Filipino 9 Kuwarter 2 Modyul 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

9

FILIPINO
KUWARTER 2 – MODYUL 4
 Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa
talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan.
 Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang Asya.
 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na
paninindigan at mungkahi.
K to 12 BEC CG (Competency Code F9PS-IId-49, F9PU-IId-49, F9WG-IId-49

1
Pangalan ng Mag-aaral ________________________________________________________

Baitang at Seksiyon_____________________________________Petsa _________________

Guro______________________________________________________________________

Wika at Gramatika: Angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng


opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi

Binabati kita sa husay at tiyaga na iyong ipinamalas sa mga nakaraang aralin. Ngayon nama’y
ituloy natin ang pagpapalawig ng iyong kaalaman.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninidigan at mungkahi. Paano mo mabisang maipahahayag ang iyong opinyon o
pananaw gamit ang mga pahayag na ito?

Angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at


mungkahi
Ang isang opinyon ay isang saloobin o damdamin lamang batay sa mga makatotohanang
pangyayari at hindi maaaring mapatunayan kung tama o mali.
Ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring nagaganap o namamamalas sa ating
paligid ay maituturing na bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay . Sa pagbibigay
ng opinyon, makabubuting tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusupan upang
masusing mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap ang ating
mga opinyon.
Mga pahayag sa pagbibigay ng iyong opinyon o pananaw:
 Sa aking palagay ….
 Sa tingin ko ay ….
 Para sa akin ….
 Ang paniniwala ko ay ….
 Ayon sa nabasa kong datos ….
 Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil ….
Halimbawa:
Para sa akin ang mga kababaihan ay unti-unti na ring napahahalagahan.
Ayon sa nabasa kong datos ang sexual harassment ang madalas na daing ng mga
kababaihan.
Ang paniniwala ko ay ang mga kababaihan ay hindi katulong na tagasunod sa lahat
ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”
Mga pahayag sa pagbibigay ng matibay na paninindigan
 Buong giting kong sinusuportahan ang...
 Kumbinsido akong...
 Labis akong naninindigan na...
 Lubos kong pinaniniwalaan...

1
Halimbawa:
Lubos kong pinaniniwalaan na marami na ring samahan ang itinatag upang
mangalaga at magbigay-proteksiyon sa mga kababaihan.
Kumbinsido akong patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang
patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.

Mga pahayag sa pagbibigay ng mungkahi


 Maaari
 Puwede
Halimbawa:
Maaari kang bumaling sa isang pinagtitiwalaang kaibigan o sa isang
makaranasang tagapayo.

Dagdag-Kaalaman
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng
isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa
na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o
impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa
isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring
pagpasyahan ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng
pagdiriwang o okasyon.

Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:


1. Panimula – ito ang ginagamit na pangganyak upang mapukaw ang isipan ng mga
nakikinig. Dito’y maaaring gumamit ng mga pagkukuwentong pampatawang may
kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito
nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat
ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

Gabay sa Paggawa ng Talumpati


1. Paghahanda sa Pagsulat- Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga
impormasyon at mga ideya para sa sulatin.
2. Aktuwal na pagsulat- Sa hakbang na ito isinasalin ng mga manunulat ang kanyang mga
ideya sa mga pangungusap at talata.
3. Pagrerebisa at Pag-eedit- Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay
nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling
pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati

2
Mga Patnubay sa Pagbigkas ng Talumpati

1. 1. Layunin
Mahalagang maunawaan ng bibigkas ang tunay na layunin ng talumpati. Hindi
kailanman mabibigyang buhay ang pyesa kung hindi malinaw sa bibigkas ang layunin nito.

2. 2. Pagkakaugnay ng Mambibigkas at Madla


Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag niya ang manonood. May malakas
siyang hikayat sa madla kung nagagawa niya itong patawanin o paiyakin sang-ayon na rin sa
diwang isinasaad ng talumpati.

3. 3. Tikas o Tindig
Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay nasa nauunang paa. Kadalasang kanan ang
nauunang paa. Ngunit kung patag ang tayo, ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.

4. 4. Tinig
Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang isinasaalang-alang ay ang diwa ng tula. Kaya’t
ang tinig ay maaaring magbagu-bago ayon na rin sa diwang isinasaad nito. Maaari rin namang
pabulong o paanas. Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kaila niya hihinaan o lalakasan
ang tinig ayon sa diwang ipinaaabot ng tula.

5. 5. Panuunan ng Paningin
Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga mata. Dapat itong
maiwasan. Nagiging mabisa ang bumibigkas kung alam niya ang pagtutuunan ng kanyang
paningin. Karaniwang ang paningin ay nagsisimula sa gitna sa gawing likuran. Maaari itong
igawi sa kanan o kaliwa, ngunit hindi dapat laktawan ang gitna.

6. 6. Himig
Ang isang dapat maiwasan sa pagbigkas ay ang himig na parang ibong umaawit o parang
pusang naglalampong. Kung minsan naman, ang tono o himig ng bumibigkas ay naroong
lumakas-humina; humina-lumakas. Ito ang tinatawag na monotone. Hindi ito kahali-halina sa
nakikinig. Ang mahalaga ay ang pagsasaalang-alang sa diwa ng tula o talumpati.

. 7. Pagbigkas
Dapat maging malinaw ang pagbigkas o pagbitaw ng mga salita ayon sa wastong diin at
pagkakapantig nito. Ang mga pantig ay dapat na ipukol nang malinaw lalo na ang mga salitang
may impit na tunog.

8. 8. Pagkumpas
Higit na maganda kung sa pagkumpas ay isinusunod natin ang ating mata. Para bang
hinahagod natin ng tingin ang direksyong itinuturo. Dapat iwasan ang pabigla-bigla o pasulpot-
sulpot na kumpas. Tandaan na ang bawat pagkumpas ay may layunin. Damhin kung ano ang
nais ipahayag ng tula o talumpati.
http://nicexdfilipino02.blogspot.com/2014/10/mga-patnubay-sa-pagbigkas-ng-tula-at.html

7
3
Inaasahang malinaw na sa iyo ang mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi. Palalimin mo pa ang iyong kasanayang panggramatika sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga inihandang gawain.

Gawain I: Opinyon Mo’y Ipahayag


Panuto: Pagmasdan mo ang sumusunod na mga larawan. Ibigay ang iyong opinyon o pananaw
tungkol sa mga larawan. Gumamit ng mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinion, matibay na
paninindigan at mungkahi.
1. Pagwawagi ni Rabiya Mateo
bilang Miss Universe
Opinyon
Philippines 2020
Ano ang masasabi mo sa pagwawagi ni
Bb. Rabiya Mateo bilang Miss Universe
Philippines 2020?
_________________________________
_________________________________

2. COVID-19 sa Pilipinas
Matibay na paninidigan
Naapektuhan ba ng COVID 19 ang
pamumuhay ng inyong pamilya?
_________________________________
_______________________________

3. Kahirapan sanhi
Mungkahi
ng COVID-19
Paano maiaangat ang ekonomiya ng
Pilipinas sanhi ng COVID 19 ?
_________________________________
_________________________________

4
Gawain II: Oo o Hindi
Panuto: Ilahad ang iyong paninindigan o opinyon ukol sa paksang “Katanggap-tanggap bang
pantay ang karapatan ng kababaihan at kalalakihan sa ating lipunan?”. Ipaliwanag kung bakit
oo/hindi ang iyong sagot sa isang talatang binubuo ng hindi bababa sa sampung pangugusap.
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

Laang
Mga Pamantayan
Puntos
Napanindigan ang argumentong binuo 5
Maayos ang pagkakalahad ng paninidigan 3
Wastong gamit ng mga salita 2
Kabuoang puntos 10

Binabati kita sa ipinakita mong kahusayan! Nagtagumpay ka sa mga Gawain.


Maghanda ka na para sa Pagtataya.

PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at ibigay ang iyong opinyon o pananaw tungkol sa mga pahayag. Gamitin
ang mga ibinigay na angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon at matibay na paninindigan
sa pagbibigay ng pananaw o opinyon. (2 puntos bawat bilang)

1. “Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at
naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.
Ang paniniwala ko ay ______________________________________________________.
Labis akong naninindigan na _________________________________________________.
2. Ang babae ay katuwang sa buhay.
Para sa akin ______________________________________________________________.
Lubos kong pinaniniwalaan__________________________________________________.
5
3. Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unti na ring napahahalagahan. Hindi man ito maituturing
na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang kababaihan ang nagiging
biktima.
Sa tingin ko ay ____________________________________________________________.
Kumbinsido akong _________________________________________________________.
4. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay-proteksiyon sa mga
kababaihan.
Ayon sa nabasa kong datos ___________________________________________________.
Buong igting kong sinusoportahan ang _________________________________________.
5. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng
bayan sa lahat ng panahon.
Para sa akin _______________________________________________________________.
Kumbinsido akong _________________________________________________________.

B. Panuto: Sumulat ng isang argumento hinggil sa paksang “Karapat-dapat ang dalagang


Filipina sa isang tunay na pagtangi”. Isang talatang binubuo ng limang pangungusap o higit
pa. (5 puntos)
______________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

C. Aking Pananaw, Ipahahayag Ko!


Panuto: Isang malaking isyu ngayon ang pandemyang dulot ng COVID-19. Ipahayag ang pananaw
tungkol sa paksang “Disiplina at Pagkakaisa: Kalasag laban sa COVID-19” sa pamamagitan
ng pagsulat ng talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan.
Talata 1: Ibigay ang iyong pananaw tungkol sa COVID-19.
Talata 2: Ipahayag ang iyong pananaw tungkol sa “Disiplina at Pagkakaisa: Kalasag laban sa
COVID-19”. Maaaring sa paraang Naglalahad, Nagsasalaysay, Nangangatuwiran at
Naglalarawan.
Talata 3: Paano mapananatili ang Disiplina at Pagkakaisa upang malabanan ang pagkalat ng COVID
19?

6
Laang
Mga Pamantayan
Puntos
May kaangkupan sa paksa ang binuong talumpati 5
Maayos ang pagkakalahad ng paninidigan 5
Kabuoang puntos 10

PERFORMANCE TASK
Panuto: Bumuo ng sariling pananaw tungkol sa kung ano ang dapat na maging katayuan ng
kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng talumpati. Gamitin ang mga angkop na mga
pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. I-video ang sarili at
isumite ang inyong video sa inyong guro sa Filipino gamit ang Flashdrive o maaari ring ipasa ang
file sa messenger. Ang video ay tatagal ng 2 hanggang 3 minuto.

Talata 1: Ilarawan ang mga katangiang taglay ng mga kababaihan.


Talata 2: Ilahad ang sariling pananaw tungkol sa katayuan ng mga kababaihan sa lipunan.
Talata 3: Patunayang ang mga kababaihan ay dapat na mayroong pantay na karapatan sa
kalalakihan.

Laang
Mga Pamantayan
Puntos
Nilalaman/May kaangkupan sa paksa ang binuong 40
talumpati
Bigkas at Tinig 30
Ekspresyon ng mukha, Tindig, Kilos 20
Angkop ang mga pahayag na ginamit 10
Kabuoang puntos 100

7
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain I: Opinyon Mo’y Ipahahayag


Ang pagbibigay ng marka ay nakasalalay sa guro.

Gawain II: Oo o Hindi


Ang pagbibigay ng puntos o marka ng guro ay nakabatay sa nailahad na pamantayan.

SANGGUNIAN:

Aklat
Peralta, Romulo N. et.al, 2014, Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino, 5th Floor
Mabini Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, 1600: Vibal Group, Inc.

Internet Site
Ang mga larawan ay halaw sa www.google.com
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati
http://nicexdfilipino02.blogspot.com/2014/10/mga-patnubay-sa-pagbigkas-ng-tula-at.html
https://pdfslide.tips/education/filipino-9-mga-pahayag-na-ginagamit-sa-pagbibigay-ng-opinyon-at-
mga-wastong.html

You might also like