Pagsusulit 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
SANGAY NG CAPIZ

Pansangay na Panimulang Pagsusulit sa Filipino 4


Taong Panuruan 2021-2022

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang bawat bilang. Piliin ang titik
ng iyong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. “Paano tayo natutulungan ng mga katulong sa pamayanan?” tanong


ni Melissa sa kaniyang kaklase? “Tinutustusan tayo ng mga isda,
kabibe, at hipon ng mga _______,” sagot ni Clara.
A. tindera C. bumbero
B. magsasaka D. mangingisda
2. Alin sa sumusunod ang elemento ng kuwento?
A. tauhan, tagpuan, banghay C. pangyayari, akda, pamagat
B. tauhan, elemento, kuwento D. tagpuan, naganap, kuwento
3. Anong elemento ng kuwento ang tumutukoy sa mga gumaganap sa
kuwento?
A. panimula C. tauhan
B. tagpuan D. wakas
1. Kamila, Jose, Agos, mag-asawang magsasaka
2. Sa isang malawak na lupain. Sa tabing ilog. Sa ilalim ng dagat.
3. Sa katagalan sila’y naging magkaibigan kahit saanman sila magkita.
Patuloy na nilalagay sa puso ni Kambing ang nagawang tulong sa kaniya
ni Kalabaw.
4. Noong unang panahon may isang batang napakabait na lumaki
lamang sa Lolo at Lola. Ang kaniyang pangalan ay si Ronie, anim na
taong gulang.

4. Sa mga pangungusap sa loob ng kahon sa kabilang pahina, alin ang


maituturing na panimula ng kuwento?
A. 1 C. 3
B. 2 D. 4
5. Sina Rita at Abby ay magkasamang nagsimba. Pareho _____ suot
ang bagong damit na bigay ng kanilang nanay. Ano ang angkop na
panghalip na panao sa pangungusap?
A. ako C. silang
B. nilang D. kaming
6. _____ sa mga ito ang nagustuhan mong damit para sa kasal? Anong
panghalip pananong ang nararapat na gamitin sa pagbuo ng
pangungusap?
A. Sino C. Bakit
B. Ilan D. Alin
7. Labis na nagalak ang aking lola sa inihandang sorpresa ng lahat. Ano
ang panghalip panaklaw sa pangungusap?
A. Labis C. nagalak
B. lola D. lahat
8. Si Jose Rizal ay bayaning matapang, magaling at mapagmahal sa
bayan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. matapat C. masinop
B. marunong D. mabait
9. Ang mga nagpositibo sa Covid-19 ay kinakailangang _____. Alin ang
salitang hiram na may wastong baybay?
A. ma-kuwarantin C. ma-kwaranten
B. ma-quaranteni D. ma-quarantine
10. Si Sherly ay magalang na bata. Hindi niya nakalimutang magmano
sa mga nakakatanda. Sumasagot din siya gamit ang po at opo.
A.Marami siyang magiging kaibigan.
B.Bibilhan siya ng bagong celphone.
C.Gagantimpalaan siya sa kanilang lugar.
D.Magiging mabuting halimbawa siya sa ibang bata.
11. Ubod ng tamis ang mangga na binili ni tatay. Anong antas ng pang-
uri ang nasa pangungusap?
A. lantay C. pasukdol
B. pahambing D. wala sa nabanggit
12. Makipot ang mga daanan sa kuweba. Ano ang ibig sabihin ng salitang
may salungguhit sa pangungusap?
A. maganda C. masukal
B. masikip D. malawak

May babalang ipinalabas ang Kagawaran ng Kalusugan tungkol sa


pagtaas ng insidente ng dengue. Sa tulong ng kampanya at programa
magkakaroon ng bayanihan ang mga tao sa kalinisan ng kapaligiran.
Kailangan ding kumain ng masustansiyang pagkain at panalitihing malinis
ang katawan upang maiwasan ang ganitong karamdaman.

13. Ano ang paksa ng tekstong nasa kahon?


A. Iwasan magkaroon ng dengue
B. Panatilihing malinis ang paligid
C. Kumain ng masustansiyang pagkain
D. Ang babala ng Kagawaran ng Kalusugan
14. Ano ang mainam na sanhi ng pangungusap na ito?
Mataas ang nakuhang grado ni Boyet sa kanilang pagsusulit.
A. Nangopya siya sa kaniyang kaklase.
B. Nag-aral siyang mabuti bago pa ang araw ng pagsusulit.
C. Sobrang dali ng pagsusulit na ibinigay sa kanila ng guro.
D. Bago pa ang araw ng pagsusulit ay nakita na nya ito sa
Facebook.
15.Nangangalap ng mga donasyon para sa mga nasalanta ng
bagyo.
A.inyo C. kami
B.iyo D. mo
16. Kahapon ay sila sa dagat.
A. dumaan C. naglakad
B.naligo D. sumayaw

Iba ka sa mga kababata mo Luis! Kung sila ay tutulog-tulog, ikaw ay laging


gising. Nagsusumikap ka palagi, ituloy mo ang pakikibaka.

17. Ano ang pagkakaiba ni Luis sa kaniyang mga kababata?


A. naglalaro siya C. natutulog siya
B. nagsisikap siya D. namamasyal siya
18. Gumuhit ng dalawang maliit na bilog sa loob ng isang malaking
bilog. Sa ibaba ng dalawang maliit na bilog, gumuhit ng hugis bangka.

A. b. B. C. D.

19. Si Ana ay maagang gumising. Ano ang pang-abay sa pangungusap?


A. Ana C. maagang
B. ay D. gumising
20. Piliin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagpapahayag ng
katotohanan.
A. Ang konsensiya ay nakamamatay.
B. Si Marian Rivera ay isang sikat na artista.
C. Para sa mga Pilipino, ang pagwawalis kung gabi ay malas.
D. Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa sa mga
magulang.
21. Aling pahayag ang nagsasaad ng opinyon?
A. Lahat ng tao ay namamatay.
B. Ang Covid-19 ay nakamamatay na sakit.
C. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa
pamayanan.
D. Hindi pinagtibay ng Pangulong Duterte ang face to face na
pagka-klase ngayong Taong Panuruan 2020-2021.
22. Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng pariralang
pang-abay at pandiwa?
A. Masayang naglalaro ang mga bata.
B. Sobrang talino ng anak ni Mang Robert.
C. Masyadong mahinhin ang dalagang si Maria.
D. Talagang napakaasim ng manggang hilaw na nabili sa
tindahan.
23. Pinipinturahan na muli ang gusali__ mataas. Anong pang-angkop
ang bubuo sa pangungusap?
A. na C. –g
B. –ng D. wala na nabanggit
24. Natupad niya ang pangako sa ama _____ naging masipag at mabuti
siyang anak. Anong pang-angkop ang nawawala sa pangungusap?
A. ngunit C. kaya
B. at D. sapagkat
25. Makakatanggap siya ng pabuya _____ naibalik niya ang hinahanap
ko.
A. o C. kapag
B. dahil D. samantala

26. Sina Aiza at Che ay magkaibigang tunay. Mula pagkabata,


magakasama na sila kahit saanman pumunta. Maging sa kasiyahan at
kalungkutan ay lagi silang nagdadamayan. Anumang problema ang
dumating sa kanilang pagkakaibigan ay nilulutas nila itong magkasama.
Ano ang angkop na pamagat ng talata?
A. Mula pagkabata C. Sina Aiza at Che
B. Laging nagdadamayan D. Magkaibigang Tunay
27. Si Jose ay napatingin sa ilawang langis. Ano ang simuno sa
pangungusap?
A. napatingin C. ilawang langis
B. Si Jose D. langis
28. Sina Manuel at Mia ay nagdiriwang ng kanilang ikalawang
anibersaryo bilang mag-asawa. Ano ang panaguri sa pangungusap?
A. anibersaryo
B. mag-asawa
C. Sina Manuel at Mia
D. nagdiriwang ng kanilang ikalawang anibersaryo
29. Ano ang nagbunsod sa iyo upang makapagtapos ng pag-aaral? Ano
ang ibig sabihin ng nagbunsod?
A. nagpilit C. nakapaniwala
B. nagtulak D. nakibaka
30. Nagmamadali sa paglalakad ang guro mo sa ikaapat na baitang na
si G. Delfin. Masasalubong mo siya. Ano ang sasabihin mo?
A. G. Delfin, umagang kay kay ganda!
B. Kamusta ka Delfin? Saan ang punta mo?
C. Magandang araw po G. Delfin! Saan po kayo pupunta?
D. Bakit ka nagmamadali G. Delfin? Sino ang hinahabol mo?

You might also like