Pupildiagnostic Test Filipino 6 2020 2021

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Labangon Elementary School

DIAGNOSTIC TEST IN FILIPINO 6


S.Y. 2020-2021

Pangalan_________________________Baitang at Seksyon_________ Petsa_________


Panuto: Basahin ang tanong sa bawat bilang at isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong
kwaderno.

1. Ang mga salitang bulkan, tandang, pataba ay mga halimbawa ng_____.


A. panghalip B. pang-abay C. pangngalan D. Pang-uri        
2. Ang ______ ay mga kuwentong batay sa panitikang oral sa ating bansa. Kalimitang mga
hayop ang gumaganap.
A. alamat B. pabula C. nobela D. maikling kuwento
3. Ang mga pangngalang nakikita o nahahawakan tulad ng aklat, pambura at upuan ay
tinatawag na pangngalang __________.
A. basal B. di-konkreto C.tahas D. Lansakan
4. Kung papalitan mo ang pamagat ng pabulang “Ang Kabayo at ang Pulang Tandang” ang
pinakaangkop na pamagat ay_____________.
   A. Ang Matanda at ang Maliit C. Ang Sarili Kong Kakayahan
B. Ang Malakas at ang Mahina D. Ang Dalawang Magkaibigan
5. Ang ating pamahalaan ay gumagawa na nang mga hakbang upang mapigilan ang
pagdami ng nahahawaan sa virus. Alin sa mga sumusunod na salita ay isang halimbawa
ng pangngalang pambalana.
A. hakbang B. nahahawaan C. pagdami D. pamahalaan
6. Ang pangngalang __________ ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, lugar, hayop,
bagay, o mga pangyayari. Nagsimula ito sa malaking titik.
     A. Pambalana B. Di-konkreto C. Tahas D. Pantangi
7. Pangngalang tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, lugar, hayop, bagay, o mga
pangyayari na nagsimula lamang sa maliit na titik ay ang ______.
        A. di-konkreto     B. pambalana C. Pantangi D. tahas
8. Ang mga salitang madla, sangkatauhan at kumpol ay mga halimbawa ng _____.
        A. basal B. di-konkreto C. lansakan D. Tahas
9. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang talento na dapat _________.
        A. itago B. linangin C. tuklasin D. pabayaan
10. Naniniwala ang mga tao na makakagawa ng bakuna kontra-COVID 19 ang mga doktor.
Ang sinalungguhitang salita ay_________.
A. Basal B. Tahas C. Lansakan D. Pantangi
11. Maganda sana si Carol ngunit pangit ang ugali niya. Ano ang kayarian ng pang-uring
sinalungguhitan?
A. Inuulit B. Maylapi C. Payak D. Tambalan
12. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pang-uring pasukdol?
A. Ubod ng yaman ang lolo niya.
B. Mapagbiro ang kaibigan kong si Alex.
C. Medyo mahiyain ang kapatid ko kaysa sa akin.
D. Maliit-liit lamang dito ang bahay naming.
13. Nabigyan ng libreng bakasyon si Mang Renato. Labis na natuwa ang mga anak sa
hindi inaasahang pagdating ng ama. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
sasabihin ng anak sa biglang pagdating ng ama?
A. “Nagbakasyon si Tatay.” C. “Tutulungan ko po kayong magbuhat.”
B. “Inay, si Tatay po dumating!” D. “Marami po ba kayong pasalubong?”
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa bilang 14-17.
Halos di makatulog si Bugoy ng gabing iyon. Palaging umuusig sa kanyong budhi
ang kasalanang paggupit ng isang larawan sa pahina ng aklat na hiniram niya sa aklatan.
Kinabukasan, nagtapat siya sa kanyang ina tungkol sa nagawa niya. “Inay, pinagsisisihan
ko po ang aking nagawang kasalanan”, ang sabi ni Bugoy. Pinayuhan siya ng kanyang
nanay na ipaalam agad ito sa kanilang punongguro at humingi ng tawad.

14. Si Bugoy ay isang batang _______.


A. Mapagbasa B. masunurin C. mapag-alala D. matapat
15. Ano ang pangunahing diwa ng talata?
A. Dapat ingatan ang aklat na mamahalin.
B. Si Bugoy ay isang batang matapat.
C. Isang kasalanan ang paggupit ng larawan.
D. Si Bugoy ay laging pinapayuhan ng nanay.
16. Aling pangyayari sa talata ang nagsasaad ng ugnayang sanhi at bunga?
A. Nahuli sa Bugoy sa klase kaya humingi siya ng tawad.
B. Inusig ang budhi ni Bugoy dahil sinira niya ang aklat.
C. Hindi makatulog si Bugoy dahil sa mga lamok.
D. Nagagandahan si Bugoy sa larawan kaya ginupit niya ito.
17. Ano ang damdaming ipinahiwatig ni Bugoy ng nagtapat sa kanyang nanay?
A. Pagsisisi B. pagkatuwa C. pagkatakot D. pagkalungkot
Tukuyin ang pokus ng pandiwang may salungguhit sa bilang 18-19.
18. Ikinabahala ng maraming mamamayan ang pagdami ng bilang ng mga na positibo sa
Covid19.
A. Pokus sa Gamit C. Pokus sa Sanhi
B. Pokus sa Tagatanggap D. Pokus sa Tanggapan
19. Si Janice ay ipinagbili ng bagong smart phone.
A. Pokus sa Gamit C. Pokus sa Sanhi
B. Pokus sa Tagatanggap D. Pokus sa Tanggapan
20. Ang pamilyang iyan ay mayaman. Ano ang antas ng pang-uring may salungguhit?
A. Lantay B. Maylapi C. Pahambing D. Pasukdol
21. Ang kultura_______ Pilipino ay dapat pagyamanin natin. Anong pang-angkop ang
ilalagay sa patlang?
A. -g B. -ng C. na D. sa
22. Gawin ninyo nang maayos ang inyong proyekto upang maipasa kaagad at
makakuha ng mataas na marka. Ano ang uri ng pangungusap na ito?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D. Padamdam
23. Sasama ka ba sa akin o magpapaiwan ka sa bahay? Ano ang kayarian ng
pangungusap na ito?
A. Inuulit B. Maylapi C. Hugnayan D. Tambalan
24. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hugnayan?
A. Sa pagkanta mahilig si Mark at sa pagsasayaw naman magaling ang ate niyang si
Hannah.
B. Ang mga mag-aaral ay nagsipaghandaan sa kanilang mga kagamitan sa darating
na pasukan.
C. Lumahok sa rally sina Rose, Azeneth, at Michelle na ginanap sa Plaza
Independencia, Lungsod ng Cebu.
D. Nanalo sa paligsahan ng basketbol ang kopunan ni Kobe dahil sa matiyagang
pag-
eensayo.
25. Hindi na maaaring pakinabangan ang mga _________ na pagkain. Aling salita ang
dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. bulok B. mabulok C. bulok-bulok D. pagkaing-bulok
26. Maaari ko bang hiramin sandali ang iyong payong? Anong uri ng pangungusap ito?
A. Paki-usap B. Pautos C. Pasalaysay D. Patanong
27. Si Jessica di umano ang unang bumato sa punong bayabas. Aling salita sa
pangungusap ang pangatnig na pamanggit?
A. Jessica B. di umano C. bumato D. punong bayabas
28. Ang impormasyong ibinigay sa nakalarawang balangkas ay __________.
I. __________________________
a. Masustansya ang mga gulay.
b. Madali lamang itanim at lutuin ang mga ito.
A. Makulay ang mga gulay.
B. Marami ang gustong kumain ng gulay.
C. Ang pagkain ng gulay ay mahalaga.
D. Marangal ang mga magtatanim ng gulay.
29. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan?
A. Batay sa Department of Education, unti-unti nang nababawasan ang mga out of school
youth.
B. Mahalaga sa magkakaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
C. Sa palagay ko nagsisinungaling ang taong binatikos nila.
D. Ang konsensya ay nakakamatay.
30. Alin sa sumusunod ang tamang gawain sa paaralan?
A. Makipaglaro sa kaklase habang may ginagawang Gawain.
B. Makinig sa guro habang tinatalakay ang aralin.
C. Lumiban sa klase dahil gusto mong magpahinga.
D. Mag-ingay na dumaan sa hagdanan papunta sa silid-aklatan.
Basahing mabuti ang mga impormasyon o ulat at ibigay ang tamang reaksyon (31-21)
31. Nananwagang ang pamahalaan na ilagay sa tamang lalagyan ang mga basurang
nabubulok at di-nabubulok upang maitapon ito sa tamang lugar.
A. Gawin at sundin nang walang pag-aalinlangan ang panawagan ng pamahalaan.
B. Magsasawalang-kibo na lamang sa ganitong mga paalala at babala.
C. Sundin ang babala kung ang kapitbahay ay sumunod din.
D. Dalhin ang basura sa ibang lugar na malayo sa lalawigan.
32. Naglunsad ang Kagawaran ng Pangkalusugan tungkol sa “Surgical Handwashing” laban
sa kumakalat na COVID19.

A. Huwag nang makialam sa mga ganitong proyekto.


B. Magtago sa loob ng bahay upang hindi mahawaan ng COVD19.
C. Sundin nang maayos ang payo ng taga DOH upang makaiwas ng COVID19.
D. Hayaan ang pamahalaan na gagawa ng hakbang upang walang taong masasawi.
33. Sa mga sumusunod na pangungusap, alin ang ngapapahayag ng kathang-isip?
A. Naglalahad ng tunay na pangyayari.
B. Naglalahad ng kathang may kababalaghan o pantasya.
C. Naisasalaysay ang mga pangyayaring bahagi ng kasaysayan.
D. Natatalakay ang iba’t ibang maaaring mangyari at magbago sa tauhan, pook o
pinangyarihan.
34. Aling pangkat ng mga salita ang magkakaugnay?
A. doctor, karayom, gamot, ambulansya C. guro, aklat, sapatos, gulay
B. bolpen, mag-aaral, gulong, bahay D. pagkain, kaarawan, paaralan, punongguro
35. Nanalo ang iyong kaklase sa isang paligsahan sa pagtula. Anong magalang na
pananalita ang gagamitin mo sa pagpapahayag ng iyong damdamin?
A. Aba’y ginalingan mo ah.
B. Masaya ako at binabati kita sa iyong tagumpay.
C. Lodi, petmalu ka ah! Ikaw na!
D. Naswerteha ka lang dahil mahina kalaban mo.
36-40. Isaayos nang wastong pagkasulat ang liham pangkaibigan (36-40).
a. Michael Ruiz
b. Mahal kong Fiona,
c. Nagmamahal,
d. Kumusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nagkita dahil sa ating sitwasyon ngayon
ng pandemya. Nababahala talaga ako sa ating kalusugan at siguridad na maiwasan
ang virus. Palagi kayong mag-ingat at lagi sana kayong patnubayan ng Poong
Maykapal.
e. 72-B Katipunan St.,
Labangon Cebu City
Ika-5 ng Oktubre 2020

You might also like