Talabook blg7. Q3
Talabook blg7. Q3
Talabook blg7. Q3
7
Walong Taong Gulang
- Genoveva Matute -
Lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan natandaan ko ang mukhang iyon
na may kaitiman sa karaniwan, may sarat na ilong, may bibig na makipot ngunit makapal na mga labi, at
may maamong mata, ay isang batang lalaking may walong taong gulang lamang at nagngangalang
Leoncio Santos.
Leoncio Santos! Yaon nga- ang pangalang naging palatandaan ko sa kanya upang tumayo, upang
magsalita, upang sumunod sa bawat iutos ko. Isa lamang siya sa animnapung bata na sa loob ng limang
araw sa isang linggo ay nakakaharap ko sa tinurang silid. Isa lamang sa pulutong na yaon na kung
bagamat nagkakaiba-iba ay ipinalalagay kong magkakawangki sa maraming bagay. Gaya halimbawa sa
karaniwang ugali ng mga batang makipagtuksuhan, makipagbabag upang pagkatapos ay makipagsundo.
Ang malaking kinaiiba ni Leoncio sa mga kasamahan niya ay ang kanyang pagkamaibigin sa pag-
iisa. Ito’y aking napansin nang lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan, kasabay ang pagkakatanda
ko na ang may maitim na mukhang iyun na may sarat na ilong at ay bibig na makipot at makakapal na
labi ngunit may maamong mata ay tumutugon sa pangalang Leoncio Santos.
Sa isang paglalaro ng mga bata sa loob ng bakuran ng paaralan ay nakita kong may malaking pinagkaiba si
Leoncio Santos sa mga kapwa bata. Nakita ko siyang titingin-tingin lamang sa mga naglalaro,
hindi nakikiisa sa pagsasay’t pag-iingay ng mga ibang bata. Napuna ko siya at mula noo’y pinag-ukulan
ko ng panahon ang pagmamatyag sa batang iyon.
Nang unang naisip kong marahil ay may karamdaman lamang si Leoncio Santos kung kaya ayaw
makipaglaro sa mga kamag-aaral. Ngunit sa loob ng silid ay napansin ko namang wala siyang
karamdaman.Ni hindi man siya nagkululang sa pagpasok upang hinuhain kong si Leoncio ay may sakit.
Araw-araway nakikita kong si Leoncio, sa oras ng paglalaro ay patingin-tingin lamang; kung
minsa’y nakasandal sa puno ng manggang nasa loob ng bakurang kung minsa’y nakaupo sa damong
malamig at luntian.
“Baka kaya siya walang kaibigan,” ang nasabi ko sa sarili habang minamasid ang kaawa-awang
anyong iyon na nakahilig sa puno ng mangga. Bagamat naniniwala ako sa palasak na kasabihang ang mga
bata’y madaling magkaunawaan, ano man ang kanilang wika, bumukas naman sa aking dibdib ang
pagtulong sa kanya ng hindi niya namamalayan. Kinausap ko ang ilang batang kamag-aaral ni Leoncio.
Iminungkahi kong makipaglaro sila kay Leoncio, sapagkat ito’y mabait, mapagbigay at hindi magaso.
Nangako naman ang mga batang kanilang tutuparin ang aking hiling sa kanila.
Ngunit nang muli akong dumungaw sa aking silid , nang ipukol ko ang aking paningin sa lilim ng
punong mangga , ay naroroo’t nakahilig si Leoncio Santos – na katulad ng dati. Hinanap ng aking
paningin ang mga batang kausap ko at sila’y nakita kong masayang- masayang nagsisipaglaro.
Nang sila’y muling nag-akyatan, ang mga bata’y tinawag ko at sa isang tinig na marahanay
ipinadama ko sa kanilang hindi nila ako sinusunod. Gaano ang aking pagtataka nang sabihin ng isa na
ganito: “ Amin nga po siyang tinawag upang maglaro- pinilit pa po namin, eh ayaw po talaga.”
Kaya’t nang sumunod na araw sa oras ng paglalaro ay tinawag ko ang aking mga tinuturuan at sa
kanila’y itinanong ko kung ako’y nais nilang isali. Gayon na lamang ang katuwaan at sa isang
kisapmata’y napaligiran ako ng may animnapung kaluluwang nanabik. Isang tingin lamang sa mga
nakapaligid na iyon – at tila natiyak ko na wala ang maliit na batang aking hanap. At tunay nga – sa
umpukang yao’y wala si Leoncio.
Tinanaw ko siya, at nakita kong nakaupo sa damong malamig at luntian na malapit sa bakod ng
paaralan. Kinawayan ko siya. Lumingon siyang tila nangangamba na mayroon akong tinatawag sa
kanyang likuran, at nang nakitang nag-iisa lamang siya sa damuhang yaon ay tumindig. Nakita kong
ibang-iba sa karaniwang bata kung siya’y tumindig. Hindi siya mabilis na gaya ng iba. Habulan ang
iminungkahing laro ng mga bata. Hahabulin ng pusa ang daga. Isang malaking bilog ang ginawa ng mga
bata sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ng isa’t isa.
Nakita kong tumakbong palingun –lingon si Leoncio na paligid – ligid sa limampu’t walong
kalaro, pumasok at lumabas sa kabilugan ng magkakapit na mga kamay, muling tumakbong palayo sa
mga kalaro. Kitang – kita ko ang kanyang pagkahingal.
Lampang – lampa! Di sanay maglaro ang katotohanang natambad sa aking isipan.
Mula noon, madalas ko siyang kausapin pagkatapos ng klase.
“Leoncio,” ang madalas kong sabihin sa kanya, “ mabuti sa bata ang naglalaro. Lalakas ang iyong
katawan at darami ang iyong kaibigan. Ayaw mo bang lumakas katulad ni Anselmo? Ayaw mo bang
dumami ang iyong kaibigan?”
Dapatwa’t sa tuwing ako’y durungaw sa oras ng paglalaro ay nakikita kong naroror’t naksandal
din sa puno ng mangga ang maliit na si Leoncio, o kaya’y nakaupo sa damong malamig at luntian,
nanonood gaya nang dati. Pigilan ko may di mapigil ang pagkalungkot sa kanyang anyo. Ngunit higit ang
pagdaramdam na yaon kapag makita ko siyang dali-daling sumasali kapag ako’y natatanaw.
Sa loob ng klase ay isa sa pinakamatalino si Leoncio Santos. Ang totoo’y madali siyang
makapangunguna sa lahat ng mga batang iyon kung di lamang sa ilang bagay.
Ang ilang bagay na ito’y ang pangyayaring si Leoncio ay madalas na tila nakikinig, madalas na
tila walang malasakit, at tila wala sa loob ang pag-aaral. Madalas na hindi masagot ang mga
katanungang hindi ko inuulit. Siya’y inupo ko sa gawing unahan, ngunit gayundin ang inaasal niya.
Si Leoncio ay laging malinis – pati kanyang damit bagaman ang karamihan sa mga ito ay
hindi agpang sa kanya. Ang ilan ay totoong mahahaba at ang ilan ay maiksi naman na tila
pinagkalakihan.
Minsan, noong hindi pa oras ng klase, si Leoncio ay napasukan kong nakasubsob sa harap ng
kanyang upuan. Nilapitan ko siya at tinanong kung inaantok, ngunit umiling siya nang bahagya at
tumindig sa kanyang mabagal na gawi. Nang ako’y lumingon nakita ko siyang palabas na ng silid.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong siya ay pumunta sa damuhang malapit sa bakuran.
Dumapa siLeoncio sa malamig at luntiang damo.
Higit na balisa si Leoncio ng hapong iyon. Ayaw makinig at tila inaantok. Wala siyang nasagot
saking mga tanong.
Sa pag-uuwian ang dating mapag-isang si Leoncio ay sumabay sa isang batang lalaking
nagngangalang Cesar. Tinanaw ko sila mula sa pintuan ng bakuran. Nakita kong si Leoncio ay
nakahawak sa bisig ni Cesar at marahan ang kanilang lakad.
Isang araw na hindi pumasok si Leoncio. Walang makapagsabi kung ano ang dahilan ng di niya
pagpasok.
Nang siya’y dumating nang sumunod na araw ay tinawag ko’t tinanong ang dahilan ng di niya
pagpasok.
“Nahilo po ako, Miss de la Rosa.” ang kanyang sagot.
“Ngayon ba’y hindi ka na nahihilo?” ang aking tanong.
At ang sagot niya’y hindi raw.
“Sabihin mo sa iyong nanay,” ang aking patukoy,” at ikaw ay pakainin nang madalas ng gulay,
itlog ng manok at mga bungang-kahoy at painumin ng gatas na sariwa.”
“Opo,” anya.
Anong lambat ng laman ni Leoncio sa kanyang payat na bisig!
Nang tanungin ko siya kung sinabi niya sa kanyang ina ang aking ipinagbilin, sinagot niya ako ng
isang bahagyang tango.
“Ano ang sagot ng Nanay, Leoncio?” ang aking tanong
Tumingin siya sa akin nang isang saglit, pagkatapos ay binawi ang mga mata , ipinako sa ibaba at
sa isang maliit na tinig ay sinagot ako ng “Wala po.”
May ilang buwan na ang nakaraan ay wala pa ring pagbabago akong namamalas kay
Leoncio.
Maliban sa sout niyang kung bagaman malinis ay parati rin naman may tanda ng kalumaan.
Patungo ako sa karatig silid nang aking marinig ang salitaan ng dalawang bata.
“Pirming walang baon,ano?”
“Oo nga, at naku! Kung makatingin sa ating pagkain.Nakikita mo ba?
Biglang pumasok sa aking isipan ang isang munting batang walong taong gulang na nakataas sa
akin ang mukha ngunit ang mata’y ayaw ititig.
Nanaog ako. Hinanap ko siya. Nakita kong nakatayo siya sa isang tabi. Ang isang paa’y nakataas
sa bakod na kinasasandalan, at sa isang paa lamang ang nakatayo. Isang batang may kinakain na tinapay
ang malapit sa kanya, at ito’y kanyang tinitingnan.
Madaling tinungo ang isang pulutong na nagsisipaglaro nang ako ay makita.Ngunit siya’y tinawag
ko at pinapanhik sa aking silid.
Napakamahiyain ni Leoncio Santos. Ako’y naggalit-galitan bago niya pinaunlakan ang aking
ipinagkaloob.
Hindi ko natagalan ang natambad sa aking paningin. Ni ayaw ko nang alalahanin pa ngyon kung
paano akong lumabas ng silid – sapagkat di matagalan ang kanyang naging ayos.
May ilang araw nang hindi pumapasok si Leoncio. Kung makita ko ang upuang walang tao ay
para kong nakikita ang isang maitim na mukhang may sarat na ilong, may makipot na bibig at makakapal
na mga labi, at may maaamong mga mata. Kung ako’y dumurungaw ay nakikita ko sa lilim ng punong
mangga, gayon din sa malamig at luntiang damo, ang isang batang may walong taong gulang na titingin-
tingin lamang sa – sa paglalaro, sa pagkakainan.
Gaya ng una, walang makapagsabi kung bakit hindi pumapasok si Leoncio.
Limang araw nang hindi siya pumapasok nang ako’y sumama sa dalawang batang umuuwi sa
dako ng tahanan ni Leoncio. Baku-bakong landas ang aming tinunton. Nakiraan kami sa maraming
bakuran. Nang dumating kami sa kinaroroonan ng tahanan ng dalawa kong kasama, sila’y pinauwi ko na
at ako’y nagpatuloy nang nag-iisa.
Malayu-layo rin ang aking nilikas buhat sa tahanan ng dalawang batang sinamahan ko. Sa wakas
ay nakita ko ang tahanang may bilang na gaya ng nasa talaan.
Hindi ko gaanong napakinggan ang sinasabi ng aking kausap. Paano’y sinisisi ko ang aking sarili
sa pagkakatanong ng gayon.
Lubog na ang araw nang aking ipukol ang mga paningin sa gawing durungawan.
“Leoncio.” ang sabi ko sa maysakit. “Magpagaling kang madali. Kunin mo itong dala ko sa iyo,
Pagpasok mo’y mayroon akong ipapakita sa iyo.”
Ako’y inihatid ng ina ni Leoncio. Ako’y naggalit-galitan bago niya napaunlakan ang aking
ipinagkaloob. Ngunit sa kanyang pagpapaunlak ay nakita kong nasaling ko ang isang pusong sugatan.
“...Pamahalaan...pag-aalsa
TALASALITAAN
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga
sumusunod na salita
• 1. Hinuhain -
• 2. Natambad -
• 3. Agpang -
• 4. Maestra -
• 5. Kisapmata -
Pag unawa sa binasa
Panuto: Sagutan ang mga katanungan
• 1. Paano Ninyo ilalarawan si Leoncio?
• 2. Ano ang pinagkaiba niya sa kanyang mga kamag-aral?
• 3.Sino ang sinabayan niya sa pag uwi?
• 4.Saan madalas makita ng guro si Leoncio?
• 5.Ano ang natuklasan ng kaniyang guro sa pagbisita kay Leoncio?