2nd Marakahang Pagsusulit Sa ESP10
2nd Marakahang Pagsusulit Sa ESP10
2nd Marakahang Pagsusulit Sa ESP10
Rehiyon III
FRANCES NATIONAL HIGH SCHOOL
Frances, Calumpit,, Bulacan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng pinakangkop na sagot sa iyong sagutang papel.
_______1. Ito ang mga kilos na nagaganap sa tao ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at
kilos-loob.
a. Kilos ng tao b. Makataong kilos c. Kilos-loob d. Mabuting kilos
_______2. Ito ang mga kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa.
a. Kilos ng tao b. Makataong kilos c. Kilos-loob d. Mabuting kilos
_______3. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob at ito ay hindi nakikita o nalalaman
ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos.
a. Kahihinatnan b. Sirkumstansya c. Paraan d. Layunin
_______4. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakadaragdag o nakababawas sa kabutihan o
kasamaan ng isang kilos.
a. Kahihinatnan b. Sirkumstansya c. Paraan d. Layunin
_______5. Ito ang panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.
a. Kahihinatnan b. Sirkumstansya c. Paraan d. Layunin
_______6. Ito ang pananaw na itinaguyod ni Immanuel Kant na naglalayong ipakita ang pagganap sa tungkulin bilang
batayan ng mabuting kilos.
a. Kautusang Walang Pasintabi c. Kautusang Walang Pasubali
b. Kautusang Walang Pakikisali d. Kautusang Walang Pagpili
_______7. Alin sa mga sumusnod ang kasabihan ayon kay Confucius na nagpapakita ng pagkakatulad sa reversibility
ni Immanuel Kant.
a. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw nilang gawin sa kanila.
b. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo
c. Huwag mong sabihin sa kanila ang ayaw mong sabihin nila sa iyo.
d. Huwag mong ipakita ang kabutihan sa iba kung hindi sila mabuti sa iyo.
_______8. Ito ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Santo Tomas de
Aquino?
a. Intensiyon at Layunin c. Paghuhusga at Pagpili
b. Isip at Kilos-loob d. Sanhi at Bunga
_______9. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga
bagay-bagay.
a. Mabuting Pagpapasiya c. Mabuting Kilos
b. Mabuting Pamamaraan d. Mabuting Layunin
_______10. Ito ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon. Itinatakda nito ang kilos bilang isang tungkulin at
mabuting dapat gawin.
a. Pagpapahalaga b. Pagpapasiya c. Paninindigan d. Paghuhusga
_______11. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban c. Isaisip ang posibilidad
b. Magkalap ng patunay d. Maghanap ng ibang kaalaman
_______12. Ito ay dikta ng bodily appetites at pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin.
a. Kamangmangan b. Takot c. Gawi d. Masidhing Damdamin
_______13. Ito ay mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw.
a. Kamangmangan b. Takot c. Gawi d. Masidhing Damdamin
_______14. Ito ang kilos na walang kaalaman at walang pagsang-ayon kaya hindi pananagutan ng tao.
a. Kusang-Loob b. Di Kusang-Loob c. Walang Kusang-loob d. Kilos-loob
_______15. Ito ang kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
a. Kusang-Loob b. Di Kusang-Loob c. Walang Kusang-loob d. Kilos-loob
_______16. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse c. Ang pag-iingat ng isang doktor sa pag-opera
b. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
_______17. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay
b. Dahil ito ay maktutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kanyang pagpili
_______18. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay Max Scheler?
a. nakakalikha ng iba pang pagpapahalaga c. nagbabago sa pagdaan ng panahon
b. mahirap o di-nababawasan ang kalidad d. malaya sa organismong dumaranas nito
_______19. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa sa ating pagkilos?
a. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
b. Sa pagbibigay sa kapwa, tumatanggap din tayo.
c. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.
d. Lahat ng nabanggit.
_______20. Kung ikaw ay magsasagawa ng ng pasiya, ano ang pinakhuling hakbang na iyong dapat gawin?
a. isaisip ang posibilidad c. umasa at magtiwala sa Diyos
b. maghanap ng ibang kaalaman d. tingnan ang kalooban
_______21.Si Alfonse ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng
kanyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa
pangongotong na kinukuha niya sa kanyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o mali ang kilos ni Alfonse?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan sa nangangailangan.
b. Mali, dahil hindi sa kanya galing ang kanyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kanyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
_______22. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Karl ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha
ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera ng kanyang magulang. Ang pagkuha ni Karl ng pera ay
masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kanyang ginawa dahil __________.
a. kinuha niya ito nang walang paalam
b. kinuha niya ito nang wala ang kanyang mga magulang
c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng respeto
_______23. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tama bang isang tao na mag-aral?
a. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan
b. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman
c. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan
d. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino lamang at masisipag pumasok sa paaralan.
_______24. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Loki ang pagpapasiya palagi niyang ipinapasa-Diyos niya na lamang
ang kanyang pagpapasya. Saang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Loki?
a. Tingnan ang kalooban c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Isaisip ang posibilidad d. Umasa at magtiwala sa Diyos
_______25. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na
maaaring ipalit sa kanyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang tindahan. Ang tindera
ay nagsinungaling sapagkat nag-aalala siya na baka mali ang kanyang maisukli. Anong salik ang nakakaapekto sa
sitwasyong ito?
a. Takot b. Gawi c. Karahasan d. Mamsidhing Damdamin
_______26. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka ng uwi galing sa
kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita
b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kanya
c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit
d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit
_______27. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Jean. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya ng
lubos ang kanyang tungkulin at responsibilidad. Anong prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita nito?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masama.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang
hangarin sa masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti o masama.
_______28.Ang pagtulong sa kapwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas
mataas na pagpapahalaga.
a. Ang pagtulong sa kapwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nakapagbibigay-kasiyahan sa sarili.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.
d. Ang pagtulong sa kapwa ay bunsod ng pakikisama.
_______29. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
b. Ang pagtulong sa kapwa nang may hinihintay na kapalit.
c. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan.
d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon