sagot paksa para sa isasagawa (paksang-aralin, paliwanag at
pagpapalitran ng tanong-sagot. halimbawa), pagsasanay
(pasalita o pasulat) at pagsubok.
Ang pamamaraang ito ay ang Nagagamit ito kung ang
pagsasanib ng iba-ibang paksa panitikan ay ginagamit bilang
2. Integrated Method at paglalahad sa mga ito bilang lunsaran ng pagtuturo ng wika o
iisang konsepto. di kaya’y ibang larangan.
3. Pamamarang Paulat Ang pamamaraang ito ay ang Ginagawa ito sa
pag-aatas sa mga mag-aaral ng pamamagitan ng isahan o
RIZA G. RONCALES
MGA ISYU AT KALAKARAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
mga paksang kanilang pangkatang talakayan,
tata;akayin isahan man o symposium o di kaya’y sa
pangkatan. pamamagitan ng pagbabasa at
pagkukwento.
Ito ang pamamaraang Binibigyan ang mga mag-
4. Pagtuturong nakapokus sa mga mag-aaral. aaral ng kalayaang makisangkot
Isinaalang-alang ang input ng sa pansariling pagkatuto. Ang
Nakapokus sa Mag- mga mag-aaral at hindi itinatakda mga patakaran ay iniaayon sa
aaral kaagad ang mga layunin. pangangailangan ng mga mag-
aaral.
Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito sa dalawahan o
nagbibigay-diin sa interaksyon ng pangkatan kung saan
5. Pagkatutong
mga mag-aaral at pag-unawa sa nagkakaroon ng pagpapalitan ng
Interaktibo konsepto ng iba. mga ideya ang pangkat tungo sa
ibang pangkat.

Sa kabila nito, walang tiyak na lapit o dulog at estratehiya o pamamaraan sa

kung paano isasagawa ang mabisang pagtuturo ng wika at panitikan. Ngunit, ang

pagkakaroon ng malawak na pag-unawa sa kalikasan at pangangailangan ng mga

mag-aaral kasabay ang malawak na kaalaman at pag-unawa sa mga dulog o lapit at

estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo nito ay makatutulong sa makabuluhan at

interaktibong pagkatuto ng mga mag-aaral.

MGA SULIRANIN SA PAGTUTURO NG WIKA AT PANTITIKAN


Lumabas na nangungunang suliranin sa pagtuturo ng wika at panitikan ang:
1. kakulangan sa kaalaman ng guro sa istrukturang gramatikal sa pagtuturo ng wika.
2. kakulangan ng kaalaman sa pag-unawa ng iba’t ibang pagdulog sa pagtuturo ng akdang
pampanitikan.
3. kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo;
at paggamit ng mga makabagong salita gaya ng jejemon at bekemon.
4. Lumabas din na ang pinakakaraniwang lapit na ginagamit ng mga guro ay ang integrative at
sinundan ito ng content-based. Ito ay nangangahulugan na ang baryedad ng mga lapit sa
loob ng isang pagtuturo ay mabisa sa pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ang integrative
approach ay pinagsanib at pinaghalong mga lapit at pamamaraan. Ilan sa mga mungkahing
gawain upang mapaunlad ang pagtuturo sa wika at panitikan ay nakatuon sa paglinang sa
kasanayan ng mga guro sa pagtuturo sa wika at panitikan, pagbuo at pagpapaunlad ng mga
kagamitang pampagtuturo at pagbibigay ng mga gawaing pampagkatuto na may kaugnayan
gamit ang teknolohiya. Bilang rekomendasyon, umigting pa lalo ang kawilihan ng mga guro
na makadalo at makibahagi sa mga gawaing hinggil sa pagpapaunlad ng pagtuturo at
paggamit ng mga lapit sa pagtuturo. Nararapat din na taglayin ng bawat guro ang sapat na
kaalaman sa paksa at sa mga makabagong paraan ng pagtugon sa pangangailangan ng
RIZA G. RONCALES
MGA ISYU AT KALAKARAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
mga mag-aaral. Dapat isaalang-alang ang pagpaplano ng mga tagagawa ng batas o
programa ang masinsinang paglinang ng kasanayan ng mga guro sa pagtuturo ng wika at
panitikan at sa mabisang implementasyon nito.

Mga Sanggunian

Mga Aklat:

Acero, Victorina O. et. al., Principles and Strategies of Teaching, Quezon City:

Rex Bookstore Inc. 2000.

Badayos, Paquibot B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Mga Teorya,

Simulain at Istratehiya, Makati City: Grandwater Publications and Research

Corporation, 1999.

Electronic Sources

https://pr`ezi.com/z2kykr5bqzwz/mga-lapit-pagdulog-at-istratehiya/?webgl=0

MGA LAPIT, PAGDULOG AT ISTRATEHIYA, Abril 21, 2018.

https://www.facebook.com/permalink.php?

story_fbid=496386743776796&id=476472942434843 . Abril 21, 2018.

Strategies in Teaching Literature:... (PDF Download Available). Available from:

https://www.researchgate.net/publication/317688529_Strategies_in_Teaching_Literatur

e_Students_in_Focus [accessed Apr 20 2018].


RIZA G. RONCALES
MGA ISYU AT KALAKARAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

You might also like