AP 7 Q2 Week 2
AP 7 Q2 Week 2
AP 7 Q2 Week 2
Pangalan ______________________________________________________________
Pangkat _______ Guro ___________________________________________________
Aralin
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
2
Most Essential Learning Competencies:
Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina). Code: AP7KSA-
IIc1.4
Panuto: Gamit ang mga halu-letra, tukuyin ang mga termino na inilalarawan
sa bawat aytem.
1) Ang pangkat-etniko na nabuo dahil sa Kabihasnang Indus na naninirahan
ngayon sa Timog na bahagi ng India RADIVSNDAI
2) Ang tinaguriang kambal-lungsod na naitatag sa Kabihasnang Indus.
HENMOJO- ADOR at RAHAAPP
3) Katawagan sa sistematikong pagpaplano ng pagtatatayo ng mga gusali sa
Kabihasnang Indus. DIRG TEMSSY
4) Ang bansang nabuo sa pangkasalukuyang panahon na pinanggalingan ng
Kabihasnang Indus. KISPATAN
5) Ito ang ilog kung saan naitatag ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.
LOGI DUSNI
6) Ang ilog na ito sa Tsina ay tinaguriang bilang “China’s Sorrow” dahil sa
pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng mga ari-arian dulot ng pag- apaw
ng tubig nito noong 1887. HANGU OH
7) Ito ang pinakamahabang ilog sa Asya at pangatlo sa buong mundo kasunod ng
Nile at Amazon River. ZEYTANG
Panuto: Hanapin sa loob ng mga kahon at isulat sa sagutang papel ang tamang
konsepto na inilalarawan ng bawat pahayag.
V F Q N A I R E M U S R
I N O G R A S I R A Q O
X A I M A T O P O S E M
H I T T I T E S F K N E
T R T A R U G G I Z E O
I Y P O L Y T H E I S M
G S B A B Y L O N G M S
R S E T A R H P U G A D
I A N I M I S M C U L O
S E T A R H P U E R T J
DAHILAN NG PAGBAGSAK:
*Dahil sa isang malaking sakuna na lumipol sa mga taga-Indus, tulad ng lindol.
*Pagsalakay ng mga Aryano, ang pangkat na ito ang nagpatupad ng Caste System,
kung saan inuuri-uri ang mga tao sa lipunan.
*Pagbabago ng klima. Natuyo ang Ilog Indus na siyang pinagkukunan ng tubig para sa
mga pananim at alagang hayop.
MGA IMPERYONG NAITATAG SA TIMOG ASYA
Pagdating ng mga Aryan
Sa pagitan ng 1500-1000 BCE sinakop ng mga Indo-Aryan ang buong Indus Valley
hanggang sa kapatagan ng Ganges at Deccan Plateau.
Ambag
*Pinaunlad ng mga Aryan ang sistema ng kanilang panulat na tinatawag na Sanskrit.
*Ang Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng mga Aryan.
Dahilan ng Pagbagsak
Pagsakop ng Persia sa pamumuno ni Cyrus the Great at sinundan ni Alexander the
Great ng Macedonia.
Imperyong Maurya
*Kauna-unahang imperyo sa Timog Asya
*Pinamunuan ni Chandragupta Maurya na namahala sa India mula 322-301 BCE.
*Sumunod na pinuno ay si Asoka, namahala siya mula 269-232 BCE, kilala siya bilang
pinakakilala at pinagpipitagang pinuno dahil sa pagtatakwil ng karahasan at pagyakap
sa relihiyong Buddismo.
*Walang magaling na pinuno ang pumalit kay Asoka kung kaya bumagsak ang imperyo.
Imperyong Gupta
*Ang imperyong itinatag ni Chandra Gupta I noong 320 CE
*Sa pamumuno ni Chandra Gupta II nakamit ng India ang “Ginintuang Panahon” dahil
maunlad at payapa ang imperyo *Pagsakop ng mga Mughal sa imperyo.
Imperyong Mughal
*Si Babur ang nagtatag Imperyong Mughal noong 15 CE.
* Sumunod na pinuno ay si Akbar (1556) apo ni Babur, nagpalawak ng teritoryo ng
imperyo.
*Jahangir (1605)- anak ni Akbar, humina ang kaniyang pamamahala dahil sa hindi
mabuting impluwensiya ng kaniyang asawa na si Nur Jahan ng Persia.
*Shah Jahan (1627)- anak ni Jahangir, namahala ng 30 taon, nagpagawa ng isang
libingan gusali na Taj Mahal para sa kaniyang asawang namatay na si Mumtaz Mahal.
*Aurangzeb- anak ni Shah Jahan, naging kontrobersyal na pinuno dahil gusto niyang
ipatigil ang Suttee, ito ay tumutukoy sa pagsunog ng babaeng balo sa oras ng paglilibing
sa asawang namatay.
*Bumagsak ang imperyo dahil sa pagdating at pagsakop ng mga Ingles sa India.
KABIHASNANG TSINO
Sa lambak ng Ilog Huang Ho sumibol ang unang kabihasnang Tsino. Kilala din
ang Huang Ho River bilang Dilaw na Ilog dahil sa kulay dilaw na depositong banlik na
iniiwan nito sa lupa tuwing umaapaw ang ilog. Ang matabang lupang ito ay tinatawag
na loess soil kung kaya akma ang lupain sa pagsasaka. Gayunpaman, sa tuwing
umaapaw ang Dilaw na Ilog, nagdudulot ang pagbaha nito ng malaking pinsala tulad
ng pagkasira ng mga pananim at pagkasawi ng mga mamamayan kung kaya tinawag
din itong “Pighati ng Tsina” o “River of Sorrow”.
Ang pangunahing katangian ng kabihasnang ito ay ang pagkakaroon ng
dinastiya sa mga namumuno. Ang dinastiya ay tumutukoy sa pagpapamana o
pagsasalin-salin ng kapangyarihan mula din sa kanilang pamilya o angkan.
Sanhi ng Pagbagsak
Sumiklab ang digmaang sibil sa pagitan ng 7 maliliit na estado ng Qi, Chu, Yan,
Han, Zhao, Wei, at Qin sa kahariang Zhou noong 475 B.C.E. Tinawag ang panahon
na ito bilang “Period of Warring States”.
Dinastiya: Qin / Ch’in (221 B.C.E. – 206 B.C.E.)
Napag-isa ng dinastiyang Qin (Chin) ang mga estadong naglaban ng halos 200 taon.
Sa pamumuno ni Shi Huangdi, naitatag ng kabihasnang Tsino ang tunay na
imperyo. Pinangasiwaan niya ang imperyo ng may pagmamalupit. Sinupil niya ang
Confucianismo sa Tsina sa pamamagitan pagsunog sa mga aklat at pagpapahirap at
pagpatay sa mga guro ng Confucianism.
Ambag sa Kabihasnan
*Naipatayo ang Dakilang Pader ng Tsina o Great Wall of China na itinayo upang
protektahan ang imperyo mula sa mga nomadikong tao sa timog ng Gobi Desert.
* Naitatag ang isang matatag na sentralisadong pamahalaan na may maliliit na
distrito upang madaling pamahalaan. * Pagkakaroon ng iisang wika, sistema ng
pagsulat, pananalapi, timbangan at sukatan.
Sanhi ng Pagbagsak
*Noong namatay si Shi Huangdi noong 210 B.C.E., nagsagawa ng iba’t ibang
rebelyon ang mga magsasaka at maharlikang nakaranas ng malupit niyang
pamamahala.
Dinastiya: Han (202 B.C.E. – 221 C.E.)
* Sa pamumuno ng dinastiyang Han, bumalik ang kaayusan sa Tsina.
* Naghatid ng ginintuang panahon ng kapayapaan, mataas na antas ng pamumuhay
at kaunlaran sa Tsina.
Ambag sa Kabihasnan
*Sinimulan ang civil service examination.
*Natutuhan ang paggamit ng papel at umunlad ang palimbagan sa Tsina.
* Nabuo ang kauna-unahang diksyunaryong Tsino.
*Pagsasagawa ng acupuncture o pang-gagamot gamit ang mga karayom.
Sanhi ng Pagbagsak
*Mahinang pamamahala at katiwalian ng mga sumunod na emperador, paglakas ng
maharlika at pananalakay ng mga nomadikong dayuhan mula sa Hilagang Tsina.
Dinastiya: Sui (581C.E. – 618 C.E.)
*Dinastiya na may maikling pamamahala sa Tsina.
Ambag sa Kabihasnan
*Grand Canal – isa sa pinakamahabang kanal sa buong daigdig na may habang
umaabot sa 1800 kilometro na ipinagawa ni Emperador Sui Yangdi.
Sanhi ng Pagbagsak
*Sumiklab ang rebelyon sa mga rehiyon dahil sa sapilitang paggawa at mataas na
buwis. *Paghina ng sandatahang lakas dulot ng pagbabanta ng mga Turko.
Dinastiya: Tang (619 C.E. – 907 C.E.)
*Isa sa mga dakilang dinastiya ng Tsina dahil binigyan niya ang mga magsasaka ng
lupain na naging dahilan ng paghina ng kapangyarihan ng mga nagmamay-ari ng
lupa.
Ambag sa Kabihasnan
*Naimbento ang woodblock printing, isang bloke ng kuwadradong kahoy kung saan
nakaukit ang mga salita o larawan, katumbas nito ang isang panrelihiyong libro.
Sanhi ng Pagbagsak
*Pinabagsak ng Dinastiyang Song sa pamamagitan ng isang digmaan.
Dinastiya: Song
*Ito ang panahon kung saan naging maunlad ang ekonomiya ng Tsina sa pamumuno
ni Taizu.
Ambag sa Kabihasnan
*Namulaklak ang “landscape painting” sa Tsina.
*Naimbento ang gun powder at compass.
Sanhi ng Pagbagsak
*Pakikipag-alyansa sa pangkat ng Mongol na naging dahilan ng pagbagsak ng
dinastiya.
Dinastiya: Yuan (1279 C.E. – 1368 C.E.)
*Kauna-unahang dayuhang dinastiya sa China.
*Pinangasiwaan ito ni Genghis Khan ng bansang Mongolia.
*Hindi binigyan ng katungkulan sa pamahalaan ang mga Tsino.
*Sa panahong ito dumagsa ang mga dayuhang mangangalakal sa Tsina.
Ambag sa Kabihasnan
*Sa lawak ng sakop ng imperyo, naging madali ang pakikipagpalitan ng mga ideya
at imbensyon sa pagitan ng China, Europe at ibang bahagi ng Asya.
Sanhi ng Pagbagsak
Sa pamumuno ni Zhu Yuanzhang noong 1368, isang rebeldeng Tsino, napabagsak
ang imperyong Mongol.
Dinastiya: Ming
Noong ika-15 siglo, ipinatupad ang patakarang Isolationism, isang kautusan na
pumuputol sa ugnayan ng China sa lahat ng dayuhang bansa.
Ambag sa Kabihasnan
*Ipinatayo ang “Forbidden Palace” o Pinagbabawalang Palasyo, isang palasyo na ang
maaari lamang pumasok at tumira ay mga pinuno at mga mahaharlikang pamilya
at kamag-anak sa Tsina.
*Ninais ng mga pinuno na maging malakas na imperyong pandagat, kaya
pinaghusay ng mga Tsino ang paggawa ng malalaking barko at sistematikong
pamamaraan sa paglalayag. Dito nakilala si Zheng He, siya ang nanguna sa
paglalayag sa Tsina mula 1405 hanggang 1433.
Sanhi ng Pagbagsak
*Kahuli-hulihang dinastiya ng Tsina, pinabagsak ng mga Manchu, isang pangkat-
etniko na matatagpuan sa Hilagang-Silangan ng Tsina.
3 4 5 n
1. 2
B. Kabihasnang Tsina. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa Hanay A. Piliin sa Hanay
B ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.
Hanay A Hanay B
6. Ang kauna-unahang dinastiya na nabuo sa Tsina. A. Oracle Bone
7. Ito ang ibang katawagan sa Ilog Huang Ho. B. Bronse
8. Tawag sa pangkat ng mga Tsino na sumakop at nagpabagsak C. Shang
sa dinastiyang Shang. D. Zhou
9. Bagay na ginagamit sa panghuhula ng mga sinaunang Tsina. E. “China’s Sorrow
10. Isa sa mga mahalagang uri ng metal na ginamit ng mga Tsino F. Ilog Yangtze
SAGUTANG PAPEL
Aralin
2-3 MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA
I. PAUNANG PAGSUSULIT
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.
II. BALIK-TANAW
1. 2. 3. 4. 5.
III. GAWAIN A
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.
V. PAGNINILAY