Format-Dlp DLL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO
BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Kwarter

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga


pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-
araw na pamumuhay.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto


ng ekonomkis bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO at KODA: Natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks


sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at lipunan. (AP9MKE-Ia-2)

I. LAYUNIN:

A. Natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-ara-araw na pamumuhay bilang


isang mag-aaral, kasapi ng pamilya, at lipunan.
B. Naibabahagi ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.
C. Makakabuo ng isang awtput tungkol sa kahalagahan ng Ekonomiks sa pamamagitan
ng:

a. Posternomiks
b. Ekotula (Poem)
c. Photo Collage

II. NILALAMAN:

A. Paksa: Kahalagahan ng Ekonomiks


B. Sanggunian: Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)-Ekonomiks Unag Edisyon
2020, pahina 3-5.
C. Kagamitan: Laptop and Power Point presentation
D. Pagpapahalaga: Ang pag-aaral ng Kahalagahan ng Ekonomiks ng mga mag-aaral
ay makakapagbigay talino upang sila ay maging aktibo sa pakikilahok sa mga
programang pang-ekonomiya ng pamahalaan kahit sa pinakasimpleng kaparaanan.
E. Integrasyon:

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO
PAMAMARAAN:
A. Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon: (LITERACY)

Si Roschel ay isang grade 9 na mag-aaral sa pambulikong paaralan ng Estancia National


High School. Kahit na may pandemya na dala ng Covid 19 ay may mga gastusing kaakibat
ng kanyang pag-aaral ngayong distance learning. Sa loob ng isang linggo ay binibigyan
siya ng Php 300.00 na allowance upang pambili sa kanyang mga kinakailangan.

Suriin ang talahayan ng mga produkto o serbisyo na maaaring bilhin ni Roschel at sagutin
ang mga kasunod na tanong.

Produkto/Serbisyo Presyo
Cellphone Load Php 100.00
Papel,colored papers, crayons,pens Php 150.00
Damit Php 200.00
Vitamins Php 150.00

1. Kung ikaw si Roschel, ano ang mga produkto o serbisyong handa mong ipagpalit
upang makabili ng Cellphone load? Bakit?
2. Nagkaroon ng libreng pamimigay ng vitamins sa inyong RHU. Kung ikaw si
Roschel paano mo pamamahalaan ang iyong badyet?

1. Paglalahad

Batay sa ipinakita sa presentasyon, ano kaya ang tatalakayin natin ngayong araw?

2. Pagtalakay

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Sa pag-aaral ng Ekononomiks, natutunan ng bawat indibidwal ang mga kaisipan,


pananaw, kasanayan, at konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa
lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghanapbuhay at mgakaroon ng
ikabubuhay.

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO

Maging ang mga galaw ng pamahalaan ukol sa pamamalakad ng ekonomiya ay


saklaw ng pag-aaral nito. Halimbawa, ang pamahalaan ay gumagawa ng desisyon na
mahalaga sa paglutas ng mga suliraning pang-ekonomiya tulad ng pagtaas ng suplay
ng bigas, pagkontrol sa presyo ng langis, pagkaloob ng tulong pinansiyal sa
mahihirap, pagpataw ng parusa sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan,
paghuli sa mga tao na sangkot sa illegal na gawain, at iba pa.

Maraming bagay ang dapat pagdesisyunan ng mga mag-aaral sa kanilang buhay.


Halimbawa, ay ang sumusunod:

Pagpili ng kurso sa kolehiyo Paggastos ng allowance

Pagpili ng mga damit at pagkain Pagsapi sa mga organisasyon

Pagsama sa pamamasyal ng mga


Pagpili ng magiging kaibigan barkada

Sa tulong ng ekonomiks mauunawaan na ang bawat desiyon ay maaari ding


makakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Bukod dito, mapahahalagahan mo rin ang pagtupad at pagganap mo sa iyong


tungkulin bilang mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang pagbabayad ng tamang
buwis,pagtangkilik sa sariling produkto, pagsunod sa mga batas na itinakda ng
pamahalaan,pagsuporta sa mga programa at proyektong pangkalikasan,
pangkabuhayan at panlipunan ng pamahalaan at mga non-governmental
oraganizations (NGOs), pagboto kapag may eleksiyon, at pagiging mapagmatyag at
alerto sa maling gawain ng mga namumuno sa ating bansa.

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO
Bilang miyembro ng pamilya, mahalaga rin ang mga desisyon na iyong gagawin sa
ikauunlad at ikagaganda ng samahan ng buong pamilya. Halimbawa nito ang pagbili sa
mga bagay na mas kailangan ng pamilya, makapaghanapbuhay upang makatulong sa
mga ito, pagtitipid sa paggamit ng kuryente at tubig, at iba pa.

Ang pag-aaral ng ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga mag-aaral upang maging
mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan sa lipunan. Higit na mauunawaan
ng mga mag-aaral kung paano ang mga pangyayari sa ekonomiya, tulad ng pagtaas ng
buwis at presyo ng langis, pagdaragdag ng sahod sa mga manggagawa, pagtratrabaho
ng mga manggagawa sa ibang bansa, paghina ng piso laban sa dolyar, at iba pang isyu
ay nakaaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ang mga kaisipang pang pampolitika, pangkabuhayan, at pangmoralidad ay nalilinang


din sa pag-aaral ng ekonomiks. Nagkakaroon ng lubos na pag-unawa ang mga mag-aaral
sa kaganapan sa lipunan at nagiging mulat ang mga ito kung bakit nagaganap ang isang
bagay. Ang pagiging mulat sa mga kaganapan sa lipunan ay makatutulong sa paghubog
sa wastong asal, gawi, at kilos ng tao sa lipunan.

Ang ekonomiks ay hindi lamang sumasalamin sa pagkilos ng tao sa lipunan. Sinusuri rin
nito ang epekto nag napakaraming suliranin na pinag-uusapan at nararanasan ng
ekonomiya ng bansa. Bawat tao, mahirap man o mayaman, ay may kanya-kanyang
reaskyon, opinyon, at saloobin ukol sa isang suliranin sapagkat bawat isa ay apektado ng
anumang suliranin sa ekonomiya.

Higit na magiging matalino ang mag-aaral sa pagsasagawang mga desisyon sa kanilang


buhay bunga ng mga bagay na kanilang natutunan sa pag-aaral ng ekonomiks. Kaya,
kailangang ituro sa mga mag-aaral ito upang sila ay maging aktibo sa pakikilahok sa
programang pang-ekonomiya ng pamahalaan kahit sa pinakasimpleng kaparaanan.

Mga katanungan:

1. Sa pag-aaral ng Ekonomiks, ano ang mga matutunan ng bawat indibidwal?

2. Ano ang isa sa mga pinakamahalagang katangian ang dapat matutunan ng mga tao
lalo na ang mga kabataan sa pag-aaral ng ekonomiks?

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO
3. Anu-ano ang mga halimbawa ng mga tungkulin at gampanin mo bilang isang
mamamayan na sakop ng pag-aaral ng Ekonomiks?

4. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks bilang kasapi ng pamilya?

5. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks sa lipunan?

6. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks bilang mag-aaral?

7. Bakit kailangan ituro ng mga guro ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks?

E KOMPARA ANG MGA TAON NA WALA PANG KINAKAHARAP NA PANDEMYA


AT NGAYONG MAY COVID 19 PANDEMIC. ANU-ANO ANG MGA NAPANSIN
MONG MGA DESISYON NA GINAGAWA NG IYONG PAMILYA AT MGA
OPISYALES NG INYONG BARANGAY O BAYAN NA MAY KAUGNAYAN SA
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS? (LOCALIZATION)

B. Linangin

1. Aktibiti

Panuto: Buuin ang kasunod na talahayan. Magbigay ng isang kahalagahan ng


ekonomiks para sa bawat hanay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SARILI PAMILYA LIPUNAN

2. Pagpapahalaga

Bakit lubhang mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks?

C. Pagnilayan at Unawain

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO

1. Paglalahat

Anu-ano ang kahalagahan ng Ekonomiks bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at


lipunan?

BILANG ISANG MAG-AARAL NA MAY ALAM NA TUNGKOL SA KAHALAGAHAN


NG EKONOMIKS, PAANO MO HIHIKAYATIN ANG IBANG MAG-AARAL UPANG
MAKA AMBAG SA PAGKAKAROON NG MAGANDANG EKONOMIYA ANG ATING
BANSA? (HOTS)

D. Ilipat

GAWAIN:

PANUTO: PUMILI LAMANG NG ISA SA TATLONG GAWAING PAGGANAP


BILANG AWTPUT TUNGKOL SA KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PANG-
ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY BILANG ISANG MAG-AARAL, KASAPI NG
PAMILYA AT LIPUNAN. PUMILI SA MGA ISYUNG PANG EKONOMIYA TULAD NG
EPEKTO NG COVID 19 PANDEMIC SA EKONOMIYA AT PAG-AARAL, MGA
DIGMAAN SA IBANG BANSA, TERORISMO, PAGPILI NG TAMANG KANDIDATO
SA ELEKSIYON, PAGTAAS SA PRESYO NG GASOLINA, AT PAGBABA NG HALAGA
NG PISO LABAN SA DOLYAR. GUMAMIT NG SHORT BOND PAPER (LANDSCAPE
O PORTRAIT) PARA SA NAPILING AWTPUT. GAWING CRITERIA ANG RUBRIK
SA IBABA. (DIFFERENTIATED INSTRUCTION)

A. POSTERNOMIKS-gumawa ng naaayon sa paksa. Ito ay pinagsamang


mga guhit at kasabihan.

B. EKOTULA(POEM)-maaaring tatlong talata. Ang bawat talata ay may 4 na


pangungusap.

C. PHOTO COLLAGE- mas madaming litrato tungkol sa paksa, mas mataas


ang puntos.

RUBRIK SA PAGGAWA NG NAPILING AWTPUT

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO

Kraytirya KAILANGAN PA NG KATAM- MAHUSAY PINAKAMAHUSAY KABUUANG


PAGSASANAY TAMAN PUNTOS

NILALAMAN
(CONTENT)
35%
Naipapakita at
naipapliwanag ng
maayos ang ugnayan ng
lahat ng konsepto
tungkol sa Kahulugan ng
Ekonomiks.
PAGKAMALIKHAIN
(CREATIVITY)
20%
Lubos na nagpapamalas
ng pagkamalikahain sa
paggawa ng awtput.

PAGKAMAPANLIKHA
(ORIGINALITY)
25%
Orihinal ang ideya sa
paggawa ng ng awtput.

KABUUANG
PRESENTASYON
20%
Malinis, maayos, angkop
at malinaw ang mensahe
ng awtput.

IV. EBALWASYON

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO

Panuto: Piliin sa sumusunod ang mga kaisipang may kaugnayan sa suliraning pang-
ekonomiya. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. (8 pts.)

A. Kakulangan ng bigas
B. Pang-aabuso sa karapatan ng mamimili
C. Pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka
D. Pandaraya sa halaga ng mga produkto
E. Pagpapatupad ng death penalty
F. Korapsiyon sa pamahalaan
G. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
H. Pagtala ukol sa family planning
I. Pagpapalit ng sistema ng pangongolekta ng buwis
J. Dami ng pagkain
K. Pagkasira ng kalikasan
L. Bagong sapatos

V. KASUNDUAN

Sa inyong mga kuwaderno isulat ang kahulugan ng SCARCITY at mga halimbawa


nito sa usapin sa Ekonomiks.

Inihanda Ni:

GRECIA FAYE A. TUNG


Guro I, Araling Panlipunan 9
Marso 8, 2021

Naitala Ni:

ANELEEN S. MALCO
Department Coordinator, Araling Panlipunan

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO

Format ka detailed and semi – detailed lesson plan ini…

Indicate, highlight (kung anu ang gusto mu nga color, but prefer YELLOW & GREEN..hehe),
dapat BOLD & ITALICIZE sa part ka lesson plan ang INTEGRASYON TO OTHER SUBJECTS,
DIFFERENTIATED INSTRUCTION, HOTS, LOCALIZATION, CONTEXTUALIZATION,
LITERACY, NUMERACY. (first 4 na highlighted dapat present gd inah xa lesson plan, while ang
last 3 if applicable lang)

P.S kung lain nga format imu gamit xa xubong xa DLP, if possible next time am una ini..
Kung DLL imu nagamit, accepted gd inah

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: [email protected]

You might also like