Esp94th Quarterwk1and2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education (DepEd)


Region VIII (Eastern Visayas)
DIVISION OF LEYTE
Palo, Leyte
-o0o-
Inopacan National High School
Inopacan, Leyte

GAWAING PAPEL SA PAGKATUTO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


(Ikat-Apat na Markahan – Una at Ikalawang Linggo)

Pangalan: ___________________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________
Petsa: ___________________________________

Kumusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.

Bago ka magsimula sa mga aralin, tandaan ang mga sumusunod na paalala:


1. Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat.
2. Huwag lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng
sanayang papel.
3. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Gamitin mo rin ang iyong journal kung kinakailangan.
4. Basahing mabuti ang bawat panuto bago gawin ang gawain.
5. Kapag tapos ka na sa sanayang papel na ito, hayaan ang iyong mga
magulang o sinumang miyembro ng pamilya na pwedeng lumabas ng
bahay upang maghatid nang iyong mga sagot sa pinag-usapang lugar na
paglalagyan.
6. At huwang kalimutan na panatilihin ang pagiging malinis sa paligid at
sarili sa lahat ng oras upang maiwasan ang nakakahawang sakit at
sumunod sa COVID19 protocols.

LEARNING COMPETENCIES:

 Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang


talento, kakayahan at hilig (mula Baitang 7) at
naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong
akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at
palakasan o negosyo (EsP9PK-IVa-13.1)

 Napagninilayan ang mga mahahalagang


hakbang na ginawa upang mapaunlad ang
kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang
hilig, mithiin, lokal at global na demand
(EsP9PK-IVa-13.2)

1
SIMULAN

Ang maikling pagsusulit ay naihanda para sukatin ang nalalaman mo tungkol sa ating aralin. Mainam
na ito ay sagutan bago ang ating talakayan.

Gawain 1 (15 pts)


Panuto: Isulat ang malaking letrang T kung ang pangungusap ay tama at malaking Letrang M kung
ang pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___1. Bilang isang anak, nararapat lang na sundin ang kagustuhan ng mga magulang sa pagpili ng
kurso o Track.
___2. Makakatulong sa tamang pagpapasiya kung alam natin ang ating sariling kakayahan at talento.
___3. Ang talento ay espesyal na abilidad na biyaya ng ating Maylikha na dapat nating tuklasin.
___4. Nais ni Jesie na kumuha ng kursong Mechanical Engineering dahil marami sa kaniyang
kabarkada ay kukuha din ng parehong kurso.
___5. Mainam na humingi ng payo sa ibang tao pero dapat sa mapagkakatiwalaan lang.
___6. Gusto ni Jhane na kumuha ng Culinary Arts na kurso dahil hilig niya ang pagluluto.
___7. Gusto ni Marsha na maging doctor balang araw para makatulong siya sa mga mahihirap na
may sakit.
___8. Gusto ni Randolf na maging manager bilang araw para tingalain siya at magkaroon ng malaking
sahod.
___9. Gusto ni Pamela na maging abogado balang araw para makatulong siya sa mga mahihirap na
inaapi.
___10. Ang pagkilala sa inyong pagpapahalaga ay daan para sa inyong tamang pagpapasiya para sa
tamang kurso o track na tatahakin.
___11. Dapat ang mga magulang ay magsisilbing gabay o tagapayo lamang at hindi magdedesisyon
para sa mga anak.
___12. Ayon kay Dr. Harvey Gardner ang bawat tao ay may angking katalinuhan at may limang uri
ng katalinuhan.
___13. Bodily Kenesthetics ay mga katalinuhang may kaugnayan sa pagsayaw, construction, sports
at pag-arte.
___14. May mga taong magaling magsalita at verbal linguistics ang katalinuhan kaya sila ang mga
sales representatives, abogado, politiko at iba pa.
___15. Bawat desisyon sa buhay ay mahalaga kaya hindi dapat minamadali, kailangang paglaanan ng
oras at magsaliksik ng mga impormasyon

ARALIN 1: Ang Hilig ko ang Magiging Kurso Ko

Naalala mo pa ba noong unang araw na pumasok ka noong grade 7 ka? Magkahalong


kaba, takot at hiya ang maaring inyong naramdaman. Walang kaplano plano sa buhay kundi

2
dahil sinabi ng mga magulang ay sumunod ka at nag-enrol sa grade seven? Subalit habang
nagdaan ang mga araw unti unti mong nalaman na ikaw pala ay isang espesyal na nilalang,
may taglay kang talento ngunit hindi mo pa alam. May taglay na kakayahan subalit hindi mo
rin alam o kaya’y hindi mo sigurado at higit sa lahat ay hindi ka kumbinsido na meron kang
galing at talento.
Ngayong nasa baitang 9 ka na, nadagdagan ang iyong kakayahan dahil natutunan mo
na ang makinig at nagkaroon ka na ng malayang kilos loob na gabay mo sa paggawa ng
mabuti. Mas naging matibay ang iyong kakayahang alamin at tuklasin ang anumang bagay na
naisin. Sa mga pagkakataon na ikaw ay magpapasiya at may panahong nalilito sa pagpili ng
anumang bagay o solusyon, nagagawa mo ng iwasan ang mabilisan at di-pinagisipang kilos.
Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili para makita ang kabuuan at
ang iba’t-ibang angulo ng sitwasyon. Nuong ikaw ay nasa Grade 7 pa lamang ay
nakakapagdesisyon ka ng hindi na dumaan sa masusing pag-iisip dahil hindi pa lubusang
nalinang sa iyo nuon ang kakayahan sa pananaliksik at pagkakaroon ng mas matibay at mas
malawak na kaalaman bago magdesisyon ukol sa isang sitwasyon ngunit ngayon, nagkaroon
ka na ng mas malawak na perspektibo ukol sa mga bagay-bagay kaya nagiging mas malinaw
ang pag-alam sa katotohanan at paggawa ng desisyon. Nakakatulong ang paghingi ng payo sa
mga eksperto subalit dapat piliin ang mga tao na lalapitan, sila dapat ang alam mong
magmamalasakit sa iyo at mapagkakatiwalaan mo.
Ayon sa pilosopong si Jurgen Habermas ng Alemanya, “tayo ay nilikha upang
makipagkapuwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (life world). Dagdag pa niya, nahuhubog
ang lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-
ugnayan sa kapuwa.
Gamit ang kilos-loob, nakakapili tayo sa mga pagpipilian-mabuti man o masama. Ang
kalayaan ay hindi lamang para gawin ang sariling gusto dahil nagiging daan ito upang ikaw
ay magkamali. Nais ng modyul na ito na ikaw ay magabayan sa pagpapasiya mo sa
pamamagitan ng pagkilala sa mga pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong
akademik, teknikal-bokasyonal, sining at desinyo at isports. Tara na ating alamin, aralin at
isaisahin.
Talento unang pansariling salik na sa bawat tao ay biyayang Diyos ang nagbigay.
Maaring napag-aralan mo at nalaman mo sa baitang 7 ang resulta ng inyong Multiple
Intelligences Survey Form. Ayon kay Dr. Howard Gardner may walong katalinuhan o talento
na maaring taglay ng mga tao. Visual Spatial, Verbal/ Linguistic, Mathematical/logical,
Bodily Kinesthetic, Musical/Rythmic, Intrapersonal, Interpersonal o kaya existential.
Tandaan mo na ang talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang
tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang track o kurso para sa iyo.
Kung matagumpay mong maitutugma ang iyong talento sa trabaho/ hanap-buhay ay
makakamit mo ang kagalingan at produktibong paggawa. Magbalik-aral sa mga natutunan sa
baiting 7 tungkol sa walong multiple intelligences.

Kasanayan (Skills) ay tumutukoy sa mga bagay kung saan tayo ay magaling. Madalas
itong naiuugnay sa mga salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan
(proficiency). Kailangan mo itong matukoy dahil Malaki ang ambag nito sa tamang pagpili o
pagpapasiyang inyong gagawin. Narito ang iba’t-ibang anyo ng kasanayan:

1. Kasanayan a pakikiharap sa mga tao (People Skills)-nakikipagtulunga at nakikisama sa iba,


magiliw, naglilingkod at naghihikayat sa iba para kumilos, mag-isip para sa iba.

3
2. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)- Humahawak ng mga dokumento, datos, bilang,
naglilista o nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito, lumilikha ng ng mga sistemang nag-
uukol sa mga trabahong inatang sa kaniya.
3. Kasanayan sa mga bagay-bagay. (Things Skills)- nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo
ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan, nakakaunawa at umaayos sa mga pisikal,
kemikal at biyolohikong mga functions.
4. Kasanayan sa Ideya at Solusyon (Idea Skills)- lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na
bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.

Batay sa nalaman mo tungkol sa kasanayan mainam na ngayon pa lang ay matiyak mo ang taglay
mong kasanayan. Dapat maglaan ng oras para matuto ng iba’t-ibang kasanayan. Katulad ng matutong
magluto, manahi, computer skills na hindi lang on-line games. Dahil lamang ang mas maraming alam
gawin sa buhay.
Hilig. Narinig mo na ba ang acronym na RIASEC? Ito ay nagsisimbolo sa anim na mga
Jobs/Career/Work environments ayon sa paghahati ni sikolohistang John Holland. Maaring ang isang
tao ay magtaglay ng hindi lamang iisang hilig o interes bagkus pwede siyang magkaroon ng tatlong
kombinasyon ng kanyang Hilig o Interes.
Ang hilig ay mga paborito mong gawin na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang inyong puso
na ibigay ang lahat ng inyong makakaya nang hindi nararamdaman ang pagod o pagkabagot. Malimit
salungat dito ang mga ayaw mong gawin. Kung magagawa mo sa ngayon na ituon ang pansin sa sa
mga tiyak mong mga hilig, umasa kang mas magiging madali ang pagpili ng iyong nais na kuning
track o kurso sa Senior High School. Hamon ito na dapat mong paghandaan upang maging
makabuluhan ang inyong pipiliin na hanapbuhay. Handa ka na bang alamin ang inyong hilig o
interes? Una dapat malaman mo ang kahulugan ng Acronym na RIASEC. Realistic, Investigative,
Artistic, Social, Interprising at Conventional. Ang mga hilig na ito ay maaring maglikha ng iba’t-bang
job personalities, ang ilan sa mga ito ay maaring maging taliwas sa katangian ng isang tao sa kaniyang
piniling trabaho. Ito ang dahilan kung bakit maraming tao ay hindi masaya sa kanilang trabaho na sa
kabila ng magandang opurtinadad ay nagreresign sa trabaho.
Pagpapahalaga. Ito ay ang mga taglay mong kaalaman at paniniwala na siyang naghuhubog
sa inyong katangian. Halimbawa ay ang isang taong may malasakit sa mga mahihirap na hindi
kayang magpaospital. Nagsumikap siya para maging doctor at magsilbi bilang doctor ng bayan.
Handa siyang umakyat sa mga bundok para ihatid ang serbisyong pangkalusugan ng bayan kahit ito
ay mahirap at kahit meron siyang mga opportunidad na naghihintay sa abroad.
Mithiin ang layunin mo o gusto mong mangyari sa buhay balang araw.
Ang mithi o mithiin ay ang bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit. Ito ay naaayon sa
pangangailangan ng isang tao.
Ang mithiin ay makakamit kapag pinagsikapang matamo sa abot ng makakaya. Ito ay maaring Long
term goal o kayay short term goal. Mahalaga na meron ka din personal na pahayag ng mithiin sa
buhay dahil nagiging mas malinaw ang landas na inyong tatahakin. Sa pagbuo ng mithiin dapat
isaalang alang ang inyong talento, hilig at interes at mga kasanayan. Maari ding gamitin ang SMART
sa pagbuo ng inyong mithiin na tiyak ko na napag-aralan mo noon sa baitang 7.

Gawain 2 (35 pts)


Panuto: Ito ay isang paghahambing sa mga gustung-gusto mong gawin noong ikaw ay nasa grade 7
pa lamang at ngayong nasa grade 9 ka na. Mainam na ito ay sagutin ng makatotohanan para sa mas
makatotohanan na resulta. Lagyan ng ⁄ ang hanay na nagtataglay ng inyong gustong gawin.

Grade 7 Grade 9
1. Mga gawaing may kaugnayan sa mga sasakyan
2. Paglalaro ng puzzle.
3. Paggawa ng gawain mag-isa.
4. Paggawa ng gawain kasama ang iba.

4
5. Mangarap at magplano.
6. Isaayos ang gamit at ilagay sa lalagyan nito
7. Magkumpuni ng mga kung ano-anong bagay.
8. Magbasa ng mga babasahing may kaugnayan sa sining.
9. Gawin ang isang bagay ayon sa tamang paraan.
10. Iniimpluwensiyahan at himukin ang ibang tao.
11. Gumawa ng eksperimento o pag-aaral
12. Tinuturuan at sinasanay ang ibang tao.
13. Tulungan ang ibang tao sa kanilang problema.
14. Mag-alaga ng hayop
15. Magtrabaho ng higit sa walo na oras.
16. Magbenta ng iba’t-ibang bagay.
17. Malikhaing pagsusulat.
18. Gawaing may kaugnayan sa agham.
19. Magluto.
20. Iniisip kung ano ang mangyari sa isang bagay.
21. Nakikinig at inuunawa ang bawat panuto.
22. Tumugtog at umawit.
23. Mamasyal sa iba’t-ibang lugar.
24. Mag-isip ng pagkakakitaan.
25. Umarte sa teatro.
26. Gawaing ginagamitan ng tools.
27. Gawaing may kaugnayan sa bilang o numero.
28. Pag-usapan ang iba’t-ibang isyu.
29. Magsaayos ng mgs dokumento.
30. Manguna o mamuno.
31. Gawaing panlabas. (Outdoor activities)
32. Gawaing pang-opisina.
33. Gawaing pang matematika.
34. Tulungan ang nagangailangan.
35. Magtalumpati.
Kabuuang Iskor

Pagkatapos ay bilangin ang bawat ⁄ sa mga hanay at isulat sa kabuuan iskor ito. Kopyahin ang
sagut mo sa Kabuuang iskor at ilagay sa talahalayan sa ibaba.
Sagutin ang mga tanong:
1. Kumbinsido ka ba sa nalaman mong resulta ng mga hilig mo sa kasalukuyan?
Pangatwiranan ang sagot.
2. May pagbabago ka bang nakita sa iyong mga nalalaman o hilig mo noong ikaw ay nasa
ikapitong baitang at sa resulta ng hilig mo ngayon? Ipaliwanag.

5
ARALIN 2 :
Pagpapa-unlad ng Talento at Kakayahan ayon sa Hilig, Mithiin, Lokal at Global na
Demand.
Ano nga ba ang nais ko? Sa ngayon subukan mong iguhit sa inyong kaisipan ang sarili mo sa
hinaharap. Kalakip sa inyong pagguhit ang inyong mga taglay na talento, kakayahan, interes at
pagpapahalaga sa buhay. Ngayon naman ang panahon na dapat itanong sa sarili saan ko ba gustonbg
maglingkod? Iyaalay ko baa ng aking pangarap para makapaglingkod sa aking bayan o kaya’y dapat
ako ay makapagtrabaho sa ibang bansa?
Ang sumusunod na talahayan ay nagpapakita ng mga trabaho na pumapatok sa kasalukuyan
sa ating bansa at sa ibang bansa. Ang local na demand para sa mga mangawa ay patuloy na tumataas
dahil sa mga papalagong industriya at tumataas na antas ng buhay ng mga tao, gayundin sa global na
demand. Ang mga bansa ay patuloy na nangangailangan ng mga manggagawa na kaagapay sa
pagpapatakbo ng ekonomiya. Sa mga mayayamang bansa, nangangailangan sila ng mga
manggagawa na may mataas na kasanayan sa paggawa (skilled workers).
Top 10 Emerging & Most In-Demand Jobs in The Philippines 2020
1. Data Scientist
2. Application Development Analyst
3. Back End Developer
4. Full Atack Engineer
5. Sales Development Representative
6. Marketing Specialist
7. Recruitment Specialist
8. Administration Manager
9. IT Consultant
10. Accountant
• Source: https://grit.ph/in-demand-jobs/
Upang makasabay sa patuloy na pagtaas ng kwalipikasyon ng mangagawa at upang
makasabay sa global nap ag-unlad, mainam na magbasa, malaman at masaliksik ang tungkol dito.
Makakatulong kung malaman natin ang mga gabay na kailangan una pa lang sa pagpili ng kursong
kukunin upang hindi malihis sa landas na tinatahak.
Iyo bang napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na nararapat gawin upang
mapaunlad ang iyong talento at kakayahan ayon sa iyong hilig, mithiin, lokal at global na demand?
Maaari nating gamitin ang mga sumusunod bilang gabay:
1. Maglaan ng panahon para kilalanin ang sarili
2. Tuklasin ang taglay na talento, hilih at kakayahan
3. Hasain at paunlarin ang mga kakayahan
4. Mag-aral pa ng ibang kasanayan, alamin ang hilig at palalimin ang pagpapahalaga.
5. Higit sa lahat magplano para sa inyong kinabukasan. Mas maaga mas mainam dahil
lamang ang may malinaw na tinatahak kaysa maglakad sa dilim ng bahala na.
Panahon na para maglaan ng panahong kilalanin ang sarili, tuklasin ang biyaya taglay na
talento, husayin ang kakayahan at mag-aral pa ng ibang kasanayan, alamin ang hilig at palalimin ang
pagpapahalaga. Higit sa lahat magplano para sa inyong kinabukasan mas maaga mas mainam dahil
lamang ang may malinaw na tinatahak kaysa maglakad sa dilim ng ‘bahala na’.
Ngayon pa lang binabati kita para sa maliwanag mong kinabukasan kasama ang inyong mga
mahal sa buhay.

6
Gawain 3 (10pts)
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang sikolohisata na may akda ng Multiple Intelligences na nagsasabi na ang bawat tao ay may taglay na
talino. Talino na nahahati sa walong klase.
A. Erick Erickson B. Carl Jung C. Howard Gardner D. Sigmund Freud

2. Ano ang pansariling salik na tumutukoy sa mga bagay kung saan ka bihasa at magaling. Ito ay inyong abilidad
na dapat matutunan at paghusayin.
A. hilig B. kasanayan C. mithiin D. talent

3. Ano ang pansariling salik na siyang inyong pambihirang biyaya at likas na kakayahan na dapat mong tuklasin.
A. kasanayan B. mithiin C. pagpapahalaga D. talent

4. Anong uri ng hilig ang taglay ng taong mas gustong magtrabahong mag-isa kaysa makatrabaho ang ibang
tao?
A. artistic B. enterprising C. investigative D. realistic

5. Halos lahat ng kapatid ni Hannah ay nasa Amerika hinihikayat siyang maglakad ng papeles niya para
maksama kunin siya sa ibang bang bansa subalit mas gusto niyang manatili sa kanilang bayan at magsilbing
midwife sa kanilang barangay. Ito ay halimbawa ng anog uri ng demand?
A. global B. international C. local D. national

6. Gustong-gusto ni Carlo na maglaro ng on-line games. Halos lahat ng libreng oras niya ay nakababad siya
ditto. Kalaunan ay kumaha siya ng computer programming at natuto siya lumikha ng sarili niyang on-line games.
Anong uri ng pansariling salik ang tinutukoy dito?
A. artistic B. bodily kenisthetics C. enterprising D. hilig

7. Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na
kakayahan, iba’t-iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong
gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa
pagtuntong mo sa Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso.

8. Ano ang dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para
sa nalalapit na Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan.
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral.
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon.
9. Anong uri ng kasanayan ang mayroon sa taong nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod
at naghihikayat sa iba para kumilos?
A. Kasanayan sa mga datos
B. Kasnayan sa mga bagay-bagay
C. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao
D. Kasanayan sa ideya at solusyon

10. Anong uri ng Hilig o Interes ang taglay ng tao na may malawak na kaisipan, malaya at malikhain at may
mataas na imahinasyon?
A. Artistic B. Investigative C. Realistic D. Social
Inihanda ni:

7 JASMIN M. RAMIREZ
Guro

You might also like