2nd CO2022final1
2nd CO2022final1
2nd CO2022final1
Department of Education
REGION XII – SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
JOHNNY ANG NATIONAL HIGH SCHOOL
KATANGAWAN, GENERAL SANTOS CITY
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
I- Layunin
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naibibigay at nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at
Timog Silangang Asya
B. Nailalahad ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
sa pamamagitan ng iba’tibang estratehiya
II. Nilalaman
Paksa: Mga dahilan, paraan, at epekto ng imperyalismo at kolonyalismo si Silangan at Timog-
Silangang Asya
Sanggunian: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 318-319
KAYAMANAN:Araling Asyano, pahina 248-270
https://www.youtube.com/watch?v=b7Wg8qHyRxc
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagbati
- Pagtatala
- Mga Paalaala:
Panatilihin ang organisasyon sa klase. Habang may nagsasalita lahat ay makinig. Kunin
ang atensiyon ng guro sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay kung mayroong
katanungan. Makiisa at maging aktibo sa lahat ng gawain. Practice safety protocols. Ang
indibidwal na nakagawa nito ay bibigyan ng karagadagang puntos.
B. Balik-aral
1. Ano ang kolonyalismo?
2. Ano ang imperyalismo?
ANNOTATIONS
D. Aktibiti
KRISTIYANISMO GINTO
SPICES
KAPANGYARIHAN
TERITORYO
SAGOT
1. Relihiyon
2. Kapangyarihan
3. Ginto
4. Pampalasa
5. Teritoryo
D. Analisis
-Feedback ng guro
E. Abstraksyon
Video Presentation
Ang guro ay magpapakita ng video presentation tungkol sa unang yugto ng imperyalismo sa Silangan at
Timog Silangang Asya.
Silangang Asya
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon ng ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang
Kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito nabatid ng mga Kanluranin ang
karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya. Bagamat maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong
naapektuhan ang Silangang Asya ng Unang yugto ng imperyalismong Kanluranin dahil na rin sa matatag na
pamahalaan ng mga bansan rito.
Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng Macao sa China at Formosa(Taiwan.). Hindi nagtagal ay
nilisan din ng Portugal ang nasabing himpilan.
Sa ikalawanag yugto ng imperyalismong Kanluranin, maraming bansa ang nag-unahan na masakop
ang China.
Pilipinas
Sumakop: Espanya
Dahilan: Mayaman ang Pilipinas sa ginto at may mahusay na daungan tulad ng Maynila
Paraan ng Pananakop: Pakikipagsanduguan, Kristiyanismo at Dahas
Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Espanyol
1. Pampulitika(Sentralisadong Pamamahala)
2. Pangkabuhayan
Tributo-pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol ang mga katutubo
Polo Y Servicio,-sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60.
Monopolyo-kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan
3.Pangkultura (Pagpalaganap ng Kristiyanismo, Wika at mga Pagdiriwang)
Indonesia
Sumakop: Portugal, Netherlands at England
Dahilan: Mayaman sa pampalasa, sentro ng kalakalan at maayos na daungan.
Paraan ng Pananakop: Tuwirang pananakop, Kristiyanismo, Divide and Rule Policy, Dutch East
IndiaCompany
Sa kabila ng pagkontrol sa kabuhayan hindi naman lubusang naimpluwensiyahan ng mga Dutch ang
Kultura ng mga Indonesian.
Malaysia
Sumakop: Portugal, Netherlands at England
Dahilan: Makontrol ang mga sentro ng kalakalan
Paraan ng Pananakop: Tuwirang Pananakop at Kristiyanismo
Samantala hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang Netherlands at England ang kultura
ng Malaysia. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga nabanggit na bansa sa
mga sentro ng kalakalan sa Malaysia.
F. Aplikasyon
Gawain 3: Its Showtime!
Panuto: Isa ang Pilipinas sa mga nasakop noong unang yugto ng imperyalismong Kanluranin. Sa
pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya ipakita natin ang epekto/impluwensiya ng kanilang pananakop
na nararanasan nating hanggang sa kasalukuyan. Papangkatin ko kayo sa depende sa gawain na
maibibigay sa inyo. Pag-usapan at talakayin ninyo bilang magkagrupo upang makakuha ng ideya ngunit
gawin ito ng kanya-kanya.
a. Paggawa ng tula
b. Pagguhit
c. Paggawa ng slogan
d. Paghahanap ng simbolo
G. Paglalahat
1. Ano-ano ang natutunan ninyo sa ating natalakay ngayon?
2. Ano ang inyong opinyon sa mga epekto ng patakaran na ipinatupad ng mga Kastila sa pamumuhay ng
mga Asyano.
3. Naging kapaki-pakinabang ba ang kinahinatnan ng mga pananakop ng mga Kanluranin sa Asya?
Ipaliwanag.
IV. Pagtataya
Punan ng tamang sagot ang Tsart
1. China
2. Pilipinas
3. Indonesia
4. Malaysia
V. Takdang-aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin.
Prepared by:
AIDA B. DAUT
Head Teacher III
Noted by:
ISIDRO D. SALANIO
Principal I