Filipino 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: _____________________________________ Iskor: ___________________

Baitang at Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

Filipino 6
Ikalawang Markahang Pagsusulit
S. Y. 2022-2023

I. Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
25, Hulyo 2020 Sabado
Mahal kong Talaarawan,
Medyo tinanghali akong gumising ngayong araw dahil napagod ako sa pagtulong sa
aking inay sa pagtatanim at pagdidilig ng mga halaman kahapon. Ngayong pandemic mabenta
ang aming mga iba’t-ibang halaman lalo na ang mga caladiums, calatheas, aglaonemas, ferns,
roses, at philodendrons. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa amin lalo na ngayong pandemic.
Presko at nakagaganda sa paligid, stress-free, at air purifier pa. Nakalilibang na kumikitang
kabuhayan pa.
26 Hulyo 2020 Linggo
Mahal kong Talaarawan,
Gumising ako bandang 6:30 ng umaga ngayong Linggo dahil magsisimba kaming mag-
anak sa virtual mass. Naghanda at nagbihis na kami dahil mag- uumpisa ito ng ika-walo ng
umaga. Ini-on na ni itay ang aming malaking tv. Umupo na kami sa sofa at nanood, at nakinig
ng misa sa tv. Sana matapos na itong pandemic at maging ligtas ang lahat.
Nagmamahal,
Dale
1. Ano-ano ang mga mabentang halaman nina Dale?
a. roses, ferns, baby’s wreath c. caladiums, calatheas, aglaonemas, ferns
b. rosal, caladiums, ferns, roses d. orchids, sampaguita, rosal, daisies
2. Sino ang kasama ni Dale sa pagsimba?
a. kaniyang pamilya c. mga tiyuhin, lolo at lola
b. mga kaibigan at tiyuhin d. ninang, kapatid, kamag-aral
3. Anong uri ng anak si Dale?
a. maagap, matalino at malambing c. masayahin at palakaibigan
b. magalang at mapagbigay d. masipag, matulungin, at maka-Diyos
4. Ayon sa binasa, maliban sa nakagaganda sa paligid, ano pa ang magandang dulot ng
pag-aalaga ng halaman?
a. pandagdag na dekorasyon c. pampalakas ng katawan
b. pandagdag na gawain d. air purifier, libangan at maaaring pagkakitaan
5. Paano nakatutulong si Dale sa kaniyang ina?
a. paglilinis ng bahay c. pagluluto at paghahanda ng pagkain
b. paglilinis ng bakuran d. pagtatanim at pagdidilig ng halaman

II. Punan ng angkop na pang-uri ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat
Pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
6. Naging __________ si Lisa nang nagsumikap sa kaniyang trabaho at nakapagtayo ng
sariling negosyo.
a. mayaman b. maganda c. matiyaga d. malinis
7. __________ na ang mga alagang manok ni Mang Tonyo, kaya maaari na itong ipagbili sa
palengke.
a. Maliliit b. Mapapayat c. Malalaki d. Mapupula
8. Upang walang masayang na pagkain, nagluluto lamang sila nang __________ para sa kanila.
a. sapat b. kulang c. kaunti d. sobra-sobra
9. __________ na ang alaga naming tuta kaya lalo itong nakaaaliw.
a. Makulit b. Mabilis c. Mataba d. Maamo
10. __________ ang sapatos na nabili ko, mura na matibay pa.
a. Sulit na sulit b. Mamahalin c. Mura d. Magarbo

III. Tukuyin ang pokus ng pandiwa batay sa paksa at pandiwang may salungguhit. Piliin ang
titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
11. Kumakain kami ng almusal araw-araw.
a. Pokus sa aktor c. Pokus sa layon
b. Pokus sa ganapan d. Pokus sa sanhi
12. Kinuha ni Lucy ang tinapay sa mesa.
a. Pokus sa aktor c. Pokus sa layon
b. Pokus sa ganapan d. Pokus sa sanhi
13. Pinaglutuan ng nanay ang bagong kaldero.
a. Pokus sa aktor c. Pokus sa layon
b. Pokus sa ganapan d. Pokus sa sanhi
14. Pinasyalan ni kuya ang bagong bukas na resort.
a. Pokus sa sanhi c. Pokus sa tagaganap
b. Pokus tagatanggap d. Pokus sa direksiyon
15. Ikinagulat ng ina ang pagsigaw ng kaniyang anak.
a. Pokus sa sanhi c. Pokus sa tagaganap
b. Pokus tagatanggap d. Pokus sa direksiyon

IV. Kilalanin ang uri ng pang-abay at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sa sagutang
papel.
16. “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda.
Anong uri ng pang-abay ang makikita sa pangungusap?
a. Pang-abay na Panlunan c. Pang-abay na Pamanahon
b. Pang-abay na Pamaraan d. Pang-abay na Pamilang
17. “Halina kayo, maraming masasarap na pagkain sa kantina,” yaya ni Ana sa kaniyang mga
kaklase. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
a. Pang-abay na Panlunan c. Pang-abay na Pamanahon
b. Pang-abay na Pamaraan d. Pang-abay na Pang-agam
18. “Inay, bakit gabi-gabi, ikaw ay nakikita kong umiiyak?”, tanong ni Nene sa ina. Anong uri ng
pang-abay ang may salungguhit?
a. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Pamaraan
b. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na Pamilang
19. “Sa Lunes ka na magsisimula sa iyong bagong trabaho,” sabi ng manedyer kay Roland.
Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Panlunan
b. Pang-abay na Panang-ayon d. Pang-abay na Pamanahon
20. “Doon tayo mamamasyal sa plasa ng Panay dahil balita ko nagagandahan ang mga parol
doon,” sabi ni Robert. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
a. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Pamaraan
b. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na Pananggi

V. Basahin ang bawat kalagayan. Piliiin ang maaaring maging bunga o sanhi sa pangyayari.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.
21. Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang maaaring ibubunga nito?
a. Lalakas ang boses ng mga pasahero.
b. Mapapasayaw ang mga pasahero.
c. Hindi makababa ang mga pasahero.
d. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.
22. Mahirap ang buhay ng mag-anak Mang Doming. Isa siyang magsasaka at ang kaniyang
maybahay ay nasa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak. Sa kabila rito, masaya ang
kanilang pamilya. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain kaya hindi
nag-aaway ang mga anak nila. Alin ang sanhi ng talata?
a. Masaya ang kanilang pamilya.
b. Kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
c. Mahirap ang buhay ng mag-anak ni Mang Doming.
d. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain.
23. Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Nakikita mong paroo’t parito ang mga tao sa
Pagtatapon ng kanilang mga basura maliban pa sa mga itinatapon ng mga sasakyan. Ano ang
Pinakamalapit na epekto sa pamayanan ng patuloy na pagtatapon at pagdami ng basura sa
inyong lugar?
a. Yayaman ang mga basurero
b. Lilipat ng tirahan ang mga tao.
c. Mangangamoy basura ang paligid.
d. Maglilinis ang mga mamamayan ng kani-kanilang bakuran.
24. Pumunta sina Daisy at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na gusgusing batang
kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa mga pagkaing kinakain nila.
Nakaramdam ng awa si Daisy sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang dahilan sa
pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
a. Pumunta sina Daisy sa palaruan.
b. Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
c. Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
d. Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom.
25. Tumatakbo nang mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim na usok. Ano ang
ibubunga nito sa kalusugan ng mga tao?
a. Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
b. Magkakasakit sa baga ang mga tao.
c. Magsusuka ang mga tao.
d. Maluluha ang mga tao.

VI. Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na nasalungguhitan sa bawat pangungusap. Isulat


ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
26. Ang mga kuwento sa mga aklat na pambata ay napakaikli.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
27. Masaya ang mag-asawang Rachel at Philip.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
28. Sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ay magkasingdakila.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
29. Mas masagana ang ani ng aming bukid ngayon kaysa noong isang taon.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
30. Si Ariana ay mabait na bata.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol

VII. Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
31. Ang __________ ay mga salitang nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip.
a. pang-abay b. pandiwa c. pang-uri d. panlarawan
32. Ano ang tawag sa kayarian ng pang-uri na binubuo ng mga salitang-ugat lamang?
a. payak b. maylapi c. inuulit d. tambalan
33. Ang pang-uring ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinagsama at nagkaroon ng
ikatlong kahulugan.
a. payak b. maylapi c. inuulit d. tambalan
34. Ano ang tawag sa mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw at nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama ng salitang-ugat at panlapi?
a. pang-abay b. pandiwa c. pang-uri d. panlarawan
35. Ito ay mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay.
a. pang-abay b. pandiwa c. pang-uri d. panlarawan
36. Tumakbo nang mabilis si Nathaniel kaya nadapa. Alin ang pang-abay na ginamit sa
pangungusap?
a. tumakbo b. mabilis c. Nathaniel d. nadapa
37. Totoong mahirap ang buhay sa probinsiya. Ang ginamit na pang-abay sa pangungusap ay _____.
a. Totoong b. mahirap c. buhay d. nayon
38. Ano ang tawag sa aspekto ng pandiwa kung saan ito ay nagpapahayag ng kilos na natapos na o
nangyari na?
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Aspekto
39. Ito ang pandiwang nagpapahayag ng kilos na kasalukuyan pa lamang nagaganap o nangyayari.
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Aspekto
40. Ang pandiwang nagpapahayag ng kilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang ay _____.
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Aspekto

You might also like