Esp9 q3 Mod3 Kagalingan Sa Paggawa

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Kagalingan sa Paggawa
Edukasyon sa Pagpapakatao – _Ikasiyam_ na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Kagalingan sa Paggawa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Charity B. Escobido
Editor: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo, Robert C. Doria, Neil Edward D. Diaz
Tagasuri: Dindo A. Rabago, Gloria Castro-Sabanal, Alemer O. Veloso
Tagaguhit: Richard N. Escobido
Tagalapat: Richard N. Escobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division


Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : [email protected]
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Kagalingan sa Paggawa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.
Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa pagsagot sa
mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin
na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
0
Alamin Natin
Wow, ang ganda naman niyan! Perfect! Magnifico! Bravo! Ang galing ng
pagkakagawa! Sino ang gumawa niyan? Imported ba o gawa sa atin?
Kadalasan ito ang mga salitang namumutawi sa iyong bibig kapag nakakakita
ka o kaya’y nakapanood ng mga produkto o kagamitang bago na pumupukaw
ng iyong atensyon. Naitanong mo na ba sa sarili mo kung kaya mo ring gawin
ang ganitong produkto o kagamitan? O sumagi ba sa isip mo na “Pagdating
ng panahon ako naman ang gagawa niyan, magtatagumpay at makikilala
kaya ako?” Ano-ano kaya ang taglay nilang mga katangian upang makabuo
ng ganitong mga imbensiyon? Ano-ano ang indikasyon ng kagalingan sa
paggawa?

Sa Modyul 7, naunawaan mo ang tunay na kahulugan at kabuluhan


ng paggawa. Nalaman mo na ito ay daan upang makamit mo ang iyong
kaganapan bilang tao. Sa modyul na ito, inaasahang maunawaan mo na
hindi sapat ang paggawa lamang. Mahalagang laging isaalang-alang ang
kalidad ng serbisyong ibinigay o produktong ginawa upang maging gawi ng
bawat kabataan ang kagalingan sa paggawa.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa


ng isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras
para rito (EsP9KP-IIIa-11.1).

2. Nakabubuo ng mga hakbang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa


paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa
oras na ginugol dito (EsP9KP-IIIa-11.2).

1
Subukin Natin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga


tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito nang buo sa iyong
sagutang papel.

1. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari


sa tetra pack ng juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t ibang
kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o
nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga
kakayahan.
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang maiangat ang kaniyang
pamumuhay.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin
ng lipunan.
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.

2. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang


proyektong “Ang Latang Naitabi mo, Panibagong Pamatid Uhaw ang Dala
Nito sa Iyo” upang makaipon ng maraming lata na ibibigay sa Tahanang
Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga
pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o kumpanya sa paglikha ng
isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga
may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto, alin sa sumusunod
ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong kikita ang tao
b. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos

3. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng


pinggan sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at
nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang
kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kaniyang tungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang tungkulin
c. Ang kaganapan ng kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay
kaganapan ng kaniyang pangarap

2
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa
trabahong ginagawa

4. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya ng mga benepisyong hindi


inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglilingkuran ng mahigit sa
40 taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang
natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kagalingan sa
paggawa ang pagtanggap ng benepisyo at pagkilala kay Mang Rene?

a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.


b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang
manggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi ng kaniyang
karapatan bilang isang manggagawa.
c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.
d. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene
dahil sa edad na mayroon siya.

5. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay.


Sa kabila nito siya ay nagtagumpay pa rin dahil sa negosyong kaniyang
itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon
sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte, at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili,
kapuwa at bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili

3
Aralin Natin
Gawain 1: Panuto:
1. Suriin kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan. Sa kanan
ng bawat aytem, lagyan ng tsek (/) ang angkop na kolum. Gawin ito sa
sagutang papel.
2. Pagkatapos, bilangin ang kabuuang iskor sa bawat kolum.
3. Tingnan ang interpretasyon ng iskor sa ibaba nito.

Mga Palatandaan Ako Hindi ako


Ito Ito
1.Ginagawa ang mga bagay na dapat gawin

2. Nagdarasal muna bago gawin ang anumang


bagay

3. Tinatapos lagi nang may kalidad ang anumang


gawain
4. Laging may bagong ideya at konsepto sa isang
partikular na gawain o bagay
5. Nagpaplano ng paraan kung paano gagawin ang
isang gawain bago simulan ito
6. Nirerebisa ang gawain batay sa punang angkop
sa kraytirya ng output
7. Laging nagpapasalamat sa Diyos sa mga
natapos na gawain at takdang aralin na nagawa
nang maayos
8. Palatanong sa mga bagay na bago sa aking
paningin
9. Hindi sumusuko sa hamon ng anumang gawain
kahit mahirap ito
10. Inuunawa ang panuto bago simulan ang
Gawain
Interpretasyon
0-2 Kailangang-kailangan ang mga kasanayan sa paggawa ng gawain o
produkto nang may kalidad
3-5 May mga kasanayan na sa paggawa ng gawain o produkto nang may
kalidad
6-7 Mapauunlad pa ang mga kasanayang taglay sa paggawa ng gawain o
produkto nang may kalidad
8-10 Malaki na ang antas ng mga kasanayan sa paggawa ng gawain o
produkto nang may kalidad

4
Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan
ng negatibong interpretasyon. Layunin ng gawaing tulungan kang tayahin ang
iyong kakayahan at maging bukas ka sa pagbabago. May magagawa ka pa
upang ito ay mapaunlad. Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng mga
kakayahan.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba:


1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili pagkatapos mong sagutan ang
tseklist? Ipaliwanag.

2. Sa kabuuan, masasabi mo bang may kalidad ang iyong paraan sa


paggawa? Ang output o produkto ng iyong paggawa? Patunayan.

3. Ano-ano ang indikasyon na ang isang gawain o produkto ay may


kalidad o kagalingan (excellence)? Ipaliwanag ang bawat isa.

Rubriks ng Indikasyon ng Isang Gawaing may Kalidad o


Kagalingan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Patunay ng Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad ng
kagalingan ng ng limang ng 3-4 na 1-2
paraan sa patunay ng patunay ng limang patunay ng
paggawa at kagalingan ng kagalingan ng kagalingan ng
output o paraan sa paraan sa paraan sa
produkto paggawa at ng paggawa at ng paggawa at ng
output o output o output o produkto
produkto ng produkto ng ng ginawa
ginawa ginawa
Indikasyon ng Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad ng
Kalidad o ng 5 ng 3-4 na 1-2
Kagalingan ng indikasyon ng indikasyon ng indikasyon ng
gawain kalidad o kalidad o kalidad o
kagalingan ng kagalingan ng kagalingan ng
isang gawain isang gawain isang gawain
Kabuoang
Puntos

5
Gawin Natin
Gawain 2: Guhit Ko, Dugtungan Mo!

Panuto:

1. Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip, dugtungan ang mga guhit sa loob
ng mga kahon upang makabuo ng larawan ng kahit na anong bagay. Ano
kaya ang mabubuo mo?

Halimbawa: Ikaw naman… 2.


1.

Bago Pagkatapos

3. 4. 5.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.


a. Nahirapan ka bang dugtungan ang mga guhit at makalikha ng
kakaibang larawan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
b. Ano-anong larawan ang naiguhit mo?
c. Naniniwala ka bang ito ay bunga ng iyong pagkamalikhain? Ipaliwanag
ayon sa iyong pagkaunawa ng katangian ng pagkamalikhain.
d. Ano-ano ang isinaalang-alang mo bago dugtungan ang mga guhit?
e. May mga hakbang ka bang sinunod upang magkaroon ng kalidad o
kagalingan ang ginawa mong pagdugtong sa mga guhit sa bawat
kahon? Ano-ano ito?
f. Kung ang lahat ng mga nabuo mong larawan ay maituturing na isang
kuwento, masaya ka ba sa nabuo mo? Pangatwiranan.
g. Ano ang kahalagahan ng pagiging malikhain upang magawa nang
maayos ang isang gawain at makalikha ng kakaibang produkto?

6
Rubriks ng Kagalingan o Kalidad ng Paggawa
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Mga bagay na Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad ng
isinaalang- ng apat na ng tatlong bagay 1-2 bagay na
alang sa bagay na na isinaalang- isinaalang-alang
pagguhit isinaalang-alang alang bago bago dugtungan
bago dugtungan dugtungan ang ang mga
ang mga mga guhit/larawan
guhit/larawan guhit/larawan

Mga hakbang Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad ng


na sinunod ng apat na ng tatlong 1-2 hakbang na
upang hakbang na hakbang na sinunod upang
magkaroon ng sinunod upang sinunod upang magkaroon ng
kagalingan ang magkaroon ng magkaroon ng kagalingan ang
ginawang kagalingan ang kagalingan ang ginawang
guhit/larawan ginawang ginawang guhit/larawan
guhit/larawan guhit/larawan

Kabuoang
Puntos

7
Sanayin Natin

Gawain 3

Panuto: Suriin ang pelikulang may pamagat na Ron Clark Story sa You
Tube.

1. Manghiram sa kakilala o kaibigan ng cd o dvd ng pelikulang Ron Clark


Story o maaari rin itong panoorin sa youtube.com. Sundan ang url na:
http://www.youtube.com/watch?v=foRsBdbEums0.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.


a. Sa pelikulang napanood, sino si Ron Clark? Ano ang kaniyang
propesyon?
b. Ano-anong pagpapahalaga ang napansin mong isinabuhay niya sa
pelikula?
c. Naging madali ba sa kaniya na isabuhay ang mga ito?
d. Paano niya nalampasan ang mga pagsubok? Ipaliwanang.
e. Nagpamalas ba siya ng kagalingan sa paggawa sa kaniyang
propesyon? Pangatuwiranan.

Tandaan Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos,
sagutin ang “Tayahin ang Iyong Pag-unawa” sa Suriin Natin.

Kagalingan sa Paggawa
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay
nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat
ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa. May mga partikular na
kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa. Ang pagkakaroon ng
propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat isaalang-alang, ngunit
hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing
mag-aangat sa iyo bilang tao.

Ano-anong kasanayan ang kailangan sa paggawa ng may


kalidad?

8
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang
sumusunod na katangian: 1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga; 2.
Pagtataglay ng positibong kakayahan; at 3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa
Diyos.

1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga - Ang isang matagumpay na tao


ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin
ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang
mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa
ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. Ang mga
produktong kaniyang lilikhain ay bunga ng kasipagan, tiyaga, pagiging
masigasig, pagkamalikhain, at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

a. Kasipagan- Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang


isang gawain nang buong puso at may malinaw na layunin sa
paggawa. Ang produkto o gawaing likha ng isang taong masipag ay
bunga ng kahusayan at buong pagmamahal na ginagawa. Dahil dito
ang nagiging resulta ng kaniyang pagsasagawa ng gawain ay
maayos, kahang-hanga at kapuri-puri. May kagalingan ang
produkto o gawain o ang paggawa sa kabuuan kung ito ay bunga ng
pagmamahal at pagkagustong gawin ito nang buong husay.

b. Tiyaga- Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga


hadlang sa kaniyang paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang
mga kaisipang makahadlang sa paggawa ng isang produkto o
gawain tulad ng: pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa likha
ng iba, at pag-iisip ng mga dahilan upang hindi isagawa ang gawain.
Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng
inspirasyon, turo at gabay na kaniyang nakukuha sa ibang tao.

c. Masigasig- Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at


siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang
atensiyon o oras niya ay nakatuon lamang sa produkto o gawaing
kaniyang lilikhain. Sa pamamagitan nito madali siyang nakatatapos
ng produkto at gawain nang hindi nakararamdam ng anumang
pagod o pagkabagot.

d. Malikhain- Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng


mayamang pag-iisip at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa
ng iba. Dapat ay orihinal, bago, at kakaiba ang produkto. Gayundin
sa pagbibigay ng serbisyo o iba pang gawain, hindi kailangang
katulad ito ng iba o ng nakararami. Madaling nakikilala at
natatanggap ang isang produkto o serbisyo kapag bago ito sa

9
panlasa ng tao. Kung sakaling may ginaya o kinopya sa naunang
likha, kailangang mas higit na mabuti at katanggap-tanggap ito.

e. Disiplina sa sarili – Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang


hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang
tao. Maaari niyang isantabi ang pansariling kaligayahan para sa
kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng gawain o produkto ng
taong may disiplina sa sarili ay para sa ikabubuti ng lahat.

Ano-anong pagpapahalaga sa paggawa ang taglay mo na at kailangan


mo pang malinang? Ano-anong hakbang ang iyong gagawin upang
maisabuhay ang mga ito?

2. Nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan - Bukod sa mga


kasanayan sa basic literacy (tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta,
pakikinig, pagsasalita), mahalaga rin ang mga kasanayan sa pagkatuto
na may tatlong yugto – ang Pagkatuto bago ang paggawa, Pagkatuto
habang ginagawa, at Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain-
(Morato, 2007).

a. Pagkatuto bago ang paggawa – Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa


ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto. Binubuo
ito ng mga kasanayan sa:
 Pagbuo ng mga layunin
 Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang
kalalabasan (outcomes)
 Pagbuo ng mga angkop na konsepto na magpapaliwanag sa
gawain
 Pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa
konseptong binuo
 Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
 Pagtukoy sa mga tutulong sa pagsasagawa ng gawain
 Pagtatakda ng kakailanganing panahon upang isagawa ang
gawain

Halimbawa: Naatasan ang pangkat mo sa klase sa Edukasyon sa


Pagpapakatao na gumawa ng proyektong tutugon sa mga
pangangailangan ng mga bata na may edad na 5 hanggang 9 sa
inyong barangay. Kailangang malinaw ang tunguhin (goal) at
mga inaasahang kalalabasan (expected outcomes) ng proyekto.
Ito ba ay upang buklurin sila sa paggawa ng mabuting gawain sa
pamayanan – halimbawa, ang proper hygiene, tamang asal o
Katesismo? Ang mga inaasahang kalalabasan ba ay ang

10
pagbawas ng bilang ng kabataang gumagala sa kalye sa gabi?
Kapag malinaw na ang tunguhin at mga inaasahang kalalabasan,
magsagawa ng pagtatanong o pakikipanayam (unobtrusive
interview) sa ilang bata tungkol sa kanilang mga
pangangailangan. Ang mga sagot nila ang batayan ng paggawa
ng mas organisadong talatanungan (questionnaire) bilang
batayan ng gagawing proyekto na tutugon sa kanilang mga
pangangailangan.

b. Pagkatuto habang ginagawa - Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t


ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang
pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala
ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong
napili at mga posibleng kahaharaping problema at solusyon sa mga
ito.

Halimbawa: Pagkatapos makuha ang mga kinakailangang


impormasyon sa proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao na
inilahad sa ibang bilang, magiging madali na ang pagsasagawa ng
plano dahil may batayan na sa susunod na hakbang na isasagawa.
Makatutulong ang mga impormasyong nakuha upang maiwasan
ang anumang problema na maaaring kaharapin at kung sakaling
mayroon man, madali na ang paglalapat ng solusyon dahil
napaghandaan na, halimbawa, kung sinong tao o opisyal ang
lapitan para makatulong sa gagawing proyekto.

c. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain – Ito ang yugto ng


pagtataya sa naging resulta o kinalabasan ng gawain. Sa puntong
ito, malalaman mo ang mga kilos at pasiya na dapat panatilihin at
baguhin.

Halimbawa: Magkakaroon ng ebalwasyon sa isinagawang proyekto


– ang resulta ng programang isinagawa, ang naging epekto nito sa
pamayanan, gaano naging kapaki-pakinabang ang gawain, at kung
naisakatuparan ang tunguhin ng proyekto. Kung sakaling ang
resulta ng gawain ay hindi kaaya-aya, gagamiting basehan ito sa
pagpaplano at pagpapaunlad ng susunod na gawain.

Ang mga yugto o hakbang na ito ay magsisilbing susi sa pagtupad ng


iyong layuning makagawa ng isang mahusay na produkto o serbisyo. Ang
kagalingan sa paggawa ay nasusukat ayon sa maayos na pagsasakatuparan
ng mga hakbang na dapat isaalang-alang sa paggawa.

11
Suriin Natin

Tayahin ang Iyong Pag-unawa


Panuto: TAMA o MALI. Tukuyin kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa. Isulat ang mga sagot sa
sagutang papel.

1. Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang


humuhubog sa kaniya upang harapin ang anumang pagsubok na
pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin.

2. Ang pagkatuto habang ginagawa ay tumutukoy sa yugto ng paggawa


ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto.

3. Ang pagbuo ng mga layunin ang pinakaunang kasanayan na dapat


isaalang-alang sa pagkatuto bago ang paggawa.

4. Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan ng kaniyang


ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao.

5. Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay hindi


nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan.

6. Ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa ay sapat na upang


magkaroon ng kagalingan o kalidad sa paggawa.

7. Ang pagiging masigasig ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at


siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.

8. Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang


humuhubog sa kaniya upang harapin ang anumang pagsubok na
pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin.

9. Hindi maaaring isantabi ng taong may disiplina sa sarili ang


pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao.

10. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang


makahadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain tulad ng:
pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa likha ng iba, at pag-iisip
ng mga dahilan upang hindi isagawa ang gawain.

12
Payabungin Natin
Gawain 4
Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa isang indibiduwal sa inyong
komunidad na naging matagumpay ang pamumuhay dahil sa kakaibang
paglilingkod, produkto, o gawaing isinasagawa niya/nila. Gumawa ng isang
artikulo na naglalahad ng kinalabasan ng iyong panayam.
Rubriks sa Paggawa ng Artikulo

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Paglahad ng Nakagagawa ng Nakagagawa ng 3- Nakagagawa ng 1-
mahalagang limang talatang 4 na talatang 2 talatang artikulo
konsepto artikulo tungkol sa artikulo tungkol tungkol sa buhay
buhay ng isang sa buhay ng isang ng isang
matagumpay na matagumpay na matagumpay na
indibiduwal. indibiduwal indibiduwal
Mga gawain Nakapaglahad ng 5 Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng
upang maging gawain kung paano 3-4 na gawain 1-2 gawain kung
matagumpay maging matagumpay kung paano paano maging
ang sa buhay. maging matagumpay sa
pamumuhay matagumpay sa buhay
buhay
Kabuoang
Puntos

13
Pagnilayan Natin
Gawain 5
Panuto: Sumulat ng pagninilay sa sagutang papel tungkol sa paksa gabay
ang talahanayan sa ibaba.
Ano-ano ang mga Ano ang aking Ano-anong hakbang ang
konsepto at kaalaman pagkaunawa at aking gagawin upang
na pumukaw sa akin? reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at reyalisasyong ito
ito? sa aking buhay?

14
Rubriks sa Pagkaunawa at realisasyon sa konseptong nalaman
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
(10 puntos) (8 puntos) Pag-unlad
(5 puntos)
Paglalahad Nakapaglahad ng 5 Nakapaglahad ng 3-4 Nakapaglahad ng 1-2
ng mga konsept/kaalaman at konsepto/kaalaman at konsepto/kaalaman at
konsepto at pagkaunawa/reyalisasyon pagkaunawa/reyalisas- pagkaunawa/reyalisas-
kaalaman na pumukaw sa pagkatao yon na pumukaw sa yon na pumukaw sa
pagkatao pagkatao

Paglalahad Nakapaglahad ng 5 Nakapaglahad ng 3-4 Nakapaglahad ng 1-2


ng hakbang hakbang na gagawin hakbang na gagawin hakbang na gagawin
na gagawin upang mailapat ang mga upang mailapat ang upang mailapat ang
upang pang-unawa o mga pang-unawa o mga pang-unawa o
mailapat ang reyalisasyon sa sariling reyalisasyon sa sariling reyalisasyon sa sariling
mga pang- buhay buhay buhay
unawa o
reyalisasyon
sa buhay
Kabuoan

O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo,


maaari mo nang gawin ang susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang
mga gawain sa modyul na ito. Hingin ang tulong o gabay ng iyong magulang
o guro.

Binabati kita sa natapos mong modyul! Ipagpatuloy mo ang pagiging


mapanagutan sa kapuwa.

15
16
Answer (Tayahin ang Pag-unawa) Answer (Subukin
1. Tama Natin)
2. Mali 1. A
3. Tama
4. Tama 2. Lahat
5. Mali
3. A
6. Mali
7. Tama 4. C
8. Tama
9. Mali 5. D
10. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mula sa Aklat:

Gayola, Sheryl T., Geoffrey A. Guevarra, Maria Tita Y. Bontia, Suzanne Rivera,
Elsie G. Celeste, Marivic R. Leano, Benedick Daniel O. Yumul, Aprilyn
G. Miranda, at Nestor R. Alagbate. “Edukasyon sa Pagpapakatao.”
Modyul para sa Mag-aaral 9, ph.147-160, 2017.

Mula sa Internet:

Modyul 10: Kagalingan sa Paggawa. Retrieved October, 2020.


www.academia.edu/ 18978395/Grade-9-ESP-LearningModule.

Modyul 10: KaKagalinga sa Paggawa Retreived October 27, 2020.


https://video.
search.yahoo.com/search/video?fr=mcafee&p=Esp+9+Modyul+10.

Modyul 10: Kagalingan sa Paggawa. Retrieved October 29, 2020.


www.slideshare. net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-10.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St. Davao City, 8000

Telefax: (082) 219-1665; (082) 221-6147

Email Address: [email protected]

18

You might also like