Ang Maikling Kuwento Bilang Anyo o Genre

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Maikling Kuwento Bilang Anyo o Genre

Bakit ba tayo nagkukuwento? Sa sinaunang anyo at gamit nito, ang kuwento ay isang maikli at payak na
pagbabahagi ng isang naranasan, nadama, o naisip ayon kay Fanny Garcia at Rowena Festin. 1 Kagaya ng nabanggit
sa unahan, ang kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan o kaisipan sa mga mambabasa. Kuwentong may kuwenta ang
pagsasalaysay o pagbibigay sa iyong kausap ng mga pangyayari sa iyong buhay o ‘di kaya nama’y karanasan ng ibang
tao batay sa iyong pagmamasid o pakikisalamuha sa iba, na ikaw lamang ang nagsasalaysay. Lumilikha ng malawak
na guniguni ang dramatiko pagpapasa ng mga pangyayari na inaakala nating makatutulong sa pagpapaunlad at
pagkakaroon ng magandang pagtanaw sa buhay ng ating pinagpasahan.

Para kay Dr. Joselito De los Reyes (Chair ng Creative Writing sa UST), ang maikling kuwento ay
pagtalakay kung paano nakamit o ‘di nakamit ang gustong mangyari ng isang tauhan. Ang mga pangyayari sa loob
nito ang dapat na ikuwento. Magiging mabisa lamang ang pagtalakay kung mahusay at masusing sinaliksik ang mga
materyales sa pagbuo ng kuwento. Kaya para sa kanya, dapat may taya sa materyales o sadyang pinag-isipan at
pinagplanuhan ang bawat detalye sa bubuuing maikling kuwento.

Sa orihinal na anyo o genre ng maikling kuwento, hindi lamang ito naisasalin sa pamamagitan ng bibig
bagkus ay sa panulat. Sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas, malaki ang naging impluwensya ng mga panitikang
nasusulat sa wikang Espanyol sa panahon ng Kolonyalismong Kastila at panitikang Ingles sa panahon ng mga
Amerikano at tinawag ding dagli sa panahon ng pananakop nito.

May iba’t ibang hatid na kahalagahan ang pagkukuwento. Sa pamamagitan nito, naipaliliwanag ang mga
kasaysayan ng pinagmulan ng mga bagay, nagkapagdudulot ng aral ang mga karanasang naisalaysay, at nagsisilbing
libangan ang kuwento nabasa o napakinggan na siya namang gumigising sa ating mga damdamin upang
maramdaman natin ang saya, lungkot, lunggati, galit, takot, at ligalig.

Ang Tauhan

Isa sa pinakamahalagang elemento ng maikling kuwento ang karakter o tauhan. Kakaunti lamang ang mga
tauhan sa maikling kuwento. Bagama’t nakasentro ang kuwento sa pangunahing tauhan, hindi rin maiisantabi ang
kahalagahan ng mga pantulong na tauhan na siyang lalong nagpapatingkad sa daloy ng kuwento. Maaaring
mailarawan ang imahe ng mga tauhan nang tuwiran at ‘di-tuwiran habang umuusad ang mga pangyayari.

Uri ng Tauhan

1. Bilog (Round) - uri ng tauhan sa mga salaysayin na nagbabago ang pananaw at pag-uugali habang sumusulong
ang mga pangyayari sa kuwento. Ang pagbabagong ito ay nakaangkla sa kanyang damdaming nararamdaman at
karanasan. Ang dating masama ay maaaring maging mabuti at ang dating mabuti ay maaaring maging malupit.

2. Lapad (Flat) -uri ng tauhan na hindi nagbabago ang pananaw at pag-uugali sa simula ng kuwento hanggang sa
katapusan nito. Kadalasang hindi niya pinahahalagahan at hindi isinasaalang-alang ang kanyang damdamin at
damdamin ng kapuwa tauhan.

Uri ng Tauhan sa Ginagampanang Papel

1. Protagonista - ang pangunahing tauhan ng maikling kuwento o anumang uri ng salaysayin. Siya ang sentro ng
kuwento at itinuturing na bayani subalit hindi nangangahulugang mabuti siya sa lahat ng pagkakataon. Ang
protagonista ang pumapasan ng mga suliranin sa kuwento na nais niyang hanapan ng solusyon bago magwakas
ang kuwento.

2. Antagonista - tauhang katunggali ng protagonista at siyang humahadlang upang makamit ng pangunahing


tauhan sagot sa kanyang suliranin o dili kaya nama’y siya ang pinagmulan ng suliranin.

Bagama’t tinawag na maikling kuwento ang isang katha na nasa anyong prosa o pasalaysay, karaniwan
namang itong nagtataglay ng 1,000 hanggang 7,500 mga salita. Kung ang nobela ay nagtataglay ng kawing-
kawing na mga pangyayari at nagtataglay ng maraming tauhan, ang maikling kuwento ay mayroon lamang ilang mga
tauhan at isang kakintalang iniiwan sa mga mambabasa. Umiikot at nakasentro ang kaisipan ng maikling kuwento sa
iisang tema lamang at kadalasang nag-iiwan ng mahalagang mensahe sa mga mambabasa. Ito ay nababasa sa isang
upuan lamang. Dahil limitado ang haba ng maikling kuwento, kailangang maging mabilis ang pag-inog ng mga
pangyayari sa kuwento.

May anim na pangunahing elemento o sangkap ang maikling kuwento:

1. Tauhan (Character) - ito ang mga karakter na gumaganap sa kuwento na nauuri sa pagiging bilog at lapad; at
protagonista at antagonista ayon sa papel niya sa kuwento.
1
Fanny A. Garcia & Rowena P. Festin, Malikhaing Pagsulat Unang Edisyon, (Quezon City: Rex Book Store, 2017), 13.
2. Pananaw o Punto de Bista (Point of View) - ang anggulong ginamit ng manlilikha sa pagsasalaysay ng mga
pangyayari sa kuwento. Nauuri ito sa unang panauhan, ikalawang panauhan, at ikatlong panuhan.

3. Banghay (Plot) - ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento na kinabibilangan
ng simula, gitna, at wakas. Maaaring magkaroon ng pagbabago sa ayos ng pagkakasunod-sunod sa
pamamagitan ng paggamit ng flashback at flash-forward.

4. Tunggalian (Conflict) - suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan na hinahanapan ng solusyon sa pag-


usad ng mga pangyayari sa kuwento.

5. Tagpuan (Setting) - hindi lang tumutuko ang tagpuan sa lugar na pinangyarihan ng kuwento kundi pati na rin
sa panahon kung kailan naganap ang mga pangyayari sa kuwento.

6. Tema (Theme) - ang sentro o pinakatampok na kaisipang iniikiran ng mga pangyayari sa maikling kuwento.

Magiging maganda at interesante ang pag-inog ng mga pangyayari sa kuwento kung sadyang sinaliksik at
pinag-isipan ang pagagalawing mga karakter o tauhan sa kuwento. Para kay Delos Reyes, kailangang maging
lunsaran ng kuwento ang isa sa mga elemento nito, ang karakter o tauhan kaya naman marapat na tayaan ng isip at
panahon ang paglikha ng mga tauhan. Narito ang kanyang ilang mungkahing teknik sa pagbuo ng karakter/tauhan:

1. Iwasang lumikha ng pangunahing karakter/tauhan na malakas tulad ng mga propesor, detektib, scientist, at iba
pang katulad nito dahil madali niyang mapaiikot ang tatakbuhin ng kuwento, madali siyang makalilikha ng
problema na maaari rin niyang kaagad na masolusyunan habang umuusad ang mga pangyayari sa kuwento na
maaaring makabawas sa mga kapanabikan. Gayundin, kung maaari ay iwasan din ang karakter na mag-iinom o
lasenggero sapagkat madali siyang makalikha ng problema habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak at madali
ring malutas kapag linaw na o wala na ang epekto ng alak sa katawan.

2. Gawing pangkaraniwang tao na may pangkaraniwang problema ang ang karakter/tauhan at harangan ng mga
problemang mahirap masolusyunan. Kagaya ng sikyo, uv drayber, titser na gustong ma-promote at iba pa na
dahan-dahang magpapasan ng kanyang problema na mukhang pangkaraniwan ngunit napakabigat para sa
kanya. Siya mismong tutuklas sa bahagi ng kanyang pagkatao ang magreresolba sa kanyang suliranin habang
tumatakbo ang kuwento.

3. Mapadadali ang karakterisasyon kung gagawing interesante ang buhay ng iba sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa kapuwa, pakikipagkuwentuhan, at pagpapahalaga sa mga tao sa paligid. Kilalanin ang paligid,
kilalanin ang lugar, at kilalanin ang panahon subalit huwag isaisip na kaya ka nakikipag-ugnayan sa iba ay para
lamang makaiipon ng mahusay na materyal sa pagsulat.

4. May kuwento ang bawat pangalan kaya marapat na pag-isipang mabuti at alamin ang kasaysayan ng mga
pangalan na gagamitin sa karakter/tauhan kagaya ng mga kasaysayan ng pagbibigay sa iyo ng pangalan ng
magulang mo.

5. Bigyan ng idyolek ang pangunahing tauhan. Ang idyolek ay paraan kung paano nagsasalita ang bawat karakter
sa kuwento, ang punto ng kanyang pagbigkas, ang tono, intonasyon. May mga tauhan na kadalasang guagamit
ng mga ekspresyon kagaya ng “Oh my God” o ‘di kaya nama’y karakter na laging nagmumura. Sa ganitong
paraan, maiiwasan ang magkakatunog na karakter at madaling makikilala ng mambabasa kung sino ang
nagsasalita. Iwasan din ang madalas na pagsasalita ng karakter. Hayaang ang iniisip at ang kuwento mismo ang
nagpapatakbo sa istorya. At kung magsasalita man ang tauhan, gawing distinct o kakaiba upang maiiwasan din
ang paulit-ulit na pagpapakilala sa tauhan. Gawing matipid at mga esensyal na pahayag lamang ang dapat
bigkasin o salitain ng mga tauhan.

Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Paghambingin ang katangian ng maikling kuwento at nobela.


2. Ano-ano ang mga pangunahing sangkap o elemento ng maikling kuwento?
3. Bakit kailangang iwasan ang paglikha ng tauhan na may malakas na katangian?
4. Bakit kailangang maging pangkaraniwan lamang ang katangiang taglay ng pangunahing tauhan sa maikling
kuwento?
5. Paano mapabibilis ang karakterisasyon ng mga tauhan kung susulat ka ng maikling kuwento?

Isaisip
Tandaan, ang maikling kuwento ay paggagad ng mga pangyayari sa realidad ng buhay mula sa ating
masusing obserbasyon sa paligid, kapwa o mismong sa ating sarili. Naipapasa ito sa pasalita o pasulat na paraan
gamit ang masining at dramatikong pagsasalay at malawak na guniguni na inaakala nating makatutulong sa
pagpapaunlad at pagkakaroon ng magandang pagtanaw sa buhay. Katulad din ng mahabang kuwento (nobela)
nagtataglay rin ang maikling kuwento ng mga elemento gaya ng tauhan, pananaw, banghay, tunggalian, tagpuan, at
tema.

Sa pagsulat ng maikling kuwento, napakalaki ng gampanin ng tauhan sa malinaw at mabisang pagpapadaloy


ng mga pangyayari sa kuwento kaya marapat lamang na masusing pag-isipan at pagplanuhan ang pagbuo ng mga
karakter o tauhan. Narito ang ilang mungkahing teknik ni Delos Reyes:

1. Iwasang lumikha ng malakas na tauhan


2. Gawing pangkaraniwan ang tauhan na may pangkaraniwang suliranin
3. Magkaroon ng masusing pananaliksik at obserbasyon sa pagbuo ng karakter
4. Alamin ang kasaysayan ng gagamiting pangalan ng tauhan
5. Bigyan ng kaniya-kaniyang idyolek ang bawat tauhan

. Isagawa

Panuto: Ipagpatuloy ang pagbasa ng maikling kuwentong “Field Trip” no Dr. Joselito D. Delos Reyes sa link na
https://tomas.ust.edu.ph/volumes/volume-2-issue-9-the-anniversary-issue/ at suriin ang mga tauhan ayon sa
talahanayan sa ibaba:

Uri ng Tauhan sa
Uri ng Tauhan Ginampanang Papel
Tauhan Katangian ng Tauhan
(Bilog o Lapad) (Protagonista o
Antagonista)

Jordan

Eunice

Aling Mely

Mang Miyas

Boss Billy

Tayahin
Panuto: Lumikha ng limang (5) tauhan na gagamitin mo bilang materyal sa iyong susulating maikling kuwento.
Gamitin ang mga mungkahing teknik ni Delos Reyes. Ibatay ang paglikha ng tauhan ayon sa talahanayan sa ibaba:

Maikling Kasaysayan sa Tukuyin Kung


Pangalan ng Ginamit na Pangalan ng Tukuyin Kung Lapad o Bilog Protagonista o
Tauhan Tauhan at Ipaliwanag. Antagonista at Ipaliwanag
(Hal.) Dolfo Hango sa pangalan ni Adolf Bilog: Protagonista:
Hitler ng Alemenya, isang
Binatang mahilig Naging masama lamang
matapang na heneral na
makipagbasag-ulo sa kanilang dahil sa udyok ng
nagpapatay ng libo-libong
lugar subalit nagsikap kahirapan ng buhay subalit
Hudyo sa Europa.
baguhin ang buhay nang nang makaangat sa buhay
Mula rin sa pangalan ng isang makilala ang isang dalaga. ay tumulong sa mga
taksil na tauhan sa awit na Nag-aral, napasok sa pulitika kababayang nais
“Florante at Laura” ni Balagtas at naging mayor ng lungsod magbagong-buhay.

Karagdagang Gawain
Panuto: Magsaliksik ayon sa kuwento ni “Impeng Negro” na sinulat ni Rogelio R. Sicat at ang
kuwentong “Mapanglaw ang Mukha ng Buwan” na sinulat naman ni Efren R. Abueg. Tukuyin
ang anim na pangunahing sangkap o elemento, teknik at literary devices sa kanilang mga
sinulat.
Field Trip
Ni Dr. Joselito D. Delos Reyes
Para sa kabuuan ng kuwento, i-type ang:
https://tomas.ust.edu.ph/volumes/volume-2-issue-9-the-anniversary-issue/

Kailangan niya ang kadenang bracelet ni Boss Billy para maibenta. Kailangan niya ng pera para sa
paglipat nilang mag-iina mula Obando pabalik ng Cardona matapos na matapos lang siya sa elementarya.
Para na rin—at ito talaga ang mas mabigat na dahilan ni Jordan! - sa kaniyang field trip sa isang linggo.
Dahil ang sabi ni Boss Billy noong gabing natuklasan niyang nawawala ang gintong bracelet at ang
matagal, mga dalawang oras na bigong paghahanap at pangangapa sa pilapil ng palaisdaan: “Hayaan na,
kung sino makakita e di kan’ya na.”

Hindi man kay Jordan direktang sinabi iyon, pero alam niyang para iyon sa lahat ng nakaririnig,
na noong gabing iyon, bandang alas-once na, ay sina Jomar, ang mayabang na bodyguard at drayber ni
Boss Billy; si Ma’am Beverly, ang class na class at Ingles nang Ingles na bagong syota ni Boss Billy; si
Mang Juaning na bangkerong laging natotokahang pilotohan ang ipinagawang bangka ni Boss Billy kapag
dadalaw sa palaisdaan; ang maselang si Clifford na kaibigan ni Boss Billy mula pa daw noong high school
sila sa Pasig; si Mang Sandro na pumalit sa tatay ni Jordan bilang engkargado at katiwala ng palaisdaan
ni Boss Billy; si Derik na taga-ihaw ng porkchop at isda, tagatipak ng yelo, at tagabili ng beer at alak
noong gabing nag-inuman sila at nawala nga ang gintong bracelet; at siyang naroon, kasa-kasama ng
kaniyang ina sa kubo, nakatanaw siya mula sa bintana habang nagkakagulo silang lahat sa labas,
malapit sa prinsa ng palaisdaan, lango sa beer at alak. Nagtatawanan, naghaharutan, nagtutulakan sila
kahit pa nawalan na nga ng bracelet si Boss Billy. Sa isip ni Jordan, mayaman talaga si Boss Billy, parang
hindi ininda ang siguradong napatid na alahas. Parang balewala lang. Kunsabagay, kapapanalo lang ni
Boss Billy sa sabong noong araw na iyon. Tatlong manok na inalagaan ni Derik at Mang Sandro kasama
ang mahigit bente pang panabong na nakasuga sa pilapil ng palaisdaan. Singkuwenta mil daw ang
napanalunan kaya nagpainom sa kubo.

Kasama ni Jordan sa kubo ng gabing iyon na nawalan ng makapal na bracelet si Boss Billy ang
kaniyang ina at kapatid na bata, si Millet. Sa kubong gawa sa sapi-saping plywood, yero, pawid, talaksan
ng kahoy at tulos na kawayan, rolyo-rolyong lambat, patong-patong na cooler na istayropor at banyera,
makina ng bangka, lona. Apat dapat silang nakatira sa kubong iyon: ang nanay niyang si Aling Mely, si
Millet na grade three na kapatid ni Jordan sa kaniyang ina, at si Mang Miyas na tatay-tatayan ni Jordan
na dating katiwala at engkargado ng palaisdaan ni Boss Billy. Apat sila dapat. Kung hindi lang nawala si
Mang Miyas.

Mga Tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit Field Trip ang naging pamagat ng maikling kuwento?

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ipakilala ang bawat isa.

3. Sino sa palagay mo ang pinakatampok tauhan sa maikling kuwento? Bakit mo nasabi na siya ang
pangunahing tauhan sa kuwento? Ipaliwanag.
4. Sino sa mga tauhan ang tuwirang nagsalita? Nakilala mo ba ang kanyang katangian batay sa kanyang
sinabi? Patunayan.
5. Sino sa palagay mo sa mga tauhan ang magiging hadlang upang masolusyunan ang suliraning dala ng
pangunahing tauhan? Ipaliwanag.

You might also like