Grade 6 Exit Assessment Tanong Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Region XII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF COTABATO
Amas, Kidapawan City
PAGTATASA SA FILIPINO 6
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong o pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Piliin sa mga salita sa pangungusap ang panghalip na pananong, “ _________


wala ka nang ginawa kung hindi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

A. Ano
B. Bakit
C. Paano
D. Sino

2. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon, _____ ay


maghahanap ng pagkain.” Anong panghalip ang gagamitin sa pangungusap?

A. ako
B. dito
C. paano
D. sino

3. Maraming nagagalit sa kapitbahay naming may makakating dila.

A. daldalera
B. nakagat ang dila
C. may sugat ang dila
D. may singaw ang dila

4. Kasagsagan ng COVID-19 Pandemic, namalengke ka at nakalimutan mong


magsuot ng facemask at face shield. Ano ang magiging hinuna sa pangyayari?
A. Magkakasakit ka nang dengue.
B. Maaring magkasakit ng COVID 19.
C. Marami ang mabibili mong pagkain.
B. Makausap mo ang iyong mga kaibigan.

5. Nabasag mo ang salamin ng mesa ng iyong guro dahil sa kakulitan. Tinanong


kayo ng guro kung sino ang may kasalanan. Anong isasagot mo?

A. Nahulog po niya Ma’am.


B. Hindi po namin nakitang nahulog Ma’am.
C. Nahulog po ito dahil sa malakas na hangin.
D. Ako po Ma’am ang nakabasag, pasensiya na po.

6. Eksayted na si Joy sa pagdating ni Mang Cardo galing Korea. “______ oras


makaabot si itay?” tanong niya. Anong panghalip na pananong ang gagamitin sa
pangungusap?

A. Kailan
B. Paano
C. Ano
D. Saan
Para sa bilang 7-8. Piliin ang angkop na pamagat sa mga sumusunod na talata.

7. Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV-B ang Puerto Galera na matatagpuan


sa Oriental Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng
Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin sa mga karagatang ito.
Gayundin, napakaganda ng mga corals at iba pang lamangdagat na makikita sa
kailaliman ng mga katubigan.

A. Ang mga Isda sa Puerto Galera


B. Malinis na Tubig sa Puerta Galera
C. Likas na Ganda ng Puerto Galera
D. Buhanging Mapuputi sa Puerta Galera

8. Ang Corona Virus ay isang uri ng virus na nagdudulot ng lagnat at ilang kasong
nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga. Madalas na sintomas ng mga
viral infections na ganito ang pagkakaroon ng lagnat, pagkakasakit ng katawan, sore
throat, malalang pagsipon at pag-ubo na nakamamatay.
A. Sakit na Nakamamatay
B. Corona Virus: Nakamamatay
C. Mga sintomas ng Corona Virus
D. Ang Lagnat at Pagsakit ng Katawan

Para sa bilang 9-10. Piliin ang tamang opinyon o reaksyon sa nabasang isyu at usapan.

Si Ana ay naatasang maging lider ng kanilang grupo sa gawaing proyekto sa


Filipino 6. Bago nila sinimulan ang paggawa ng proyekto ay nagkaroon muna sila
ng pagpupulong. Ang bawat miyembro ay nagbigay ng kanilang ideya at nagkaisa
maliban kay Juan. Hindi nagustuhan ni Juan ang napagkasunduang plano ng
kaniyang grupo, dahil sa tingin niya ay mas maganda ang kaniyang naisip na ideya.

9. . Kung ikaw si Ana, bilang isang lider, ano ang iyong gagawing solusyon sa
problema?
A. Hayaan na lamang si Juan mag-isa.
B. Hindi na isasali si Juan sa grupo ni Ana.
C. Ililipat na lamang si Juan sa ibang grupo.
D. Ipaliwanag ang ideyang napagkasunduan.
10. Ano ang gagawin ni Juan para maging matagumpay ang proyekto ng grupo?
A. Aalis na lamang si Juan sa grupo ni Ana.
B. Gagawa si Juan ng kaniyang sariling proyekto.
C. Sumunod sa grupo ngunit labag sa kalooban.
D. Sundin ang napagkasunduan ng nakararami.
11. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang may pang-uri na tambalan?
A. Maraming pananim ang nasira.
B. Marami sa mga kababayan natin ang apektado.
C. Isang malakas na bagyo ang tumama sa Luzon.
D. Pantay-balikat ang naranasan nilang pagbaha.
12. Papalapit na ang taonang pagbubukas ng klase. Abalang- abala ang lahat sa
paglilinis at pagkukumpuni ng mga sirang upuan at mesa. Anong pangyayari sa
paaralan ang maaaring maiuugnay dito?
A. Buwan ng Wika
B. Brigada Eskuwela
C. Unang araw ng pasukan
D. Anibersaryo ng paaralan
Para sa bilang 13-14. Ibigay ang pinakaangkop na posibleng magiging pagbabago sa
iyong dating kaalaman kaugnay sa sumusunod na sitwasyon.
13. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang
maging malinis ang kapaligiran at makalikom ng pondo.

A. Mawawala na ang basura sa paaralan.


B. Hindi problema ng paaralan ang basura.
C. Dapat laging may proyekto ang paaralan.
D. Nalutas na ang suliranin sa basura maari pang kumita.

14. Maagang nagising si Lester. Masaya siya para sa unang araw ng pasukan.
Sabik na sabik niyang makitang muli ang kanyang mga kaklase. Tinawag sila
isa-isa upang magpakilala. Hindi makapagsalita si Lester.

A. Masaya ang unang araw ng pasukan.


B. Laging nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
C. Masaya akong nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
D. Hindi niya maiwasang kabahan at mahiya sa unang araw ng pasukan.

Basahin ang kuwento at piliin ang titik ng tamang sagot.

Ang Magkakaibigan
ni: Ma. Teresa G.Mateo
Masayang naglalakad pauwi mula sa paaralan ang magkakaibigan. Sila ay
nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Habang nasa daan may napansin silang aso na
nakatingin sa kanila. Napahinto si Xian, nanginginig siya sa takot samantalang ang
kaniyang mga kaibigan ay mabilis na nagsipagtakbuhan. “Aray!”, “Anong nangyari sa
iyo Loyd?, nakagat ka ba ng aso?” May pag-alalang tanong ni Vince. “Hindi!”, umiiyak
na sagot ni Loyd. “Nadapa at nasugatan ako. Kung hindi ako tumakbo, hindi sana
nangyari ito”, pagsisisi ni Loyd.
“Huwag kang umiyak Loyd, kaya mo iyan, maliit na sugat lang iyan”, pinalakas
nito ang loob ng kaibigan. Tinulungan nila ito at sinamahan pauwi.
“Inay narito na po ako.” “Naku! Ano ang nangyari sa iyo anak?”, nabigla ang ina sa
nakitang dugo sa tuhod nito. Alalang-alala ang nanay ni Loyd sa nangyari. Ginamot
ang anak at pinagsabihang huwag na muling tumakbo para hindi mapahamak.

15. Ano ang naramdaman ni Loyd ayon sa kuwentong binasa?

A. Nasaktan siya.
B. Naaliw siya sa pagtakbo.
C. Masaya si Loyd sa pangyayari.
D. Napabuntong-hininga siya sa pangyayari.

Basahin at ibigay ang paksa ng talata. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Sa aking murang gulang, namulat ako sa kahalagahan ng pamilya. Ang


mga magulang ang naging gabay at sandalan ko sa aking paglaki at
pagkakaroon ng sariling pagpapasiya. Marami silang payo at magagandang aral
na ibinibigay sa araw-araw na pakikisalamuha ko sa maraming tao.
Hindi pera o yaman ang batayan o sukatan ng pagiging mabuting tao, ito
ang isa sa magagandang aral na ikinintal nila sa aking isipan.
16. Ibigay ang paksa ng talata.
A. Pera ang pinakamahalagang yaman ng isang tao.
B. Ang kahalagahan ng pamilya ay dapat ituro habang sila ay bata pa.
C. Ang mga magulang ay maraming itinurong mga payo at magandang asal sa
kanilang mga anak.
D. Ang pagsunod sa gabay at magagandang aral ng mga magulang ay
mahalaga sa pag-unlad ng buhay.

17. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng pandiwang nasa aspektong


nagaganap?

A. Manonood ng sine sina Ana at Jocelyn sa Linggo.


B. Pupunta sa palengke si Maria upang bumili ng isda.
C. Masayang naglaro ang magkaibigan kanina sa parke.
D. Nagwawalis ng kanilang bakuran tuwing umaga si Jenny.
18. Alin dito sa mga pangungusap ang Pokus sa Tagaganap?
A. Inuwi ang pagkaing natira.
B. Nabusog kami sa dami ng pagkain.
C. Ang masarap na pagkain ay niluto ni nanay.
D. Ipagluto kami ni nanay ng masarap na pagkain.
19. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang pang-abay na pamaraan?
A. Maligo sa ilog ang mga bata.
B. Pabulong na nagdarasal si Miguel.
C. Maaga siyang pumasok sa paaralan.
D. Nagsimba kahapon ang pamilya nina Sheena.

20. Masayang-masaya ang mga bata dahil naghanda si nanay ng ___________ na


pagkain. Aling pang-uri ang angkop gagamitin?
A. katiting
B. masarap
C. kakaunti
D. mabango

Para sa bilang 21-22. Basahin ang talata at ibigay ang angkop na pamagat nito.

Munting bata pa lamang si Arnold ay nangarap na siyang makarating sa


Maynila. Kaya nang isama siya ng kaniyang Lolo Isko sa pagpunta sa
Maynila ay natupad ang isang bahagi ng munting pangarap ni Arnold.

21. Ano ang angkop na pamagat ng talata?

A. Ang Pagbakasyon sa Maynila


B. Ang Pangarap na Manirahan sa Maynila
C. Ang Pangarap na Makarating sa Maynila
D. Ang Pagpunta ni Ramon sa Maynila Upang Doon Manirahan
Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang anyo ng lupa. Matatagpuan dito
ang maraming kapatagan, talampas, burol, lambak at kabundukan ng
bansa.

22. Ano ang pamagat ng talata?

A. Ang Maraming Kapatagan ng Bansa


B. Ang Iba’t ibang Anyong Lupa ng Pilipinas
C. Ang Kabundukan na may Makapal na Gubat
D. Matatagpuan sa Pilipinas ang Iba’t ibang Anyo ng Lupa
23. Naiwan sa bahay si Lumen kasama ang kanyang mga kapatid. Gutom na ang mga
ito, ngunit mayroon pa siyang tatapusin na gawain. Inutusan niya si Michael na
magluto ng kanin. Paano niya ito bibigyan ng panuto?

A. Ilagay sa kalan ang kaldero.


B. Hugasan ang kaldero at ilagay sa kalan.
C. Lagyan ng bigas ang kaldero at ilagay sa kalan.
D. Hugasan ang kaldero, lagyan ng bigas at tubig at ilagay sa kalan.
24. ________ ang kaso ng COVID-19 kapag hindi tayo susunod sa health protocols.
Ang pariralang pang-abay na bubuo sa pangungusap ay____.

A. Patuloy sa pagtaas
B. Mapanatili ang bilang
C. Mabilis ang pagbaba
D. Patuloy na mawawala
25. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may angkop na pariralang pang-
abay?
A.Malambing na bata si Nico.
B. Matiyaga siyang hinintay ng mga ito.
C. Magalang ang mga anak ni Aling Ana.
D. Masayang dumating ang kanilang mga magulang.
26. ____________ sumaklolo ang mga bombero sa nasusunog na palengke. Ano
ang angkop na salita na bubuo sa pangungusap?

A. Maayos
B. Mabilis
C. Magulo
D. Marami
27. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang gumagamit ng pang-uri sa
paglalarawan?
A. Masisipag ang kabataan sa aming bayan.
B. Maliksing kinuha ng bata ang kaniyang laruan.
C Agad sinabuyan ng tubig ang nagliliyab na apoy.
D. Maagap na nasalo ng ama ang batang nahuhulog.
28. Ang sumusunod na mga pangungusap ay gumagamit ng pang-abay sa
paglalarawan, MALIBAN sa_____.

A. Masiglang sinalubong ni Bantay ang kaniyang amo.


B. Tahimik na nakikinig sa radyo si Tina habang kumakain.
C. Maginhawa at mapayapa ang buhay nina ate sa probinsiya.
D. Maingat na pinapainom ng gatas ni Peping ang kanyang anak.
Para sa bilang 29-30. Piliin ang titik ng magagalang na pananalita na naaayon sa
sitwasyon.
29. Si Norma ay inutusan ng ina na bumili ng suka. Dali-dali siyang tumakbo
papunta sa tindahan. Sa kaniyang pagmamadali ay nadapa siya. Nakita siya ng
kaniyang kuya at tinulungan siya nitong tumayo. Ano ang sasabihin ni Norma sa
kaniyang kuya?
A. Maraming salamat kuya sa iyong pagtulong.
B. Hindi kailangan ang tulong mo kuya, kaya ko po ito.
C. Pasintabi po kuya, hindi ako natutuwa sa tulong mo.
D. Walang anoman po kuya, nagagalak akong tulungan ka.
30. Sa iyong paglalakad, nakita mo ang isang nanay na karga-karga ang maliit
niyang anak. Umiiyak ang bata dahil siya ay nagugutom at nauuhaw. Binigyan mo
ito ng pagkain at tubig. Nagpasalamat ang ina sa iyong ginawa. Paano mo ito
sasagutin?
A. Hoy! Maraming salamat Ale.
B. Sa susunod huwag ka nang magdala ng bata.
C. Walang anoman po, alagaan mong mabuti ang iyong anak.
D. Magbaon ka ng sarili mong pagkain at tubig.
31. Alin sa sumusunod ang gumagamit ng hugnayang pangungusap?

A. Nagtungo sa kusina si inay at nagluto.


B. Malaki ang epekto ng COVID-19 sa ating bansa.
C. Nag-aral nang mabuti si Nicole upang siya ay umasenso.
D. Sinasagutan ko ang modyul habang natutulog ang aking kapatid.
32. Ang sumusunod ay mga pahayag na gumagamit ng tambalang pangungusap
MALIBAN sa:
A. Ang bansa ay uunlad kung magsisikap tayo.
B. Naglalaba si nanay habang si kuya ay nagluluto.
C. Naalala natin ang mga bayani ngunit wala naman tayong nagawa para sa
kanila.
D. Si Andres Bonifacio ay Ama ng Katipunan at si Apolinario Mabini naman
ang Utak ng Katipunan.
33. Nawala ang selpon ni Mario sa loob ng silid aklatan, ano ang angkop na
sasabihin sa katiwala ng aklatan para mahanap ang nawawalang selpon?

A. Nawawala ang selpon ko.


B. Hanapin mo ang selpon ko.
C. Naku! Nawawala ang aking selpon.
D. Nakita po ba ninyo ang aking nawawalang selpon?
34. Nakalimutan mo ang iyong bag sa loob ng sasakyan. Ano ang sasabihin mo sa
iyong kapatid na nasa sasakyan?
A. Saan ang bag ko?
B. Naiwan ang bag ko!
C. Pakikuha nga ng bag ko.
D. Naiwan yata ang bag ko diyan!

35. Nais mong sabihin kay Ana ang magandang katangian ni Carla na inyong kaibigan
sa di-karaniwang ayos. Paano mo ito sasabihin?
A. Napakaganda at napakabait ni Ana.
B. Napakaganda at napakabait ni Carla.
C. Si Ana ay napakaganda at napakabait.
D. Si Carla ay napakaganda at napakabait.
Para sa bilang 36-37. Piliin ang tamang opinyon o reaksiyon sa nabasang isyu at
usapan.

36. Pagtigil ng mga mag-aaral sa pag-aaral dahil sa pandemya.

A. Sa palagay ko nasa amin na kung ituloy namin ang aming pag-aaral.


B. Nasa magulang namin kung ano ang plano nila para sa ikabubuti namin.
C. Sa tingin ko dapat huminto sa pag-aaral upang makatulong sa magulang.
D. Hindi dapat huminto sa pag-aaral dahil maraming paraan upang ituloy ang
edukasyon.

37. Dahil sa kalalaro ng mobile games marami sa mga estudyante ang huminto sa
kanilang pag-aaral. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong reaksiyon?

A. Wala silang interes sa kanilang pag-aaral.


B. Hindi nila iniisip ang paghihirap ng kanilang mga magulang.
C. Sa tingin ko hayaan na lang sila dahil iyon ang kanilang kagustuhan.
D. Sa palagay ko nakikiuso ang kabataan sa paglalaro ng mobile games.

38. Anong bahagi ng pahayagan ang nagbibigay impormasyon hinggil sa bagong


pelikula?
A. Panlibangan
B. Balitang Lokal
C. Pangkalakalan
D. Anunsiyong Klasipikado

39. Anong impormasyon ang iyong mahahanap sa balitang pang-isports?

A. Laro sa PBA
B. Kaganapan sa stock market
C. Gabay sa paghahanap ng trabaho
D. Pagtitipon ng mga mahahalagang tao sa lipunan

40. Walang tigil ang pagpuputol ng mga puno kaya natutuyo na ang mga sapa at ilog
at malimit na ang pagbaha. Ang sumusunod ay mga solusyon sa suliranin,
MALIBAN sa:

A. Magtanim ng mga puno at halaman.


B. Iwasang gumamit ng uling sa pagluluto.
C. Bibili ng mga troso para sa mga proyekto.
D. Iwasan at tigilan ang pagpuputol ng mga puno.

You might also like