Walong Taong Gulang
Walong Taong Gulang
Walong Taong Gulang
Geneveva-Edroza Matute
Ang batang iyon, higit sa lahat, ang nakatawag ng aking pansin, hindi sa una pa lamang malas kundi sa
tinagal-tagal ng panahong aming ipinagkilala. Sa loob ng may dalawang linggo, ang batang yao’y isa
lamang sa animnapung batang aking kinakausap, tinatanong, sinasagot, pinangangaralan, inaalo. Siya’y
isa sa animnapung nangakikilala ko sa ayos ng mukha lamang.
Lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang matandaan kong ang mukhang iyon na may kaitiman
sa karaniwan, may ilong na sarat, may bibig na makipot ngunit may makapal na labi at maamong mata
ay sa isang batang lalaking may walong taong gulang lamang at nagngangalang Leoncio Santos.
Leoncio Santos! Yaon nga – ang pangalang yaon ang naging palatandaan ko sa kanya upang tumayo,
upang magsalita, upang sumunod sa bawat iutos ko. Isa lamang siya sa animnapung bata na sa loob ng
limang araw sa sanlinggo at nakaharap ko sa tinuring silid. Isa lamang sa pulutong na yaon na kung
bagama’t nagkakaiba ay ipinalalagay kong magkakawangki sa maraming bagay. Gaya halimbawa sa
karaniwang ugali ng mga batang makipagtuksuhan, makipagbabag upang pagkatapos ay
makipagkasundo.
Ang malaking ikinaiba ni Leoncio sa mga kasamahan niya ay ang kanyang pagkamaibigin sa pag-iisa. Ito’y
aking napansin nang lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan, kasabay ng pagkakatanda kong may
maitim na mukhang iyon, na may ilong na sarat at may makipot na bibig at makapal na labi ngunit
maamong mata, ay tumutugon sa pangalang Leonio Santos. Sa isang paglalaro ng mga bata sa loob ng
bakuran ng paaralan ay nakita kong may malaking ikinaiiba si Leonio Santos sa mga kapwa bata. Nakita
ko siyang titingin-tingin lamang sa mga naglalaro; hindi nakikiisa sa pagsasaya’t pag-iingat ng ibang bata.
Napuna ko siya at mula noo’y pinag-ukulan ko ng panahon ang pagmamatyag sa batang iyon.
Nang una’y naisip kong marahil ay may karamdaman lamang si Leoncio kung kaya ayaw makipaglaro sa
mga kamag-aral. Ngunit sa loob ng silid ay napansin ko namang wala siyang karamdaman. Ni hindi man
siya nagkukulang sa pagpasok upang hinuhain kong may sakit niya. Araw-araw ay nakikita kong si
Leoncio, sa oras ng paglalaro, ay patingin-tingin lamangl ung minsa’y nakasandal sa puno ng manggang
nasa loob ng bakuran; kung minsa’y nakaupo sa damong malamig at luntian.
“Baka kaya siya walang kabatian, a!” nasabi ko sa sarili samantalang minamasid ang kaawa=awang
anyong iyon na nakagilig sa puno ng mangga. Bagama’t naniniwala ako sa kasabihan ang mga bata’y
madaling magkaunawaan, anuman ang kanilang mga wika, bumuko naman sa aking dibdib ang
pagtulong sa kanya nang hindi niya namamalayan. Kinausap ko ang ilang batang kamag-aaral ni Leoncio.
Iminungkahi kong makipaglaro sila kay Leoncio, sapagkay ito’y mabait, mapagbigay, at hindi magaso.
Nangako naman ang mga bata na tutuparin ang aking hiniling sa kanila.
Ngunit nang muli akong gumungaw sa aking silid, nang ipukol ko ang aking paningin sa lilim ng punong
mangga ay naroo’t nakahilig si Leoncio Santos – na katulad ng dati. Hinanap ng aking paningin ang mga
batang kinausap ko at sila’y nakita kong masayang-masayang nagsisipaglaro.
Nang sila’y muling mag-akyatan, ang mga bata’y tinatawag ko at sa isang tinig na marahan ay ipinadama
ko sa kanilang di nila ako sinunod. Gaano ang aking pagtataka nang sabihin ng isa ang ganito.
“Amin nga po siyang tinwag upang maglaro – pinilit pa po namin, e ayaw pong talaga.”
Kaya’t nang sumusunod na araw, sa oras ng paglalaro ay tinawag ko ang aking mga tinuturuan at sa
kanila’y itinanong ko kung ako’y nais nilang isali. Gayon na lamang ang katuwaan nila at sa isang kanila’y
itinanong ko kung ako’y nais nilang isali. Gayon na lamang ang katuwaan nila at sa isang kisapmata’t
napaligiran ako ng may animnapung kaluluwang nananabik. Isang tingin lamang sa mga nakapaligid na
iyon – at tila ko na natitiyak na walang maliit na batang aking hanap. At tunay nga sa umpukang yao’y
wala si Leoncio.
Tinanaw ko siya, at nakita kong nakaupo sa damong malamig at luntian na malapit sa bakod ng paaralan.
Kinawayan ko siya. Lumingin siya, tila nangangambang mayroon akong tinatawag sa kanyang likuran, at
nang makitang nag-iisa lamang siya sa damuhang yaon ay tuminding. Nakita kong ibang-iba sa
araniwang bata kung siya’y tumindig.
Hindi siya mabilis gaya ng iba. Habulan ang iminungkahing laro ng mga bata.Pusa’t daga. Hahabulin ng
pusa ang daga. Isang malaking kabilugan ang ginawa ng mga bata sa pamamagitan ng paghawak sa
kamat ng isa’t isa.
Isang batang nagngangalang Anselmo ang pinatupad ko ng tungkuling pusa, at si Leoncio, na nais kong
magsaya’t makipaglaro si Leoncio na ayaw kong makitang ila isang matandang may mga alalahanin sa
buhay – ang pinatupad ko ng sa daga.
Sinimulan ko ang awiting dapat isaliw sa larong iyon. At limampu’t walong tinig ang sumunod sa akin.
Mabilis ang sibad ni Anselmo. Nang halos aabutan na lamang ang munting “daga-dagaan” ay parang
isang tinig ang lahat sa paghiyaw ng “Takbo! Takbo!” Muling lumingon si Leoncio at lalong binilisan ang
pagtakbo-at kitang-kita ko ang kanyang pagkarapa.
“Leoncio,” ang madalas kong sabihin sa kanya, “mabuti sa bata ang maglaro. Lalakas ang iyong katawan
at darami ang iyong kaibigan. Ayaw mo bang lumakas ka katulad ni Anselmo? Ayaw mo dumarami ang
iyong kaibigan?”
“Opo, Miss dela Rosa,” ang kanyang isinagot, “gusto ko po.”
Datapwat sa tuwing ako’y dudungaw sa oras ng paglalaro ay nakikita kong naroo’t nakasandal din sa
puno ng mangga ang maliit na si Leoncio, o kaya’y nakaupo sa damong malamig at luntian, nanonood,
nanonood na gaya ng dati. Pigilin ko ma’y di ko mapigil ang malungkot sa kanyang anyo. Ngunit higit ang
pagdaramdam na yaon kung makita ko siyang dali-daling sumasali sa laro kapag ako’y kanyang
natatanaw.
Sa loob ng klase ay isa sa pinakamatalino si Leoncio Santos. Ang totoo’y madali siyang makapangunguna
sa lahat ng mga batang iyon kung di lamang sa ilang bagay.
Ang ilang bagay na ito’y ang pangyayaring si Leonio’y madalas na tila hindi nakikinig, madalas na tila
walang malasakit sa nangyayari sa paligid, at tila wala sa loob ang pag-aaral. Madalas na hindi masagot
ang isang katanungang hindi ko inulit. Siya’y iniupo ko sa gawing unahan, ngunit gayon din ang inaasal
niya.
Si Leoncio ay laging malinis – pati ang kanyang damit, bagaman ang karamihan sa mga ito ay hindi
agpang sa kanya. Ang ilan ay totoong mahahaba at ang ilan ay maiikli naman – na tila pinagkalakhan.
Minsan noong hindi pa oras ng klase, si Leoncio ay napasukan kong nakasubsob sa harap ng kanyang
upuan. Nilapitan ko siya’t tinanong kung inaantok, ngunit umiling siya nang bahagya ay tumindig sa
kanyang mabagal na gawi. Nang ako’y lumingon at nakita kong palabas na siya sa silid. Sinundan ko siya
ng tingin at nakita kong pumatong sa damuhang malapit sa bakuran. Dumapa si Leonio sa lamig at
luntiang damuhan.
Higit na balisa si Leoncio nang hapong yaon. Ayaw makinig at tila inaantok. Wala siyang nasagot sa aking
mga tanong.
Sa pag-uuwian, ang dating mapag-isang Leoncio ay sumabay sa isang batang lalaking nagngangalang
Cesar. Tinanaw ko sila mula sa pintuan ng bakuran. Nakita kong si Leoncio ay nakahawak sa bisig ni
Cesar at marahan ang kanilang lakad.
Isang araw na hindi pumasok si Leoncio. Walang makapagsabi kung ano ang dahilan ng di niya pagpasok.
Nang siya’y pumasok nang sumunod na araw ay tinawag ko’t tinanong ang dahilan ng di niya pagpasok.
“Ngayon ba’y hindi ka na nahihilo?” ang aking tanong. At ang sagot niya’y hindi na raw.
“Sabihin mo sa iyong nanay,” ang aking patuloy, “na ikaw ay pakainin niyang madalas ng mga gulay, itlog
ng manok, at mga bungang-kahoy, at painumin ng gatas na sariwa, hane?”
“Opo,” anya.
Anong lambot ng laman ni Leoncio sa kanyang payat na bisig.
Nang tanungin ko siya kung nasabi niya sa kanyang ina ang aking ipinagbilin ay sinagot niya ako sa
bahagyang tango.
Tumingin siya sa akin nang ilang saglit, pagkatapos ay binawi ang mga paningin, ipinako sa ibaba at sa
isang maliit na tinig at sinagot ako ng:
“Wala po.”
May ilang buwan na ang nakaraan ay wala pa ring pagbabago akong namamalas kay Leoncio. Maliban sa
kasuotan niyang kung bagaman palaging malinis ay parati rin namang may mga tanda ng kalumaan.
Lagi rin siya sa lilim ng punong mangga at sa damuhan kung oras ng paglalaro.
Isa rin siya sa pinakamatalino sa klase, ngunit kailanma’y hindi naguna dahilan sa kanyang
pinagkaugaliang di pakikinig at di pagsasaloob ng pag-aaral.
Payat parin ang kanyang maliit na katawan at makalawa na siyang nahilo sa loob ng klase.
Aywan ko kung ako’y kanyang narinig, ngunit ako’y hindi niya sinagot. Kinailangan kong ulitin ang mga
katanungan bago niya ako tinugon ng isang marahang iling.
“Sinabi po.”
At hindi naman siya sumagot. Ang kanyang paningi’y may pinagkakaabalahan sa gawing lapag ng silid.
Sinapo ko ang kanyang baba at itinaas ko ang kanyang mukha, ngunit ang maaamo niyang mata’y ayaw
ititig sa akin.
Sabay sa kanyang pag-iling ay may gumulong sa maitim niyang pisngi na nagmula sa maaamo niyang
mata.
Nang araw ring yaon, sa oras ng pagkakainan, tinanaw ko ang paglalabasan ng aking animnapung
tinuturuan. Sa hagdanan pa lamang ay nakikita ko nang sa pook na binibilhan ng pagkain sila
nangakatanaw.
Tila mga kapalating nabulabog, ang animnapung ito’y nagkawatak-watak. Ang karamiha’y patakbong
tinungo ang pook ng bilihan ng pagkainl ang ilan ay nagsitabing binubuksan ang maliliit na balutan ng
baon.
Patungo ako noon sa karatig na silid nang aking marinig ang salitaan ng dalawang bata.
“Oo nga. At naku! Kung makatingin sa ating pagkain. Nakikita mo ba?” ang ulo ngunit ang mata’y ayaw
ititig, at mula sa mga yao’y…..
Nanaog ako. Hinanap ko siya. Nakita kong nakaatayo sa isang tabi. Ang isang paa’y nakataas sa bakod na
kinasasandalan, at sa isang paa lamang nakatayo. Isang batang may kinakain tinapay ang malapit sa
kanya. At iyon ay kanyang tinitingnan.
Madali niyang tinungo ang isang palutong na nagsisipaglaro nang ako’y makita. Ngunit siya’y tinawag ko
at pinapanhik sa aming silid.
Napakamahiyain ni Leoncio Santos. Ako’y naggalit-galitan bago niya pinaunlakan ang aking
ipinagkakaloob.
Hindi ko natagalan ang natambad sa aking paningin. Ni ayaw ko nang alalalahanin pa ngayon kung paano
akong lumabas sa silid – sapagkat di natagalan ang kanyang naging ayos.
May ilang araw nang hindi pumapasok si Leoncio. Kung makita ko ang upuan walang laman ay para kong
nakikita ang isang maitim na mukhang may sarat na ilong, may makipot na bibig, makakapal na labi, at
may maaamong mata. Kung ako’y dumurungaw ay nakikita ko sa lilim ng punong mangga, gayon din sa
malamig at luntiang damo, ang isang batang may walong taong gulang na titingin-tingin lamang – sa
paglalaro, sa pagkakainan.
Limang araw nang hiindi siya pumapasok nang ako’y summa sa dalawang batang umuuwi sa dako ng
tahan ni Leoncio.
Baku-bakong landas ang aming tinunton. Nakiraan kami sa loob ng maraming bakuran. Nang dumatal
kami sa kinaroroonan ng tahanan ng dalawa kong kasama, sila’y pinauwi ko na at ako’y nagpatuloy nang
nag-iisa.
Malyu-layo rin ang aking nilakad buhat sa tahanan ng dalawang batang sinamahan ko. Sa wakas ay
nakita ko ang tahanan may bilang na gaya ng nasa nsa aking talaan.
Pagbungad ko sa pintuan ay nakita ko ang malaon ko nang pinangangambahang makita. Sa isang banig
na nakalatag sa sahig ay naroon ang munting katawan ni Leonio Santos.
“Ang titser,” anya nang ako’y makita.
“Halikayo, maestra,” anang babaeng nagpatuloy sa akin, “salamat at inyong nadalaw ang aking anak.
Halikayo, dito kayo maupo,” at nagpalinga-linga tila may hinahanap na luklukan.
Madaling lumabas at nang pumasok ay may dala nang upuan, ngunit ako’y nakaupo na sa sahig at
hinahaplos ang noo ni Leoncio.
“Naku maestra, huwag diyan. Dito, dito kayo umupo,” anang babaeng nagpupumilit. “Kahiya-hiya sa
inyo. Hindi kayo sanay….”
“Huwag! Huwag ninyong sabihin ako’y ….sanay po, sanay!” At aking tinig ay nagbago. May humalang sa
aking lalamunan.
“Hindi po. Paano po’y… Alam ninyo, may kapitbahay kami riyang nagsasabing dinikdik na murang dahon
ng bayabas ay mabuti, gayundin ang pagtatapal ng dahon ng ikmo….”
Di ko gaanong napakinggan ang sinabi ng aking kausap. Paano’y sinisisi ko ang aking sarili sa
pagkakatanong ng gayon.
Lubog na ang araw nnang aking ipukol ang mga paningin sa gawing durungawan.
“Leoncio,” ang sabi ko sa maysakit, “magpapagaling kang madali. Kainin mo itong dala ko sa iyo, hane?
Pagpasok mo’y mayroon akong ipakikita sa iyo.”
Ako’y inihatid ng kanyang ina hanggang sa may hagdanan. Ako’y inihatid ng kanyang mga matang lalong
umamo sa pagkakatitig.
Napakamahiyain ang ina ni Leoncio. Ako’y naggalit-galitan bago niya pinaunlakan ang aking
ipinagkakaloob.
Ngunit sa kanyang pagpapaunlak ay nakita kong aking nasaling ang isang pusong sugatan.
Sa may hagdanang iyon, sa tinig na basag at paputol-putol ay inilantad niya sa aking paningin ang sanhi
ng kahiwagaan ni Leoncio….
Iyang mga katagang iyan ang nagbabagang katotohanang nag-iwan ng bakas sa aking kaluluwa.
Napatotohanan ko ang kasabihang kung kailan maraming sasabihin ang isang tao ay saka siya walang
masabi. Nagumapaw sa aking puso ang isang damdaming ayaw magpagalaw sa aking labi.
“Adyos po. Dahan-dahan kayo … mahina na ang hagdanang iyan. Salamat po, maestra. Adyos po!”
“Inay, umalis na ba ang titse? Ang sarap ng kanyang dala. Halina kayo… di pa kayo nanananghali, a!”
Sa kadiliman ng landas na aking tinatahak ay nakita ko ang isang batang wawalong taong gulang, maitim
sa karanwian, sarat ang ilong, makipot ang bibig na may makapal na labi, maaamo ang mata, na
tinatanong ko ng:
“Bakit, ayaw mo ba ng gulay at itlog? Hindi ka ba kumakain ng bungang-kahoy na sinabi ko sa iyo? At ang
gatas na sariwa?”