0% found this document useful (0 votes)
621 views7 pages

Aralin 28

Ang dokumento ay tungkol sa aralin sa edukasyon sa pagpapakatao tungkol sa pananalig sa Diyos. Binibigyang diin nito ang kahalagahan ng pananalig sa Diyos upang mapabuti ang pagkatao at makamit ang kapayapaan. Ipinapakita rin nito ang iba't ibang paraan upang mapalakas ang pananalig sa Diyos tulad ng pagsulat ng love note, pangkat na gawain at pagsasagawa ng personal na credo ng pananalig.

Uploaded by

Bianca Geagonia
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
0% found this document useful (0 votes)
621 views7 pages

Aralin 28

Ang dokumento ay tungkol sa aralin sa edukasyon sa pagpapakatao tungkol sa pananalig sa Diyos. Binibigyang diin nito ang kahalagahan ng pananalig sa Diyos upang mapabuti ang pagkatao at makamit ang kapayapaan. Ipinapakita rin nito ang iba't ibang paraan upang mapalakas ang pananalig sa Diyos tulad ng pagsulat ng love note, pangkat na gawain at pagsasagawa ng personal na credo ng pananalig.

Uploaded by

Bianca Geagonia
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1/ 7

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 28
Ang Pananalig sa Diyos

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw ( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling
kapayapaan (inner peace) para sa pakikitungo sa iba

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw bilang patunay sa
pag-unlad ng ispiritwalidad

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
11. Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad
11.1 Napapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng
mabuting pagkatao
11.2 pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at
pagmamahal sa kapuwa at Diyos.
Code: EsP6PD-IVa-i-16
II. PAKSA: Aralin 29 Pananalig sa Diyos
a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG p. 87
b. Kagamitan: powerpoint presention, videoclips “Ang Pag-ibig ng Diyos sa
Tao” (4.05 minuto).
https://www.youtube.com/watch?v=OQ1mxhUaWnk
metacards, manila paper, permanent marker at masking tape
c. Pagpapahalaga: Pananalig sa Diyos

III. PAMAMARAAN
Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
1. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
2. Panoorin ang Video clip na “Ang Pag-ibig ng Diyos sa Tao” (4.05
minuto).
https://www.youtube.com/watch?v=OQ1mxhUaWnk

Talakayan tungkol sa pinanood:


a. Batay sa pinanood mong video, anong bahagi nito ang nakatawag
pansin sa iyo?
b. Paano ipinakita ang pag-ibig ng Diyos sa tao?
c. Bakit napahiwalay ang tao sa Diyos?
d. Ano ang ginawa ng Diyos upang maibalik ang pananalig ng tao sa
Kanya?

B. Panlinang na Gawain
1. Alamin Natin
Gawain: Kumuha ng limang pares ng mga mag-aaral. Isa sa bawat pares ang
pipiringan ang mga mata at ang isa naman ay magsisilbing gabay. Ang mag-
aaral na may piring sa mata ay patatayuin sa bandang likuran ng silid-aralan
habang ang kapares niyang mag-aaral ay patatayuin sa bandang harapan. Ang
mga mag-aaral na nakatayo sa harapan ay magsisilbing gabay ng kanilang
kapares na nakapiring ang mga mata. Gamit ang kanilang tinig, tatawagin nila
ang kanilang kapares na lumapit sa kanila. Ang unang magkapares na
makarating ang siyang magwawagi. Paalalahanan ang ibang mag-aaral na
huwag guluhin ang proseso ng pagtawag. Pagsabihan na obserbahan ang
kaganapan mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito.

Itanong:
a. Ang ang iyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain?
b. Ano ang naging balakid sa pagsunod ng mga mag-aaral na nakapiring ang
mga mata sa panuto ng kanilang kapares?
c. Paano naipakita ang tiwala o pananalig sa gawain?
d. Bakit maraming kabataan ang nahihirapang sumunod sa mga aral ng
Diyos?
e. Paano mo mapapalakas ang iyong pananalig sa Kanya

Closure: (‘Humayo ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.)

Ikalawang araw
2. Isagawa Natin
A. Balik Aral
Pag-usapan ang nakaraang aralin
Gawaing Pang-isahan
Panuto: Ibahagi ang inyong mahalagang kaisipan na natutunan
kahapon.
B. Gawain 1:
Panuto: Sumulat ng isang “Love Note” upang maipahayag ang ibig ninyong
iparating sa Diyos.
Tumawag ng mga mag-aaal na nais magbahagi ng kanilang “Love Note” sa
klase.
Ipasagot ang mga sumusunod:
1. Ano ang naramdaman ninyo habang sinusulat ang “Love Note”?
2. Paano mo ipinapakita ang iyong pagmamahal sa Diyos?
3. Kung makaharap mo ang Diyos, ano pa ang nais mong sabihin?
4. Naniniwala ka ba na lahat ng nangyayari sa iyo ay
sinusubaybayan ng Diyos? Bakit?

C. Gawain 2
Pangkatang Gawain:
Panuto: Bumuo ng apat na pangkat. Ipakita ang mabuting pagpapakatao sa
pamamagitan ng mga sumusunod na Gawain:
Pangkat 1 – Pantomime
Pangkat ll - Pagguhit
Pangkat lll - Pag-awit
Pangkat lV – Pagsulat ng maikling kuwento

Ipasagot ang mga sumusunod:


1. Ano-ano ang mabubuting pagpapakatao ang ipinakita sa inyong palabas?
2. Bakit ninyo nasabi na ito ay mabuting pagpapakatao?
3. Ano ang kahalagahan ng mabuting pagpapakatao?
4. Paano mo pa mapauunlad ang iyong pagkatao bilang isang
anak ng Diyos?

Rubrics para sa Pangkatang Gawain

5 – Ang mga bata ay nagpakita ng pagkakaisa at pagkakaroon ng


mabuting pagkatao anuman ang paniniwala.
3-4 – Ang mga bata ay nagpakita ng pagkakaisa ngunit hindi lubusang naipakita ang
pagkakaroon ng mabuting pagkatao anuman ang paniniwala.
1-2 – Ang mga bata ay nagpakita ng pagkakaisa ngunit hindi naipakita ang
pagkakroon ng mabuting pagkatao anuman ang paniniwala

Closure:
“Ang taong may pagmamahal at pananalig sa Diyos ay mabuting
pagpapakatao”.

Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan
b. Pagpapakita ng isang kaisipan sa tinalakay na aralin.
c. Papunan sa mag-aaral ng angkop na salita ang mga patlang gamit ang mga
metakards .

_________AT ________ NATIN ANG ATING


________ AT MGA KALAGAYAN SA BUHAY SA
ATING _________ SA ________.

Diyos Pagkatao

Pananalig Ginagawa

Hinuhubog

d. Ano ang nabuong kaisipan. Ipabasa ito sa klase.

GINAGAWA AT HINUHUBOG NATIN ANG ATING PAGKATAO AT MGA


KALAGAYAN SA BUHAY SA ATING PANANALIG SA DIYOS.

e. Paano ninyo maipapakita ang pananalig sa Diyos?


f. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pananalig sa Diyos?

Closure:

Ikaapat na Araw
4. Isabuhay Natin

a. Magpagawa sa mga mag-aaral ng isang “ Kredo ko” (Personal Creed of Faith)


na naglalaman ng mga personal na gabay sa pagpapakita ng kanilang
pananalig sa Diyos.
b. isulat ito sa loob ng imahe sa ibaba.
c. Maaaring tumawag
ang guro ng ilang
boluntir na
magbabahagi at ipapaliwanag ang kanilang ginawa sa harap ng klase.
Tutulungan ng guro sa pagpapaliwanag ang bawat boluntir.
d. Ipadikit sa lahat ng mag-aaral ang kanilang ginawa sa isang manila paper na
may guhit ng ulap at sinag ng araw.

Closure: Batas Kontra Droga

Hindi mata ang nakakakita kundi puso.

Ikalimang Araw
IV. Pagtataya
5. Subukin Natin
Batay sa ating mga tinalakay,sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan
ng pagsasaalang-alang ng inyong kalooban.

1. Hindi naniniwala sa K-12 ang iyong mga magulang at wala silang balak na
pagaralin ka sa Senior High, hanggang Junior High School lamang ang nais
na ipatapos nila sa iyo. Ano ang iyong magiging pananaw?
A. manahimik na lang at magmukmok
B. umasang mababago ang kanilang pasiya
C. sumama ang loob sa kanila
D. subukan na magbisyo na lamang

2. Si Ali ay isang Muslim at naniniwala siya sa Koran, samantalang si Mario ay


isang Kristiyano at naniniwala namn siya sa Bibliya, ano ang dapat nilang
gawin?
A. magdebate
B. magkaunawaan
C. magrespetuhan
D. magpayabangan
3. Dumanas ng matinding pagsubok ang pamilya ni Noly, ano ang dapat niyang
gawin?
A. titigil sa pag-aaral
B. magrerebelde
C. mananalig sa Diyos
D. makikinig sa payo ng kaibigan
4. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong kapwa?
A. maglimos sa pulubi sa daan
B. magsimba tuwing lingo
C. tumulong sa nasunugan/nabahaan
D. samahan ang mga barkada
5. Niyaya ka iyong kaibigan na abangan ang iyong kaklase sa labas dahil di
nagbigay ng baon sa kanila, ano ang iyong magiging pasiya?
A. matakot at sumunod sa kanila
B. magsumbong sa guro
C. manalangin at humingi ng tulong at gabay sa Diyos
D. umiyak ng umiyak

V. Takdang -aralin
Magsagawa ng interview sa inyong magulang, kaibigan at kapitbahay tungkol sa
kanilang pananalig sa Diyos.
Mungkahing tanong:
1. Sino ang inyong pinaniniwalaang Diyos?
2. Paano kayo sumasamba?
3. Paano kayo nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?

Repleksiyon ng Guro:

(Paalala sa guro: Maaaring itala ang repleksiyon pagkatapos ng aralin).

Closure: Hango sa Bibliya “ Anuman ang ginawa mo sa pinakamababa kong kapaitd ay


ginawa mo na rin sa akin”---Hesukristo

Pagbati! Natapos mong muli ang isang aralin. Naniniwala akong kaya mong
sundin nang may paggalang ang batas at ispiritwalidad.
Ipagpatuloy mo ang mabuting gawain ito. Pagpalain ka ng Diyos!

Inihanda nina:

1. Rodrigo P. Niño, Jr. NCR – Quezon City


2. Mercy D. Duque NCR – Quezon City
3. Gerumi S. Señar V- Camarines Sur
4. Maria Cristina H. Nogoy III- Bulacan
5. Judith P. Restubog V- Albay
6. Zenaida Aguirre III- San Jose del Monte City
7. Maricon Merced V- Albay
8. Orlando L. Tonsay NCR – Parañaque
9. Mylene S. Sapigao NCR – Makati
10. Rhodora F. Gonzales NCR- Calooan City
11. Ma. Ligaya P. Gepollo NCR- Taguig –Pateros
12. Marjorie M. Palomo III- Bataan

You might also like