Cot Filipino Grade 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

School MARY EDWARDS VENTURANZA E.S.

Grade Level ONE


Teacher MARIA CAROLINE N. BARDOLASA Quarter 4
Subject FILIPINO DATE JUNE 3, 2022

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I


I. LAYUNIN: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Annotation
Makatutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan.

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga salitang magkasingkahulugan.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)


 Nasasabi ng mag-aaral ang kahulugan ng salita ng may katiyakan.
 Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga salitang magkasingkahulugan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) KRA 1: Obj. 2


 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan. Used research-
(F1PP-IIIh-1.4) based knowledge
& principles of
teaching &
learning to enhance
professional
practice. (Learning
Objectives)

II. Nilalaman
 Pagtukoy sa Kahulugan ng Salita Batay sa Kasingkahulugan

III. Kagamitang Panturo


A. SANGGUNIAN (References):
1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro:
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral: Filipino 1 Q4-Module 5 pp.1-10
3.Mga Pahina sa textbook:
B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO: Powerpoint Presentation, Activity
Sheets, Drawing of Pictures, Ukelele, kartolina, Flip chart.

IV. Pamamaraan KRA 2: Obj. 5


A. Mga Paunang Gawain Establish safe and
1. (Panalangin/kumustahan/balitaan/checking of attendance) secure learning
2. Setting of Standards/Class Rules
environments to
 Bago tayo dumako sa ating talakayan ngayong araw, narito ang ilan sa mga
enhance learning
dapat natin sundin.
 Laging tandaan ang new normal reminders. through the
 Maging magalang, mabait , makinig at mag-enjoy consistent
 Makipag-tulungan sa grupo. implementation of
policies, guidelines
and procedures.
B. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin KRA 1: Obj. 3
 Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at sagutin ang tanong. Displayed
Bilugan ang iyong sagot mula sa pangungusap. proficient use of
Mother Tongue,
1. Namamasyal ang mag-anak sa parke. Filipino & English
-Saan namamasyal ang mag-anak? to facilitate
2. Magaling bumigkas ng tula si Ana. teaching &
-Paano magbasa si Ana? learning.
3. May hawak na manika si Aira.
-Ano ang hawak ni Aira?
4. Masipag mag-igib ng tubig si Natoy.
-Paano mag-igib ng tubig si Natoy?
5. Nagsisipilyo ng ngipin si Bea.
-Ano ang ginagawa ni Bea?

C. Paghahabi sa layunin ng aralin KRA 2: Obj. 5


Mga bata, tayo ay maglalaro ng “Roll the Dice”. Pero bago tayo mag umpisa, Establish safe and
ano na nga ang dapat gawin kapag may mga gawain tayo katulad nito? secure learning
Tama, kailangan nyong sumali, bigyan ng pagkakataon ang iba at mag enjoy.
environments to
Mayroon akong isang malaking dice dito na may mga nakasulat bawat gilid. enhance learning
through the
consistent
 matayog na gusali implementation of
policies, guidelines
 mataas na puno and procedures.

KRA 1: Obj. 3
 maliit na holen Displayed
proficient use of
Mother Tongue,
 munting ibon Filipino & English
to facilitate
teaching &
 dalagang marikit learning.

 magandang bulaklak
(Mechanics)
bawat isa ay may pagkakataong pagulungin ang dice upang makita natin kung ano
ang nakasulat sa ibabaw nito.
hahanapin natin ang larawan na tinutukoy ng parirala at ididikit natin ang larawan
sa taas nito.

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin KRA 1: Obj. 2


Pansining mabuti ang mga larawang makikita sa telebisyon Used research-
based knowledge
& principles of
1. matayog na gusali mataas na puno
teaching &
learning to enhance
2. maliit na holen munting ibon professional
practice. (Learning
Objectives)
3. magandang bulaklak dalagang marikit

Ano ang napansin ninyo sa mga salitang kulay pula?


Tumpak, ang mga salitang ito ay iisa lang ang ibig sabihin, magkapareho o
magkasingkahulugan.

Ano ang magkasingkahulugan?


-ito ay mga salitang magkatulad o magkapareho ang kahulugan o ibig
sabihin.

Para mas lalo pa nating matandaan, awitin natin ito.

“Magkasingkahulugan”
sa tono ng Jingle Bells
.
Mga salitang magkatulad ang kahulugan
O pareho ang ibig sabihin
Magkasingkahulugan.

Mga salitang magkatulad ang kahulugan


O pareho ang ibig sabihin
Magkasingkahulugan.

Narito pa ang ilan sa mga salitang magkasingkahulugan:

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (KRA 1: Obj. 1)


Apply knowledge
Panuto: Bilugan sa loob ng panaklong ( ) ang kasingkahulugan ng salita na may of content within
salungguhit sa bawat bilang. and across
curriculum
1. matalas ( madulas, matalim, mapurol)
teaching areas
2. matangkad ( mataas, mataba, mababa)
3. mabilis ( maginaw, malalim, matulin)
4. higante ( dambuhala, maliit, mapayat)
5. anyo ( marumi, basura, itsura)

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (KRA 1: Obj. 1)


Apply knowledge
Panuto: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasingkahulugan mula sa of content within
hanay A at hanay B. and across
curriculum
Hanay A Hanay B teaching areas
tuwid nagagalak
masaya mahirap
dukha marumi
madungis diretso
alisto alerto

G. Paglinang sa kabihasaan KRA 2: Obj. 5


(Tungo sa Formative Assessment) Establish safe and
secure learning
Pagbibigay ng Pamantayan sa Gawain.
Anu-ano ang dapat nating tandaan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain? environments to
enhance learning
Pangkatang Gawain: (Differentiated Act.) through the
Gawin ito sa loob lamang ng 3 minuto.
consistent
Unang Pangkat: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na implementation of
magkasingkahulugang salita. Isulat ito sa papel. policies, guidelines
Halimbawa: Marumi ang damit ng mga batang lalaki. Sila ay madungis tignan. and procedures.
Maganda = marikit
Mabilis = matulin
Magaling = mahusay (KRA 1: Obj. 1)
Apply knowledge
Ikalawang pangkat:Basahin ang bawat pangungusap at isulat sa papel ang dalawang
of content within
salitang magkasingkahulugan.
and across
Halimbawa: matalim=matalas
curriculum
1. Masaya ang mga guro sa muling pagpasok ng mga bata sa paaralan, kung kaya’t teaching areas
nagagalak din ang mga bata na makita sila.
2. Nakikinig si Lora ng leksyon dahil para sa kanya mahalaga ang matuto ng aralin.
3. Mataas ang lipad ng saranggola ni Pepe, kaya umabot ito sa matayog na puno.
KRA 1: Obj. 2
H. Paglalahat ng Aralin Used research-
based knowledge
Masasabi natin na ang dalawang salita ay magkasingkahulugan kung ito ay & principles of
magkatulad o magkapareho ang ibig sabihin o kahulugan.
teaching &
Ito ay tinatawag na magkasingkahulugan.
learning to enhance
professional
practice. (Learning
Objectives)
V. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Tukuyin at isulat sa malinis na papel ang limang pares ng salitang
magkasingkahulugan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Halimbawa:
asul=bughaw

maganda marumi tuwid madungis marikit


diretso gitna ugali sentro
asal
.

VI. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation


Alin sa mga magkasingkahulugan na napag-aralan ang pinakagusto mo?

Iguhit at kulayan ito sa malinis na papel.

Prepared by:

MARIA CAROLINE N. BARDOLASA


Teacher I
Observed by:

SELMA O. DABANDAN LINDA A. SETIAS JENNIFER G. DORIA


MT I/ Rafael R. Estiandan E/S MT I/Paratungon East E/S MT I/Mary Edwards Venturanza E/S

ERLINDA M. BACOSA WENNIE L. LORZANO


Principal I Principal III

You might also like