Summative Test 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SUMMATIVE TEST # 4- FILIPINO 7

FOURTH QUARTER

NAME:_________________________________________ SECTION:_________________
SCORE:_______

Panuto:Punan ng angkop na salita ang patlang.Salungguhitan ang tamang sagot.

1. Dalawang matandang _______ (ketongin, maysakit, ermitanyo) ang tumulong kay Don Juan sa paghahanap sa
Reyno de los Cristal.
2-3. Si Don Juan ay naglakbay sa _________ (tubig, lupa, himpapawid) sakay ng _________ (bus, bapor, agila).
4. Nang ilapag ng agila si Don Juan sa paliguan ni Prinsesa Maria, tyempo namang dumating ang prinsesa sa anyong
_______ (gansa, bibe, kalapati).
5. Itinago ni Don Juan ang ________ (damit, sapatos, pakpak) ng prinsesa.
6. Ang galit ng prinsesa ay napalitan ng pag-ibig nang ang prinsipe ay humingi ng ________ (tawad, halik, pera)
7. Maraming pagsubok na ipinatupad si Haring ______ (Salem, Salino, Salermo), ang ama ni Maria.
8. Ang pinakamahirap na pagsubok ay ang paghanap sa _______ (singsing, salapi, negrito) ng hari.
9. Upang hanapin ang singsing, si Maria ay nagpatadtad nang pinung-pino at bawat piraso ay naging ______
(isda, pating, dugong).
10. Ang isa pang pagsubok ay pagpapaamo sa isang ______ (kabayo, usa, leon) na mismong si Haring Salermo.

II. Panuto:Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan sa pangungusap. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang
_____ 1. Dahil sa labis na pagmamahal ng dalaga sa binate, nilabag niya ang kahilingan ng hari.
A. kinalimutan B. pinahalagahan C. sinuway D. tinakasan
_____ 2. Handa ang binatang magbata sa hirap alang-alang sa dalagang sinisinta.
A. magtiis B. magdanas C. mag-alay D. magsakripisyo
_____ 3. Matagal ding ‘di umimik ang dalaga nang marinig niya ang pasiya ng ama.
A. hindi ngumiti B. hindi kumibo C. hindi nakapag-isip D. hindi nakapagpasiya
_____ 4. Hindi lubos na matalastas ng dalaga kung bakit labis ang galit ng kaniyang ama sa binata.
A. mapahalagahan B. maunawaan C. mawaglit sa isip D. makalimutan
_____ 5. Inilakap ng magkasintahan sa kanilang panalangin na sila ay tulungan at iligtas sa kapahamakan
A. ipinahayag B. isinama C. sinambit D. tiniyak
______6. Ito ay nakasulat na teksto na maaaring gawing pelikula, palabas sa telebisyon, programa sa radyo o dula.
A. media B. medium C. script D. manuscript
______7. Ito ay partikular na porma o sistema ng komunikasyon. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay radio, telebisyon
at internet A. media B. medium C. script D. manuscript
_____8. Ito naman ang pangmaramihang tawag sa medium.
A. media B. medium C. script D. manuscript
_____9. Sila ang mga tagapakinig o tagapanood ng isang iskrip.
A. audience b. actor C. director D. editor
_____10. Ang mga sumusunod ay mga bahagi ng pagsulat ng script maliban sa isa.
A. Old writing B. Pre- writing C. Writing D. Re- writing
SUMMATIVE TEST # 4- FILIPINO 8
FOURTH QUARTER

NAME:_________________________________________ SECTION:_________________
SCORE:_______
I. Panuto:Piliin sa mga salitang nakatala sa ibaba ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit
_________________1. Masasakim ang mga Turkeyang lumusob sa Albanya.
_________________ 2. Nasupil ni Florante ang mga hukbo ng bantog na si Miramolin.
_________________ 3. Ang panihala sa hukbo ay ipinagkatiwala niya kay Miramolin.
_________________ 4. Walang agam-agam na tumuloy si Florante sa Reynong Albanya.
_________________ 5. Di nabigyan daan na mabunot niya ang sandata upang makipagmook.
__________________ 6. Si Adolfo ay isang balawis na tao.
__________________ 7. Ipinugal si Florante sa isang malaking punong-kahoy.
__________________ 8. Ang buhay ni Florante ay isang silo-silong sakit.
__________________ 9. Isang araw na nagbiktorya si Florante sa Etolyang siyudad na kusang binaka.
__________________ 10. Buong katawan ni Florante’y binidbid ng gapos.

Mapagsamantala Napigil Pamamahala Pangamba Makipaglaban


Taksil Iginapos Kawing- kawing Sinakop Pinilipit

II. Unawain at limiin ang isinasaad na datos. Punan ang nawawalang letra upang mabuo ang hinihinging sagot.
1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili.
____ E ____ I B ___ S Y ____ N
2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kaniyang
paligid. D ___ K ____ M ___ N ____ A ____ Y ______
3. Maaaring maghatid ng balita,talakayan,at impormasyon sa bayan man o sa nayon. R ___ D Y _____
4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami. M ___ S ___ K A
5. Maaaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon. B A L ____ T _____
II. Panuto:Basahin ang balita sa ibaba tungkol sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kautusan na
magkaroon ng face-to-face classes pagdating ng taong 2021. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.
Utos na face-to-face classes sa 2021 binawi ni Duterte
ABS-CBN News Posted at Dec 26 2020 08:17 PM
MAYNILA - Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na magkaroon ng face-to-face classes pagdating ng
taong 2021.
Plano sana itong gawin sa mga paaralan sa lugar na may mababang banta ng pagkalat ng coronavirus. "I will
not allow face-to-face classes of children until we are through with this... The nature of the germ we are confronting,”
ani Duterte sa isang meeting.
Naghahanda na sana para sa dry run ang Department of Education. Pero giit ni Duterte, may pangambang
posibleng kaharapin ang mga kabataan na papapasukin sa mga paaralan sa susunod na taon.
"I am cancelling the order I gave few days ago, few weeks ago to Sec. Briones of the Education Department
to suspend everything, all activities of children especially face-to-face classes," ani Duterte.
Iniutos ito ni Duterte matapos matuklasan ang bagong strain ng coronavirus disease sa United Kingdom, na
pinaniniwalaang mas nakakahawa. Matatandaang sa bahay nag-aaral ngayon ang mga kabataan, sa pamamagitan ng
modular o kaya online learning para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus. —

1. Sino ang bumawi sa kautusang magkaroon ng face-to-face classes pagdating ng taong 2021?

2. Ano ang paksa ng balita?

3. Ano-anong paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral ang nabanggit sa balita upang mapigilan ang pagkalat ng
coronavirus?

4. Bakit binawi ng pangulo ang kautusang face to face classes sa mga paaralan sa lugar na may mababang banta ng
pagkalat ng coronavirus?

5. Saan galing ang bagong strain ng coronavirus na pinaniniwalaang mas nakakahawa?


SUMMATIVE TEST # 4- FILIPINO 9
FOURTH QUARTER

NAME:_________________________________________ SECTION:_________________
SCORE:_______

I. Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.
_____1. Ito ay ang paglalarawan ng antas o lebel ng katagian ng tao, bagay, hayop, idea at pangyayaring maaaring
magkatulad o di-magkatulad.
A. Pagpapaliwanag B. Pagbibigay- Opinyon C. Paghahambing D. Pagtatala ng
impormasyon
______ 2. Kapag ang dalawang pinaghahambing ay pareho o patas ang katangian o uri ito ay paghahambing na ____.
A. Magkatulad B. Di- magkatulad C. Opinyon D. Pagpapaliwanag
______ 3. Kung ang pinaghahambing ay dalawang bagay na hindi magkapatas ang uri o katangian ito ay
paghahambing na
A. Magkatulad B. Di- magkatulad C. Opinyon D. Pagpapaliwanag
______ 4. Ito ay sariling palagay, pananaw o saloobin tungkol sa isang balita, isyu o usapan.
A. Desisyon B. Opinyon C. Kuro- kuro D. Sabi- sabi
______5. Ano ang tawag sa opinyon na sigurado?
A. Neutral B. Matatag C. Pansarili D. Pangkalahatan
_____ 6. Ito naman ang opinyon na hindi sigurado.
A. Neutral B. Matatag C. Pansarili D. Pangkalahatan
II. Punan ng akmang paghahambing ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon.
Mas Magkasing/ magsing Higit Kasim/ sim Pareho

1. _______________ yaman lamang ang bansang Malaysia at Singapore.


2._____ __________ bilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya.
3. ______________ -ng pinahahalagahan ang kalayaan, wika at relihiyon.
4. _______________ maunlad ngayon ang mga hapon kaysa noon.
5. ______________ na maraming tao ngayon ang nagkakaroon ng sintomas ng COVID 19 kaya nababahala ang mga
may kapangyarihan.
III. Salungguhitan sa loob ng pangungusap ang mga ekspresyong nagpapahayag ng opinyon.
1. Kumbinsido ako sa pahayag ng kinauukulang kailangan nating magsuot ng facemask at face shield para makaiwas

sa CoViD-19.

2. Labis akong naninindigang kailangan ang disiplina sa ikauunlad ng bayan.


3. Kung ako ang tatanungin, mas mabuti kung manatili na lang tayo sa loob ng ating mga tahanan.

4. Sa aking pananaw, hindi matatapos ang pandemyang ito kung hindi natin kayang disiplinahin ang ating sarili.

5. Sa totoo lang, natatakot akong mahawaan ng Corona Virus na iyan.

SUMMATIVE TEST # 4- FILIPINO 10


FOURTH QUARTER

NAME:_________________________________________ SECTION:_________________
SCORE:_______

I. Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan ng salita.Salungguhitan ang inyong sagot.

1. Piging ( Kasal, Handaan )

2. Lumisan ( Umalis, Dumating )

3. Pinalad ( minalas, sinuwerte )

4. Kahihinatnan ( Sanhi, Resulta )

5. Katunggali ( Katoto, Kalaban )

6. Pagtuligsa ( Pag- anyaya Tutol )

7. Inusig ( Siniyasat Konsensya )

8. Kahindik-hindik ( Nakakatakot, Nakatutuwa )

II. Ipaliwanag ang sumusunod na hugot o talinghaga. Gamitin ang likurang bahagi ng papel para sa inyong

kasagutan.

1. Walang kagandahang maidudulot ang pagiging mapusok lalo na sa mga kabataan. Laging tatandaan ang pagsisisi ay

laging nasa huli

2. Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang maghahatid sa iyo ng

tiyak na kapahamakan

3. Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi naibibigay ng edad ang pagkamulat

bagkus ang mga karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng pagiging matuwid

4. Kahit ang mga nilalang na ipinakikitang mas matapang sila sa kapuwa ay mayroon ding kinatatakutan. Lahat ng

katapangan ay may hangganan at lahat ng matatapang ay may katapat.

5. Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya ring aanihin. Dahil naging mabuting tao si Tiyago, naging maganda rin

ang pag-alala ng mga tao sa kaniya hanggang sa huling sandali.

6. Kapag mahal ang isang tao, gagawin nito ang lahat kahit kapalit nito ay ang kaniyang kaligtasan. May mga tao

namang nananamantala ng kagipitan ng iba para maisakatuparan ang mga binabalak.


7. May mga taong kahit na alam na mali sila ay paninindigan na lamang ito upang hindi maibaba ang sarili at

mapahiya. Ipipilit nila ang gusto kahit mayroong masamang epekto sa kanilang kapuwa.

8. Dahil sa paninira ng mga nasa kapangyarihan sa isang institusyon o gawain, nawawala ang kredibilidad nito kahit

ang katotohanan ay nais lamang ng mga ito ang mapabuti ang mga kapuwa.

You might also like