Banghay Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 6 Q3 Aralin 15

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 15: Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansibiko

Bilang ng araw ng Pagtuturo:

5 Araw (30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang
maunlad, mapayapa at mapagkalingang pamayanan

Pamantayan sa Pagganap:

Naipakikita ang mga gawaing tumutugon sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok na may
dedikasyon at integridad

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:

Nabibigyang-halaga ang mga batayang kalayaan na may kaukulang pananagutan at limitasyon

4.1. kalayaan sa pamamahayag

4.2. pagbibigay ng sariling opinyon, ideya o pananaw

Code: EsP6PPP- IIIa-c–34

II. PAKSA: Aralin 17: Ako Tungo sa Kamalayang Pansibiko

a. Sanggunian:

MISOSA 6. Makatuwiran at Pantay na Pagbibigay ng Pasiya; Pagkukusang Sumali sa mga Gawaing Pansibiko

b. Kagamitan: powerpoint presention, videoclips (Jam nina Kevin Roy at Cooky Chua), artikulong “Problemang Pinas: Wapakels”
mula sa thepinoysite.com, Social Awareness Campaign” ni CJ Angeles na kinuha sa youtube.com, metacards, manila paper/cartolina,
permanent marker at masking tape

c. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bansa

* Kamalayang Pansibiko (Civic Consciousness)

III. PAMAMARAAN

Unang Araw

A. Panimulang Gawain:

1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.

2. Pagdarasal

3. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.

4. Pagpapaayos ng silid at mga upuan

5. Pagpapakita ng mga larawan ng pagka kanya-kanya o kawalang pakialam sa kapwa at kumonidad. Hayaang magbigay ng
opinyon o ideya ang bawat isa.
Mga larawang kuha gamit ang www.google.com. (Mas mainam na puntahan at i-cite ang orihinal na website.

a. Ano-anong tagpo ang makikita sa larawan. Isa-isahin?

b. Sino-sino ang kabilang sa mga larawan at ano ang kanilang ginagawa?

c. Nakikita o namamasdan nyo ba ang mga iyan sa inyong paligid?

d. Ano ang naisip o naramdaman mo habang nakikita ang mga larawan at inaalala ang aktwal na nagaganap sa kapaligiran?

e. Tama ba o mali ang ipinakikita ng mga nasa larawan? Maghatol at mangatwiran?

B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin

Magpakita ng mga bagong larawan. Sa pagkakataong ito, ang mga larawan ay nagpapamalas ng Civic Consciousness o Kamalayang
Pansibiko.

Mga larawang kuha gamit ang www.google.com. (Mas mainam na puntahan at i-cite ang orihinal na website.

Magkaroon ng talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga ito:

a. Ano ano naman ang makikita at ginagawa ng mga tao na nasa bagong mga larawang ipinakita?

b. Sa pagkakataong ito, ano ano naman ang inyong naramdaman habang pinagmamasdan ang mga larawan?

c. Bumanggit ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa ipinakikita ng mga larawan. Ano ang wala sa unang set na nasa ikalawang
set? (Magbigay ng iba pang prompts hanggang mai-direkta ang mga bata na kailangan ng Kamalayang Pansibiko)

d. Ibigay ang depinisyon ng Kamalayang Pansibiko at mga halimbawa kung papano ito maipapakita. Gamitin ang mga
kapaliwanagang nasa MISOSA 6. I-highlight din na napakahalagang paraan para maisakatuparan ito ay ang pagkakaroon ng
kagustuhang makatulong at kalayaan sa pamamahayag.

e. Ipabasa ang artikulong: Problemang Pinas: Wapakels!

Closure: Iparinig ang awit na Jam nina Kevin Roy at Cooky Chua. Sa huli, bigyang diin ang sabi sa lyrics na: Kilos kabataan, oras
natin ‘to. MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK. Ipabigkas ito sa mga mag-aaral.

Ikalawang araw

2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.

b. Balik-aral. Itanong :

1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?

2. Anong pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?

3. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyo at sa bansa bilang miyembro ng lipunang iyong ginagalawan?

c. Pangkatin sa lima mga mag-aaral at ibigay ang sumusunod na gawain:

PANGKAT PAKSA GAWAIN

Unang Pangkat Ako, kapwa at katarungan Impormal na debate

Ikalawang Pangkat Ako, kapwa at kalikasan Sayaw interpretativ


Ikatlong Pangkat Ako, kapwa at kahirapan Dula-dulaan

Ikaapat na Pangkat Ako, kapwa at edukasyon Pagguhit ng poster/collage

Ikalimang Pangkat Ako, kapwa at pag-uugali Paglalapat ng lyrics sa isang kanta

d. Talakayin ang mekaniks at ibigay ang iba pang mga direksyon tulad ng:

1. Magkaroon ng sama-samang pag-iisip (brainstorming) tungkol sa nabunot na konsepto/gawain na dapat malaman ng isang
mag-aaral na bahagi ng isang bansa.

2. Nakabase sa nakaatang na gawain, ipakita/talakayin ang mga reyalidad ng buhay at kung ano ang ideyal o nararapat na isaisip
at ikilos ng tao.

e. Ipabatid ang rubriks para sa gawain.

RUBRIKS PARA SA PANGKATANG GAWAIN

KRAYTERYA NAPAKAHUSAY

(3 Puntos) MAHUSAY

(2 Puntos) KAILANGAN PANG PAUNLARIN

(1 Puntos)

Nilalaman Lahat ng konseptong nakapaloob sa output ay tumpak at may kinalaman sa paksa Isa hanggang dalawang
konseptong nakapaloob sa output ay tumpak at may kinalaman sa paksaTatlo o higit pang konseptong nakapaloob sa output ay tumpak
at may kinalaman sa paksa

Kahusayan ng output Napakahusay at masining na nagampanan ang nakaatang na gawain na naipakita sa output
Mahusay at masining na nagampanan ang nakaatang na gawain na naipakita sa output Hindi gaanong lumabas ang husay
at sining sa pinakitang output/pagganap

Pagtutulungan ng Pangkat Lahat ng miyembro ay aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output Isa
hanggang tatlong miyembro ay hindi gaanong aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang outputApat o higit pang
miyembro ay hindi gaanong aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output

(Para sa guro)

Tandaan na ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng mga mag-aaral at guro sa pag-gagrado ng gawain.

Maaari rin naming ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may konsultasyon sa mag-aaral upang lalong mapaganda ang rubrics.

f. I-video ang pagtatanghal/pagpapaliwanag. (Hingin ang pagpayag ng mga bata).

g. Magkaroon ng maikling paglalahat sa nakaraang gawain. (Mas mainam na sa mga mag-aaral manggaling)

Closure: Gamitin ng tama ang kalayaan sa pamamahayag upang magkaroon ng kamalayang pampulitika, pang-ekonomiya, pang-
edukasyon, pansosyal, pang-kalikasan at pangkultural. (Ipabigkas sa mga bata: MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK.)

Ikatlong Araw

3. Isapuso Natin

b. Ipa-panood sa mga mag-aaral ang video clip ng kanilang pagtatanghal bilang pagbabalik-aral.

c. Banggitin ang buod ng nakaraang aktiviti.

d. Ipa-panood sa mga mag-aaral ang maikling video clip na “Social Awareness Campaign” ni CJ Angeles na kinuha sa
youtube.com
e. Itanong ang mga sumusunod:

1. Ano-anong datos na may kinalaman sa mga suliranin sa bansa ang ipinakita sa video clip?

2. Naniniwala ka ba na mabibigyan pa ng solusyon ang mga suliranin ng bansa?

(Kapag sumagot na ng “opo” ang mga mag-aaral, ipagawa ang susunod na gawain. Kung hindi ang sagot, i-proseso upang sa huli ay
makumbinsi sila na may paraan pa.)

f. Pagsulatin ang mga mag-aaral ng kanilang panunumpa o pangako na makikiisa sa paglutas ng mga suliranin na nangyayari sa
bansa sa pamamagitan ng pagkumpleto nito:

Gamit ang aking kalayaan sa pananalita at pagmamahal sa bansa,

makatutulong ako sa paglutas ng mga sumusunod na suliranin ng bansa:

____________________________________________________________________

____________________________________________________________

Upang mangyari ito, ipinapangako ko na gagawin ko

________________________________________

______________________________________

Tulungan nawa ako ng Diyos!

(Ipasulat ito sa papel na korteng puso. Hayaan din ang mga batang lagyan ito ng iba pang desinyo)

Closure: Bawat isa ay may magagawa o maitutulong. Ang kailangan ay: MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK. (Sa
pagkakataong ito, ipabanggit sa mga bata ang tatlong kataga sa paawit na paraan.)

C. Pangwakas na Gawain

Ikaapat at Ikalimang Araw

4. Isabuhay Natin

a. Itanong. Sa paanong paraan ka makatutulong upang mabigyang solusyon ang mga suliraning nararanasan ng bansa.

b. Gamit ang simpleng template na nasa ibaba, bumuo ng isang mungkahi sa pamamagitang ng project proposal (tingnan ang
kasamang kopya na gagamitin ng bata).

c. Ipaulat ang mga mungkahing proyekto. Bago ito, sabihin na ang mapipiling proyekto ay aktwal na isasagawa ng boung klase
bago matapos ang yunit.

MUNGKAHING PROYEKTO

Pangalan ng Proyekto:

Tagapagsulong:

Kailan at Saan Gaganapin:

Rationale: (Gabayan ang mga bata sa pagbuo nito. Sabihin na magsimula sa ano ang kasalukuyang suliranin (tungkol sa napili ng
grupo) at paano makatutulong ang proyektong nais isagawa. Ilahad din ang inaasahang magiging impact o mabuting epekto nito.
Layunin: (Tulungan ang mga mag-aaral na gumawa nito sa pamamagitan ng mga halimbawa) Ipaunawang ito ay espisipik na mga
gagawin at naisin na agad-agad maisasakatuparan sa pagsasagawa ng proyekto.

Mga Gawain: (Ano ano ang mga nakatakdang gawain mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasakatuparan ng mga ito.

Paghahati ng mga gawain: (Ipasulat ang mga trabaho at kung sino ang gaganap dito.

Closure sa ikapat na araw: Sasabihin ng guro: Kung hindi ikaw, sino? Kung hindi

ngayon, kalian?

Sasagot ang mga mag-aaral: MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK.

IV. Pagtataya

5. Subukin Natin

a. Balikan ang mga konseptong tinalakay sa mga nakaraang araw.

b. Pasagutan ang sumusunod na katanungan:

1. TAMA o MALI. Nagpapatuloy ang iba’t ibang suliranin sa bansa dahil sa kawalang kamalayan o pakialam sa mga
pangyayari sa komunidad at bansa?

2. Identipikasyon. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, anong mabuting pagpapahalaga ang dapat malinang sa tulad
mong Pilipino?

3. Multiple Choice. Magagampanan ang pagtugon sa mga suliranin sa pamamagitan ng:

A. Pagbibigay ng ideya o opinion

B. Pagtupad sa malaya at responsableng pamamahayag

C. Pakikipagtulungan sa bansa

D. Lahat ng nabanggit

4.-5. Pag-iisa-isa. Magbigay ng dalawang aspektong pang-sibiko na dapat kang magkaroon ng kamalayan.

Matapos makapag tsek ng papel, ituon ang atensyon ng mga mag-aaral sa panonood sa pakikinig ng awit.

Closure sa ikalimang araw: Sasabihin ng guro: Hayan nakatapos na naman tayo ng isang aralin kaya binabati ko kayo sa inyong
aktibong pakikilahok.

Patuloy nating tatandaan na sa EsP, natutunan ay ilagay sa isip, damhin ng puso at ikilos ng katawan.

Sa anomang suliranin, ipakita ang pagmamahal sa bansa kaya dapat tayo ay… MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK (tugon ng
mga mag-aaral)

(Muling patutugtugin ang awit na Jam)

V. Takdang-aralin

Maglista ng iba pang mga suliranin sa komunidad/bansa na hindi pa natalakay sa klase at kapanayamin ang mga magulang o
kapitbahay sa maaaring solusyon o magagawa dito.

Isulat sa kwaderno ang sagot at maghanda sa pagbabahagi sa klase

You might also like