Week 1-2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Edukasyon sa

Learning Area   Pagpapakatao    


Modular Distance
Learning Delivery Modality   Learning    
Santa Rosa
LESSON EXEMPLAR Paaralan Elementary School Baitang  2
Week 1-2- LE-1 Guro John Lee L. Cuevas Asignatura  EsP
Petsa Sept 13 – 24, 2021 Markahan Una
Oras Bilang ng Araw 10

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. K-Natutukoy ang sariling kakayahan sa iba’t-ibang pamamaraan

b. S -Naisasagawa nang buong husay ang sariling kakayahan

c. A- Naipahahayag nang Malaya ang sariling kakayahan

A. Pamantayan Naipapamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili atpagkakaroon ng


Pangnilalaman disiplina tungo sa pagkakabuklod – buklod o pagkakaisa ngmga kasapi ng tahanan at
paaralan.

B. Pamantayang Naisasagawa nang buong husay ang anumang kakayahan o potensyal at


Pagganap napaglalabanan ang anumang kahinaan.
C. Pinakamahalagang Naisakikilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan:
Kasanayan sa 1.1. pag-awit
Pagkatuto 1.2. pagguhit
(MELC) 1.3. pagsayaw
1.4. pakikipagtalastasan
1.5. at iba pa EsP 2PKP-1a-b-2

D. Pagpapaganag
Kasanayan

II.NILALAMAN Aralin 1: Pagsasakilos ng Kakayahang Taglay

III.KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay MELC EsP Gr 2, PIVOT BOW R4QUBE, p65
ng Guro
b. Mga Pahina sa Modyul para sa Ikalawang Baitang-EsP-p.1-12
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Modyul para sa Mag-aaral p.1-12
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
resource
B. Listahan ng Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
pkikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Panimula
(INTRODUCTION)
(________araw )

HIkaw ba ay may natatanging kakayanan?

1. Masaya ka ba sa iyong kakayanan?

2. Ano ang dapat mong gawin sa iyong natatanging kakayanan?

3. Handa ka na bang ipakita ang iyong kakayanan?

B. Pagpapaunlad
( DEVELOP)MENT Kaya mo na bang tukuyin kung ano ano ang mga kakayahang mayroon ka at ang
(_____araw) ibang batang tulad mo?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: 


Tingnan ang bawat larawan. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay
nagpapakita ng kakayahan. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

Ano ang naging batayan mo sa pagbibigay ng iyong kasagutan? Paano nga ba


masasabing ang isang kilos ay maituturing na kakayahan? Halika, iyong
tuklasin.

Ang kakayahan o talento ay isang espesyal na katangian. Ito ay ang


kakayahang gawin ang isang bagay nang mahusay. Maaaring ito ay katulad ng
sa iba. Posible ring ikaw lamang ang mayroon o kakaunti kayong nagtataglay
nito. Ilan sa mga kakayahang mayroon ang batang tulad mo ay ang
kahusayan sa pag-awit, pagguhit, pagsasayaw at pakikipagtalastasan o
pakikipag-usap sa iba. Maliban dito, maituturing ding kakayahan ang
pagtugtog ng mga instrumentong pang-musika, pagbigkas ng tula, pagra-rap,
beatbox, at marami pang iba. Ano ano nga bang kakayahan ang meron ka?
Maaari mo bang ibahagi ang mga ito? 
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

 Basahin ang imbentaryo ng mga kakayahan. Tukuyin ang mga kakayahang


taglay mo sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa patlang. Ekis (X)
naman ang ilalagay kung hindi ito kabilang sa iyong kakayahan. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

  

Gaano ka kahusay sa mga kakayahang minarkahan mo ng tsek (/)? Maaari mo


bang isa – isahin ang tatlo sa pinaka – paborito mong kakayahan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: 


Pumili ng tatlong pinaka-natatangi mong kakayahan. Isulat ang mga ito o
iguhit. Maaari ring gumupit ka ng sariling larawan o mula sa magasin at idikit
ang mga ito sa iyong kuwaderno. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

       

       
       
      
C. Pagpapalihan
( ENGAGEMENT) Pag-usapan naman natin ang mga kakayahang hindi mo taglay. Alin alin sa
(___araw ) mga ito ang nais mo sanang matutuhan o maging talento? Bakit gusto mong
taglayin ang mga ito?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: 

Pumili ng tatlo sa Pahina 7 na minarkahan mo ng ekis (x) na nais mong


taglayin bilang kakayahan. Isulat ang dahilan kung bakit gusto mo ang mga
ito. Gawin ito sa iyong kuwarderno.

Kakayahang Nais Kong                Dahilan Kung Bakit Gusto


         Taglayin                                        Kong Matutunan

1. __________________
2. __________________
3. __________________

Paglalahad ng Konsepto.

     Naipakilala mo na ang iyong mga natatanging kakayahan. Natukoy mo na


rin ang mga talentong nais mong matutuhan. Ano ano nga ba ang dapat mong
gawin sa mga ito?
Ang mga kakayahang mayroon ka ay dapat mong linangin. Kapag ito ay laging
ginagamit, ginagawa o ipinakikita, mas lalo kang huhusay. Samakatuwid,
kapag hindi ka nag-ensayo o pinili mong huwag itong ipakita, maaari itong
mawala sa iyo.
Maaari namang magkaroon ka ng mga kakayahang wala pa sa iyo ngayon.
Unang dapat gawin ay magkaroon ng pagnanais na matutuhan o taglayin ang
mga ito. Pangalawa, kumilos upang magkaroon nito. Subukang magpaturo sa
marunong, manood sa iba na nakagagawa nito o matuto sa tulong ng sarili.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

 Pumili ng isang kakayahang nais ipakita. Pag-planuhan kung paano ito


gagawin at mag-ensayo rin. Ipaalam sa mga kasama sa bahay at imbitahin
silang manood sa iyong gagawin. Bago simulan ang pagtatanghal, magpakilala
muna at sabihin ang pahayag sa ibaba.
Naibigan ba ng mga nanood ang ipinakita mong kakayahan? Ano ano ang
kanilang mga sinabi ukol dito?

 Binabati kita! Ipagpatuloy mo ito.

AKO’Y NATATANGI
J. Lopo
Sa murang gulang akin nang taglay Kakayahang biyaya ng Maykapal 
Pagsulat, pagguhit, pag-awit iaalay
Pag-arte, pagtula ay aking inaaral. 

Pakikipag-usap ay kaya ring gawin Pakikipagtalastasan ito kung tawagin


 Paglalaro ng isports akin ding nanaisin 
Pararamihin ko, kakayahang tataglayin

Lahat ng kaya ko, aking lilinangin 


Ang mga hindi, aking susubukin 
Magpapatulong sa mga may angkin 
Magkakaroon din ng sariling galing! 

Talentong angkin ay ituturo sa iba Ibabahagi ko anoman ang kaya Kakayahan


ko’y laging ipakikita
 Isasakilos ko ito ng may buong saya.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6A: 

Lagyan ng       ang patlang kung naaayon ito sa isinasaad ng tula at


naman kung hindi. 
_____1. Ang kakayahan ay regalo mula sa Diyos.
 _____2. Mahusay na ang bata sa pag-arte at pagtula.
 _____3. Pauunlarin o lilinangin niya ang kaniyang kakayahan. 
_____4. Hihingi ang bata ng tulong mula sa iba.
 _____5. Ipagdadamot niya ang kaniyang kakayahan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6B: 

Sagutin ang tanong na: Anong magandang katangian ng bata sa tula ang nais
mong tularan? Ipaliwanag kung bakit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Ang gusto kong katangian ng bata sa tula ay ang


 pagiging ___________________. Gagawin ko rin ang ginawa niya na
_________________________________
________________________________________________.

D. Paglalapat Bawat batang tulad mo ay may angking kakayahan o talento. Ang mga ito ay
(ASSIMILATION) dapat linangin upang mas maging mahusay o lalo pang gumaling. Huwag
(_____araw ) mahiyang ipakita ang mga ito. Kung nais mong maragdagan ang iyong
kakayahan, maaari ka pang matuto. Maraming paraan ang pwede mong
gawin. Gawing makabuluhan at kapaki-pakinabang ang iyong oras. Ituon ang
isipan sa pagsasanay at pagsasakilos ng mga kakayahan.

Pagtataya

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:


 Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang salitang Tama
kung naayon ito sa iyong natutuhan at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.

_____1. May kakayahan ka kaya nagagawa mo ang mga bagay.


_____2. May mga batang walang kahit anong uri ng kakayahan. 
_____3. Ang pag-eensayo, pagpapaturo at hindi pagpapakita nito ay
paraang ng paghubog sa mga kakayahan.
_____4. Mawawala ang kakayahan kapag hindi ginagamit. 
_____5. Hindi dapat mahiyang ipakita ang kakayahan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: 

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang nagpapakita ng tama at


mahusay na pagsasakilos ng mga kakayahan. Isulat ang letra ng tamang
sagot. 
_____1. Napansin ng nanay ni Leo na nasa tono ang kanyang pag-awit. Dahil
dito, naisipan niyang bumili ng mikropono para makapagsanay ang anak.
Sinabihan siya ng ina na may darating na bisita sa makalawa, kaya siya ay 
A. nagmaktol at sinabing ayaw niyang kumanta 
B. nagmadaling lumabas at mas piniling maglaro
C. sumunod sa ina at nag-ensayong mabuti

 _____2. Hindi marunong sumayaw si Cathy subalit nais niyang matuto, kaya
A. nakinig siya ng mga tugtog na gamit sa pagsasayaw 
B. nagpaturo siya sa kapatid na mahusay sumayaw 
C. nagbasa siya ng mga kuwento tungkol sa pagsasayaw

 _____3. Mahusay maglaro ng isports na badminton si Karl. Nais magpaturo


ng kaibigan niyang si Gina, kaya pinayuhan niya itong 
A. tumingin ng larawan ng iba’t ibang raketang pambadminton 
B. bumili ng kasuotang gamit sa paglalaro ng badminton
C. sumama at sumali sa kanyang magsanay araw-araw

 _____4. Nahihiyang sumali si Jane sa kompetisyon sa pagbigkas ng tula kahit


na kabisado niya ang piyesa. Natatakot siyang humarap sa maraming tao.
Bilang kaibigan sasabihan mo siyang 
A. lakasan ang loob at subukan upang masanay 
B. huwag na ngang lumahok upang hindi mapahiya 
C. magdahilan na masama ang kanyang pakiramdam 

_____5. Iyak nang iyak si Lorenzo dahil hindi niya magawang bumasa ng
mabilis. Kung ikaw siya, ang gagawin mo ay 
A. mananahimik na lamang upang hindi mapansin 
B. magpapaturo sa nanay o tatay at mag-eensayo 
C. magpapatulong na ipabasa ang teksto sa marunong
V.Pagninilay Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno o journal ng kanilang
nararamdaman o realisasyon batay sa kanilang naunawaan sa aralin.

Nauunawaan ko na ____________________________________
Nababatid ko na________________________________________

You might also like